Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Amethist Jude Oct 2016
Ang saya matulog
Ang saya managinip
Walang problema
Hindi masama ang ihip

Ang saya matulog
Para lang akong nahuhulog
Nahuhulog sa ideyang tayo
Pero di masasabihing totoo

Pagtulog na mag-isa ka
Sa panaginip kasama ka
Naka-ngiti,
Magkahawak ng kamay,
Nakatawa.

Pagkagising mag-isa ka.
Nakahiga sa kama
Malungkot,
Walang kayakap,
Marahil na nagdurusa.

Nagdurusa sa ideyang dapat may tayo,
Kung hindi lang ako bumitaw sa kung ano ang totoo.
Naniwala at nagpaloko
Sa mga sinasabi nilang kuro-kuro

Minsan gusto ko nalang matulog
Kase nakakapagod na mahulog
Mahulog sa kalungkutan
Mahulog sa kasawian

May oras na ayoko nang gumising,
Sa tulog kong mahimbing.
Dahil alam kong kapag ako'y namulat,
Gugustuhin ko ulit sumulat.

Sumulat ng aking nararamdaman,
Sumulat ng bagay na ipinaparamdam,
Sumulat ng mga bagay na di mo nararamdaman
At sumulat ng bagay na di ko mararamdaman.

Pagkatapos sumulat muli akong mapapagod
Mapapagod sa nararamdaman
Mapapagod sa katangahan
Mapapagod sa kabiguan

Pagdating ng gabi ako'y hindi makakatulog
Dahil sa mga bagay na naglalaro sa aking isipan
Pagdating ng alas dos ako'y makakatulog
Dahil malinaw na ito'y isang katangahan

Sa susunod na pagtulog
Sana hindi na ikaw ang laman
Ng panaginip
At Laman ng puso't isip

Dahil masaya matulog
Ang saya managinip
Walang problema
Hindi masama ang ihip
Mala-slam poetry ang nais ko pero fail
Sumulat ako ng isang mahabang tula.
Tungkol sa ulan na kailanma’y di tumila.
Kahit na ito’y sadyang dalubhasa.
Ito’y kailanma’y hindi mo mababasa.

Sumulat ako ng isang mahabang tula.
Tungkol sa telang nagkukulay na lila.
Nagsimula ako na maligaya.
Ito’y kailanma’y hindi mo mababasa.

Sumulat ako ng isang mahabang tula.
Tungkol sa nakabibighaning himala.
Ako’y hindi makapaniwala’t napuno ng pag-asa.
Ito’y kailanma’y di mo mababasa.

Sumulat ako ng isang mahabang tula.
Tungkol sa pagtingin sa kana’t kaliwa
Puno ng salita’t walang maipakitang pruweba
Ito’y kailanma’y hindi mo mababasa

Sumulat ako ng isang mahabang tula.
Tungkol sa isang nakakaawang ulila.
Ako’y umuwi habang ang mata’y puno ng luha.
Ito’y kailanma’y hindi mo mababasa

Sumulat ako ng isang mahabang tula
Tungkol sa pagsulat ng talata.
Nagmuka akong walang utak na sanga
Ito’y tapos mo nang mabasa
George Andres Sep 2018
sumulat ako ng elehiya

ginamit ko lahat ng palasak na salita
ninais ko ang naunsiyaming kapayapaan: yaong hindi bayolente't nababahiran ng dugo't karahasan
mayroon pa naman sigurong mas malinis na paraan, 'yun, 'y-'yun bang legal at dinaraan sa reporma
'yaong tulad ng kay rizal! tama! yaong may diplomasya

tumigil ako pansamantala upang bumuklat ng pahina
napakarami nang rebolusyong hindi tulad ng inihahatag nila, katulad ng, ah! katulad ng EDSA!

nauhaw ako at tumigil pansamantala habang sa lamig ng aking kwarto'y rinig malakas na buhos ng galit ng araw
mabuti't nang buksan ko ang mga kurtina, payapang nagwawalis sa bakuran ang kapitbahay
may nagpapaligo ng aso't magagarang sasakyan
ipinagpasalamat ko ang bubong sa king ulunan. ah, payapa.

hindi rinig sa balita ang pandarahas ng militar sa kanayunan
ngunit batid ng karamihan, at ang solusyon ika nila ay armadong pakikibaka
nanlamig ako at namutla,

binaybay ko ang mga taong nakalipas bago ko marinig ang pangangalampag sa aming pintuan
pilit kaming inaakusahan, walang dokumento o anumang ebidensya

at dumaan ang mga imahe ng militar sa kanayunan:
ang daan-daang pamamaslang habang walang kalaban-laban

sa huli, wala akong armas na nilundayan

sa aking mga huling sandali, para sa sarili ko lamang,
sumulat ako ng elehiya
Stephanie Apr 2019
isinulat ni: Stephanie Dela Cruz

\

isang daang tula.
sabi ko noon ay bibigyan kita ng isang daang tula
mga tulang magiging gabay mo kung sakaling mawala ka man sa akin, o kung ilayo ka man ng ating mga tadhana, o kung paalisin mo na ko sayong tabi,
ngunit pangako, hinding hindi magiging dahilan ang kusa kong pag alis, pangako yan.
itong mga tulang ito ang magiging gabay mo kung sakaling maisip **** ako ang kailangan mo at ako ang gusto **** makasama hanggang dulo
itong mga tulang ito ang magiging resibo mo, magiging ebidensya ito ng kung paano kita minahal ng pagmamahal na hindi mo kailanman naibigay sa akin

isang daang tula.
alam mo bang tula ang una kong minahal kaysa sa iyo
ibinuhos ko lahat ng mga inspirasyon, pag-ibig, luha at pati tulog ko'y isinantabi ko na para sa kanila
dahil ako rin ang mga tulang ito,
alam mo namang isa kong babasaging salamin na paulit ulit na binabasag ng mga taong gustong maglabas ng sama ng loob, ng matinding emosyon, isang salaming kakamustahin kapag gusto nilang ipaalala sa sarili nila na maganda sila at mahalaga at kamahal-mahal at importante...
ako nga ang mga tulang ito, at paulit ulit kong pinaghirapang buuin muli ang aking sarili, ang bawat dinurog na piraso ko'y sinusubukang buuin muli gamit ang hinabing mga tula
itinago ko sa bawat maririkit na salita ang mga lamat na hindi na maaalis pero pipilitin ko...
at sa huli naisip kong hindi ko lang pala gustong sumulat at bumigkas ng tula..
gusto ko rin maging tula ng iba, na mamahalin ako katulad ng pagmamahal na ibinuhos ko sa mga ito

at ayun nga... dumating ka.

ngunit tanong ko pa rin sa aking sarili itong palaisipan...  "naging tula mo ba ko talaga?"


hindi.

dahil hindi ka naman talaga interesado sa mga tula.


alam ko naman kung anong nais mo talaga..

ang gusto mo'y musika.


maganda, masarap sa pandinig, masasabayan mo sa pagsayaw... maipagmamalaki.


hindi naman ako musika... isa lamang akong tula.



isang daang tula.
alam mo bang kung nakakapagsalita lamang ang aking mga sinulat ay sigurado akong magtatampo sila
dahil naisulat na ang tulang bukod tangi sa lahat, tulang pinaka mamahal ko higit sa lahat
ito ay ang bawat tulang isinulat ko para sa iyo..
isa... dalawa... tatlo.. hindi ko na mabilang kung gaano karaming tula na ba ang naisulat ko para sayo
ngunit mas marami ata yung mga tulang isinulat ko nang dahil sayo
at wag kang mabibigla kung sasabihin kong hindi lahat ng iyon ay puro kilig, puro saya, puro tamis ng sandaling kasama kita
dahil sa bawat pagkakataong hindi mo namamalayang sinasaktan mo ako ay sumusulat ako ng tula
may mga pagkakataong ikaw ang dahilan ng mga luhang siyang naging tinta nitong aking pluma na pinangsulat ko ng tula

wag kang mag-aalala, hindi nasasapawan ng kahit anong sakit at pait ang pagmamahal ko sa iyo. :)


isang daang tula.
teka, kailan ba tayo nagsimula?
napakabilis ng panahon, lumilipas na kasing bilis ng pagningning ng mga bituin sa gabi
hindi pa tayo tapos mangarap ngunit tumitigil na... natapos na ang pagkinang.
inaawat na tayo ng kalawakan... o teka... mali pala... dahil ikaw ang umawat sa kalawakan
pinatay mo ang sindi ng pinakamakinang na bituing pinangakuan ko ng wagas na pagmamahal sa'yo habambuhay
wala nang natira.. pati ang mga bulalakaw na nagdadala ng milyong paghiling kong makasama ka hanggang dulo ay wala na, lumisan na
at hindi ko naman inasahan na sasama ka sa kanila
hinihintay kong hawakan **** muli ang aking kamay nang mas mahigpit sa paghawak ko ng kamay mo katulad ng una't pangalawang beses nating pagkikita pero
binitawan mo ako mahal



isang daang tula...












teka muna mahal, hindi ko pa naisusulat ang pang isang daan
bakit ka'y bilis mo namang umalis... hindi mo man lang hinintay na matapos ko ang mga tulang ito na nagpapatunay na minsan may tayo


pero pangako...


tatapusin ko itong isang daang tula at hindi ito magtatapos sa pang isang daan dahil susulat pa ko ng mas marami, susulat ako nang mas marami pa hanggang sa hindi na ikaw ang tinutukoy ng mga salita sa aking tula, hanggang sa hindi na ikaw ang buhay nitong aking pagtula...
ipapaalala ko sa aking sarili na ako ang mga tulang ito at hindi ako magtatapos sa panahong pinili **** umalis kesa basahin ako, pinili **** iwanan ang tunay na nagmamahal sayo, sabi mo iingatan mo ang puso ko ngunit hindi mo ba alam? ikaw ang muling sumira nito kaya't heto... may dahilan nanaman para sumulat ako ng tulang magbubuo ng mga piraso ng aking sarili na dinurog mo... pinili **** saktan ako, pinili **** lumayo para sa sarili mo, pinili **** maghanap ng mas maganda at mas higit sa akin, ang dami dami **** pinili mahal ngunit bakit hindi ako ang isa sa mga pinili mo? ah. alam ko na. dahil nga pala may mas higit pa sa pagpipilian kaya bakit nga ba ako ang pipiliin mo diba?


pero pinapangako ko... isa lamang akong tulang hindi mo pinag-aksayahan ng oras para basahin ngunit balang araw ay magkakaroon din ako ng sukat at tugma, ang mga salita sa aking malayang pagsulat ay tatawaging liriko at kapag ganap na akong maging musika... pangako.... huling pangako ko na ito para sayo kaya't makinig kang mabuti...




mapasabay ka man sa  saliw ng aking musika, kailanma'y hindi na ko ang kanta, liriko, musika, at tulang isinulat para sa iyo.
I miss you so bad but not enough to want you back.
Tapos na ang giyera
Tapos na ang labanan at hindi matigil na sakitan
Tapos na ang nakakatakot na digmaan sa labas ng mga tahanan
Tapos na.

Pipiliin ko nang maging masaya
Hahanap ako ng madadaluyan kung saan mabibigyan
Ako ng kalakasan
Maghahanap ako ng kapayapaan

Kapayapaan na yayakap saakin
Sa mga takot na dinanas ko
Sa mga bangungot na nagkakaron parin ako tuwing gabi
Sa mga multo na paulit-ulit na dumadalaw saakin

Kapayapaan na pupunas
Sa mga luha na di na natutuyo
Sa mga pawis na matagal nang gustong mawala
Sa mga dugo't na minsan nang nanggaling sa sarili ko

Magkakaron ako ng kapayapaan

Ngunit bakit hanggang ngayon
Na tapos na ang giyera
Ay hindi ko parin mahanap ang kalayaan na iyon?

Bakit patuloy na kumukurot ang ala-ala
Na minsan nang nagdaan at sumabit at nanatili
Hanggang sa mawala?

Bakit kahit na pilit kong kinakalimutan
Ay bumabalik parin ang sakit
Na dinanas ko habang nasa piling mo?

Ngunit ang dating nakaraan
Ay tila gumugulo ulit saakin paulit-ulit
Bumabalik at tila nagiging kasalukuyan

Bumabalik yung nakaraan na
Nagmahalan tayo at piniling di maniwala sa katapusan
Naging matigas ang ulo't sumunod
Sa mga pusong pagal

Nasaksihan ng araw at buwan na
Ang pagiging seryoso ng bawat puso't isip
Natagpuan ang kasiguraduhan sa mundong walang katiyakan

Ngunit sa isang pikit ko
Ay nagulat ako nang magkaron ng "Siya"

Simulan natin sa "Siya"

Simula nung araw na iyon
Ang salitang "siya" ay naging panakot saakin
At tila naging digmaan sa isipan ko
Tila naging parusa sa puso ko

Ang dating "tayo"
Ay unti-unting naglaho
At nagbago
At naging "kayo"

Doon nagsimula ang digmaan
Nasakop mo ang puso kong ngayon lamang umibig
At binomba ito

Pinosas mo ito at ikinulong
Ibinilanggo sa lugar na hindi ko rin alam
Binugbog at pinarusahan para sa kasalanang hindi naman ginawa

Nagmamakaawang pakawalan

Sumulat ito ng kanta
Umawit gamit ang natitirang pintig
Sumulat gamit ang natitirang dugo

Isinigaw niya ang awitin niya ng paulit-ulit
Ngunit walang nakakarinig sakanya

Naghihingalo para sa natitirang lakas
Umawit ulit siya muli

Hanggang sa marinig siya ng Maykapal

Ang alibughang puso ay natagpuan na sa wakas

Ngayon ay dumating na ang kasalukuyan
Kasalukuyan kung saan ang dating nasasaktan ay gumagaling na

Kasalukuyan kung saan tapos na ang giyera
Possible na ang kapayapaan

Hawak ko ang sedula ng pananakop mo sa puso ko
Handa na akong kumalimot
Handa na akong tumalikod
Sa nakaraan na hindi na kasalukuyan

Magtatapos ako sa "Ikaw"

Mag-isa ka na
This piece is meant to be spoken
thegirlwhowrites Jun 2015
panahon nang sumulat…
muli…
hubaran ang puso’t
bulatlatin ang mga alaala.

para saan pa’t
sa maraming tao’y
inimbak
ang luha
ng nakaraan,
kung ito’y kailanma’y
hindi mapapakinabangan?

kaya’t patawad, puso,
sa aking sayo’y pagpapaluhang muli.
salamat, isip,
sa iyong pagpapaunlak
sa hiling
na paminsan pa’y
isatitik silang kapagdaka’y
lumisan din.

*060915
Allan Pangilinan Dec 2015
Disoras na naman ng gabi,
At ‘di ko alam kung saan ako aabutin ng kahangalang ito.
Andaming sabi-sabi sa mga tabi-tabi,
At naisipan kong isulat ang ilan sa mga ‘to.

Kung mabasa ito ng iba kong kakilala,
Siguradong pagti-tripan ako ng mga tangina.
Pero ayos lang, ano pa bang mawawala?
Sanay na ako’t sobrang kapal na ng aking mukha.

Nais ko lamang ibahagi ang isang kwento,
At marining kung ito’y naranasan na din ba ng iba.
Pagkat sa ikot ng ating mundo,
Ang kwentong magkapareho’y anong ginhawa.

Hayskul ako noon nang una kong masabi na, “Shet, gusto kita.”
Ano pang mga ka-kornihan ang ginawa ko’t sumulat ng tula.
Napainom pa ako ng energy drink para lang masabi,
Na sa tuwing nakikita kita’y abot langit naang aking ngiti.

Ngunit ayun lamang at ako’y ‘di pinalad.
Sa mga rasong tila dapat ay batid ko naman.
Paano nga ba ang sarili’y mailalakad,
Kung sa mga simpleng salop ako’y walang mailaman.

Naging mabuti naman pagkat ika’y minahal ng isang tunay na kaibigan,
‘Wag niyo na lamang akong imbitahan sa inyong kasal.
Sa ngayo’y ang alaala na ito’y dumaraan na lamang,
Tuwing napag-iisa’t ubod ng pagal.

Limang taon ang nalipas at muli kong sinubukan,
Sa ibang babae naman binuksan ang kalooban.
Akala ko ay pwede na,
Ngunit, puta, ‘di rin pala.

Ang hirap mo maging kaibigan,
Lahat ng tao sa paligid mo’y ako’y sinisiraan.
Batid kong may pagkakaiba ang ikot ng ating kaisipan,
Ngunit inakala kong posible ang pagkakasunduan.

‘Di ako ng tipo ng madalas magkagusto,
Lalo na din siguro sa mga pangyayaring nasulat rito.
Tingin man ng iba’y dapat maataas ang aking tiwala sa sarili,
Mga taong ‘may kaya niyan’ ay sadiyang pili.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko.
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako,
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?”

Nanay ko lang tumawag sa aking gwapo,
At sa mga manininda at drayber ko lang narinig ang, “Uy, pogi!”
Ngunit sa katotohanan pala’y iba-iba talaga ang pagtingin ng tao,
At minsa’y may mga tunay sa magkakagusto sa’yong mga ngiti.

May mga lumapit na rin,
Babae at lalaki, nagparamdam ng pagtingin.
Ngunit ayaw ko ring lokohin sila at ang aking sarili,
Kung ‘di naman tunay ang magiging pagpili.

Kaya siguro ako tumatandang ganito,
Malakas ang loob at mukhang masungit,
Dahil sa loob ng 20 taon ay kinaya ko ang sarili ko,
Mag-isa akong bumabangon at pumipikit.

Kinaya kong mamuhay ng mag-isa,
Kaya mahirap hanapan ng lugar ang para pa sa iba.
Ngunit ‘di tayo nawawalan ng pag-asa,
Na merong ‘siya’ na darating nga.

Andami nating hinarap na mga problema,
Iniyakan ‘to, uminom dahil dun at kung anu-ano pa.
Ngunit kung iisipin, masa madali **** malalampasan yan,
Kung may isang taong tunay kang pakikinggan.

Sa lahat ng ‘di buong nabiktima ni kupido,
Na sa’yo lamang lumipad ang palaso,
‘Wag kang bibitiw kapatid ko,
Ang araw ng iyong kasiyahan at ligaya’y pinapangako ko.

Patuloy na managarap at managinip,
Tadhana’y nariyan at unti-unting sisilip.
Malay mo bukas paggising mo,
Kayakap mo na ang taong pinapangarap mo.
Nasa banyo ako nang maisip ko ang ilang mga taludtod para sa likhang 'to.
Random Guy Jan 2020
sa maingay na mundo
sumulat
sa makalat na kwarto
sumulat
sa mga nakakalason na yugto
sumulat
at 'wag tayong tumigil
hangga't ang utak natin
ay unti-unting nagiging mapayapa
lumilipad
hinahangin
ng bawat salita
tugma
kinukulayan ang bawat pahina
ng kahit anong kulay na gusto mo
pula
lila
kahit pagsamahin mo pa sila
ikaw ang bahala
basta't sumulat ka
RL Canoy May 2020
Tuwing balikan ko ang nangakaraang
araw na nagugol noong kabataan.
Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay,
na minsang dinanas niring abang buhay.

Ang bawat nagdaang aking mga araw,
doon sa luntiang ating paaralan
gunita ay pawang dusa't kapanglawan,
ang bumabalot niring balintataw.

Subalit ang dusang nakapanghihina,
pilit napapawi ng mumunting saya.
Ang isang bituing kahali-halina'y
naging hugot-lakas niring pusong aba.

Hindi ko mawari noon yaring dibdib,
tuwing binabaybay ang daang matinik.
Anong ubod sayang naglaro sa isip,
ang sinintang Musa ng aking pagibig.

Simula nang ikaw ay aking mamasdan
O! hangad kong tala sa sangkalangitan,
hindi ko malirip at di na maparam
tila nanggayumang lagi sa isipan.

At magbuhat noo'y aking hinahangad;
ang sangkalangita'y aking malilipad,
upang mahahaplos ang talang pangarap
at isang dahilan niring pagsisikap.

Subalit ang hangad wari'y panaginip
at tila'y malabo itong makakamit.
Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit,
at kutad ang pakpak at walang pangsungkit.

Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan.
Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang,
at kung anong siglang sa akin nanahan,
ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal.

Iyon ang gunita't aking kabataan,
doon sa mahal kong ating paaralan.
Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan,
subalit tiyak kong sa puso ay bukal.

Sumapit ang yugtong di ko na namasdan
ang tanging bituing aking minamahal.
Pagkat ay nalayo ako sa tahanan,
upang susuungin ang bago kong daan.

Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago,
paghanga'y aayon at ito'y maglaho.
Tulad ng magapok ang buhay na bato,
kung saan inukit ang puso't ngalan mo.

Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas,
ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas.
Hindi ko maarok na lalong nagningas,
nang muling magtagpo ang ating nilandas.

Kaya ninais kong maipapahayag,
ang mga damdaming sa puso'y nailimbag.
Limang ikot-araw ang mga nagwakas,
magpahanggang ngayo'y laging umaalab.

Ikaw ang bituing aking hinahangad,
isa sa nagtanglaw niring aking landas.
Ang Musa sa puso't tanging nililiyag,
ang umakay niring diwa na sumulat.

At ngayon ay aking naipapabatid,
dito sa talatang nagsalasalabid.
Mula sa paghanga't tungo sa pagibig,
ang hindi maihayag niring dilang umid.

Papalarin kaya itong abang lingkod,
at mula sa langit ikaw'y pumanaog?
Diringgin mo kaya yaring tinitibok
ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog?

At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap,
ipaguumanhin ang pusong sumulat.
Ninanais ko lang na maipahayag,
ang aking pagtangi sa'yo at paglingap.

At kung kasadlakan nito'y pagkabigo,
sa aking paglapit, ikaw ay lalayo.
Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo,
nawa'y di burahin ang mga yapak mo.

©Raffy Love Canoy |March 2020|
JOJO C PINCA Nov 2017
Tinatamad ako hindi ko magawang tipahin ang tiklado ng aking computer.
Inaantok ako malamang kinakapos ng oxygen ang utak ko kaya ganito.
Pero ang diwa ko’y gising at gustong sumulat ng tula hindi ito nakatulala.
Anong tula ang susulatin ko? Tungkol ba sa’yo at sa pagsinta nating tuyo?
O patungkol sa bayan kong minamahal na walang utang na loob sa malasakit ng iba?
Ang bayan o ang aking pag-ibig sa’yo alin sa dalawa? Ewan ko nalilito ako.
Pareho kayong mahalaga, pareho ko kayong mahal, pero alam ko na pareho din kayong mawawala. Bakit ko sasayangin ang aking mga salita? Bakit kailangan ko pang ialay ang bunga ng aking kaisipan kung sa bandang huli ito ay mawawalan lang ng saysay?

Hayaan **** mag-diskurso ako kahit sandali lang mahal ko.

Ilan tula na ba ng aking sinulat para sa bayan kong sawi at laging alipin ng mga walang turing at pakundangan, may nangyari ba? Wala naman diba? Walang saysay ang pagliyag ko sa bayang ito na laging lumuluhod at sumusunod sa mga dayuhan. Itong bayan na sa kabila ng kanyang paghihirap at dalita ay laging nangangamuhan at humahalik sa paa ng mga kapitalistang ganid. Ang bayan ng mga taong mahirap paniwalain sa totoo pero madaling bolahin ng mga pulitikong hunghang. Ito ba ang bayan na aking iibigin?

at ikaw naman mahal ko

Batid mo'ng iniibig kita alam mo yan pero para saan ang aking pagliyag sa’yo kung mawawala ka rin sa akin? Oo naman nasasabik ako lagi sa’yo, gusto kitang yakapin, halikan at makasiping sa buong magdamag hanggang sa bukang-liwayway. Pero hanggang kailan ako mananaginip ng gising at mananabik saiyong piling gayong alam ko na hindi ka naman talaga magiging akin sa habang panahon?

Marami ba akong tanong? Pasensya kana ganun talaga ang isang makata, nabubuhay s’ya gamit ang mga salita at tandang pananong.

Pero sige magsusulat ako ng isang tula para sa’yo at para sa bayan ko. Magsusulat ako kahit alam kong walang magbabasa nito. Magsusulat ako at aasa na parang hangal, aasa na may babasa at maniniwala sa aking mga salita. Ipapahid ko ang utak at damdamin ko sa papel na tulad sa isang nababaliw. Magsusulat ako dahil tungkulin ko ito, magsusulat ako dahil alipin ako nito, magsusulat ako dahil ito lang ang alam ko at higit sa lahat magsusulat ako dahil ito ang buhay ko.

Iaalay ko sa’yo mahal kong marupok at sa’yo bayan kong walang utang na loob ang aking tula kahit inaantok at tinatamad ako.
Crissel Famorcan Oct 2017
Mahirap makipagsabayan sa mga bihasang makata
Animo'y kabisado ang bawat tugma ng bawat letra
Batikan sa pagbuo ng ibat't ibang klase ng akda
Nagkukuwentong mahusay ang bawat gawang tula
Mahirap makipagsabayan sa katulad nilang mga batikan
Lalo na para sa mga katulad ko na isang baguhan
Bakit ba ako magsusulat kung wala namang magbabasa?
Bakit pa ako magsusulat kung wala namang magpapahalaga?
Ano bang pakinabang ang makukuha ko sa pagsusulat?
Meron nga ba? O baka nag-aaksaya lang ako ng panulat?
Kaya nga siguro dapat ko nang iwanan
Ang mundong minsang nagbigay sa akin ng kasiyahan
Kailangan kong tanggapin na kahit kailan,di ako magiging katulad nila
Mahusay bumigkas at sumulat ng tula
Kabisado ang lahat ng tugma at tayutay
Na sa akda nila'y maaaring ilagay
Napakahusay!
Walang katulad.
Kapag nabasa mo'y mawawala ka sa reyalidad
Siguro nga mananatili na lamang akong nangangarap
Pagkat di ko maabot ang tulad nilang  sing taas ng ulap
Kaya paalam.
Salitang di ko sana gustong bitawan pero hinihingi ng pagkakataon,
Para makatakas ako kahit paano sa malungkot ko na sitwasyon
Alam kong sa pagdating ng panahon
Matatagpuan kong muli ang aking inspirasyon
Magsusulat akong muli,pero hindi pa ngayon.
Neil Harbee Oct 2017
Panahon na
Panahon na para sumulat ako
Panahon na para ihayag ang nararamdaman ko
Panahon na para idaan sa tugmaan ang dahilan
Dahilan kung bakit ayon sa kanila ika’y aking nasaktan

Napakatxnga mo
Para kang gxgo
Sxraulo
Txrantado

Oo, minura kita kasi di kita kayang mahalin
Napakatxnga mo para ako ang piliin
Pipili ka nalang kasi ba’t ako pa
Oo, magmamahal tayo, pero di sa isa’t isa

Sige, balikan natin ang simula
Yung bago pa lang ako dito at mukha ako nung txnga
Yung kakalipat ko pa lang at wala pa akong kilala
Yung first day ko na walang kamuwang-muwang, padukot-dukot lang ng cellphone sa bulsa
Yung di mo naman sinasabi pero umabot sakin ang balita

Gusto mo ako, di kita gusto
Lumalapit ka, lumalayo ako
Nasaktan kita… hinayaan mo ako

Kung inakala mo wala akong pakialam, nagkakamali ka
Kung inakala mo mapaglaro lang ako, nagkakamali ka
Kung akala mo pinaasa lang kita, di ‘yon totoo
Ang dapat lang na malaman mo… Sinubukan ko
Sinubukan ko ang alin? Txngina alam mo na yon

Sabi nila natuturuan raw magmahal ang puso
Piliin mo yung nagmamahal sayo
Kasi natuturuan naman magmahal ang puso
May kulang
Piliin mo yung may gusto sayo
Kasi natuturuan naman magmahal ang puso
Uulitin ko, may kulang
Piliin mo yung may pagtingin sayo
Kasi natuturuan naman magmahal ang puso
Pxta kayo kulang-kulang mga pinagsasasabi nyo


Natuturuan magmahal ang puso pero iba ang magtuturo
Natuturuan magmahal ang puso pero di ikaw ang gagawa nito
Oo, natuturuan magmahal ang puso pero ibang tao ang magpapatibok dito

Paano ko nalaman? Nasabi ko na, sinubukan ko
Sinubukan kong gustuhin ka pero di ko magawa
Pinilit na ibalik ang pagtingin pero hindi ko kaya
Talagang hanggang kaibigan lang tayo
Mali!
Hanggang kaibigan lang, walang tayo

Magiging totoo lang ako
Hindi ko ‘to ginusto. Pati ikaw
Di rin kita gusto
Sasaktan na kita kasi sasabihin na naman nila pinapaasa kita
Baka ikaw meron, pero ako walang pake sa sinasabi nila
May pake ako, sa’yo
May pake ako sa’yo kaya alam ko na di ako yung lalaki na nakatadhana para ibigin mo
Di kita gusto, at alam kong di mo na rin ako gugustuhin pag nakita mo to
Walang may alam kung kailan mo to makikita
Anong taon, pang-ilang dekada
Huling mga linya, kung binabasa mo to, alam mo na kung sino ka, pasensya na sinubukan ko pero wala talaga
At least kaibigan na kita
VJ BRIONES Dec 2015
Paano sumulat ng magandang tula?
Kailangan bang ito'y may sukat at tugma?
Paano kung hindi makita ng diwa?
Ang tula ba ay ginawa para mabale-wala?
Mga salitang hindi masabi sa iba, kaya sa pagsulat na lang idadaan gamit ang tinta.
Mga gumugulo sa aking isipan, kailangan isulat para mailabas ang aking mga nararamdaman.
Pakiramdam na hindi kayang intindihin ng iba, kaya idadaan na lang sa pagsulat ng tula.
Tula na makakarelate ang iba.
Tula na matatamaan sila
Tula na may simpleng salita,
Tula na babalikbalikan ng iba.
ngunit ako, babalikan mo pa ba?
collab poetry with my friend "RENZ Omana"


"nag post ako ng isang maikling salita sa fb tapos nagcomment siya hanggang nakabuo kami ng isang makatang tula"
Stephanie Jan 2020
Ikaw ang takbuhan sa mga oras na walang wala..

Ang ibig kong sabihin sa walang wala ay yun bang walang wala na kong maibuhos na luha,

Walang wala na kong malapitan,

Walang wala na kong makapitan,

Wala nang gustong makinig,

Wala nang interesado, naubos na kasi ultimo ang para sa sarili.

Ikaw lang ang natatangi.

Ang lakas pala ng loob kong magalit sa mga mang-iiwan, naisip kong wala rin pala akong karapatan.

Ganoon din ako..

Binitawan kita kapalit ng kasiyahan.

Nakangiti ka sa akin habang hinahatid ako sa napakagandang hantungan.

Baligtad na ang mesa.

Nandito na ko.... muli.

Lalakad patungo sa iyo na may dala dalang pluma at papel

Iguguhit ang pait, ngingiti dahil ito na naman tayo sa puntong ito at hindi ko mahanap ang mga tamang salita

Nalimot ko na ata ang tamang pakikipagtalastasan.

Alam kong mauuwi na naman sa tipikal na kamustahan.

Hindi ko inakalang babalik tayo sa nakaraan habang umuusad ang mga kamay ng orasan

Mapagbiro.

Hindi ako handa sa pagsalubong ng taon

Bakit ko nakikita ang mga aninong matagal nang nilamon ng liwanag

Bakit muling nagdurugo ang mga sugat na matagal nang naghilom

Hindi ako naniniwala sa swerte.

Walang swerte. Walang sumugal na hindi natalo.

Buti na lang mayroon akong babalikan.

Ikaw yung kaibigan na hindi lumilisan.

Matagal ang isang taon,

Sumulat ako ng mga tulang kawangis mo

Binuo ko sila na parang mga bahagi ko

Akala ko ay tapos na...

Kung ang pagsulat ay paglaya, hindi ba dapat ay nakakalag na sa akin ang tanikala?

O mali.. baka wala talagang paglaya

Paano kung nililibot ko lamang ang malawak na hawla nang may huwad na pag-asa?

Minasdan ko ang obrang nilikha ng dekada,

Makulay, sa unang tingin ay puno ng pangarap

Parang nobelang nagsasalaysay, at kapag naroon ka na sa kasukdulan ng tunggalian,

Nanaisin **** isara ang pahina..

Makikiusap ang nobela sa isang pagkakataong sana'y siya ay tapusin hanggang huling kabanata...

Napaluha ako ng matindi dahil isa pa lang trahedya ang nobela.

Teka.. teka..

Buburahin ang ilang metapora.

Masyadong madrama.

Malayo sa imaheng gusto kong makita at ipakita

Ngunit tila hindi hawak ng aking kamay ang panulat,

Hinablot nang marahas ng pusong gustong kumawala

Ganon ata talaga sa muling pagkikita pagkatapos ng matagal na pagkakawalay...

Puno ng emosyon.

Magugulo ang burador, wala nang patutunguhan ang tula.

Hindi bale.

Hindi naman dapat na maging maganda ang porma ng tula,

Hindi importante ang sukat at tugma,

Sa susunod na babasa ka ng tula,

Nagbibigay ka ng tunay na pag-asa sa may akda.

Kasinungalingan ang bigkasing masaya ako, ngunit aaminin kong may tuwa, may katiting na pagsigla sa muli nating pagkikita,

Maraming salamat, Sining ng Malayang Pagsulat.
This is my another piece which is written in Filipino. And, it is a free verse poem.
Crissel Famorcan Jan 2018
Elementarya ako nang pinangarap kong maging manunulat,
Kaya't nagsikap ako at natutong magsulat
Ikatlong taon ko sa hayskul nang isulat ko ang kuwento nating dalawa
Kuwentong pinangarap ko pang maipa-imprenta
Kaya't pinaghusayan ko ang paglikha at pagdetalye
'Straight to the point' at walang mga pasakalye
Maraming natuwa sa bawat tulang alay ko sayo,
Pero sa lahat ng yun? Kritisismo at pangungutya ang isinusukli mo
Ngunit hindi ko inintindi iyon at patuloy akong sumulat,
Baka sakali.. isang araw,malay ko? mata mo'y mamulat
Mamulat sa pag-ibig na ibinibigay ko,
Baka isang araw,makita mo rin yung halaga ng mga regalo ko,
Baka isang araw, masuklian mo rin yung pagmamahal kong buo
Baka kasi wala ka lamang barya,
At nahahanap ng panukli kaya ka abala,
Kaya naghintay ako ng ilang taon,nagpakatanga..
Pero mukhang di na yata ako masusuklian pa
Kaya naisip kong makuntento sa kung anong meron tayong dalawa
Pagkakaibigan.
Pero di ko maiwasang masaktan
Sa tuwing magkukuwento ka o nagtatanong tungkol sa kanya,
Hinahayaan ko na lang at least nakakausap kita!
Kahit na yung paksa natin madalas,tungkol lang sa musika
Ayos lang! Basta nakakausap kita.
Kahit nagmumukha na akong tanga
Okay pa rin! Basta nakakausap kita.
Ngunit nakakapagod din maging tanga
Kaya mahal, ako'y magpapaalam na.

Sa paglapat nitong panulat sa aking kwaderno
Ay isusulat ko na ang huling bahagi ng ating kuwento,
Tutuldukan ko na ang mga huling pangungusap
At puputulin na ang mga ilusyon ko't pangarap
Dahil kung hindi'y lalo lang akong mahihirapan
Lalo lang akong masasaktan.
Makapal na ang libro,paubos na ang mga pahina
Nakakaumay ang kuwento na pinuno ng mga luha
Panahon na sinta ko upang mag umpisa akong muli,
Hindi ko na hihintayin ang hinihingi kong sukli
Pagkat panahon na rin upang sumaya akong muli.

Salamat sa lahat ng alaala
At pasensya na sa mga abala
Mahal ito na ang huli kong regalo
- Hindi ko na ibabalot pa
Pagkat alam kong wala ka rin namang pagpapahalaga
At sa huling pagkakataon,gusto kong malaman mo,
Na may isang AKO na minsang nagmahal sayo.
Ito na ang huling pahina ng ating libro
At sa pagsara ko dito,kasabay ang paglisan ko sa mundong ginagalawan mo.
Jeremiah Ramos May 2016
Meron akong labing-isang daliri
Ilang beses kong binilang noong bata pa ako,
sinigurado kung labing-isa nga ba talaga
at nagtataka,
nagtatanong kung bakit may sobra pang isa.

Meron akong labing-isang daliri
May kanya-kanya silang mga kwento.

Labing-isa,
Hindi ko alam kung biyaya ba 'to o sumpa
Hindi ko alam kung bakit ako naiiba
Hindi ko alam kung paano ko ba 'to itatago sa mga tao

Sabi nila, suwerte daw 'to, magiging mapalad daw ang buhay pag-ibig ko, yayaman daw ako.
Sabi nila, okay lang daw maging iba

Sampu,
Nakilala ko ang pagaalinlangan at inggit,
Umupo sila sa magkabilang balikat ko,
Hindi na sila umalis simula noon,
Hindi ko sila pinaalis.

Halos buong buhay ko, nanatili ako sa katahimikan,
Hindi ako magsasalita hangga't walang kakausap sa akin,
Hindi ko itataas ang kamay ko sa klase kahit alam ko ang sagot.
Maghihintay ako na tawagin ang pangalan ko,
na may pumansin sa akin,
Maghihintay na may pupuno ng katahimikan ko.

Kung sisiyasatin mo ang utak ko,
Mabibingi ka sa dami ng boses na hindi ko napalaya.
Nakakulong, sa kani-kanilang mga selda,
Kanilang susi ay nawala na,
Umaasa na sila'y mahanap at magamit para masabi ang mga dapat nasabi

Siyam,
Tsaka ko lang nalaman ang halaga ng mga salita,
Kung gaano sila katalim,
Kung gaano sila katamis,
Kung gaano sila kapait.
Kung gaano sila nakakapagpabago ng isang tao.

Walo,
Wala pa ring tumatawag ng pangalan ko.
Wala pang pumupuno ng katahimikan.

Pito,
Hindi ko na alam kung may tatawag pa ba,
Kung may makakapuno pa ba,
kung ilang salita pa ang makukulong hangga't sa buong katawan ko'y maging selda ng sigaw, pait, inggit, pagmamahal, rason, at galit.

Anim,
Sinubukan kong unang mag salita,
Magkwento tungkol sa buhay ko, sa nararamdaman ko.
Pero parang walang nakarinig.
Hindi ko alam kung mahina ba boses ko
o hindi lang nila ako napansin,
o kung pinili ba nilang hindi ako pansinin
o kaya wala lang talaga silang ****.

Simula noon, nakinig na lang ako.
Kaya ikaw, oo ikaw na may storya
Ikwento mo yung mga naaalala **** nangyari sa'yo noong bata ka pa
Yung mga bangungot mo,
yung pinakanakakahiyang, pinakamasaya at pinakamalungkot na mga sandali ng buhay mo,
yung una **** naramdaman ang kiliti sa puso mo noong naintindihan mo kung ano ang pag-ibig,
Ituring mo akong talaarawan mo,
Pakawalan mo yung mga salitang tinago mo nang nagalit ka.
Iiyak mo sa akin lahat ng luha na hindi mo nailuha nang iniwan ka.
Itatago ko 'to sa pagsara mo, at papakinggan kita muli sa pagbukas.
Papakinggan kita.
Papakinggan kita.
Sana pakinggan mo din ako

Lima,
Nananahimik at nakikinig pa din ako.

Apat,
Mananahimik na lang ako.

Tatlo,
Sa katahimikan ko,
Nakalimutan ko na kung paano magkwento,
Nakalimutan ko na kung paano umiyak

Nakalimutan ko na din yata kung paano magsalita.

Dalawa,
...

Isa,
Natuto ako sumulat ng tula,
Nakahanap ng makukwentuhan,
Naramdaman ang saya nang makatapos ng isang piyesang may parte ng mga salitang nakulong at nakalaya muli.
Nagkaroon ako ng matatakbuhan sa katahimikan.

Nagbabakasakali na maalala ko ulit kung paano umiyak,
kung paano magkwento muli, na may makikinig na sana sa akin.
Nagbabakasakaling maalala ko ulit kung paano magsalita.

Meron akong labing-isang daliri,
Hindi ko pa rin alam kung biyaya pa rin ba 'to o sumpa.
derek Mar 2016
Hello, kamusta ka? Ako po ulit ito.
Ayaw mo sumagot, ayaw mo kumibo.
At dahil ayaw ka, heto't basahin mo
Mga sal'tang tugma, tula ng pagsuyo.

Pinilit ang puso na kalimutan ka.
Nilunod ang isip sa 'king mga tula.
Pagkat winika mo na walang pag-asa
kaya 'di umulit, 'di na nag-usisa.

Ngunit nalaman ko sa 'king kaibigan
na noong Biyernes ika'y nakita n'ya.
Hinimok n'ya ako na muling subukan.
Kaya heto ako at may dalang tula.

Dahil paano ba itutuloy muli
ang daang naputol at tila nabungi?
Anong gagawin ko para mapangiti
ang labi at puso na dating tumanggi?

Marahil isip mo, "grabe ang baduy mo"
"sumulat ng tula, para mapansin ko".
Ayokong magsisi, ayokong magtanto
kung nagkulang ako sa kulit at suyo.

Itataya ko na sa 'ting kapalaran
kung itong tula ko'y may patutunguhan.
Kung ayaw mo pa rin, sa 'kin ay ayos lang.
Basta sa isip ko, walang nang sisihan.

Di ako nagsising bigyan ka ng rosas.
Gagawin ko uli, ibalik man ang oras.
Kung ika'y nangiti sa tula kong ito,
ikaw ba'y papayag na magkita tayo?
Angel Tomas Sep 2015
Naaalala ko pa ang araw na una kong masilayan ang ngiti sa iyong mukha.
Para bang biglang nagliwanag lahat ng tala sa langit.
Para bang isang eksena sa isang pelikulang patok sa takilya.
Para bang kaya ko atang sumulat ng ilang pahina ng paglalarawan at paghahalintulad nito sa mga bagay na aking hinahangaan.
Para bang bumilis ang pintig ng puso kong matagal nang nakaupo’t nananahimik.
Para bang maraming sumasabog na magagarang kulay sa paligid, sa aking katawan.
Para bang kilala ko ata ‘yung ganitong tagpong naglalaro sa aking isipan.
Para bang alam ko rin ata ang kahihinatnan ng lahat.
Para bang hindi ata sa akin ang matamis na pag kurba ng iyong labi.
Para bang lahat ng ito ay isang pagnanais sa isang pangarap na lipas na.
“Para saan?” Tanong ko. Hindi mawala-wala ang ngiti sa iyong labi.
Para bang nakita kong sinindihan ang aking mundo at panuorin ‘tong gumuho sa harapan ko.

“Para sakanya.” Hindi sa’yo, sa kanya.
Para sa'yo.
Lumaki ako na kinukwentuhan ng aking inay bago ako tumungo sa panaginip ko tuwing gabi.
Kinakantahan niya ako ng mga oyayi’t hele. Hinding hindi ko malilimutan ang mga gabing iyon.
Hindi lang ang tugtog ng awitin ng kanta niya ang pinakinggan ko, pati na rin ang pintig.
Pintig ng tibok ng puso naming mag ina na onti onting nagtutugma sa tugtog ng kanta na inawit naming dalawa.
At tuwing magsisimula ang awit, ako’y sumasabay… A-Ba-Ka-Da…
Ngunit hanggang ngayon, hanggang Da lang ang aking natandaan. Ang aking inay ay may katawa-tawang paraan ng pagkanta ng awiting ito. Matatapos siya sa Da, ipagpapatuloy sa Du at magsisimula ulit sa A at sasabihing “aking anak hindi kita sinukuan.” “A-Ba-Ka-Da-Du-A-Ba-… aking anak hindi kita sinukuan.” Hindi ko naunawaan ang kantahing ito at hindi ko inisip na unawain. Isang gabi, kumuha siya ng pluma at papel. Sumulat siya ngunit hindi ko ito nabasa. Ibinilin niya saakin na basahin ito sa tamang panahon. Hindi ko ito naintindihan pero talagang naghintay ako para sa sinasabi niyang panahon. Ilang taon ang lumipas, ngayon, ako’y nakaharap sa kanya(sa puntod niya), hawak ang papel na sinulatan niya noong ako’y munting musmos pa. Nakatingin ako sakanya, hinihiling kay Bathala na maibabalik ko ang mga taon na lumipas.
Isa. Dalawa. Tatlo. Onti-onting tumulo ang aking mga luha.
Umawit ako ng mahinhin… A… Ba… Ka… Da…Du… A… Ba… Aking inay, kailanma’y di kita sinukuan…
Ito na siguro ang tamang panahong ihinahayag ng aking mahal na ina. Binuksan ko ang papel na kanyang sinulatan. At saaking pagbuklat, ako’y nagulat at natulala. Mayroong labing apat lamang na salitang nakasulat dito. “Ang BAlakid ay KAkalat at DAdating. DUmating Ang BAlakid, aking anak hindi kita sinukuan.” Ngayon ay naunawaan ko na ang ipinararating ng aking inay. Gusto ko siyang kausapin sa huling pagkakataon para sabihin na salamat. Salamat sakanya kasi kahit na DUmating ang mga balakid ay tinuruan niya akong lumaban. Kaya ngayon, handa na ako sa mga DAdating na pagsubok dahil alam kong nasa tabi ko lamang siya.
The language used is filipino.
Nat Lipstadt Mar 2014
"sumulat ng mga "paano kung" sa buhay ng isang tao
may mga pag-ikot o pagbabago sa mga konklusyon
sansaglit nguni't mahaba nung nilikha
may mga tainga sa mundong ito, nag nagkukusang-loob
bukas and mga palad at bukas ang mga labi akong tatanggapin
nangingibabaw sa kanilang isipan ang pagbating ito:
"Maligayang pagdating, Makata,
Sabihin mo sa amin..."

welcome poet, tell us....

Translated-for me by Sally, who welcomes everyone...

Just an an excerpt from http://hellopoetry.com/poem/615068/where-has-writing-gotten-me/
"write of the ifs of a man's life,
and come aboutface to conclusions,
instant and long in the making,
there are willing ears on this globe,
welcoming me open armed, opened lipped,
knowing firstly this open-eyed greeting,
welcome poet, tell us."
VJ BRIONES Jul 2017
sa pagbukas ng aking mga mata
ikaw agad ang gusto kong makita
sa umaga na gustong lunurin ng saya
lunurin ng ikaw
hinahanap ang nawalang "ikaw"
nasaan ang "ikaw"
nasaan kaba?
kagabi lang katabi ka
pero ngayon wala kana
anung kalokohan to'?
umupo ako
at iniisip na ikaw ay
umalis ng hindi nagpapaalam
ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?


gumawa ako ng mainit na tsokolate
na paborito natin inumin parati
walang emosyon ang aking nararamdaman
ang maliit na butas sa aking puso, na tinutusok ng kalungkutan
ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?


sa pagbukas ng pinto ng ating aparador
naisip ko na baka nagtago kalang para ako'y iyong gulatin
handa sa kaba ng iyong hindi pag-alis
sa aking pagbukas
hinahanp kita
hindi moko ginulat
bakit hindi mo ako ginulat?
hindi ka nagtago
nasaan kaba?
sinara ko ulit ang pintuan ng aparador
niloloko ang sarili na ako'y gugulatin ulit
sa pagbukas ko wala kapadin don
hindi kapa din nagpapakita
nakita kong nakasabit ang damit mo
ang iyong amoy
ang mahalimuyak na amoy ng paborito **** pabango
na sana malanghap ko pa
na sana malanghap ko pa ang amoy ng iyong pagdating


nakita na kita
sa letrato nating dalawa
tinitignan ang ating mga imahe
tinitignan ang ating mga ala-ala
binabalikan kung anung meron pa
takot bumitaw sa tadhanang biglang umayaw
mga letratong tayo ay masaya
tayo ay magkasama
tayo na punong puno ng tawa
nakita ko ang letrato na paborito nating dlawa
pero ikaw hindi parin kita makita
makikita pa kaya kita?


hinanap kita
nilibot ko ang bawat sulok
pinuntahan ang dating tagpuan
sinilip ang dilim ng kalungkutan
binukas ang posibleng pinagtaguan
hinahanap ka saan-saan
tinanong ang mga tao sa lansangan
hindi parin kita makita
saan kaba
tama na ang taguan
magpakita kana
lumabas kana
sige na
labas na
ayoko nang magisa
tinanggap ang katotohanang ikaw ay wala na
na iniwan mokong walang ideya kung nasan ka
saan kaba nagpunta?


kung alam kolang na akoy iiwan mo
edi sana ikinulong kita
kung alam kolang na ikaw ay aalis
edi sana ikinandado nalang kita
sana sumulat ka manlang
o kaya nagiwan ng ideya kung nasaan ka man
habang ako nandito parin
hinihintay ang iyong pagbabalik
nakahiga sa kama
nagpapahinga
katabi ang mga unan
mga basang unan
na nilunod ng luha
at iniisip
ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?
JOJO C PINCA Nov 2017
PWEDING MALA SUTLA O MAGASPANG NA TELA,
GANYAN ANG MGA ALA-ALA,
MINSAN MALALA MINSAN NAWAWALA.
MGA PAGTITIWALA AT PANINIWALA,
LAHAT AY DAPAT NA MASALA,
GANITO HINAHABI ANG HIBLA NG MGA ALA-ALA,
PARA MERON KANG MAPALA.
NAGBABAG ANG DALAWANG KUMAG,
MGA KUTONG LUPA NA PURO HAMPAS LUPA.
HAMBUGAN ANG DAHILAN NG UMBAGAN,
PAREHONG DUGUAN MATAPOS ANG BUGBUGAN,
ITO ANG HIBLA NG KABATAAN.
SA ESKUWELA KAILANGAN MO RIN MAGING MAKUWELA,
KUNG AYAW MO’NG MAGMUKHANG GUMAMELA.
HINDI LAHAT NG MATALINO AY PINO,
MERON DIN MAASIM NA PARANG PIPINO,
AT HINDI PORKE BOBO AY PARA NG LOBO,
GANITO ANG BUHAY ESTUDYANTE.
UMIIBIG HABANG UMIIGIB?
PWEDE NAMAN SABAY,
DEPENDE SA ARTE,
KAILANGAN LANG NG DISKARTE.
WALA PANG INTERNET SA TINDAHAN NI ALING NANNETH,
WALANG CELLPHONE PERO MAY MEGAPHONE,
PWEDE **** ISIGAW NA MAHAL MO S’YA.
KUNG MALUPIT KA EDI LUMAPIT KA,
KUNG TORPE KA EDI SUMULAT KA.
GANITO ANG LABANAN NOONG WALA PANG FB AT CP,
HIBLA NG KASIBULAN.
GRADUATE NA,
KAYA TRABAHO NA,
APLAY DITO APLAY DOON,
WALANG HUMPAY ANG PAGSISIKAP.
HAPAY-KAWAYAN,
KAHIT SAAN SUMASAMPAY.
HIBLA NG BUHAY EMPLEYADO.
TILA ITLOG NA ESTRALYADO NANG MAGING PAMILYADO.
PAKIRAMDAM KO BUO NA AKO,
SINTAMIS NG KAHEL ANG DULOT NG DALAWANG ANGHEL,
ITO HIBLA NG KASALUKUYAN.
kenny Jul 2018
Librong matagal na binuksan sa madla,
Ngayon ay ipipinid ko na,
Maraming salamat sa pagbasa ng aking mga obra,
Sa inyong aking mga taga suporta.

Ngunit ngayong gabi wawakasan ko na,
Hindi na kailanman masisilayan pangalan ng may akda,
Hindi ko na kayang sumulat pa,
Sapagkat kadilima'y tuloyan ng nakapasok sa puso ng manunula.

Nahihirapan ilimbag itong huling tula,
Kahit alam kong dito'y walang magbabasa,
Ito na ang huling tulang aking isusulat,
Paalam ito'y iaalay sa inyong lahat.

'Wag ka sanag tumigil sa paglikha,
'Wag **** hayaang mawala ang tinta ng iyong pluma,
Gawin **** inspresyon ang pagsasara ng aking libro,
Ipinapangako kong ako'y gagabay sa'yo.

Hindi man kita lubosang kilala,
Ngunit ibibigay ko sa iyo ang aking dugo upang ika'y makasulat pa,
Maraming salamat,
Ako'y magpapaalam na.
Neil Harbee Dec 2017
Kinain ng kadiliman ang buong daigdig
Saksi ang mga kabundukan at karagatan
Sa kung paanong natakpan ang araw na siya noong naghahari sa langit
Nagkalat sa buong lupain ang pait
Ang sakit
Dahil ang gabi dulot lang lagi ay kasawian
Ang gabi'y hindi isang kaibigan
Ang gabi'y hindi titigil hanggang ang kaisa isang tala na hawak mo ay kumupas na nang tuluyan
Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao
At oo
Sirang sira na ang taong sumulat ng binabasa mo
Sumasabog ang ulo na tila pagputok ng bulkan
Pumapatak ang luha na tila pagbuhos ng ulan
Ngunit lahat ng ito ay nakatago
Gaya ng kayamanan na nakadeposito sa bangko
Na kayang kaya ilabas ngunit mas piniling ipunin ng husto
Ipunin ang mga delubyo
Delubyo na animo'y itinanim sa dibdib ng isang demonyo
Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao
At walang sinuman ang makakasaksi nito
Dahil ang dilim ay inipon ko
At ang buhay ay kikitilin
Ang hininga ay lalagutin
Ang sarili ay papatayin
At lalong walang makakasaksi na sinuman
Dahil walang pakialam sa aking gabi ang sambayanan
Lahat ay nahihimbing sa kanilang kinaroroonan
At sa wakas
Nandito na ang wakas
P.S. Di po ako suicidal haha
Aba! Nasaktan na naman
Ang dakilang torpe
Walang kalabasan ng nararamdaman
Kaya idaan niya nalang sa isang tula, na naman

Kaya sisimulan na natin sa

Isa dalawa tatlo
Ang corny na nito
Apat Lima Anim
Char lang joke lang
Hindi ito ang simula

Sisimulan natin sa isang balangkas

Isaayos ang bagyo ng iyong isipan
Bigyan ng kapayapaan ang nararamdaman
Para mas maiintindihan ang matinding budhi ng pusong nasaktan

Sunod ay maghanap at gumamit ng mga matalinhagang salita;

Punan ng kolorote ang nararamdaman
Pagandahin ang sakit
Para mas magiging kaakit-akit

At ayon
Alam mo na
Paano sumulat ng tula
Para sa maling tao
I'm actually a Filipino, so here'sa quick one I made for class heh
JOJO C PINCA Nov 2017
“Dream as if you will live forever; live as if you will die today.”
― James Dean

Matagal ko nang itinigil,
Matagal ko nang kinalimutan,
Matagal ko nang hindi sinubukan,
Matagal na at hindi ko na nga halos
Matandaan kung kelan ‘yong huling
Beses na sumulat ako ng tula.

Sinadya kong kalimutan ito
Sapagkat akala ko’y wala akong halaga,
Na hindi ko kayang kumatha na ako’y
Nag-aaring ganap lamang at isang
Hamak na mapag-panggap.

Pero may mga bagay na sadyang
hindi madaling makalimutan,
May mga pangarap na hindi mo kayang
Bitawan nang ganun-ganon na lang.
May mga bulong ang puso na hindi
Mo kayang ipagwalang bahala.

May mga panaginip na hindi nawawaglit,
Parang hininga na hindi basta-basta napapatid.
Maiksi lang ang buhay kong taglay,
Kaya ayaw ko nang mawalay pa
Sa pagsulat ng tula na minsan ko’ng minahal.
Kaya’t heto ako't muling nagbabalik.
Louise Feb 2021
Bakit ka nag iba?
Meron nabang iba?
Akala ko mga lirico lamang ng kanta
Di ko alam na mararanasan ko din pala

Masaya naman tayo
Ngunit may dumating na iba
Simula nang masilayan mo sya
Nag iba ang turingan natin sa isa’t isa

Nasisira ako malagay ko lamang ang mga ngiti sa labi mo
Hindi ko alam na kaya din pala nyang ibigay sayo
Alam kong hindi na ako,
Ngunit handa akong magpaubaya para sa kaligayahan mo

Mahal kita
Kahit na hindi na ako ang mahal mo
Masaya ako
Kahit na hindi nako ang rason ng mga ngiti mo

Kailangan ba talaga ang magdusa?
Eh paano naman kung nais ko pang umasa?
Handa parin akong mahalin ka
Kahit patuloy kapang mag mahal ng iba

Ikaw yung bumuo sakin sa mga panahong ako'y sirang sira
Ngunit ikaw rin yung taong naging rason kung bakit ako ngayo'y lumuluha
Mga yakap **** binabalik balikan
Sana'y muli ko nang maranasan

Mahal kita
Higit pa sa pagmamahal ko sa iba
Di mo lang nga madama
Dahil atensyon mo'y laging nasa kanya

Ikaw ang aking hinahanap,oras oras, minu minuto
Kahit iba na ang hanap mo bawat segundo
Ako’y mananatili parin sayo kahit unti unti ng nasisira ang iyong mga pangako
Ako'y mananatiling kalmado kahit ang kwento nating dalawa'y unti unting sumasarado

Nag simula lahat sa salitang "kamusta"
Hindi ko inaasahang magtatapos sa "paalam na"
Ikaw ang bumuo ng aking mundo
Ngunit ikaw din pala ang sisira nito

Pangako **** walang iwanan
Pero ikaw din pala ang unang lilisan
Pangakong puno ng kasinungalingan
Hinihiling na sana'y hindi mo nalang binitawan Nang hindi na sana ako nasaktan

Tayong dalawa ang sumulat ng ating istorya, ngunit sa huli kayong dalawa ang lumigaya
Sabi nga ni moira,"ako yung nauna, pero sya ang wakas"
Pagkadilat ng aking mga mata kaninang umaga ay naisipan kong libutin ang lugar kung saan naroon ang mga bagay na ako mismo ang lumikha.
Linibot ang alapaap ang kislap ng bulalakaw, ang lupa at tubig at langit at bawat kariktan sa madadaanan.
At higit sa lahat ng kariktan ay nakita kita.
Nakita ko ikaw na napakaganda na tila walang kahit anumang makagagawa ng kahit anong bagay na makakasira sa iyong ganda.
Nakita ko ikaw na aking minsa’y nilikha at ngayon ay wala akong masabi kundi ang kotang “it was great”
Kaya’t kumuha ako ng papel at pluma gumuhit.
Sumulat ako gamit ang bibig.
Umawit gamit ang kamay.
Ginuhit kita
Jun Lit Jan 2020
Tinuruan po ninyo kami
kung paano magsalita at sumulat nang taas-noó
sa isang wikang inampon,
na hindi naman namin Ina.
Ang balumbon ng panuntunan
at talaan ng mga tanggap na kataliwasan
kabisadung-kabisado po ninyo
at ipinagpakasanay po ninyo sa amin,
buung-tiyagang inalagaan
ang mahiyaing mga buko
masikap na hinamon kami
araw-araw, at ang iyong tinig
hanggang ngayon sa diwa’y naririnig –
“Correct practice makes perfect!”
Higit pa sa mga tugmaan ng simuno at panaguri
Ang inyo pong mga aralin sa balarila, na tila gintong may-uri
Ay tinuruan ang mga batang puso, bata sa puso,
Ang mga malambot pang isip:
the malleable minds:
Bawat lalaki o bawat babae ay – “Every man or every woman is”
Pero
Lahat ng lalaki at lahat ng babae ay – “Men or women are”
Anuman – “regardless or irrespective”
Ng pinagmulan – “of beginnings”
Ay kailangang malaman:
1. May mga panuntunang dapat sundin.
          - at isinabuhay namin ang bawat sinabi mo,
          At hindi lang sa aming mga saknong at pangungusap
2. May mga taliwas o eksepsyon na dapat isa-alang-alang.
          - di-tuwirang tinuruan po ninyo kami,
          Kilalanin ang mga pagkakaiba-iba
          At ang mga hirap sa pag-aaral at pagsasalita ng Ingles
          Ay katulad lamang ng mga kahinaan ng mga tao
          At mga katangi-tanging pag-uugali ng aming mga kaibigan
3. Mabuting magpakadalubhasa sa balarila
          - Pero katapatan sa sarili at sa kapwa ang pinakadakila!

Kung kaya, ang mga aralin **** pinakamahalaga
higit pa sa maayos at pusturang pananamit at sapin sa paa
at mga ebanghelyo ng tamang paggamit ng mga salita, syntax,
at ibang hiyas lingguwistika
ay naghatid ng mabuting pagkamamamayan
at butil ng paano maging mabuting kaibigan
Ang mahusay ng pag-i-Ingles na aming natutunan
ay mga aral ng araw-araw na pamumuhay
Mga kayamanang walang katapat na perang kabayaran.
Translation into Filipino (Tagalog) of a poem I wrote last year entitled "Beyond Grammar [https://hellopoetry.com/poem/2958926/beyond-grammar/], in memory of our teacher in English Grammar, Ms. Araceli M. Katigbak, in The Mabini Academy, Lipa City (Batangas Province, Philippines).
psyche Apr 2015
sumulat ako
isang napakagandang obra.
larawan **** nakaukit
sa likod ng bawat letra.
pero hindi mo napansin
ganyan ka naman eh..
laging sa malayo nakatingin.

hanggang sa maubos ang tinta ng plumang gamit ko
tinanong mo kung tungkol saan ang istorya ko...

ngumiti ako, sabay sabing...

"sa ating dalawa sana
kaso napagod na ang pluma ko
sa minsang pinangarap kong wakas"
Random Guy Dec 2019
minsan nang nalimutang sumulat
nautal, nagtagal sa iilang salita
na hindi ko man lang napansin
na ang pagiibigan pala natin ay isang buhay na tula
Hindi sa ayokong maging masaya
Hindi sa ayokong makaahon sa lusak
na iba ang nagdala
Guni guni, pilit pinaniniwala ang sarili
yan ang akala nila.

May mabuti kang pamilya,
ilang daang tropa
magandang suporta

Sabi ng lipunan,
madali lang sumaya,
gumalaw ka, sumayaw ka,
sumulat ka ng kanta.

Hindi nila wari lahat yan ay akin ng ginawa

Depresyon ay hindi kathang isip.
Minsan parang langgam kukurot sa iyong isipan,
madalas sya ay halimaw, lalamunin ka sa madilim **** mga araw.

paano paano yan ang tanong nila.
mukha ka namang masaya, halakhak ang dala sa tuwing kasama ka nila.

ngunit di nila alam,
sa likod ng mga biro,
ay lungkot ang pinagmulan
sa likod ng mga tawa,
ay mga sigaw "ang sakit sakit na!"
sa likod ng mga talon at palakpak  
ay mga iyak na di maikubli ng aking kasaralinlan
kung pwede lang
kung maari lang
araw araw hiling ko lang ay
makaahon sa kalungkutan

kung tatanungin ako ulit,
wala kong kasagutan.
Hindi sa ayoko ng kasagutan,
hindi sa ayoko lunasan.

Hindi ko lang talaga maahon ang sarili sa bangungot na patuloy sumisira ng aking laban.
Wag nio ko husgahan,
sinubukan ko,
binigay ko ang kaya ko
pero kapag nakikita ko na ang panalo
bigla na lang ulit  itong lalayo

ngaunit hanggang andito ako,
hanggat nakikipaglaban ako alam ko
sa sarili ko may pag asa pa ako.
at ikaw rin!
alam kong malalim ang pinanggalingan
alam kong ilang beses mo ding sinubukan
alam kong palagay mo kamatayan na lang ang huling alas mo
MALI
Hindi ito ang magpapatumba sayo.
Hindi ang halimaw na ito ang tatapos ng laban mo.
Sa bawat pagdapa, sa bawat gasgas
sa bawat pagsubok ng isa pa
lahat yun napagtagumpayan mo na.
kung hanggang kelan hindi ko alam
ang mahalaga sa bawat araw na binibgyan ka ng pag asa
andun ka buhay ka lumalaban ka.
Walang tiyak ang bukas
pero wag lang mag alala
HINDI KA NAG IISA
Vincent Liberato Feb 2019
Nagtawag siya ng isang espiritista
at mananalangin
na magbuburda sa bawat hibla
ng kamalayan na patuloy na binuburda
ng sugat at sakit, habang patuloy na ginigising
ang matagal na pagkakahikbi at pagkakatulog sa mga hungkag
na mangangarap.

Dali't daling sumulat ng dagli,
sa bawat pagtagaktak ng mga luhang
umaagos sa sigaw ng mga birhen at santo
na siyang nananalangin sa ikalilinis
ng tahanan laban sa mga naghuhudas
na diyablo, na itinataya ang gabi
para mag-anyong tao sa kahit sino.

Bago sumapit ang gabi.
Sa takipsilim, limang minuto,
bago paparating ang isang duyog
na magwawakas sa hindi maaaring wakasan,
kagaya ng pagtalikod at pagpikit,
na hindi maaaring maisara ng mga mata.

Magpapakarahas sa pagsigaw
at mananabla ng labing-anim na milyong mananampalataya,
ang isang estadista na kung yumapak ay walang-puknat
na magliliyab ang sahig, kung saan nakalibing
ang hindi mabilang ng mga daliri, pagkaraan ng walang
nagdaan sa pagkalimot sa kanila.

Sa gilid-gilid ng eskinita,
matatagpuan ang mga kawalang-malay
na pugot na ulo na hiniling ng mga mananampalataya,
sa isang dyini at ipinagkaloob sa kanila ito, ipinagkaloob, ngayon ay tumatanggi kung kailan naparirito ang hiling.

Ngayon ay malilinis na ang pinakamaruming
hindi nasasaksihan ng mga mata sa tahanan, pagkatapos
ipanglagas ang kaluluwa.

Sa huli, walang bumabalagkas ng daan, na sumasalamin,
pagkatapos manalamin. Sa kabila ng napakaraming salamin.
G Dec 2020
Sa hindi inaasahang panahon,
Landas natin ay ipinagtagpo
Dating mo'y hindi mawari kung suplado ba o masyadong seryoso
Ngunit kahit ganoo'y ako'y nagpatuloy.

Sa hindi inaakalang pagkakataon,
Mga kwentong noo'y nagmumula sa pagtatype ng mga daliring mahilig sumulat
Ngayo'y nagsisimula na sa mga pagtawag at pagbigkas ng mga bibig na makata.

Sa hindi maintindihang sitwasyon,
Matagal-tagal na hindi napapaisip at napapasulat
Ngunit dahil sayo'y biglang nanumbalik
At heto ngayon, nagsisilbi kang inspirasyon.

Sa daldal **** taglay,
Makulit at maalagang pagkatao
Na nagsilbing kanlungan sa oras nang pagiging mapag-isa,
Salamat sa pagiging kung paano ka nagpakilala.

Dahil sa oras na magtugma ang mga nararamdaman,
Kahit hindi inaasahan,
Kahit hindi akalain,
Kahit hindi maintindihan,
Sayo, ako ay sigurado.
Ekzentrique Aug 2022
Ilang buwan
Ilang taon
Gaanong panahon na ba
Ang lumipas
Simula noong
Huli akong sumulat?

Ilang buwan
Ilang taon
Gaanong panahon na ba
Ang nagdaan
Matapos ang gabing
Itinigil ang paglathala?

Ilang buwan
Ilang taon
Gaanong panahon na ba
Ang lumipas
Matapos maghilom
Ang pusong nawasak?

Ilang buwan
Ilang taon
Gaanong panahon na ba
Ang lumipas
Nang matapos ang luha
Sa pagpatak?

Dalawang buwan
Isang taon
Ganoong kahaba na
Ang panahon na lumipas
Itinigil ang pagtangis
Pagtanggap pala ang siyang lunas
Pag-ibig, Paghilom, Panahon

— The End —