Sabi mo'y ako lang hanggang dulo,
Pero bakit mag-isa nalang ako sa dulo?
Sabi mo'y ako lang ang iyong iibigin,
Pero bakit ako nalang ang umiibig?
Sabi mo'y walang bibitaw,
Pero bakit ikaw ang unang bumitaw?
Sabi mo'y walang iwanan,
Pero bakit ako'y iniwan?
Sabi mo'y tutuparin lahat ng pangako,
Pero bakit lahat ay napako?
Naniwala ako sa lahat,
Pero sana'y di nalang.
Kung lahat ng pinangako,
Dulot lang ay matinding sakit at lungkot.
Dec. 10, 2017
12:59 AM