Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
M e l l o Jul 2019
lakad takbo
walang siguradong
direkyon basta yun
lang ang ginagawa ko
may pagkakataon din
nagtatanong kung
may papatungohan ba 'to
hila dito hila doon
saan ba dapat
lilingon?
aatras ba o aabante
ang gulo ng utak ko
ano ba ang mas importante?
sarili mo o yung mga tao
sa paligid mo?
ano ang pakikinggan mo?
utak ba o ang puso?
hirap pumili
kasi hindi ka sigurado
ipanalangin mo pag ika'y nagdadalawang isip
anong ginagawa ng pananampalataya mo?
nalilinlang ka na ng mundo
sinusunod mo na lahat ng luho mo
patawarin mo ako
tao lang ako
Poem of the day for July 18.
HYA Oct 2017
[Spoken Word Poetry]

Hindi maipagkakaila ang aking mga tingin kapag ikaw ay nariyan. Kahit ang mga mata ay nakatutok sa harapan, mas lumalawak pa rin ang tingin kapag ikaw ay nasa kiliran. Nakababaliw.

Ibig kong lumayo subalit habang pinipilit, mas napapalapit lalo. Gusto kong kumawala ka sa aking isipan at nang sanggayon ay hindi na kita maisip. Subalit, mali. Nang sinubukan ko ay hindi ka na muling bumalik sa tahimik na espasyo at lumaganap pa sa aking buong pagkatao. Kaya ayoko.

Hindi ko gusto ang katotohanang nakukulangan ng kulay ang bahag-haring masaya kapag hindi ka nakikita. Gusto kong makita ka pero ayaw kitang makita. Ayokong malunod sa karagatan ng walang kasiguraduhan at huminga na lamang kapag hindi ko na kilala ang sarili. Lalong-lalong ayokong makalimutan ang sarili dahil baka makalimutan din kita.

Ayokong makalimutan ka. Ayokong makita ka. Kaya ngayon, huwag kang manatili sa iyong kinaroroonan. Lumayo ka, parang awa. Ayokong hindi ka makita.
Nakakabaliw din minsan.

— The End —