Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mahinahon" poems
Tinalikdan ng araw ang langit Hinayaang lamunin ng dagat ang hari Mahinahon ang karagatan Tila nagdurugo ang tubig Hinabol ang hangganan ng nakikita Doon nasilayan ang mukha ng asawa Papalapit ngunit hindi naman niya kayang masungkit Mga mata'y ipinikit Sinariwa ang halimuyak ng kanyang mga halik Labis na nasasabik Gustong balikan ang mga sandali Pagbukas ng mga mata, Kadiliman ang naghasik ng labis na pangungulila't hinagpis -Tula IX, Margaret Austin Go
0
Nov 22, 2014
Nov 22, 2014 at 2:16 AM UTC
Tula IX
Sa ilalim ng buwan nakatitig sa kawalan Kasabay ng huni ng kuliglig sa kapaligiran Iniisip ang pangarap at kapalaran At ang bansang maparoroonan Bakas ng yapak saan paroroon? Maihahatid kaya sa tamang Panahon Sa bawat dampi ng along Mahinahon May bakas kayang maiiwan paglisan ng alon?
0
Dec 15, 2018
Dec 15, 2018 at 10:54 AM UTC
"Full MooN"
Pumasok sa bulwagan, mga tao'y nagtipon. Ang pagbukas ng kurtina ang siyang sa'kin sumalubong. Mayroong isang dula, napukaw aking atensyon. Nakamumulat ng mata at may malinaw na intensyon. Tanaw ang isang dalaga, pagsalita niya'y mahinahon. Nananawagan sa madla, naghahanap ng tulong. Kumakalam daw ang sikmura, pansin kanyang tensyon. Sigaw lang ng dalaga, "Pagkain para sa nagugutom." Alagad ng batas ang nakakita, dalaga'y sinakay sa apat na gulong. Minaltrato ng sistema, inabuso kanyang dunong. Binaba kaniyang palda, rinig sa dalaga ang pag-ugong. Dinala siya sa korte ang dalaga, makasalanan daw at siya'y nakulong. Hanggang sa kasukdulan, pait ang kanyang dinaranas. Sa kamay ng batas, sa kamay ng nakatataas. Dalagang lumalaban hanggang mawalan na siya ng bukas, Ang pag-gahasa sa bayan, ngalan ng dalaga'y Pilipinas.
0
Apr 25, 2020
Apr 25, 2020 at 3:39 PM UTC
Sa Entablado
'Wag kang mag-alala, 'Pag nilangaw na ang bahagharing tuyot na at wala nang sigla, Lilipad ang mga paru-parong matagal nang nagtago sa aking sikmura, Noong mga panahong pinaghalong saya at kaba pa ang nararamdaman ko 'pag kasama kita... 'Wag kang mag-alala, mamahalin pa rin kita... 'Wag kang mag-alala, 'Pag napagod na ang dagat sa pag-alon at pagsayaw ng mahinahon, Patutulugin siya pansamantala ng mga minahal at pinagkatagu-tago kong mga ibon Na nagkubli sa tinig mo habang inakala kong hindi lilipasin ng panahon... 'Wag kang mag-alala, mamahalin pa rin kita... 'Wag kang mag-alala, 'Pag tinamad nang umawit ang hangin para sa iningatang puso, Bababa ang mga tala na inipon nang matagal at itinago, Upang alisin ang lamig ng gabi na noo'y nasa mga bisig mo at inakalang 'di magbabago... 'Wag kang mag-alala, mamahalin pa rin kita... 'Wag kang mag-alala, 'Pag nakalimutan nang ngumiti ng araw dahil sa inis, Yayakapin siya ng buwan kahit pa ang kapalit ay masunog siya nang labis, Pipigain ang huling patak na luha mula sa mga matang tinirahan na ng hinagpis... 'Wag kang mag-alala, mamahalin pa rin kita kahit sa huling dugong dadaloy sa ugat ng puso kong sirang-sirang na... 'Wag kang mag-alala, mamahalin pa rin kita kahit sa huling hanging aagpas sa aking bibig na pagod nang sumigaw... 'Wag kang mag-alala, mamahalin pa rin kita, Mahal...
0
May 17, 2015
May 17, 2015 at 11:34 PM UTC
'Wag kang mag-alala...
Sensitibo akong tao, kaunting pangungutya, malaki na ang epekto. Nabuhay ako sa paniniwalang lahat ng babae, tumitingin lang sa gwapo. Kasalanan ko bang maging pangit? Siguro hindi, siguro oo. Sabi nila walang pangit. Ugali lang ang pangit sa ibang tao. Nakasanayan ko nalang na walang naririnig, kahit lantaran akong laitin. Ininda lahat ng pananakit, maswerte nalang kung minsa'y daplisin. Hindi ko kayang lumaban, patay malisya lang ang damdamin. Ayoko ng gulo, ni isang salita wala akong binanggit kahit aking isipin. Aking babaguhin, karamihan sa kababaihan ay tumitingin sa gwapo. "Ano bang meron sa mga gwapo?" Pare-pareho lang naman kaming tao. Alam kong mahalaga din ang panlabas na kaanyuan pero, Yun ba ang minamahal? Yun nalang ba ang basehan sa mundong ito? Lahat ng 'yan nakaraan nalang sa akin. Magmula nung dumating ka, pinaniwala **** mali ang aking hangarin. Hangarin na tanggapin na walang kaaya-aya sa akin. Kahit anong pilit ko, pilit **** itinatanggi at hindi pinapansin. Hindi ako gwapo. Pero kaya kong harapin ng may magandang kalooban ang magulang mo. Hindi ako mayaman. Pero ipapakita ko sayo na ang kayamanan ay nasa kaya nating ibuo. Hindi ako yung taong magara ang kasuotan kapag haharap sayo. Aanhin ko yun? Kinabukasan natin ang aabangan ko, hindi pagiging maluho. Hindi ako yung lalake na pagkakagastusan ka ng sobra sa tuwing may selebrasyon. Gusto ko kase maramdaman natin. Hindi sa nakikita, kundi mismo sa pagkakataon. Hindi ko kayang lumaban, duwag ako, at nananatiling mahinahon. Pero hindi ko hahayaan na may umapi sayo na kahit sino, makakatikim sakin 'yon. Hindi ako yung tipong kaya kang pakiligin sa mga salita. Madalas kasi wala akong tiwala na kaya ko yun magawa. Panay ang pagkumpara ng itsura ko sa iba. Kahit ganun naman , lahat ng sinabi ko sayo, totoo at may isang salita. Hindi ako gwapo, oo. Hindi ako maporma, oo. Hindi ako astig, oo. Hindi ako yung matitipuhan agad kase, oo, ganito lang ako.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:08 AM UTC
"Ganito lang ako"

Continue reading...
32
Tinik sa dibdib, tali sa puso'y pinaghihigpitan Sa alambreng bakod di na makawala yung pulang tubig lang aagos Napuno ng kabanalan, kasunod ay kasawian Ibuhos ang isang daang karayom sa nakatiwalwal na mga sugat Tusok sa balat ay ang kirot na lalong tumitindi nang walang kapahingahan Mabangis na  mga pangil sa talahiban nakatago Wasiwas ng damo binabantayan Mahinahon na inaabangan Mas masahol pa sa tuklaw ng sundo ni Kamatayan Ang kaantukan ay sumagi sa ulo Pangambang nangangahulugan Habang puyat na bumangon Sa dulo ng dapithapon nagsisi-awitan ang mga ibon ay may bagong silang na paraiso Isama na at huwag pabayaan Lahat ay humayo
0
Dec 4, 2018
Dec 4, 2018 at 7:27 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #7
Mga punong nagtataasan, mga katawang nangingitim. Hibla dati sa kahoy ngayo'y sa bato nagbibitin. Ang tangkad mo ay laging masarap gawing lilim. Mula noon hanggang ngayo'y di ako makapagpasalin, Ng mga kasalanan, kahit na iyon ang iyong kinain. Matagal na ang huling pagsala ko sa kanyang bituin. Baka't hindi ko na ito kailangang damdamin. Dahil tila nagkukulang na ang iyong hangin. Mga dahon **** lapad at kumikinang. Nanalamin sa lahat ng aninong dumadaan. Nagpapabahay parin sa iba't-ibang nilalang. May mararahas. tahimik, at mapaggalang. Parang ang nagbabagong kulay ng mga bunga **** nakahalang. May gamot at may lason, pero mayroong pagkaing pang-ahon. Mayroong pabaon ngunit parang ikaw na ang unti-unting lumalamon. Umuusbong na mga panahon. Nakita na ang bukas ay ang kahapon. Kitang-kita ang daloy ng alon. Nadating ika'y mahinahon. Ngayo'y ika'y tagahamon. Nag-iipon ng lakas at laman. Habang nagtatapon na ng basura't mangmang.
0
Feb 16, 2016
Feb 16, 2016 at 5:24 AM UTC
Ang Gubat - The Forest
Isang katangian na ipinamukha sa akin ng kalungkutan --- Madaya siya. Madaya ang kalungkutan Kaya ka niyang linlangin Minsa’y kawangis niya ang tahimik na kalsada. Bibigyan ka niya ng pagkakataon upang mag-isip. Hahayaan niyang makinig sa’yo ang buwan Subalit hindi ka nito kakausapin; sa halip, mas papangibabawin niya ang iyong pagkalito. Pipigilan niya ang pagkahol ng mga aso; pahihintuin niya ang huni ng mga ibon. Maging ang hangin ay pahihinain nito. Ititikom ng mga nakatambay na pagtatanong ang mga bibig nila. Ngunit, ang akala **** tahimik; Malungkot na pala. Kaya ka niyang linlangin Minsa’y kamukha niya ang payapang tahanan. Na kahit ang bangaya’y mahihiya. Walang mintis ang mga yakap, ang mga tawanan Buo sa numero Hanggang sa dulo’t magmula sa umpisa Walang bahid ng pagkakawatak-watak subalit, dama mo pa rin ang pag-iisa. Dahil ang akala **** mapayapa; Malungkot na pala. Kaya ka niyang linlangin Minsa’y kahawig niya ang mahinahon na ilog. Na tanging lamig lamang ng tubig ang kaya **** kilalanin Bilang sa iyong mga daliri ang mga batong natatangay nito. Kaya niya itong gawing panatag Subalit, hindi ang damdamin mo. Matutuwa pa siya Sa panghihinayang **** makasaksi ng mabilis na pag-agos at pagbabadya. Ang akala **** mahinahon; Malungkot na pala. Oo. Mapagbalatkyo ang kalungkutan Kaya niyang maghain ng maraming pagkakakilanlan. Bahagi ng kanyang iskema ang pagkalito na siyang sa’yo’y mananahan; mahirap siyang maging kalaban. Mahirap siyang maging kalaban. Kaya't siya'y gayahin mo. Linlangin mo rin siya ng kakayahan **** magwangis Ipakita mo na ikaw ang ingay sa tahimik niyang kalsada; Na ikaw ang bangayan sa payapa niyang tahanan; Na ikaw ang rumaragasang tubig sa mahinahon niyang ilog. Bigyan mo rin siya ng maraming mukha na may iisang ulo ng katatagan at paglaban. Pero huwag sa sarili mo Maging tapat ka rito magiging armas mo ang pagbabalatkayo laban sa lungkot; pero huwag sa sarili mo.
0
May 4, 2020
May 4, 2020 at 6:03 AM UTC
Balatkayo

69
Ano bang nais **** mabasa Ano bang nais kong maitala Marahil ito’y tungkol sa mga bulaklak Mahalimuyak, wari pa’y simbolo ng galak Maaari ring tungkol sa mga ulap Tinitingala at hangad ay mayakap O kaya naman ay sa mga paruparo Susundan ng tingin saan man dumapo Ilan lang ‘yan sa mga tuwinang paksa Mga usaping purong halaga ang tinatamasa Kumusta kaya ang mga pangkaraniwan Ang mga patay na dahon sa putikan Bisikleta ng ordinaryong mamamayan Lapis na panulat ng pangalan ng napupusuan Iyong madaling nabubura, hindi nahahalata Kabilang sa mga madalang bigyan ng pansin Mga bagay na sapat na ang isang tingin Kumusta kayo? Kumusta tayo? Siguro’y nangingiti lulan ng duyan Kalmado, mahinahon, malaya Tago sa ingay ng karangyaan Simple, payak... nawa.
0
May 18, 2020
May 18, 2020 at 9:23 AM UTC
Pangkaraniwang Titulo
lumabas, sa aking mahinahon tahimik at ligtas na silid lumabas, para mabuhay nang nasa awa ng mabagsik at mapanganib nilang pagdidikta lumabas, para bigyan ng kahulugan ang bawat galaw, bawat hawak ng kamay, bawat sulyap na kung hindi sang-ayon sa pagagos ng kanilang sari-sariling buhay. isa akong Hudas, humalik sa pisngi ng taong iniligtas ang mga makasalanang katulad ko lumabas, para mabuhay lamang na katulad niyo maligaya, ligtas, mapayapa sa piling niya. sa piling na kasing dalisay ng ginto. kasing dalisay ng puso niyo. kasing dalisay ng pagmamahal sa mga katulad niyo. pilit na sinasarado ang mga mata upang mabigyan hinahon ang isip na sa inyong salita't galaw ako'y nakarehas, inaalipin, pinapanganib sa aking paglabas, ako'y tumalikod, sinarado ang pinto upang lumigaya nang tahimik habang ligtas magpakailanman, sa aking pag-iisa.
0
Dec 25, 2017
Dec 25, 2017 at 9:59 AM UTC
sa aking pag-iisa