Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
inggo  Sep 2015
Suko na
inggo Sep 2015
Pagod na ako
Suko na rin
Pahinga na ako
Di ka na kukulitin

Ako'y nasa bahay na
Ngayon lang nakauwi
Ikaw ay nasa kanya
Punong puno ng ngiti

Nasa taas ka na
Ako'y maguumpisa ulit
Kaya kung pwede ba
Alaala mo'y wag ng makulit?

Ako si popoy ni basha
Mahal na mahal kita
Tama na ha
Kasi ang sakit sakit na
kelli Oct 2016
Takot ka?
Sabihin mo sakin Takot ka ba?

Hindi tayo isang pelikula na ginawa para mag paiyak ng batang madaling mapaniwala.
Hindi tayo pag susulit sa matematika na gustong iwasan ng lahat sa takot na bumagsak sila.

Oo takot ka.
Ako din naman.

Nanginginig ang kamay ko sa takot na baka kahit piling piling mga salita ang gamitin ko ay mali parin ang aking maisambit.

Hinagpis.
Hinanakit.
Kapit.
Kaya pa ba?
Sabihin mo sakin kaya pa ba?

Ipagpapatuloy pa ba nating ang pag tupad sa mga pangako.
Pagtupad sa lahat ng mga "Itaga mo sa bato..."
O, iiwan nalang natin itong nakabinbin sa dating tayo.

Tayo.
Meron pa bang tayo?

Nasaan na yung ikaw at ako.
Nasaan na ang mga salitang "Hinding hindi ako magsasawa sa iyo".
Napagod ka na bang punan ang mga pagkukulang ko?
Kailan ka kaya makokontento.

Takot nakong tumingin sa karimlan ng langit na baka may isang bulalakaw ang mapadaan at hilingin kong tayo nalang palagi.
Hindi naman maari.
Napapagod din ang damdamin.
Hindi na alam ng tadhana ang gagawin.

Pagod ka na ba?
Sabihin mo sa akin pagod kana ba?

Kasi ako Oo.

Ayokong katakutan ang bukas.
Ayokong manghinayang sa kahapon.
Ngunit Mahal pagod na ako.
Pagod na ang puso matakot.
Nahihirapan na ako huminga sa hindi mo pag pansin sa patuloy kong pagkapit.
Gusto ko ng matapos ang pag hikbi.
Ano pa ba ang silbi.
Ako nalang ang natitirang sundalo.
Wala kahit na anong baril na dala.
Sugatan na tumatakbo.

Tama na.
Talo na.

Pagod na ako sa pagiging hindi sapat.
Hindi ko na mawari kung ano pa ba ang dapat.
Patawad mahal sa pag suko.
Pero eto na ata.
Tapos na ang gera sa isip at puso.
Tapos na tayo.
-dito ko nalang idadaan ang ninanaais kong sabihin dahil hindi ko kayang makita ang iyong mga mata na patuloy paring nagpapanatili sakin. Patawad pero tapos na ata ang kwento ng Tayo-
Wretched Jul 2015
Nadudurog na ba ang dila mo?
Ikaw ba'y naghihingalo na?
Nagsasawa ka na ba?
Sabihin mo nga,
nadudurog na ba ang dila mo
sa tuwing binibigkas mo sakin
ang mga salitang
"Mahal kita"
Ngunit siya ang nais ****
makaharap?
Dahil ramdam ko ang pait
sa iyong dila sa bawat letra.
Alam kong ayaw **** ipakita
na nahihirapan ka na.
Pero mahal, sabihin mo kung suko ka na.
Dahil nauubusan na ko ng rason
para manatili pa.
Kung sabihin ko ba sa iyo
na ramdam kong nalalapnos
ang iyong balat
sa tuwing niyayakap kita.
Hindi mo ba halata?
Wala ng init na dumadaloy
sa ating dalawa.
Parang kapeng naiwan,
onti onting nanlalamig na
ngunit hindi ko malimutan
ang pasong iniwan mo saking mga labi.
Kung ako na kaya ang bumitaw?
Mahihirapan ka pa ba?
Madudurog ka pa ba?
O di kaya ikaw na ang magsabing
"Ayoko na"
Sabihin mo nga,

Magdurugo ba ang iyong dila?
Pinilit kong hindi bumitaw
Para hindi ka agad umayaw
Pinilit kong 'wag kang mawala
Pero pilit kang kumakawala
Ano bang problema nating dalawa?
Kulang pa ba o sobra na?
Pwede bang sabihin mo na
Kung gusto mo pa ba
O *ayaw na.
Reign Apr 2018
Hindi lahat maibibigay at masasagot ng salitang pagmamahal.
Kaya nating gawin pero minsan hindi natin kayang ipaglaban.
Akala kasi natin puro lang saya at walang kalungkutan.

Mahirap magmahal at masaktan pero mas mahirap ang ikaw nalang ang nagiisang lumalaban.
Kusang lumalaban sa pagiibigan niyong dalawa na wala nang patutunguhan.
Akala mo sapat na pero hindi pa pala.

Kung lalaban ka pa siguraduhin mo munang may pag-asa pa
Kaya nating lahat magbasa ng kaisipan ng isang tao lalo na kung mahal ka talaga niya.
Pero wag ka masyadong mag assume na ganon nga talaga.
Pero may mga bagay na hindi na kailangan ng kasagutan dahil kitang kita naman sa mga mata niya na hindi na talaga ikaw ang ang nasa puso niya.

Hindi na ikaw yung dahilan ng kasiyahan niya, hindi na ikaw yung dahilan ng kalungkutan niya.
Hindi na ikaw yung inspirasyon niya, hindi na ikaw yung taong minamahal niya.
At higit sa lahat hindi ka na niya kayang ipaglaban para sainyong dalawa.

Lalaban ka pa ba kung alam mo naman ng hindi ka na talaga para sakanya?
O suko na kasi alam mo na hindi mo na kaya.
Pero ang totoong sagot dyan ay pareho.

Lumaban ka pa hangga't may maipaglalaban ka pa, saka ka sumuko pag alam mo ng wala na talaga.  
At sa kahit anong desisyon mo diyos lang ang kasama mo at ang sarili mo.
Maiwan ka man, masaktan ka man, mawalan ka man ng pag-asa basta lagi **** tatandaan na nandyan ka pa nabubuhay at kaya pang lumaban sa agos ng buhay.
This one is published in Hugot Snap Poetry on Facebook!
Wala na akong ibang gusto,

Kundi ang muli kang kumatok sa pintuan ko,

Kapag nakita ko ang maamong mukha mo,

Pwede na akong mamatay dahil sa sayang nadarama ko.

Noong inusal mo ang iyong huling paalam,

Namatay ako, ang sakit ay hindi maparam,

Sa tuwing ako'y humihiga,

Unan ko'y laging basa dahil sa mga luha.

Kung minahal mo ako,

Bakit iniwan mo ako,

Hindi ba sapat ang nadarama mo,

Ganoon na lang ba kadaling itapon ang lahat ng ito?

Dahil sa'yo nagawa ko ang mga bagay,

Na hindi ko alam kaya’t ayaw kong sayo'y mawalay,

Binago ako ng pagmamahal ko para sa'yo,

Pero bakit ganon, pinili mo pa ring iwan ako?

Minahal mo ako, ang kaso lang may pero,

Pero hindi na ngayon, pero hindi na pwede,

Pero ayoko na, pero hindi na ako masaya,
Pero pagod na ako, pero suko na ako.

Ang dami **** pero, ang dami ko namang sana,

Sana ako pa rin, sana pwede pa,

Sana gusto mo pa, sana masaya ka pa,

Sana hindi ka napagod, sana hindi ka sumuko.

Sana isang araw magkapalit tayo,

Ikaw yung may sana, ako yung may pero,

Iyong tipong gusto mo tapos ayaw ko,

Katulad ng mga linyang ito,

“Mahal kita, sana pwede pa,

Sana ako pa rin, sana tayo na lang ulit.”

Tapos sasagot ako nang,

"Pwede pa sana, pero huli na, nawala na yung pag-asa ko na magiging tayo pa.”
AUGUST Oct 2018
digdi sa eskwelahan igwa nin mga pakawat
sa kada estudyante, gabos naghuhurulat
kun sain sinda pwede makaintra
para mailuwas an saindang talento asin makakaya

ano man an gibuon gabos patarabang-tabang
nagkikiwa lang, sin pensar an kapagalan
ano man an  gibuon gabos may pagkasararo
maski pa an lakawon grabe kaharayo, dai nin suko

kun paghihilingon garo man an sa tunay na buhay
kun iisipon maski pagal bawal an magpahuway
laban lang asin dai magpadaog
patunayan kun nano kita kakusog

an kawat garo an buhay sa kinab-an
kaipuhan kusogan an  boot asin dai panluyahan
girumdumon an kada hiwag laogan nin pagkamoot
magtubod tanganing an satong pangaturogan maabot

sa pagtarabangan, igwa pa da sin dai kaya?
ayaw kahadit kay uya kami, siya, ikaw asin ako,
uya KITA!
sarong boot, sarong misyon, sararo kirita
an gabos sa kinaban kakayanon ta.
Isang umagang maaliwalas,
Lumingon ka sakanya
Bahagdan ng paghanga ay tumaas pa
Sinabi sa sarili, oo sana siya na
Agam-agam na nagtiwala ka,

Hanggang isang araw, hulog kana talaga
Pag-ibig na dumatal,
Akala’y totoo
Noon pala ay bunga lamang ng imahinasyong lito,
Akala mo siya na para sayo,
Ikaw lang pala nagkukumahog na maging kayo

Napag-tanto ang totoo,
Natakot ka,
Di alam kung paano kukumprontahin siya
Hanggang sa isang araw,
suko kana talaga

Wala na si kilig,
Lambing
O paghanga sakanya
Lahat naglaho,
Nang matuklasan ****,
Lalaki din pala ang tipo niya..
Malungot na pagwawakas diba?
Walang magagawa,
di ikaw nakaTADHANA sakanya.
Susugod na sa bilang ng tatlo
Isa… Dalawa… Tatlo…
Sugod

Ang giyera ay nagsimula
Ilabas na ang mga baril at sandata
Ilabas na ang mga kanyon at bomba
Ang mga tauhan at ang mga preda

Magsisimula na ang giyera

GIYERA
Na tungkol sa pagbabalik wikang filipino
Na minsan nang ipinagmalaki ng ating bansa
At ngayon ay ikinahihiya at itinatago na lamang
Na minsan nang ipinagmaybang at itinangkilik
At ngayon ay naiwan lang at tinangay na
Ninakaw ng mga dayuhan

Nang ito ay mawala ay bigla mo na lamang pinalitan
Humanap ng iba sa paligid
At sa katiyakan ay nakahanap ka nga

Nahanap mo ang ingles
Kaya’t ikaw ay humanap ng sabon na magpapaputi
Kinuskos ng kinuskos ng matagal ngunit di gumana
Kumuha ng puting pampintura
Kinulayan ang sarili
Hindi lang ang kulay ng buhok ang nagiging artipisyal
Pati na rin ang kulay ng sariling balat

Ngunit sa isang iglap ay ikaw ay nagsawa na
Sa mumunting kulay na lagi nang nakikita
Naisipan **** maglibot pa
At lumibot ka pa

Nahanap mo ang koreano na nagsasabi ng
“Hart Hart Saranghaeyo oppa”
Kaya’t ikaw ay kumuha ng papel
At nag-aral ng wikang banyaga
Ngayon ay napakanta ka na rin ng kantahin
Na kahit ikaw ay hindi makaintidi
Pero kinakanta mo dahil nakakatuwa
Hindi ba?

Hindi nagtagal ay nagsawa ka
Sa mga kantahang hindi mo rin maintindihan
Kaya’t naglakbay ka pa
Naglakbay ka hanggang sa wala
Naglakbay ka hanggang sa ang araw ay dumilim at unti-unting pinalitan ng tala

Napagod ka

Napagod ka sa kahahanap ng bagay na hindi naman mapapasaiyo
Nakahanap ka nga pero hindi naman ito sa dugo mo ay itinatanggap
Nabigyan ka ng sagot na ang hinahanap mo ay
Nasa’yo na mismo
Hindi mo na kailangan humanap ng iba pa
Dahil ang wikang hinahanap mo ay nakabihag lamang

Ibinihag ito ng mga espanyol sa dulo ng puso mo
Para mapigilan ang pagbabago
Pagbabago na makakasira ng kaisipang kolonyal na nagsasabing
Ako ang piliin mo dahil dayuhan ako
Itinatatak sa isip mo

Laging magiging sosyal ang banyaga
Laging magiging bulok ang sariling wika
Laging magiging sosyal ang banyaga
Laging magiging bulok ang sariling wika

Nagtataka na ako sa iyo
Ang sarili **** wika ay nakabaon lamang sa puso **** nakakandado
Nasayo naman ang susi pero pilit **** isinasarado

Ano

nga ba ang pumipigil sa’yo

Handa na ako
Sa aking pagsuko

Pagsuko
Hindi dahil natalo ako
Pero dahil idinedeklara ko na ang aking pagkapanalo
Isusuko ko na ang mga sandata
Isusuko ko na ang giyera

Inaanyayaan kita
Sabay sabay tayo
Magkahawak ang kamay at hindi kakailanganing bumitaw at maghiwalay
Sama-samang baguhin ang mundo gamit ang sariling wika

Buksan ang nakakandadong puso
At doon ay makikita mo ang sedula

Hawak ko na ang sedula

Hawak ko na ang sedula
Ng pagkabilanggo ng wikang filipino
Handa na akong palayain ito at gamitin para sa pagbabago
Ang dating linya ay magbabago

Laging magiging sosyal ang sariling wika
Laging magiging sosyal ang sariling wika
Laging magiging sosyal ang sariling wika
Laging magiging sosyal ang sariling wika

Susuko na sa bilang ng tatlo
Isa. Dalawa. Tatlo.
Suko

Tapos na ang giyera
Aris  Apr 2016
Blankong Papel
Aris Apr 2016
Blankong papel
Ano na naman ba ang isusulat?
Eto na naman tayo sa walang kamatayang drama
Pasensya kana
Ikaw na nanahimik ay ginagambala
Ng pagtangis ko buhat sayong pagkawasak.
Sinisigawan na ako ng utak ko
Na kesyo tama na
Suko na
Di na yan babalik
Tumigil kana
Nililinlang mo lang ang 'yong sarili
Sa patuloy na paghahangap
Sa taong alam mo namang
Matagal ng namaalam.
Sana kaya kong itigil
Ang paglathala ng kalungkutan kong di matapos tapos
Sana kaya kong lipulin itong sakit na nararamdaman ko na di maubos ubos
Sana pala'y sinama ko na sa hukay ang lahat ng sentimiyentong ito
Nang sa gayon ay di ako nalulunod sa luha bungad ng pagkawala mo.

Blankong papel ano naman ang saiyo'y isusulat,
Hayaan sanang dugo ko naman ang tumulo sayo at yumakap.
Jules Ripas  Jun 2017
A Message
Jules Ripas Jun 2017
'Ayoko na'
Ang daling sabihin no?
Pero kailan mo ba ginawa?
Sa tingin mo, kailan ka kaya titino?
Kailan mo balak magtino —

Kailan kaya dadating yung araw na ;
" Sa wakas! nakalimutan na kita "
Kailan kaya?
Kailan kaya dadating sa punto na ;
'malaya ka na'

Nakakamiss ka din pala
Oo na-mimiss na kita
miss na miss na kita
Minsan nakakapagtaka ;
Kung Ganun ka rin kaya?

Hindi ko alam kung kailangan mo ako ;
O mas kailangan kita.
Hindi ko alam kung kakapit pa ako ;
Kahit alam kong bumitaw ka na.
Ang gulo, nakakalito, hirap na 'ko.

Litong-lito na'ko
Ayoko na
Suko na 'ko
Malaya ka na
T A G A L O G P O E T R Y
Anonymous  Jan 2017
Antok Na Ako
Anonymous Jan 2017
Apatnapu't limang minuto makalipas ang alas-dose. Umaga na naman -- umaga na naman pipikit ang mga mata kong kasingbigat na ng ulap na napuno ng tubig mula sa lupa at dagat. Mapungay at napapaluha dulot ng pasakit na hatid ng walang sawang sulatin, babasahin, at kung anu-ano pang mga dapat tapusin.

Mga labi kong medyo nakabuka na marahil akala nila'y tapos na ang lahat ng gawain kaya namamahinga. At muli silang sasara, kasingbilis ng motorsiklong humaharurot sa labasan na parang nakikipagkarera, kapag naiisip na malayo pa ako sa pagtuldok sa katapusan.

Tumatabingi na ang mundo. Ay, mali, ulo ko lang pala na napapahiga na sa aking kanang balikat tila may sariling isip at ginugusto nang humiga sa kama -- akala niya rin siguro'y matatapos na sa pagsusulat at pagbabasa ngunit sadyang nagkakamali siya.

Tak. Tak. Tak.
Tak. Tak. Tak.

Tunog na ginagawa ng aking mga daliri na kay bagal nang bumaba para pindutin ang mga letra sa aking kompyuter. Suko na raw sila at nasasabik na silang muling mayakap ang malalambot na unan na nag-aantay sa kanila.

Tak. Tak. Tak.
Tak. Tak. Tak.

Tunog na lang ng pagbagsak ng aking mga daliri sa bawat letra ng aking laptop ang pumapasok sa aking utak. Ilang minuto na nakatitig sa iisang pahina...

Sa iisang talata...
Sa iisang pangungusap...
Sa iisang letra...

Blag!
Kasi nga antok na ako.
Anne Maureen B Apr 2018
Nakakaiyak nga pala ang pag ibig
Yung tipong hirap ka ng ipahiwatig
Yung kahit ilang beses **** sinabi na suko na
Sasabihin parin nya sayo na laban pa

Gusto kong umiyak, gusto kong magwala
Gusto kong iparamdam sayo kung anong pakiramdam ng binabalewala
At habang tumatagal lalo itong lumalala
Lumalala ang sugat sa puso ko kagagawan ng iyong bala

Kasabay ng mga manininging na bituin
Ay ang hangarin na ako'y iyong palayain
At kung ang ating landas ay muling pagtatagpuin
Ang tanging hiling ay sana'y walang hadlang satin

— The End —