Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
puting aninaw Nov 2017
Mahabang pila
Mabagal ang paglipas
Tuluyang ulan
puting aninaw Nov 2017
Pighating ito
Makakapal na ulap
Sakit sa ulo
puting aninaw Nov 2017
Makulimilim na
Tuluyang naririndi
'Di makaisip
Janica Katricia Nov 2017
daming alam//

habang sinusulat, nakaupo sa sofa sa sala, nag iisip.
bakit ganun?
sya pa rin?
ewan, palitan natin.

bakit nga ako nagsusulat?

san ba to nag simula?

siya kasi //

siya nanaman.

makwento ko lang sa inyo ang pinagdaanan ko noong isang taon at pitong buwang nakalipas.

ayos lang naman sana ako.

masyadong makulit, mapagbiro, maingay.
pero seryoso. //
di man halata pero, oo... kahit papaano.

siya naman,

masyadong madilim, yung tipong pag sa anime,
siya yung si senpai na di ka mapapansin kasi tahimik lang siya at gusto nya palaging mag isa...

pero gusto lang nya sana ng tamang taong makakasama.

doon ako pumasok sa buhay nya, dun ko ginulo ang mundong hindi ko sinasadyang wasakin.

kung dati rati'y screamo at ******* lang na musika ang bumabalot sa kanya,
nadagdagan yun ng matinding impact ng bunganga ko at malakas na halakhak.

kung dati rati'y mas matipid pa sya sa intsik ngumiti,
nakikita mo na syang humahalakhak na parang walang bukas...

****, that smile.

ACHIEVEMENT UNLOCKED.

di nagtagal, di na pinatagal at nagtagal naging tayo.

Ang saya, ang lungkot, nagagalit ako, ikaw,
naaawa, nasurpresa, nasaktan, bumalik sa dating tayo...

strangers.

na parang di lang nating namalayang naging tayo pala?

//

tama na.

malulungkot nanaman tayo nang wala sa oras.

wala nang oras para malungkot.

dahil kahit anong pilit mo, di na mababalik yung oras.

kung saan, naglalakad lang tayo sa daan, tawa nang tawa,

napapaluha na sa....

*CTRL + A + Delete
this is the second tagalog entry i have. this is for him. please know that i still think about you. </3
Masakit maiwan dahil sa isang paglisan
Mga bagay na di maiwasang masaktan
Mga alaala pilit kinalimutan
Dala nito ay bigat na nararamdaman

Mga patak ng luha hindi mapigilan
Dahil sa mga bigat na dala ng nakaraan
Kung saan matagal maghilum ang sugat ng kahapon
Na minsan ikaw mismo nahirapan itapon

Kaya sa pagsikat ng araw ay hudyat ng bagong umaga ng paglalakbay,
Ito ay nagsasabing tuloy lang ang buhay
Na maaaring gumawa ng mga bagong alaala,
Para sa isang bagong kabanata

Kasama sa unti-unting pagbangon,
Ang mga tamang pagtugon
Sa mga bagay na kailangan tanggapin,
Para ang sarili muling hanapin.

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan,
Ang mga natirang sakit ay tuluyang nahugasan
At di naglaon ito ay tumila,
Lumabas ang bahaghari dala ay pag-asa

Kasama nito ang simoy ng hangin, na nagmulat sa paningin
Na ang pagiging masaya ay sadyang pinipili,
At hindi masamang magmahal muli
Makita ang pagmamahal na para sa'kin hanggang sa huli

Kaya isa lang ang aking dalangin, matupad ang aking pangarap
Na ikaw ay aking mahanap
Di na sa panaginip kundi sa mundong tinatahak
Sana dumating ka na
Di sa isip kundi sa harap ko at nakikita ng dalawa kong mga mata
Sana makita ko na yung ngiti mo
Mga ngiti na magsasabi sa akin na  maging masaya lang dapat ako
Sana mahawakan na kita
Para di ko na maramdaman ang lungkot at pangamba
Sana mayakap na kita
Para maibsan yung sakit dulot ng aking mga problema
Sana dumating ka na
Para maramdaman ko ang sayang matagal ko ng hinahanap

At kung nandyan ka na
Sana hindi tayo ipaglayo ng tadhana
Dahil ngayon masasabi ko na ako'y "Handa"
Handa na akong magpakulong muli sa rehas ng pag-ibig, at para iyong malaman
Ang pag-ibig kong ito ay pang matagalan
Dahil ako'y handang susuko
Kahit life time sentence sa piling mo.
10/23/17
AtMidCode Nov 2017
Sinabi ko naman sayo
Na may abandonment issues ako
Na dinaig pa ng pinandidirihan at kinatatakutan kong mga mahahabang bulate
Ang takot kong maiwan nalang basta basta

Para akong isang turistang naghahandang tumalon sa isang napakataas na bundok
Isa isang kinabit ang mga harness sa aking katawan
Maingat at ekspertong mga kamay ang siyang naninigurong ligtas ako sa gagawing pagsubok
Habang ako'y nanginginig at kinakabahan
Pinagpapawisan
Ang kamay, noo, paa, batok, likod, ilong at maging ang mga kili-kili
Malawak ang paligid at dapat ay maalwan ang paghinga
Ngunit ito'y tila kinakapos
Sige lang. Kaya ko to. Matatapos din to. Kasama naman kita, hindi ba?

Nagpaalala ang guide
Ngunit ako'y nag-aabang lang sa sinasabing signal
Tanda na magsisimula na ang pagbagsak

Ang lakas ng hangin
Hindi ba to makaaapekto mamaya sa amin?

Pinapwesto kami ng guide

'Pano kapag hindi ko kinaya?'

Nagbibilang na siya

'Matatapos ko ba?'

Ibaba na nila.

'Hindi na mahalaga. Kasama ko naman siya.'

Isa


Dalawa


Tat--

Teka. Teka. Asa'n ka na?
AtMidCode Nov 2017
Tinanong ako ni Annah
Kung maayos na tayo
Ang sabi ko
Ayon, normal naman.

Normal
Kelan pa tayo nauwi sa normal nalang?
Ah. Naaalala ko na.

Nagsimula tayong maging normal
Nang isang araw hindi mo ko matingnan sa mata
Ni hindi mo ko makausap kung hindi ka titingin sa baba
At kapag naman kailangang ikaw
Ang unang magsisimula ng usapan
Dinaig pa ng kapal ng usok sa kalakhang Maynila
Ang nakaiilang na atmospera
Sa pagitan nating dalawa.

Nagsimula tayong maging normal
Nang hindi na tayo nagsasabay umuwi sa hapon
Nang simulan **** isipin na ayos lang na umuwi nang walang paalam
May kasabay ka kasing iba.

Nagsimula tayong maging normal
Nang nahihirapan na kong
Magsimula ng usapan sa pagitan nating dalawa
Sa kung paanong sinasalamin ng Messenger sa pamamagitan ng ellipses
Ang mga katagang nais ko sayang itanong sa iyo
Ay sandali, online naman si Annah, siya nalang ang tatanungin ko
(Pwede kaya kong sumabay sa kanya?)
Wag na nga. Alam ko naman ang patungo doon.

Nagsimula tayong maging normal
Nang tanungin mo ang kagrupo natin sa kung ano ang gagawin
Gayong ako na kagrupo mo rin ang nasa iyong harapan
Pumunta ka pa talaga sa kanya
Ganyan ka kailang?

Normal naman sa atin ang hindi mag-usap nang madalas, hindi ba?
Normal lang naman kung makakalimutan **** may katulad ko
Na bukas palad na tinanggap ka
Noong mga panahong durog na durog ka na, hindi ba?
At bahagi din ng pagiging normal natin
Kung mas pipiliin **** burahin nalang ang mga nakaraan natin, hindi ba?

Nilalamon ka ng kalungkutan. Nasasaktan.
At isa akong napawalang kwentang kaibigan
Kasi hindi kita napatahan
Sa mga panahong tahimik **** isinisigaw
Ang mga bagay na sa tingin mo ay walang makauunawa
Wala akong karapatang masaktan
Kasi hindi ako naglakas-loob na tanungin
Kung anu-ano ang mga bumabagabag sayo
Hindi ko dapat indahin ang sakit ng pang-iiwan mo sa akin
Gayong para na rin kitang iniwan
Nang hayaan kitang unti-unting kumalas sa pagkakaibigan natin
Wala akong karapatang manumbat
Kasi hindi ko man lang sinubukang tanungin
Kung ano nang nangyayari sa iyo
Kaya mo pa ba?
At hinding hindi ko rin aangkinin
Ang karapatang sa una'y wala na sa akin
Na maging sandalan mo
Sapagkat hindi ko man lang nasabi
Na ayos lang na ikaw ay humugot ng lakas sa akin
Ayaw mo, oo
Kasi sa tingin mo pabigat
Ayaw mo, oo
Kasi sanay ka na sa demonyong kalungkutan
Na paulit-ulit lumalamon sayo
Minsan nawawala, ngunit laging bumabalik

Pagbalik-baliktarin ko man ang sitwasyon
Hindi lang ikaw ang nang-iwan
Iniwan din kita
Iniwan kita
Patawad
Patawad
Pakiusap, patawarin mo ko.

Madaling makalimutan ang mga magagandang bagay
Ngunit mahirap iwaksi mula sa makulit na isipan
Ang idinadaing ng pusong nasugatan at patuloy na nahihirapan

Kaya bilang pakunswelo sa tulad kong nagmahal sayo
Iniisip ko na lamang na isa ako sa mga magagandang bagay sa buhay mo
Kaya madali mo 'kong nakalimutan.

Huli kong bulong sa sarili
'Ayos lang 'yan. Makakausad ka rin. Magtiwala ka.'

Uusad at uusad ka rin.

Kaibigan, patawad ulit.
L S O Oct 2017
Ang salita ng hari ay apoy
na nagpapainit sa pugon
ng kawalang-katarungan,
nagpapakulo sa bituka
ng balikong lipunan

kung saan ang kampeon
ng disiplina
ay nagiging kampon
ng pagmamalabis,
at ang pagtakbo ng hustisya
ay nauungusan na
ng pagtakbo ng mga nasisiil.

At sa gitna ng kaguluhan,
sa gitna ng katahimikan
ng karamihan,
mas lumalakas ang loob
ng masasamang-loob,
at lalong lumalago
ang masasamang damo.

Sindilim na ng gabi
ang tanghaling tapat,
sa panganib na ngayo'y
wala nang pinipiling oras

at ang buhay na iyong
pinagkaingat-ingatan,
baka bukas sa kalsada'y
isang mantsang pula na lamang.
L S O Mar 2014
Bakit nga ba
Sa puso ko'y di ka mabura-bura?
Papayag ka ba
Na palitan ko ang isa **** letra?
Hahayaan mo ba
Na tawagin kitang 'sinta'?
L S O May 2015
Mabuti pa ang thesis,
may deadline.
Di tulad ng pusong sawi,
na di mo alam
kung kailan maghihilom.
Next page