Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2015
Naramdaman ko ang pakiramdam
na hindi tayo nagauusap
kaya't
kahit ano pa ang mangyari
wag na wag kang titigil
sa pakikipagusap sakin.

Ayoko na ito maranasan muli
dahil
mas masakit pa ito
kaysa sa
pagiging mag isa sa isang dagat ng tao, lahat nakikipagusap
sa isa't-isa
habang ika'y siksik na siksik na
at sinusubukang
huminga.

Nakakalunod ka.

At kung
dumating man ang araw
na sa sobrang galit mo
saakin
ay hindi na tayo maguusap,
alalahanin mo
na minahal kita higit pa
sa inakala kong
kayang mag mahal ang isang tao.

Minahal kita
parang sa pagmamahal ng
tao sa hangin.

Kinakailangan kita.

Nguni't alam ko
na mabubuhay ako
sa isang mundo na payapa at matagal kahit na ika'y wala sa tabi ko,
at pinagtatawanan ko
ang mga magkasintahan na sinasabi
sa isa't-isa
na ikamamatay nila
ang pagkahiwalay nilang dalawa;
mga inutil.

Alam kong mabubuhay ako
nang hindi ka makakausap
tuwing gabi't
sinusubukan kong ilunod sa
dagat ng muhika
ang mga boses sa tenga ko.
Alam kong mabubuhay ako na wala ka
nguni't ayoko.

Kaya't pagpasensyahan mo na
kung hirap akong huminga
kapag di kita kausap.
Alam kong
kat'hang isip lamang
ang pagkawalan ko
ng hininga
nguni't sa isip
at sa puso ko'y
ito ay totoong totoo.
mahal kita
pagpasensyahan mo na.
carapher
Written by
carapher
2.7k
       Janelle, Eugene, Little Bird and Mysterious Aries
Please log in to view and add comments on poems