Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kung pwede lang sana
Na baguhin ang tadhana
Upang kahit sa huling pagkakataon,
Mabawi ang mga nawalang taon

Kung pwede lang sana
Na ika'y muling makasama
At masilayan muli ang iyong mga ngiti
Kung pwede lang sana, ganun nalang palagi

Kung pwede lang sana
Na mas maaga kong naalala
Ang lahat ng ginawa mo para sa akin
Sinayang ko lang ang iyong pagiging akin

Kung pwede lang sana
Na muling lumigaya...
Ngunit wala ka na sa'king tabi
Kaya ngayon, ako'y lubusang nagsisisi
© Cyrille Octaviano, 2015
Vanessa Escopin Oct 2015
Mahal mo ko, Hindi kita mahal
Sinaktan kita, Hinayaan mo ko

Sabi mo wala akong pake sayo, Meron
Hindi kita pinaasa, Minahal kita

Ngunit bilang kaibigan lamang.
Umaga na nasa isip pa din kita
Oras oras ikaw lang aking sinta

Ang sakit lang na makita
Na ang puso ay masaya
Sa piling ng iba
Sana ang pagmamahal
Ay iyong madama
Hindi yung puro sya

Ang dami ko nang tinalikuran
Para ikaw ay muling mapasakin
Tinabla ko aking mga kaibigan
Dahil sa mahal pa rin kita at alam mo yan

Nakikiusap lang
Na sana ako na lang
Ako na lang ulit
Ako ay bigyang pagkakataon
Na mapadama na mahal pa rin kita

Sana mayroon pang pagasa
Na may isang tutulong
Na maibalik ka sa akin
Sana mabawasan lang
Sana hindi mawala
Sana ako pa rin
Caryl Oct 2015
"Maaari ka nang maging malaya"

Eto ang mga salita
Na pilit ko mang ulit ulitin pa
Sa aking sarili, ay hindi narin naman
Magkakaroon ng bisa, sa ngayon

"Maaari ka nang maging malaya
O aking sarili, pakinggan sana
Huwag nang bumalik sa naparam
Lumakad na palayo at magpaalam"
Hawak ko ang tintang bilang ang kulay
Pero di pa ganoon kabihasa,
Di gaya Mo.

Posibleng maiguhit ko ang langit
Pero paiba-iba ang istilo nito
Nagbabagong bihis ang ulap
Pagkat hinihihipan siya ng hangin.

Kukuha ako ng litrato
Para lamang makuha ang detalyadong anyo
At saka ko titingnang muli
Unang tingin, pangalawa, pangatlo
Ako'y nabibighani.

Maaaring magaya ko ang mukha
Pero pag ako'y titingala't sisilip
Hindi rin pala magtatagpo sa iginuhit.

Itatapon ko ang lahat
Maging mga mamahaling kagamitan
Pagkat hindi abot-langit
Itong istilong tila pangmakasarili
Hindi pasado sa panlasa ****
Panglangit din ang batayan.

Ako'y bilib Sayo
Pagkat sa pagsuyod ng panaho'y
Hindi Mo nauulit ang larawan ng langit
Panibago araw-araw,
Mula ulo hanggang paa nito.
Walang kupas, walang katulad
Gaya Mo, Eksperto sa Larangan ng Sining.

Ako'y mapaluluhod, sasayad sa lupa
Ihahain ang palad
Hanggang sa kalyo na ang mga ito
Pagkat ginagamit Mo na,
Gamit na gamit Mo.

Hindi Ka napapagod sa paghalo ng kulay
May lungkot at saya ang timpla
Pahiwatig mo'y ganyan ang buhay,
Pabagu-bago ang, Ikaw lang hindi.
At markado Mo ang araw,
Saulado Mo ang lahat,
Pagkat Ikaw ang Tagalikha
Oo, Ikaw, Ama.

Gusto kong magmana Sayo,
Sa guhit **** hindi ko makuha-kuha,
Sa istilo **** walang katulad,
Pagkat iba ang Iyong paningin,
Iba ang pag kumilos ang Iyong mga kamay,
Lahat kayang hulmahin, lahat kayang baguhin.
At ako'y isang hanging bula,
Maglalaho't liliparin ng bukas,
Bagkus ang bukas ay habambuhay Sayo,
Salamat sa matamis na kahapon, ngayon at bukas.
nariyan ka nanaman,
  naninibasib na tila

kahapon lamang ay bukas—

kapit-puso kitang pakakawalan
kasabay ng pagtila ng ulan,
pagbukadkad ng bulaklak,
pagtawid ng bulalakaw

at pagkatapos ay akin kang babalikan
  sa kung saan ay wala ka na,
  at ng sa gayon ay aking maramdamang
  muli ang itinatangi ng katahimikan:
ang maganda **** mukha,
  ang 'di maikubling init ng iyong bisig,
  ang mga araw na nalulunod sa lalim
   ng iyong dating pagtitig sa akin
   na ngayo'y isa na lamang panaginip
     ng antipára — ramdam ko ang lahat,
  at mayroong distansyang hindi kayang
     isara ng kahit anong pagwawakas

  ng katotohanang alam ko sa pag-iisa,
    na tila kahapon lamang ang bukas.
inggo Oct 2015
Maraming salamat
Sa mala alamat
Na kwento ng ating pagmamahalan
Na dati ay walang hangganan
Nauwi sa hiwalayan
Nauwi sa mahabang gabi ng iyakan
Nasaktan tayo pareho
Pero hindi ako sumuko
Tatlong buwan nag-isip
Ngunit ika'y nainip
Hindi ko na nasagip
Natangay na ng hangin na malakas ang ihip

Maraming salamat
Sa lahat lahat
Sa kahinaan at kalakasan ko
Tinulungan mo akong magbuhat
Tinuruan mo akong tumayo
Pinangako sayo ang hindi paglayo
Binago ako ng ating pagmamahalan
Mga pangarap nati'y nagkakaroon ng katuparan
Ngunit pagmamahalan natin nagkaroon ng katapusan
Hindi na din natin nagawan ng paraan
Na ayusin at bigyan ng pagkakataon
Nagkulang na ata sa oras at panahon

Ikakahon ko na ang lahat ng ating alaala
Itatago sa isang parte ng puso ko kung saan wala ka na
Angela Mercado Oct 2015
Bakit 'di pa tanungin
ang aking ngala't numero
at 'di lang ang petsa't
anong sinabi ng ****?

Bakit 'di pa alamin
ang pintig ng puso kong
inip na inip
nang maghintay sa iyo?

Bakit hanggang tingin?
Bakit hanggang ngiti?
Aking pag-ibig,
sinta, batid
mo na ba rin?

Bakit umiiwas;
bakit natatahimik -
bakit sa tuwina'y
lagi kang walang imik?

Para kay seatmate
na 'di ako pansin.
'Di mabatid,
'di mabalingan ng tingin.

'Di mo ba alam na sa bawat
wanfort na ihinihingi
*ay naitatangay nang utay-utay
ang aking puso't damdamin?
more over callherangela.tumblr.com
madrid Oct 2015
"Oo.
Ang tanga.
Tangina ko talaga."
It is ineffable; this feeling, this life.
And yet, in this instance,
I find that there are no other words I can concoct,
no other verses I can construe
to understand, what more, explain,
this underlying chaos
other than a confession, an admission
of how genuinely f**ked up
I am myself.
carapher Oct 2015
Naramdaman ko ang pakiramdam
na hindi tayo nagauusap
kaya't
kahit ano pa ang mangyari
wag na wag kang titigil
sa pakikipagusap sakin.

Ayoko na ito maranasan muli
dahil
mas masakit pa ito
kaysa sa
pagiging mag isa sa isang dagat ng tao, lahat nakikipagusap
sa isa't-isa
habang ika'y siksik na siksik na
at sinusubukang
huminga.

Nakakalunod ka.

At kung
dumating man ang araw
na sa sobrang galit mo
saakin
ay hindi na tayo maguusap,
alalahanin mo
na minahal kita higit pa
sa inakala kong
kayang mag mahal ang isang tao.

Minahal kita
parang sa pagmamahal ng
tao sa hangin.

Kinakailangan kita.

Nguni't alam ko
na mabubuhay ako
sa isang mundo na payapa at matagal kahit na ika'y wala sa tabi ko,
at pinagtatawanan ko
ang mga magkasintahan na sinasabi
sa isa't-isa
na ikamamatay nila
ang pagkahiwalay nilang dalawa;
mga inutil.

Alam kong mabubuhay ako
nang hindi ka makakausap
tuwing gabi't
sinusubukan kong ilunod sa
dagat ng muhika
ang mga boses sa tenga ko.
Alam kong mabubuhay ako na wala ka
nguni't ayoko.

Kaya't pagpasensyahan mo na
kung hirap akong huminga
kapag di kita kausap.
Alam kong
kat'hang isip lamang
ang pagkawalan ko
ng hininga
nguni't sa isip
at sa puso ko'y
ito ay totoong totoo.
mahal kita
pagpasensyahan mo na.
Next page