Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2016
Wala na akong ibang gusto,

Kundi ang muli kang kumatok sa pintuan ko,

Kapag nakita ko ang maamong mukha mo,

Pwede na akong mamatay dahil sa sayang nadarama ko.

Noong inusal mo ang iyong huling paalam,

Namatay ako, ang sakit ay hindi maparam,

Sa tuwing ako'y humihiga,

Unan ko'y laging basa dahil sa mga luha.

Kung minahal mo ako,

Bakit iniwan mo ako,

Hindi ba sapat ang nadarama mo,

Ganoon na lang ba kadaling itapon ang lahat ng ito?

Dahil sa'yo nagawa ko ang mga bagay,

Na hindi ko alam kaya’t ayaw kong sayo'y mawalay,

Binago ako ng pagmamahal ko para sa'yo,

Pero bakit ganon, pinili mo pa ring iwan ako?

Minahal mo ako, ang kaso lang may pero,

Pero hindi na ngayon, pero hindi na pwede,

Pero ayoko na, pero hindi na ako masaya,
Pero pagod na ako, pero suko na ako.

Ang dami **** pero, ang dami ko namang sana,

Sana ako pa rin, sana pwede pa,

Sana gusto mo pa, sana masaya ka pa,

Sana hindi ka napagod, sana hindi ka sumuko.

Sana isang araw magkapalit tayo,

Ikaw yung may sana, ako yung may pero,

Iyong tipong gusto mo tapos ayaw ko,

Katulad ng mga linyang ito,

“Mahal kita, sana pwede pa,

Sana ako pa rin, sana tayo na lang ulit.”

Tapos sasagot ako nang,

"Pwede pa sana, pero huli na, nawala na yung pag-asa ko na magiging tayo pa.”
Arnina Joy Mendoza
Written by
Arnina Joy Mendoza  Land of the Rising Sun
(Land of the Rising Sun)   
6.7k
 
Please log in to view and add comments on poems