Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kumanta" poems
AKO’Y NAKA TINGIN SA LANGIT SA ITAAS NG BUBONG NAMING PAGKANIPIS NIPIS. TINATANAW KO ANG MGA PUTING HUGIS BULAK NA PAPALAPIT SA ISA’T ISA AT SAKA DUMIDIKIT. KAPAREHO NG MIGHTY BOND NA DINIKIT KO SA SIRA SIRA KONG SAPATOS, KAPAREHO NG KULANGOT NA PINAHID KO SA PADER NG ROOM NAMIN. KASING LAGKIT NG TINGIN MO SA TAONG WALA NAMAN GUSTO SAYO. PARA KA TALAGANG ULAP, KASING GANDA MO ANG ULAP. NAKAKA SILAW SA SOBRANG GANDA. MASAKIT PERO MASAYA. MARAMING TAO ANG DINADAAN KA LANG, YUNG IBA TUMITINGIN AT SABAY AALIS. PERO AKO ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG, KAHIT TIRIK NA TIRIK ANG ARAW. KAHIT MATUYUAN AKO NG PAWIS, KAHIT MABASA AKO NG ULAN, ANDITO PARIN AKO. TINITINGNAN KA SA MALAYO. KAYA KAPAG UMUULAN, MINSAN GUSTO KONG KUMANTA NG “PAIN, PAIN GO AWAY COME AGAIN ANOTHER DAY.” DAHIL AKO, AKO ANG UNANG MASASAKTAN KAPAG UMIIYAK KA. DAHIL SABI KO NGA KANINA UMARAW MAN O UMULAN ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG TINITINGNAN KA AT HANDANG SALUHIN LAHAT NG IYAK NA GUSTO **** IBUNTONG SA ISANG TAO. TANGA PAKINGGAN DIBA? SABI NILA SAKIN BAKIT KO DAW HAHAYAANG MAGKASAKIT AKO DAHIL SA ULAN, BAKIT KO DAW HAHAYAANG TUMAGAKTAK ANG PAWIS KO SA GITNA NG NAGTITIRIK NA ARAW KUNG PWEDE NAMAN DAW AKO PUMAYONG. OO NGA TAMA SILA. NAPAKA TANGA KO. DAHIL MAS GUGUSTUHIN KO PANG MABASA NG ULAN, AT MATUSTA DAHIL SA ARAW KESA HINDI KITA MAKITA. ULAP. KAHIT SAAN NAKIKITA KITA. IKAW? NAPAPANSIN MO KAYA AKO.
0
Feb 14, 2017
Feb 14, 2017 at 11:25 PM UTC
Ulap
Isang babae ang sumakay sa V. Mapa Maikli ang buhok at kayumanggi Nakapulang T-shirt at maikling shorts Tsinelas na plastic ay may takong Ang jeep ay mahaba, bago at maingay Balahaw nito ang malakas na tugtugin Ang barker ay mala trenta maging ang driver Kung umasta ay tinedyer Ang musika ay hindi musika 'Pagkat hindi lahat ng sinulat ay babasahin Ni musika ang lahat ng tugtugin Hindi musika kundi basura Ang babae ay sumabay sa saliw ng tugtog Kumanta nang may emosyon Walang hiyang ikinampay ang kamay At winasiwas ang yapos na sako Hindi pa siya nagbabayad Malamang wala siyang pera Hindi siguro iyon ang dahilan ng tawanan Sa kanya'y marahil may kakulangan Nawala ang nagwawalang kanta At nanahimik rin ang aba Tulala sa kawalan habang may minamantra Bakit kaya kabisado niya ang kanta? Kung mayroon mang makapagsasabi Ano ang nasa isipan ng isang tao Na hindi rin masasabi kung ano Paanong ang pag-unawa'y matatamo? Sila ba talaga ang wala sa katinuan? Kung sila ang ating pinagtatawanan Kung mga mata nila'y walang bahid Pahid ng alinlangan at pagdududa Naririnig din ba niya Sigaw ng barker sa kalsada? Nararamdaman din ba niya Dampi ng tubig ulan Naiisip niya kaya Kung ano ang kinabukasan? Nagmamadali rin ba siyang makauwi Dahil may exam kinabukasan? Bumaba siya sa harap ng arko Tumalon at masayang nagsayaw sa gitna Tinunton ang daan sa Teresa Di namalayang nariyan na siya Sa patutunguhan niya
0
Aug 4, 2016
Aug 4, 2016 at 12:37 PM UTC
Tapenshap
Ang love story natin Ay parang kwento ng theme songs ng JaDine Di ka fan, di mo siguro maaappreciate Pero kinakantahan tayo ni Nadine Lustre at James Reid Ang daming tanong nung umpisa Ang daming pagdududa Game na ba? Ano na? Sure na ba? Ang hiling ko, sige na *Para ngang isang pagsusulit Bawal magbura, one seat apart, walang kopyahan, Right minus wrong, kung di alam 'wag hulaan, Kumpletuhin ang patlang, bawal ang tyambahan* *Para ngang isang pagsusulit Pinag-isipang mabuti* Hanggang sa sabi mo, "Oo na.". Yes! Oh, *wala ng bawian, mamatay man, period no erase*! Matapos no'n, nagdagsaan ang mga pagsubok Katulad din naman sa kahit kaninong relasyon *Pero dahil naniwalang sayo'y may forever Pareho tayong hindi sumu-render* *Pagkat sayo natagpuan ang ipinagkait sa akin At sakin mo naramdaman and di mo akalain Ipaglalaban ko Ipaglalaban mo* *Wala na tayong **** basta bahala na Alam lang kasi natin mahal natin ang isa't isa At kahit pa sabihin na, tayo'y di itinadhana Na na na na na na na na na na na bahala na* Pero katulad din ng ibang relasyon Lumalamig, parang kapeng napaglipasan ng panahon Tumitigas, parang pandesal na naiwan sa kahon Tila di na alam kung san tayo paroroon *Piniling lumayo Ngunit pilitin man ay bumabalik sayo Di matatago kahit magpanggap Ang iyong yakap, ikaw, ang hanap-hanap* *Ikaw ang hanap-hanap Dahil ang puso'y nangangarap Na magsasamang muli Na may happy ending bandang huli* Pero di pa tapos Ang kwento natin hindi pa tapos Sana'y hindi pa tapos At sana'y di na matapos Tatlong kanta pa lang naman No Erase, Bahala Na at Hanap-hanap Sana ay kumanta pa sila Sana ay marami pa At sana, kahit gaano man karami Masayang kanta ang maiwan sa huli Yung may forever, may happy ending Kaya sige, mag-duet pa kayo JaDine
0
Jun 8, 2015
Jun 8, 2015 at 1:56 AM UTC
Kinakantahan tayo ng JaDine
Ang love story natin Ay parang kwento ng theme songs ng JaDine Di ka fan, di mo siguro maaappreciate Pero kinakantahan tayo ni Nadine Lustre at James Reid Ang daming tanong nung umpisa Ang daming pagdududa Game na ba? Ano na? Sure na ba? Ang hiling ko, sige na *Para ngang isang pagsusulit Bawal magbura, one seat apart, walang kopyahan, Right minus wrong, kung di alam 'wag hulaan, Kumpletuhin ang patlang, bawal ang tyambahan* *Para ngang isang pagsusulit Pinag-isipang mabuti* Hanggang sa sabi mo, "Oo na.". Yes! Oh, *wala ng bawian, mamatay man, period no erase*! Matapos no'n, nagdagsaan ang mga pagsubok Katulad din naman sa kahit kaninong relasyon *Pero dahil naniwalang sayo'y may forever Pareho tayong hindi sumu-render* *Pagkat sayo natagpuan ang ipinagkait sa akin At sakin mo naramdaman and di mo akalain Ipaglalaban ko Ipaglalaban mo* *Wala na tayong **** basta bahala na Alam lang kasi natin mahal natin ang isa't isa At kahit pa sabihin na, tayo'y di itinadhana Na na na na na na na na na na na bahala na* Pero katulad din ng ibang relasyon Lumalamig, parang kapeng napaglipasan ng panahon Tumitigas, parang pandesal na naiwan sa kahon Tila di na alam kung san tayo paroroon *Piniling lumayo Ngunit pilitin man ay bumabalik sayo Di matatago kahit magpanggap Ang iyong yakap, ikaw, ang hanap-hanap* *Ikaw ang hanap-hanap Dahil ang puso'y nangangarap Na magsasamang muli Na may happy ending bandang huli* Pero di pa tapos Ang kwento natin hindi pa tapos Sana'y hindi pa tapos At sana'y di na matapos Tatlong kanta pa lang naman No Erase, Bahala Na at Hanap-hanap Sana ay kumanta pa sila Sana ay marami pa At sana, kahit gaano man karami Masayang kanta ang maiwan sa huli Yung may forever, may happy ending Kaya sige, mag-duet pa kayo JaDine
Continue reading...
52
Sa araw na’to haharanahin kita Kahit ‘di ako marunong kumanta. At ako’y madalas laitin ng iba. Ayos lang sa akin, basta ikaw ang kasama. Makita lang kita tumawa Buo na ang aking umaga. Magkakantahan tayo Kahit pareho tayong sintunado. Ang mahalaga ay sumaya tayo Kahit na madalas, sablay sa tono. Magtatawanan at maghahagikgikan 'Yan ang ating kaligayahan. Sa paglubog ng araw, parehong naluha. Dahil tapos na naman ang araw At ako naman sayo’y mangugulila. Ika’y lilisan na, Magtutungo sa Amerika. Nagyakapan ng mahigpit, At binigay ko ang aking gitara. Dahil ito lang ang magpapa-alala Sa ating masasayang alaala.
0
Jan 3, 2015
Jan 3, 2015 at 2:35 AM UTC
Gitara
Ang sarap pakinggan ng mga kanta sa Radyo Mp3 Player Tv o kahit saan mo pa yan nariinig Masarap pakinggan lalo na pag damang dama mo Iba't ibang klase ang mararamdaman mo pag makikinig ka sa mga kanta Malungkot,masaya,naiiyak,natatawa,kinikilig,naiinis Masarap kumanta lalo na pag ikaw lang mag-isa kasi walang nakakarinig sayo Pero mas kumanta kung kasama mo yung taong inaalayan mo nito Yung taong minsan kang pinsaya Yung taong minsan kang pinalungkot Yung taong minsan kang pinaiyak Yung taong minsan kang pinakaba Yung taong minsan kang pinatawa Pero pano kung yung taong inalayan mo ng kanta minsan kang pinasaya minsan kang pinalungkot minsan kang pinakaba minsan kang pinatawa Eh nawala na Paano na Ano gagawin mo Ano pang kakantahin mo Ano iisipin **** paraan para bumalik siya Kapag naririnig mo yung kantang minsan niyong kinanta ng sabay nalulunkot ka,naiiyak,naiinis kasi pinakawalan mo siya Iniwan ka niya Iniwan ka Iniwan Yan yung mga salitang mariririnig mo kapag makikinig ng mga kanta
0
Dec 5, 2015
Dec 5, 2015 at 11:27 AM UTC
Kanta
Takot ako sa katahimikan na dati nama'y kayang sabayan. Tara samahan akong kumanta at sumayaw, sundan natin bawat alingawngaw. Takot akong maiwan na dati nama'y sanay na may lumilisan. Tara samahan ako at hawakan aking kamay, ako'y tanganan at sa aki'y umakbay.
0
Feb 11, 2019
Feb 11, 2019 at 7:45 AM UTC
Tara.
Kung aking bubuklatin, Ang mga nakaraang pahina ng iyong mga awitin, Sigurado akong maalala mo ito at kakantahin, Pauli-ulit pang rerehistro sa utak at iisipin. Mahilig kang kumanta, Boses mo ay kakaiba, Mahilig ka ring gumala, Sa mga malalayong lugar na hindi na abot ng iyong mata. Sa trabaho ay seryoso ka. Minsan nakalimutan mo na ring ngumiti sa iba, Sa dami ng iyong ginagawa, Kami ay napapagalitan pa. Dedikasyon mo sa trabaho ay hindi matatawaran, Pero kahit na ikaw ay may posisyon na, Walang nagbago sa iyong nakaugalian. Ikaw pa rin ang taong madali naming lapitan. Ipagpatuloy mo ang ugali **** masaya, Upang bigat sa dibdib ay maibsan pansamantala, Mabigyang katuparan ang pangarap mo sa iyong bubuuing pamilya, Nang maging sandigan mo sa habambuhay na ligaya.
0
Aug 14, 2017
Aug 14, 2017 at 8:12 PM UTC
Bilang Ikaw
Takot akong mag-isa Takot akong harapin ang apat na dingding na makakasama ko sa gabi Narinig na nila akong kumanta Ng mga sinasayawan ng kalungkutan na himig Takot akong kamustahin ng mga unan na nabulungan na ng mga kasalanan Ng mga kumpisal ng mga pinakatatago kong lihim Naulanan na sila ng mga luha Na resulta ng ilang beses na pagtalalo Na nagaganap sa utak ko Hindi ko rin maintindihan Walang nakakaalam Na sa tuwing gabi na tanging ang hininga ko lang ang naririnig tanging ang puso na lang ang may ganang magdagdag ng segundo, paulit-ulit walang nakakaalam kung gaano kalalim ang nilalakbay ng isip, kung gaano kadilim ang suhestiyon ng mga boses na nagtatakda madalas na akong nakikinig sa kanila pinipilit kong bugawin ngunit mas malakas sila sa ‘kin natatakot akong mag isa natatakot ako sa mga gabing ako lang ang nagpapatulog sa sarili natatakot ako sa mga susunod pa _hindi ka ba natatakot sa mga boses na nagpapatulog sa 'yo tuwing gabi?_
0
Jan 17, 2018
Jan 17, 2018 at 8:45 AM UTC
Untitled
Gusto kong gumawa ng kanta pero hindi ko alam paano sisimulan Gusto kong magsulat ng tula pero hindi ko alam ang tamang salita para magsimula Gusto kong kumanta pero hindi ko kayang abutin ang mga gusto kong awitin Gusto kong sumayaw pero wala akong lakas para humataw Gusto kong gumuhit at magpinta ngunit hindi ako kasing galing ng iba Ang dami kong gustong gawin at aralin ngunit hindi ko magawa dahil ang daming kulang sa akin Ni hindi ko alam kung may iaangat pa ba ang talento ko Baka hanggang dito nalang kasi talaga ang kakayahan ko Baka nga naniwala lang ako sa ilusyon na magaling ako Kasi ang totoo ay hindi ako mahusay Hindi ako matalino Sakto lang ako.
0
May 30, 2021
May 30, 2021 at 12:40 PM UTC
Sakto
Ikaw ang araw na nagliliwanag nang maliwanag sa buong araw ko. Ikaw ang gravity na humahawak sa akin sa lahat ng paraan. Ikaw ang buwan na nagliliyab sa buong gabi ko. Kayo ang mga bituin na kumikinang oh. Ikaw ang oxygen na nagpapanatili sa akin ng buhay. Ikaw ang aking puso na pumutok sa loob. Ikaw ang dugo na dumadaloy sa akin. Ikaw lang ang taong nakikita ko. Mayroon kang tinig ng kapag ang isang mapanunuya na kumanta. Ikaw ang Lahat Sa Akin. Ikaw lang at ako lang. Pinahinto mo ako sa sobrang kalungkutan. Pinaplano namin ang aming kinabukasan na parang mayroon kaming isang palatandaan. Hindi ko nais na mawala ka. Nais kong ikaw ay maging aking asawa, at nais kong maging asawa mo. Nais kong makasama ka sa buong buhay ko.
0
Jun 11, 2020
Jun 11, 2020 at 2:40 AM UTC
Forever and Always
1 Isang prinsesang bawal yumapak sa lupa Siya ang binukot na si Dara 2 Ang kanyang edad ay labimpitong taong gulang Natatanging anak ng mga magulang 3 Matuwid at makintab ang maitim na buhok Mana sa amang hari na mapusok 4 Maputi at makinis ang balat Mana sa inang reyna na madalaing magulat 5 Tapang at nerbiyos sa dugo nananalaytay Matapang sa buhay, natatakot mamatay 6 Sukdulan sa proteksiyon at pagka-sensitibo Kaya ‘di pa nakalalabas ng kwarto 7 Subalit mayroon din naman siyang libangan Kumanta at manood ng mga mangingisda sa durungawan. -06/22/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:57 PM UTC
Daragus 1 -Si Dara-
Hayaan ipikit ang mata at matulog kana Ako ang magiging anghel dela gwardiya Sa iyong pagtulog hayaan ipahinga ang isip sa pag-alala Ako ang magiging bantay mo sa pagtulog habang tinititigan kita Hayaang mata ay ipahinga at managinip ng masaya Di man ako marunong kumanta upang ihele ka Ako naman ang magbabantay upang ang pagtulog ang mahimbing Habang tulog ka ako ang iyong mandirigmang ipaglalaban ang katahimikan Katahimikan dito sa mundong puro away at sigawan Matulog ka na...
0
Feb 13, 2020
Feb 13, 2020 at 12:51 AM UTC
Ihele