Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinangako" poems
Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang pangako na minsang sinundan Ng sakit at tampo ng nakaraan Pero hindi ito susundan ng sakit at kahihinatnan. Minsan aking pinangako na magiging okay lang ako Na lahat ng ito ay malalagpasan at makakalimutan rin Pero lahat pala ito’y napako, At napadaan lang sa daan na bako-bako. Daan na bako-bako, parang tayo. Di malaman kung san liliko, palagi nalang nakakalimutan at nahihilo, Kung ang damdamin ay pareho. Umasa ang isa at nagpaka-tanga, Sa pangako at pag-ibig kung san lahat ay nalito. Pangako. Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang sakit na dinulot mo sa akin Mas masakit pa kesa sa paluhudin sa bilao ng asin At kalian man umasa na ikaw ay mapapa sakin. Pangako, salitang palaging napapako. Katulad ng tulang ito, parang pangako. Paulit-ulit sinasabi, ngunit nalilito at napupunta sa daan na bako bako Pero aking tutuparin, ang pangako na ito hangga’t sa kakayanin. Pero hindi kita tutularin, na ginawa ang pangako na parang bang kasing nipis ng asin.
0
Dec 3, 2015
Dec 3, 2015 at 5:44 AM UTC
Pangako
Tayo ay magkasalungat Magkaiba, hindi tugma At kahit baliktarin mo ang mundo Tayo ay dalawang taong Hindi maipagsasama, Hindi maipapares, hindi din maitutugma Pero mahal pa rin kita Ikaw, Ikaw, na nagmamahal ng iba Ikaw, na mayroon mga mata Na para bang sila ang dahilan kung bakit may mga tala Ikaw, na mayroong bibig Para ngumiti o sumimangot Sa tamis at pait ng buhay Ikaw, na mayroong kamay Para mahawakan ang kamay ng taong mahal mo Ikaw, na mayroong puso, Na naghahanap ng kasabay sa pagtibok nito Ako, Ako, na nagmamahal sa'yo Ako, na mayroon ding mga mata Na nakakakita sa'yo kahit ang kwarto ay punong-puno ng libu-libong tao Ako, na mayroon ding bibig Para ngumiti, tumawa, humalakhak Kahit wala ka sa tabi ko Ako, na mayroon ding mga kamay Na dapat hawak ang iyo Ako, na mayroon ding puso Na hindi pala tutugma ng tibok ng iyo Kasi pabilis ito ng pabilis habang ikaw ay papalapit ng papalapit Pero pakinggan mo sana sa ingay ng 'di tugmang tibok ng puso natin May nagsasabing Mahal kita, gusto kita, ako na lang, sana tayo Pero nandiyan pala siya. Siya, na minamahal mo Siya, na parang buwan kasama ang mga tala Siya, na laging hawak ang kamay mo Siya, ang dahilan kung bakit hindi ko kayang sabihin lahat ng 'to sa harap mo. Tayo, Tayo ay parang tubig at langis, Liwanag at dilim, langit at lupa Mapait at matamis, madumi at malinis Maingay at tahimik, itim at puti Tayo ang perpektong kahulugan ng salitang 'salungat' Sana, Sana magising ako sa katotohanan na mali ang konsepto ng pag-ibig na nalaman ko Na ang pag-ibig pala hindi lagi inaantay, At hindi din lagi naghahanap ng kapalit Sana nagkakilala tayong may lihim na nararamdaman sa isa't-isa Sana kayanin **** magmahal ng higit pa sa kaibigan Sana hindi na lang kayo nagkakilala Sana ikaw ang pangalan na nawawalan ng saysay pag paulit ulit ko itong sinasabi Sana hindi na lang ako lagi kumakapit sa sana. Pangako, Pinangako ko sa sarili ko Na pagkatapos ng tulang 'to Titigil na akong isipin ka Titigil na akong alalahanin ang ngiti mo, ang paggalaw ng iyong bibig tuwing sasabihin mo ang pangalan ko Titigilan na kita sulatan ng tula Titigil na akong mahalin ka At ang huling sana na aasahan kong matupad Na sana tandaan mo, Minahal kita, Ginusto kita, Kahit siya na lang At sana masaya ka.
0
Feb 10, 2016
Feb 10, 2016 at 11:13 AM UTC
Magkasalungat

Continue reading...
65
Minsan gusto **** makalaya; Malaya sa mapanghusgang lipunan, Malaya sa mundong masyadong Magulo at maingay para sa isip **** Litong-lito kung ano ba talaga ang dapat. Ano ba ang mali? Ano ba ang tama? Minsan gusto **** mag-isa; Malayo sa ideolohiyang malabo, Malayo sa punyetang gulo ng Lugar na masalimuot. Doon sa eskinitang masikip na halos Nagtipon ang dumi at kalawang Na hindi na pinapansin. Kasi madumi. Kasi makalawang. Kasi walang silbi. Kasi hinusgahan. Gusto **** makaalis. Gusto **** pumiglas Sa mga kadenang ginagapos Ang nagdurugo at sugatan **** Katawan na ang tanging nais lang ay makalaya. Gusto **** tumakbo. Gusto **** tumakas, Kahit sinasabi nila na hindi iyon ang sagot; at hindi iyon ang dapat. Bakit? Bakit kailangang laging sundin? Bakit kailangang laging paalipin? Ang sikip sa dibdib lalo na't Alam **** wala kang kayang gawin. Lalo na't alam **** palaman ka lang Sa sistemang paikot-ikot ng walang tigil. Hilong-hilo ka na sa mga kagaguhang Nais nilang iguhit sa iyong kapalaran. Hindi mo na masikmura ang pait at Walang saysay na pagiintay sa pinangako nilang katahimikan; kapayapaan ng iyong isipan. Itinatanong mo, bakit di ko harapin? Bakit laging pagtakas ang gusto kong suungin? Hindi ko din alam gaya nang hindi mo pagintindi sa akin. Pagod na pagod na akong mag-isip. Alam ko naman, palagi akong mali. Palagi akong masama. Palagi akong walang silbi. Kasi nahusgahan.. Dahil sa isang mali. Dahil sa isang baluktot na desisyon, Hindi mo na naalalang, tao rin ako. May puso. May pakiramdam. Nasasaktan. Gusto kong lumayo. Gusto kong umalis. Gusto kong lumaya. Patuloy na lumaya. Sobrang pasakit dahil alam ko na sobra akong pabigat. Sana bumalik nalang ako sa pagiging tuldok. Para kahit anong pangungusap na masakit ang maririnig ko, matatapos ito. At hindi na kailanman babalik. Tuldok. Babalik ako sa pagiging tuldok dahil magulo.
0
Aug 5, 2015
Aug 5, 2015 at 12:05 PM UTC
Preso

45
Makakalimutan ka rin niya. Pati lahat ng pinangako niya sa'yo. Lahat ng sinabi niyang gagawin niya at inasahan mo. Lahat ng plano niya para sa kinabukasan niyo na pinaniwalaan mo. Lahat yun. Kalilimutan niya rin. Isa ka lang naman sa kanila. Isa ka lang sa mga panandaliang pinasaya niyang…iiwan rin pala. v.q.
0
Jul 12, 2015
Jul 12, 2015 at 5:42 AM UTC
...
Maraming salamat Sa mala alamat Na kwento ng ating pagmamahalan Na dati ay walang hangganan Nauwi sa hiwalayan Nauwi sa mahabang gabi ng iyakan Nasaktan tayo pareho Pero hindi ako sumuko Tatlong buwan nag-isip Ngunit ika'y nainip Hindi ko na nasagip Natangay na ng hangin na malakas ang ihip Maraming salamat Sa lahat lahat Sa kahinaan at kalakasan ko Tinulungan mo akong magbuhat Tinuruan mo akong tumayo Pinangako sayo ang hindi paglayo Binago ako ng ating pagmamahalan Mga pangarap nati'y nagkakaroon ng katuparan Ngunit pagmamahalan natin nagkaroon ng katapusan Hindi na din natin nagawan ng paraan Na ayusin at bigyan ng pagkakataon Nagkulang na ata sa oras at panahon Ikakahon ko na ang lahat ng ating alaala Itatago sa isang parte ng puso ko kung saan wala ka na
0
Oct 8, 2015
Oct 8, 2015 at 9:23 PM UTC
Salamat
Pinangako ko noong gabing Lumisan ka at akoy iyong iniwan, Na hindi na muli ako maglilimbag Ng kahit anong kanta o tula Na naglalarawan ng mga nararamdaman ko sayo Ngunit heto ka nanaman Biglang lumitaw mula sa kawalan Muling pinaparamdam ang dapat di ko na maramdaman At muling ginugulo ang tahimik ko nang isipan. Pinangako ko na hindi na muli ako magsusulat Ngunit heto ako ngayon, Nangangati ang mga kamay na muling humawak Ng ballpen at gawin ang bagay na matagal ko nang kinalimutan—na hindi pa naman pala Muling inilimbag ang mga sakit Muling isinumbong sa papel ang mga hinanakit Muling nagbabakasali na sa aking pagsusulat Muling maghilom ang mga peklat At sa wakas sa dinami dami ng kalyo Na aking natamo Sa aking mahabang pagsusulat, Muling naghihilom ang mga sugat Muling kakalimutan ka At kapag biglang naalala Muling maglilimbag at magsusulat Susubok makalimot muli sa lahat
0
May 1, 2017
May 1, 2017 at 11:36 AM UTC
Paglimot
Habang ako'y lumalaki isang aral ang tumatak sa akin "Give your 101% sa lahat ng 'yong gagawin" Kaya sa bawat aktibidad ay binuhos ko ang lahat ng aking makakaya, Pati na rin sa pag-ibig ako'y nagmahal ng sobrang sobra. "Too much of something is bad" Yun nga ang sabi nila, Pero bat 'di 'to nanatili sa utak ko? Ganon ba 'ko nabulag sa pag-ngiti mo? Ano ba hinahabol ko dito,Kilig o saya? Bakit ang tanga tanga ko? Nung naghiwalay tayo'y pinangako ko sayo hihintayin ko ang araw na pwede kitang makasama, Pero bakit kita pinaasa? Naghanap ako ng iba at binalewala ang pangakong ginawa. At sa huli ako pa ang umiiyak, ako pa umaasa. Kung minahal nga kita ng sobra, ba't ko ginawa yun sayo? Sabi ako ng sabi sa iba " pre minahal ko siya ng sobra", pero totoo ba? Puro kasinungalingan lang ata laman ng lintik na bibig na to. May kahulugan ba ang "I love you" na sinasabi ko sa iyo? Bakit ang tanga tanga ko? Bakit ba ako gan'to? Pasensya na lang...Yun lang ang kaya kong sabihin na hindi kita niloloko. Malinaw na malinaw ang aking mga kamalian. Mas mabuti nga na di ako ang yong nakatuluyan. Sana makahanap ka ng iba na magiging totoo sayo...
0
Feb 16, 2020
Feb 16, 2020 at 10:20 AM UTC
Bakit ang tanga tanga ko?
Nagbilang ako mula isa hanggang sampu Sana sa pagdilat makalimot na ko… Isa, dalawa, tatlo Tatlong araw mula nang magkakilala tayo Hindi batid kung ano ba ang pakay mo Mga nakakakilig na salitang binibitawan mo Sabi ko, "Hindi ako magpapauto." Apat, lima, anim Naalala ko pa ang araw ng iyong pag-amin Kaba at hiya bumalot sa iyong damdamin Tuwa at saya nangibabaw nang ako'y napa-oo Sabi ko, "Susugal ako kasi alam kong tatayan mo ako." Pito, walo, siyam Sa palipas ng panahon tila ika'y nagbago Biglang lumamig ang iyong pakikitungo Dumating ang oras ng katotohannang kinakatakutan ko Sabi mo, "Pasensya kana, kailangan ko lang ng espasyo." Sampu Sa lahat ng mga pinangako at sinabi mo Isa lang ang tapat at naging totoo Ngunit nagbubulag-bulagan ako Dahil sabi mo, "Nagsisisi ka dahil ako'y nasaktan mo." Gaya ng sabi ko Pagbilang ko nang sampu Sana makalimot na ako Ngunit heto pa rin ako Naniniwala sa mga matamis **** pangako Kahit alam kong nagsisinungaling ang puso mo
0
Sep 1, 2022
Sep 1, 2022 at 10:49 AM UTC
Sampu
Maaga kong nilisan ang lupang sakahan Tinahak ang lugar na maingay at magara, ito pala ang Maynila. ‘di napigilan ng tirik na araw ang aming pagkukumpulan. Nagkamayan kaming magkakabrad, Simula na ng himagsikan. Sariwa pa sa alala kung pa’no kami inagrabyado. Itinulak. Binugbog. Tinakot. Ginamitan ng dahas. Sa plano ng gobyerno kami pa rin pala ang talo. Paano pa kami mabubuhay kung wala ng lupang mapagtatamnan? Akala ko sa bundok o gubat lang may ahas -yun ay sa akala ko lang pala. Sa’ming magsasaka’y Kumukulapot ang putik Ngunit sa inyong mga nakabarong, animoy walang duming nakabahid. Sa inakala kong tubig lang ang maaaring idilig, Dugo pala nami’y pwede ring pumatik. Tila ba ang gobyerno’y namamanhid. Nasaan na ang pinangako nyong libreng abono? Ginawa nyo na bang pataba sa mga bulsa nyo!? Sa pagpunta ng mga imperyalistang bansa, Matutulugan pa ba kaming mga dukha? Makatatayo ako sa aking pagkakadapa Ngunit ang bayan kong nakalugmok , makakaahon pa kaya?
0
Jan 6, 2020
Jan 6, 2020 at 10:48 PM UTC
Buhay laban sa Palay
Kalabit, Takbo Kakahiwalay lang ng buwan sa kalangitan Disoras ng gabi, di pa 'ko naghahapunan Kinailangan magtrabaho, kakasara lang ng tindahan "Mamang Pulis, magandang gabi, anong inyong kailangan?" Akbay, "may itatanong lang", aking narinig Hindi ko na malaman, bat biglang nanginig "Utoy balita namin ikaw ay sangkot" Niyakap ng kaba, hinaplos ng takot Pagsigaw na walang kinalaman Suntok, sipa, mura ako'y pinaliguan "Tama na po, may exam pa kinabukasan" Animo'y mga bingi, mga kampon ng kadiliman Kasalanang di ko alam pilit pinaako "Mag uuwi ako ng pansit" kay bunso ko pinangako Ngunit bilang na pala ang oras ko Dalawang segundo, ang narinig ko lang ay "Kalabit, takbo"
0
Aug 20, 2017
Aug 20, 2017 at 10:34 AM UTC
Kalabit, Takbo
Sabi mo'y ako lang hanggang dulo, Pero bakit mag-isa nalang ako sa dulo? Sabi mo'y ako lang ang iyong iibigin, Pero bakit ako nalang ang umiibig? Sabi mo'y walang bibitaw, Pero bakit ikaw ang unang bumitaw? Sabi mo'y walang iwanan, Pero bakit ako'y iniwan? Sabi mo'y tutuparin lahat ng pangako, Pero bakit lahat ay napako? Naniwala ako sa lahat, Pero sana'y di nalang. Kung lahat ng pinangako, Dulot lang ay matinding sakit at lungkot.
0
Jun 12, 2018
Jun 12, 2018 at 9:41 PM UTC
Sabi mo pero...
Hanggang sa Dulo ikaw parin ang pipiliin ko Masaktan mo man ng paulit ulit ngunit di magsasawa na ika'y mahalin Hanggang Sa Dulo Ikaw parin ang pipiliin pagkat ikaw lang ang nakapagparamdam ng ganito sa aking piling o aking mahal sana ay wag mo kong iiwan pagkat Ako'y takot ng masaktan sana ay tayo na hanggang dulo pagkat pinangako ko na hindi na ko muling magmamahal kapag Ako'y iniwan mo Mahal na Mahal kita Aking sinta Sana'y wag kang umalis tulad ng aking dating sinisinta
0
Oct 8, 2020
Oct 8, 2020 at 8:36 PM UTC
Hanggang Sa Dulo Ng Aking Buhay