Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lilingon" poems
Lilingon-lingon upang makakuha Ng isang sulyap, isang silip Hanggang sa tinalikuran mo na ng Tuluyan Ang kalayaan At hinayaan mo ang sarili mo Na bumalik Sa selda na iyong pinanggalingan, nakasanayan Pero hintay, hinto! Hindi kita papayagan na magkaganito Hayaan mo na yakapin kita ng mahigpit At pawiin ang mga luha sa iyong pisngi Wala akong mga karanasan at payo na pwedeng ibahagi Pero susubukan ko na Baliktarin ang iyong simangot sa isang ngiti Makatulungan sana nang kahit kaunti Sa mga sugat mo na humahapdi Ilagay mo ang iyong mga kamay Sa akin Ikaw ay aking hahawakan, Hinding-hindi ka bibitawan Ikaw ay sasamahan lakarin Ang nakatakdang landas Na kailangan **** tahakin Sa dami ng mga lubak at lindol Siguradong tayo'y madadapa rin Pero huwag mo na 'yun isipin Kasi anumang mangyari Kahit kailan, kahit saan Ikaw ay aking iibigin
0
Dec 12, 2013
Dec 12, 2013 at 7:03 AM UTC
Kaibigan
Alam kong hindi ka na babalik O dili kaya ay lilingon O di kaya sisilip Sa ating kahapon... Alam kong masakit Pareho tayong nasaktan Pero aking naintindihan Kung bakit hanggang dito na lang Bukas, makalawa Maaring ako'y limot na Pero sana alam **** Minahal kang talaga Ayoko ng paalam Ayoko ng luha Ngunit ikaw ngayon nga ay malaya kaya Paalam na sinta
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 3:15 AM UTC
Paalam
Susulat pa ba ako? Naubos na ang laman ng puso Nailahad na ang bawat laman nito Ang sakit, ang kaba, maging ang saya ay naging pinta ng tinta May hahahanapin pa nga ba? Tila yata ang inspirasyon ko ay gasgas na. Wala ng maidulot na saya Ang pagbaybay ng ngalan mo'y pinagsawaan na Pasensya na Ngunit tila naubos na ang lahat ng nadarama ay nabuhos na sa pamamagitan ng tula ang may akda ay naghahanap ng inspirasyon saan pa nga ba lilingon nakakapagod din pala yung ikaw lagi ang inuuna
0
Aug 31, 2017
Aug 31, 2017 at 3:59 AM UTC
Nakakapagod (Tagalog)
Aking kaibigan, ako'y pakinggan, Aking lihim iyo nang malalaman. Ngunit iyong ipangako, walang magbabago, Pagkatapos nito, magkaibigan pa rin tayo. Hindi mo alam, ako'y may tinatago. Hindi mo alam, ikaw ay aking gusto. Hindi mo alam, natutuwa ay ako. Hindi mo alam, may paghanga sa'yo. Hindi mo alam, napapasaya mo ako. Sa simpleng pagbati, sasabihin ay "hello!" Hindi mo alam, sa tuwing lilingon sa'yo, Aking tiyan, ay puno na ng paru-paro. Sa araw-araw na tayo'y magkasama, Ang aking mga ngiti'y hanggang langit pa. Ngunit minsan ikaw ay aking nakita, Hawak-hawak mo pa kamay ng 'yong sinta. Alam ko, tayo ay magkaibigan lang. Ngunit bakit sa dami ng nilalang, Ikaw ang nagpunan sa buhay kong puwang. Sana pag-ibig mo ay akin na lang.
0
Jun 14, 2014
Jun 14, 2014 at 9:35 AM UTC
HINDI MO ALAM
Nakita ko ang sarili kong naglalakad sa pasilyo ng kawalan at makaraa'y sinisid ang karagatan ng katanungan, nasaan ako? hinanap ko ang  kasagutan, mapa o daan sa bawat ingay na binibigkas ng mga tao sa paligid ko. At kahit nasanay na'y natigilan ako, pero kasi hindi pwede 'to. Nabuo ko na naman ang pangalan mo. pasensya na pero sa tuwing ako'y nawawala sa landas o nararamdaman kong lumalayo ako binibigkas ko ito sa pag asang ibabalik ako nito sa kaharian na gawa sa mga ngiti at tawa mo na mag-isa kong binuo o simpleng papunta lang sa tabi mo. Naliligaw ako, hindi ko alam kung saan pupunta o kung may paroroonan man lang ba, pero patuloy akong maglalaboy at tatakbo sa realidad na gusto na kita, tatakbo sa nararamdaman pero lilingon paminsan minsan dahil umaasa ako, kahit walang kasiguraduhan, hinahanap mo rin ako dala ang isang lampara. Umaasa ako na ikaw nga ang mapa, ibubulong ko sa hangin ang mga salita kasabay ng isang malalim na buntunghininga. "Asan ka na?"
0
Jun 3, 2016
Jun 3, 2016 at 2:04 AM UTC
Ligaw
Lilingon sa kanan, lilingon sa kaliwa. Lilingon sa itaas, lilingon sa ibaba. Kahit saan ipako ang aking mga mata, Alaala mo ang tangi kong nakikita. Sa kanan- naroon ang munting librong bigay mo para sa aking kaarawan. Sa kaliwa- may tsokolateng madalas **** ilagay sa sisidlan. Sa itaas- nakasabit ang asul na bag, iniabot mo noong kapaskuhan. Sa ibaba- naroon pa at nakatago mga mensaheng iyong iniwan. Ano ba? Bakit ba? Paano ba? Ano na? Ang daming tanong na wala namang kasagutan. Mananatili na lang ba itong palaisipan? O maglalakas loob akong tanungin ka? Ano nga bang mayroon tayo para sa isa’t-isa? Kasi ako? Nahuhulog na nga yata. Damdamin mo’y hindi ko mawari, Tugon mo sana ay iyo nang masabi. Ang hirap kasing manghula. Nagmumukha akong tanga. Kung sabihin mo na kaya? Ako’t ikaw ba’y may pag-asa? Hindi ka ba napapagod sa pagtakbo sa isip ko? Ang tagal mo na ring nakatambay dito sa aking puso. Ilang taon na ba tayo? Isa? Dalawa? O tatlo? Wala nga palang tayo, ang meron lang ay…ikaw at ako. ☹ Hindi ko alam kung paano tatapusin ang tula. Kasi ang kwento natin ay 'di pa nagsisimula. Palaisipan pa rin ito sa kabilang banda. Bukas-makalawa, ako pa rin ay makata.
0
Jan 28, 2018
Jan 28, 2018 at 5:31 AM UTC
PALAISIPAN
Gusto ko simulan ang tulang ito sa tanong na "kamusta kana?" Kamusta na ang taong minahal ko ng sobra pa sa sobra Naging malungkot kaba nung ako'y nawala? O naging masaya dahil wala na ako sa tabi mo sinta Nagbabaliktanaw ako sa mga ala-ala noon na ating binuo Naging masaya naman tayo Kaya di ko alam anong dahilan mo para mag bago Para masaktan mo ako ng ganito Para iparamdam mo sa'kin na hindi ako kawalan mo Para ipamukha mo sa'kin na wala na talagang TAYO At ngayon napaisip ako kaya ka pala nagbago kasi may bago na palang nagpapatibok ng puso mo Di ko mapigilan hindi magalit Di ko mapigilan na hidi masaktan Di ko mapigilan na lumuha hanggat gabi patungong umaga Di ko mapigilan na tanggapin na ako nalang yung naiwang tanga Tanga na umaasa na magkabalikan pa tayong dalawa Umaasa at nagmamakaawa "Pakiusap mahal, usap tayo. Ayusin natin to" Pero sarili ko lang pala ang niloloko ko Kasi nakikita na kitang palayo at hindi na maaabot Nakikita na kitang naglalakad kasama siya habang puso ko'y kumikirot Kaya sa huling pagkakataon Binalikan ko ang dati nating tagpuan Nagbabasakali na ikaw ay madatnan Pero namulat ako sa realidad na may mga bagay palang di na pwede maging katotohanan Kaya heto nagbaliktanaw nalang ako sa mga magandang ala-ala na akin paring hinahawakan Kasabay ng pag-agos ng alon ay ang pag-agos ng luhang nagasasabing kailangan ko na 'tong bitawan Kaya ngayon tatahak nalang ako ng ibang landas Maglalakad ako, pilitin na ang mga nangyari sa'ting dalawa ay maya-maya ay kukupas Maglalakad ako, habang wala ka na sa tabi ko, yung taong minahal ko ng wagas Maglalakad ako, maglalakad ako Pero  lilingon parin ako at makikita ko ang iyong mga bakas Bakas na patunay na ikaw ay naging totoo At hindi panaginip na nilikha ng imahinasyon ko Na merong ikaw na pansamantalang minahal ako Merong ikaw na minsan ay ginawa kong mundo Merong ikaw na tinanggap ng buong-buo at Merong ako na sinubukang lumaban pero sa huli meron paring ikaw na bumitaw nalang ng bigla-biglaan Hanggang ngayon naglalakad parin ako dala-dala ang katangang "Pinagtagpo pero di tinadhana" Yan nga siguro kasi ang kwento nating dalawa Ang mga landas natin na wari'y nagkita, Ngunit hindi inalaan para magkasama. Maglalakad ako, hanggang sa malimutan na kita mahal ko
0
Sep 5, 2017
Sep 5, 2017 at 3:41 AM UTC
Hindi Tinadhana

Continue reading...
42
Muling hahanapin ang ningning ng bituin At ipapanalangin sa langit Na sana'y may gintong rosas Sa likod ng kulimlim At may katiwasayan sa alapaap Para doon humimpil Ang mga pagod na bagwis, Ang hangarin na pinagbubuntunan ng pag asa Nanaisin na mamahinga sa disyerto Kaysa lumanghap ng samyo Ng mga dawag Sa paraiso sa ibabaw ng lupa Kung may araw na sisikat Sa silangang kong mahal Kapag nang aakit na ang yaong liwanag Tatalikod at magtatago Sapagkat madaling mabulag sa kanyang kasikatan, Mahumaling sa kanyang kariktan Maglulumbay din sa wakas Kung saan ililihim ang kapanglawan At titiisin ang kahapdian Kung mabanayad na ang pakiramdam Ay dadalawin naman ng kahapisan Talastas ng mga mata Ang anyong nakikita Ngunit di matatarok Parang ang kati ng lawang malinaw Susuungin ang daloy ng ilog O magpatangay sa alon Ang buhay na pinag iingat ingatan Ay nililisan ng katatagan Kaya ang bawat pag ngiti May luhang sinusukli Ang kaginhawaan may pawis na pinupuhunan Sinasagap ng paningin At ng nasa ang pagpahinuhod ng Sandali Sa kapalaran na pinaglilikatan ng mabuting halimuyak Maglalakad na tangan ang lumbay Tungo sa lugar na pinagmulan Sa alabok babalik Ang hiningahang buhay Di na lilingon at mag alalala Sana'y di na mabubuwal sa pag alis Sa maluwalhating pagsalubong ng hangin Mananahan sa likod ng mga ulap
0
Aug 17, 2019
Aug 17, 2019 at 7:29 PM UTC
Sa Likod ng mga Ulap
lakad takbo walang siguradong direkyon basta yun lang ang ginagawa ko may pagkakataon din nagtatanong kung may papatungohan ba 'to hila dito hila doon saan ba dapat lilingon? aatras ba o aabante ang gulo ng utak ko ano ba ang mas importante? sarili mo o yung mga tao sa paligid mo? ano ang pakikinggan mo? utak ba o ang puso? hirap pumili kasi hindi ka sigurado ipanalangin mo pag ika'y nagdadalawang isip anong ginagawa ng pananampalataya mo? nalilinlang ka na ng mundo sinusunod mo na lahat ng luho mo patawarin mo ako tao lang ako
0
Jul 18, 2019
Jul 18, 2019 at 12:03 PM UTC
Alinlangan
Itong tulang ito ay para sa mga taong hanggang sulyap lang sa kanilang mahal Na kay raming gustong sabihin Ngunit di masabi sabi Pagkat hanggang sulyap nga lang sila Isa, dalawa, tatlo Ikaw Oo ikaw nga Ohp ohp oho Wag ka ng lumingon pa at wag ka na sanang lilingon pa Hayaan mo akong sambitin ang bilis ng pagkakahulog ko sayo Yung tipong Parang kahapon magkashare lang tayo ng libro Tapos ngayon mahal na pala kita Lungkot sa aking mga puso Sana'y matapos na At iyo na sanang marinig sigaw ng aking puso Para sa ganun ako ng iyong pansinin Pagkat ngayon hanggang sulyap lang ako sayo Sulyap lang ayos na Kasi ang masilayan ka sa araw araw Buong maghapon ko ay kumpleto na Pasalamat ako sa Maykapal Hayaan mo sana akong banggitin ang bawat letra na aking dinugtungan upang makabuo ng mensahe Mensaheng aking ginawang tula Tulang aking inaalay para sayo Tulang aking pinamagatang ABAKADAE IKAW Simulan ko na ba? A- ako nga pala ang matagal ng may gusto sayo at pinapangarap sa sana'y BA- balang araw ika'y makapiling KA- kaso mukhang wala yatang pag asa DA- dahil may mahal ka ng iba at kahit nagmumukha na akong tanga E- ewan ko ba at hanggang ngayo'y mahal pa rin kita GA- ganito sana tayo ngayon kaso HA- hanggang dito lang pala ako pero kahit ganon I- iibigin kita hanggang sa huli LA- lalambingin ka hanggang sa pati lang langaw, tutubi, aso, pusa, at iba pang hayop ay dumikit na sa sobrang tamis ko MA- mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga dahil ako'y NA- nangangakong andito lang ako lagi para sayo at sa NGA- ngalan man ng lahat ng santo ako'y mananalangin na ang O- oo mo'y akin ng makamtan PA- para magkaroon na ng tayo at matapos na ang ikaw at ako lang RA- ramdam mo sana ang lahat ng aking sinasabi SA- sa hilaga man o sa timog o sa silangan o sa kanluran man TA- tapat at totoo ang aking pagmamahal sayo U- umuwi man ako ng luhuan ngayon WA- wala akong pake at wala akong ibang gugustuhin kundi ang YA- yakap **** mainit saakin ay sumalubong Sa dami ng aking sinabi baka di mo matandaan lahat ng yun Ngunit sana iyo man lang naintindihan Gayunpaman itong aking huling sasabihin Sana'y iyong itaga sa puso at isip mo o maging sa bato man Na ito! Itong lalaking nasa iyong harapan Umulan man o umaraw Kumulog at kumidlat man Daanan man ako ng matinding unos Isa lang ang sinisigaw ng puso ko Yun ay "IKAW"
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 11:44 AM UTC
ABAKADAE IKAW

58
Mahal ko'y ubod ng ganda Dikit na nakakagiliw sinuman makakita At nang minsan lumapit at nagpakilala Sinunggaban ako't niyakap niya Kulang lang kami'y maghalikan Sa aming mahabang pagtitinginan Dubdob na kay laki ng silakbo ng pag-iibig Ngunit nang makadaan Sa isang maliit na pamilihan Nakita ko na may ibang kalampungan Nanibugho ako nang umuulan Sa pag uwi ng bahay Dahan dahan na humimlay Sa higaang yari sa kawayan At tirahan na parang sa ihip ng hangin ay matatangay May saysay pa ba ang pagluha? Kahit wala man, patunay pa rin na ako'y umiibig na Totoo man ang nararamdaman Ano ang aking maipagmamayabang Talagang daig nga ng mayaman ang mahirap Sa isip, salita at sa gawa O sadyang may katumbas na ang bawat bagay Para ang pagmamahal din ay mabili't maagaw Iisipin ko na lang na  ito'y para rin sa kapakanan niya Di na lilingon o magkikita Sana'y balang araw malaman niya Na ako'y di hamak na isang tao Kapag umiibig na
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 1:56 AM UTC
Hirap sa Pag-ibig
Hindi ko mahanap ang tamang mga salita upang maipahayag sa iyo ang nais kong sabihin. Ngunit tila panahon na upang ilabas ko ang lahat ng hinanakit, ang mga pasakit na dinanas ko habang nasa piling mo. Noong mga panahong akin ka pa, noong mga araw na magkasama pa tayo, at noong mga sandaling may “tayo” pang umiiral. Hindi ko inasahang magbabago ka, na magsasawa ka, na iiwan mo ako, at ipagpapalit sa kanya. Pero ang hindi ko maunawaan, bakit mo nasabing ayaw mo na? Pagod ka lang ba talaga, o napagod ka na sa atin, sa sitwasyon, sa pagtatago, sa mga muntikan na tayong mabuking, o sa mga araw na may nakakita sa atin? Sino ba talaga ang nagbago— ako, ikaw, o baka tayo pareho? Bakit tila nawalan ka na ng gana? Ang mga salita mo’y naging malamig, ang mga yakap mo’y unti-unting naglaho, at ang dati **** liwanag sa mga mata’y nawala. Sa gitna ng lahat ng ito, ako’y patuloy na lumalaban, habang ikaw, unti-unting bumitaw. Paano mo nagawang balewalain ang lahat ng pinagsamahan natin? Paano mo natapos ang ugnayang binuo natin nang magkasama? Ngayon, nauunawaan ko na kung bakit mo ako iniwan: nakuha mo na ang gusto mo— sirain ako, iwan ako, pagkatapos mo akong pakinabangan. Noong araw na hinatid mo ako hanggang sa dulo ng kalsada, lumingon ako, nagbabakasakaling lilingon ka rin, tatakbo papunta sa akin, yayakapin ako, susuyuin ako na huwag kang iwan. Pero hindi na pala. Pinili **** lumayo, at sa wakas, pinili ko ring huwag nang bumalik pa. Nararamdaman ko na lang ang mga hawak mo— tila paalam na, ang mga yakap **** nanlalamig, ang mga titig **** umiiwas, hanggang sa tuluyan kang nawala. Ang mga pangako mong “mahal kita,” “ikaw lang,” at “hindi kita iiwan”— lahat pala’y kasinungalingan. Noong akin ka pa, pinanghawakan ko ang mga salitang iyon, pero ngayon, ang “ikaw at ako” ay naging bulong na lamang sa hangin, tinatangay ng nakaraan. Kung iisa tayo, bakit mo nagawang pagkaisahan ang damdamin ko? Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? At bakit mo ako iniwang ganito? Oo, bigla kang nawala, at nagmukha akong tanga kakahanap sa iyo. Hanggang sa makita kita, nasa piling na pala ng iba. Sobrang saya mo sa kanya, ibang-iba sa tuwing ikaw ay kasama ko noon. Pinilit kong lumayo, kahit alam kong mahirap. Pinalaya kita, kahit hindi ko kaya. Ginawa ko ito para sa kapayapaan nating dalawa. Hindi na kita hahabulin. Tanggap ko na— matagal na tayong wala. Ibabaon ko sa limot ang lahat ng sakit, ang lahat ng alaala, at ang lahat ng naging tayo. Paalam, nagmamahal pa rin, Mahal.
0
Sep 16, 2020
Sep 16, 2020 at 9:27 AM UTC
Nagmamahal, Mahal.

106
mabuti pa rin ang bawat umaga sapagkat naroro'n ka sumusulyap kung manunuya ang kadiliman ng langit ngunit salamat sa liwanag batid **** sa pag-ibig ko sa bayan ay palaging kasunod ka ang mapagpalaya **** tinig sa gitna ng mga sigaw taas kamaong kumakapit sa apoy ng rebolusyon naririto pa rin ako lumiko man ang daan mananatili sa pagkaway ng bukang liwayway at kung sa panahong hindi ko na makapa ang taling nag-uugpong sa ating dalawa lumingon ka lamang pabalik sa sining at pluma tambisan mo ng liyab ang mga salitang magmamarka saliwan mo ng musika ang dalit ng maralita lilingon muli ako aking sinta, at doon ay makikilala kita.
0
Jul 1, 2018
Jul 1, 2018 at 6:01 AM UTC
ang babaeng militante
Mga hampas ng alon Sa naglalarong mga pagkakataon Iniunat ang kamay ng panahon Ako ay lulusong Dala ang mga alaala **** Naibulsa ko hanggang dapit hapon Naisama sa mga baryang wala ng halaga sa ngayon Hindi na mabibili ang kahapon At walang biyahe pabalik sa nakaraan Haplos ng tubig sa mga ligaw na paa Hindi batid ng dagat ang bigat ng kahapon Mga binitawang salita Ay tuluyan ko ng itatapon At sa aking pag ahon Hindi na muling lilingon
0
Jun 19, 2019
Jun 19, 2019 at 2:09 AM UTC
Tuldok
nagkaro'n ng kahulugan ang pananatili para sa mga pinagkaitan ng liwanag hindi ba maaaring kanlungin mo ang lahat? o manganak nang manganak mula sa sugat? gano'n ba kadaling hukayin ang pangarap at kuning muli at alisan ng tatak? paano lilingon nang walang luhang papatak? hindi lamang pagtalikod ang pamamaalam o pagpahid ng mansanilya sa pusong nilamutak at sinasagasaan pasasaan ay lilisan, ngunit bakit hinayaan **** mangyari nang mabilisan? walang daan, walang paraan, kung paano ngingiti ang isang kaibigan.
0
Mar 17, 2018
Mar 17, 2018 at 11:32 PM UTC
Dating Isko
Nung pagbukas ko ng pinto Palayo ka nang palayo Mahal,san ka ba patungo? Kay bilis naman ng mga hakbang mo. Sinta, nung palayo ka na Sinubukan kong tawagin ka Nagbabasakaling lilingon ka pa At ayun! Lumingon ka nga! Pero..hindi sa akin kundi sa kanya. Pumikit ako Baka panaginip lang ‘to. Kaya bumilang ako hanggang tatlo Sa muling pagdilat, tuluyan ka nang naglaho.
0
Jun 22, 2018
Jun 22, 2018 at 7:53 AM UTC
Hakbang Palayo