Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"masabing" poems
Paglisan Pinangangambahan kong lubos na malaman kung meron nga bang pangalawang buhay, saan kaya ako tutungo? gagala kaya ang aking diwa o baka makukulong ito sa naaagnas at walang buhay kong katawan habang buhay. ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang alikabok na hinipan sa mesa? , o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa. Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?, kung may dumalo man,ano ang pakay nila?, narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?, o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan? Narito kaya sila upang lumasap ng kape at tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa? o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?, Natatakot akong malaman. Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito, hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal kundi ang pagsisisi na aking dadalhin sa bigong pag-usal at pagpaparamdam kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na sapagkat ang pinakamasakit na paglisan ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at hindi naipaliwanag.
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:16 PM UTC
Paglisan
Ewan ko ba kung bakit Sa pag-ibig may politika Kung sinong mas may kapangyarihan sa puso mo Kung sinong kayang bayaran yang mga ngiti mo Kung sinong may kakayahang patahanin yang luha mo O paagusin nang walang patumangga Ano nga bang kapangyarihan ko? Kundi makinig at makisimpatya-simpatyahan Punasan ng mahimulmol na panyo ang mga pisngi mo O ngitian at kulitin ka para di mo naman maisip ang mga problema mo Ano nga bang kakayahan ko kumpara sa kanya Kung binigay ko na lahat ng karapatang ari para sa'yo Ano bang laban ko kung siya ang may hawak ng property rights mo? Hindi ba krimen na ang tawag kung magnanakaw ako ng tingin sa'yo? Pero bakit di ka pa nakukulong sa puso ko kung ilang beses mo na akong pinapatay? Bakit ba wala akong lakas na gumanti sa tuwing sinasaktan ka niya? Dahil ba sa nakapanghihinang pakiusap mo? Sa malakas na pagtutol ng mga mata mo? Maraming dahilan yan kaibigan. Pero dahil politika ang pag-ibig, siya ang binoto mo at hindi ako Siguro dahil siya nga ng napusuan **** kandidato. O sadyang walang dating ang pagpapapansin ko O dahil masyado mo na akong kilala na di mo nais na maging isa ako sa tatakbo Nais **** siya naman ang maglingkod sa'yo Kasi hindi ko alam, ang sabi mo kasi mahal mo siya Alam mo ba ang salitang yan? Sapat upang magpaguho ng mga buhay at kinabukasan Hindi ko, ngunit mo Pinalampas mo ang pagkakataong Paglilingkuran kita na parang isang prinsesa Kung ano ka naman talaga Naiinis ako sa tuwing pinagmumukha ka niyang pulubi at walang silbi Ikaw naman nililito mo siya Binabato ng mga paratang Tama na Mahalin mo rin siya ah Kasi di naman siya maluloklok kung di mo pinili Pinili mo yan Magdusa ka Kahit pa mahal kita Eh kung sa di mo ko nakikita Ni binilugan sa balota Paano ko pa ba ipakikilala ang sarili ko? Kailangan bang masabing kayo upang mabigyan siya ng kapangyarihan sa'yo? Pwede naman kitang paglingkuran kahit di ako pinili mo Pwede naman kitang mahalin kahit kelan ko gusto Kaya kong gawin lahat 'yon --- Kahit walang pondo kundi ang puso ko Kasi independent party ako At ang katotohanang walang tayo Di magiging tayo Na sinampal mo sa aking mukha noon pa mang naging magkaibigan tayo Tanggap ko Wala naman akong hinihinging kapalit Gusto ko lang masaya ka sa napili mo At sana panindigan niya ng pagpapahirap sa damdamin mo Kasi tangina kinuha niya lahat ng binigay **** buwis at pawis Di man lang nagtira upang mabigyan ako Pero sige na Tama na'to Wala nakong maramdaman Isang kasinungalingan Paalam na Sana magtagal pa ang termino Administrasyong binuo ng pag-ibig niyo
0
Jul 3, 2016
Jul 3, 2016 at 3:00 AM UTC
Poli--teka?

Continue reading...
66
Kailangan ko lang ilabas kasi nakita ko tong picture sa Facebook. Inaamin ko madalas sumasayad sa isip ko to. Sino ba naman ang hindi maiisip to kung marealize mo kung gaano ka kahelpless at powerless na baguhin ang paligid mo. Sino ba naman ang hindi makakaisip na baka may mas magandang lugar para sa ating lahat na kung saan masaya tayo. Yung feeling of guilt kung bakit ako nasa loob ng kotse, naka-aircon tapos may batang kakatok sa bintana mo at siya ay walang makain, tapos pag inabutan mo magsasabi padin ng "Thank you po.", sabay bibili ng sundae sa Mcdonald's. Tangina lang diba, kasi bata lang din sila at gusto nila maenjoy ang buhay. Tapos, magmaneho ka lang sa Quezon ave, may kakatok sa bintana mo humihingi pagkain or limos. Tingin ka sa Quiapo may mga matatandang nanlilimos, tapos, masayang masaya pagka binigyan mo ng pagkain, nakakaputangina. Nung nag Davao kami, yung mga nagbebenta ng perlas dun alam **** isang kahig isang tuka ang buhay nila, isang tingin mo lang alam **** sobrang hirap ng buhay. Nakakagago pala talaga ang pakiramdam ng pribelehiyo no? Kasi andun ka lang para mag lamyerda at gumastos ng madaming pera. Yung feeling na nagiinstagram ako ng walang kakwenta-kwentang bagay tapos may namamatay sa gutom sa ibang lugar, may naaabusong ofw sa middle east, yung mga nasa Mindanao napapagitnaan ng gulo. Yung nakikita **** sales lady sa SM na alam **** todo kayod para kumita ng pera sa Maynila pero tangina hindi nabibigyan ng tamang benepisyo at kontraktwal padin. Ang swerte ko. Ang sarap ng buhay ko. Sa sobrang sarap, napakaunfair na at nakakagago na dahil di ko din masabing ayaw ko ang buhay ko, pero ayaw ko din ang mga nakikita ko. Ang labo no? At bilang isang ordinaryong tao, wala kang magagawa para matulungan sila na maglalast sakanya. Hanggang abot ka lang ng barya kasi di mo pwede isacrifice sarili **** kapakanan para sa iba. Dahil ganun na ang mundo ngayon, sarili ko muna bago iba. Pero masisisi mo ba yung pagiisip na ganun kasi may kanya kanya tayong mga problema na dulot ng pagiging myembro ng society? Duwag tayong lahat. Duwag na tumulong sa abot ng makakaya natin kasi takot tayo na baka tayo naman ang mapunta sa ganung kalagayan kapag binigay natin ang lahat. Tulad ko, pasuicide suicide pa pero duwag akong gawin, hanggang sagi lang sa isip ko, tangina ko eh no? Dahil yung nakakatulong lang talaga yung may tunay na tapang. Katulad ni Mother Teresa ang daming tinulungan at inalagaan, pero ironic dahil nawala ang paniniwala nya sa Diyos dahil sa nakita nya nasobrang hirap na dinadanas ng mga taong inaalagaan nya. Putangina ng Mundo. Bakit ba tayo nandito? Pagtapos nito balik na ko sa normal. Tangina nyo.
0
Mar 21, 2017
Mar 21, 2017 at 10:20 AM UTC
Putangina Ng Mundo

1
Paumanhin sa aking sasabihin dahil ito'y paalam na, Paumanhin dahil ika'y masasaktan sa pangyayaring magaganap, Paumanhin dahil sa kabila ng ating mga pinagdaanan ika'y iiwan ko na, Paumanhin dahil sa bawat ngiting ating pinagsamahan ito'y mababahiran ng lungkot at poot, Paumanhin dahil ang tayo ay magiging ikaw at ako na lamang, Paumanhin dahil ang dating tayo'y hindi na muling babalik, Paumanhin dahil noong nagging tayo ay nasabi kong hinding-hindi kita iiwan, na ikaw ang para sa akin, Paumanhin dahil ika'y makakaramdam ng matinding sakit sa aking pag-lisan at wala ako para ika'y hagkan at yakapin at masabing andito lang ako, At ngayong patapos na ang aking tula nais kong humingi ulit ng paumanhin dahil ako'y magpapaalam na, Hindi ko man mabigyan ng maayos na rason o paliwanag ang aking pag-lisan nais kong sabihin sayo na totoo ang lahat ng nangyare sating dalawa, ang bawat yakap, halik, halakhak maski ang ating pag-iyak ay totoo, Paalam aking binibini.
0
Aug 1, 2018
Aug 1, 2018 at 5:18 AM UTC
Paumanhin at Paalam
Maari ko bang masabing, iniiwasan ko ang pag-ibig? Para bang sinasabi kong pinipigilan ko na ang huminga? Lumanghap ng buhay at magtaboy ng karamay? Sinasabi ko ring araw-araw na ang aking lamay Hindi ako sumusulat ng tula ng poot Pawang pag-ibig lamang na sa dugo'y nanunuot Pagkahalina sa pag-iisa at paglalakbay Pag-ibig na lamang ang sa tao'y bumubuhay Iniibig ko ay hindi ang tinubuang lupa Kundi sa mundong unos na ang sinagupa Hinati ng porma ng pag-ibig sa sarili at kapwa Nang bakuran, tinatawag nating ngayong mga bansa Kung ang ideya ng mga tao'y di magkakapareho Paanong lahat tayo'y magkakasundo? Pag-ibig na dalisay sa pagtanggap Hindi huwad, malinis at di nagpapanggap
0
Oct 24, 2016
Oct 24, 2016 at 10:29 PM UTC
Bakuran
Yung natakot ka na Mahalin siya Yung natakot ka na Mawala siya Yung natakot ka na Sabihin sa kanya Yung natakot ka na Maunahan ka ng iba Yung natakot ka na Magbago ang samahan Yung natakot ka na Manghinayang sa pagkakataon Nakakatakot Lamunin lamang ng takot Nalito, di malaman ang gagawin Kung ito'y aaminin o hindi Hanggang sa wala ka nang ginawa Kundi matakot sa hinaharap At masabing *"Sayang, kung hindi lang ako natakot Edi sana, alam mo na ngayon"*
0
Sep 26, 2015
Sep 26, 2015 at 11:13 AM UTC
Takot
umagang kay lamig napapaos na tinig sintunadong himig sana'y may makarinig nauutal na bibig nanghihinang mga bisig matang hindi maka-titig sa mga hindi masabing katinig tagimpang makisig kumukupas na daigdig humihinto ang bawat pintig nawa'y dinggin ang pahiwatig
0
Feb 11, 2020
Feb 11, 2020 at 8:23 PM UTC
Untitled
kinuha mo ang aking mga kamay- tinitigan mo ako at sinabi mo, 'halika, lumayo tayo dito,' kaya tayo'y nagtungo sa lugar na walang sakit at nakapanlulumong, mga problema na ating dinaranas dati; at nuon ding panahon na iyon, nahanap natin ang tunay na kasiyahan sa piling ng isa't isa, walang kamalayan sa ibang tao sa paligid, pagkat magkasama na tayo; wala nang problema na maaaring magdala ng bagyo masaya na tayo, sa simpleng mga bagay na mayroon tayo mga bagay na hindi man bago, hindi man sapat para masabing masaya, pero alam ko, ramdam ko, na masaya na tayo pero teka, ano ito? Teka, bakit nawawala na ang lahat ng nasa paligid natin TEKA LANG! -sambit ng mga labi ko yun na ang huling nasabi ko sayo akala ko, masaya na tayo sa mga simpleng bagay na mayroon tayo, mga bagay na hindi man bago ngunit ngayon, bumalik na ang simple sa kumplikado hinahanap ngayon ang saya sa salitang 'tayo' pero nagising ako; at kahit anong pilit na ipikit muli ang aking mga mata at subukang mahimbing sa kaisipan na mayroong ikaw at ako huli na ang lahat, di ko na maibalik ang panandaliang suyo ng minsang nanaginip ako na mayroong tayo
0
Dec 7, 2019
Dec 7, 2019 at 2:51 PM UTC
tayo (us)
Kailangan ba nagsimula itong aking pagtingin? Simula't sapul hanga ako sa iyong angking Kabaitan, katalinuhan at pagiging malambing Napukaw mo ang aking damdamin Noo'y di lingid sa aking kaalaman Ikaw pala ay aking magiging kaibigan Usap nang konti, tawanan sandali Marupok na puso'y pilit winawaglit Mali bang ika'y aking pangarapin? Sa'yo lang ata tumibok itong damdamin Konting asaran na lang at ako'y matatangay Sa iyong mga matang laging nagpupugay Ngunit sabihin man nating gusto kita Ako'y duwag kaya't 'di ko magawa Takot masira kung anong meron tayo Sa minsang "Hi-hello" makukuntento ako
0
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 5:38 PM UTC
Mga Hindi ko Masabing Salita