Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"layuan" poems
Naalala mo ba tayoy magkaibigan? Masaya ang ating samahan Nagaasaran ,kulitan hanggang sa magkakapikunan Masaya akong ikay aking kaibigan Dahil akoy iyong naiintindihan Lalo na ang aking kaabnormalan Di nagtagal loob natiy nagkagaanan Hanggang sa dumating yung araw na ikay umamin Di sinasadya na akoy iyong gustuhin Noong una'y natatakot ka pang umamin . Hindi ko inaasahang akoy iyong magugustuhan Dahil sa taglay kong kamalditahan Pero sabi moy ikay nahulog sa aking kabaitan At hiling mo'y wag Sana kitang layuan Hanggang sa sinabi **** ikay manliligaw at akoy pumayag naman Hanggang sa di nagtagal ikay akin ding nagustuhan pero bakit parang gusto na kong sukuan sa aki'y ika'y ba'y wala ng nararamdaman kung ganun sabihin mo naman Hindi yung babaliwalain mo ko ng ganyan Sa dami ng ating pinagsamahan Ang masayang pagkakaibigan bay mauuwi na lang sa SALAMAT AT PAALAM
0
Aug 9, 2018
Aug 9, 2018 at 2:08 AM UTC
To my beloved friend
Bakit hangang ngayon?!? ... Bakit hanggang ngayon. Ang pangalan mo pa rin ang pinuputak ng bunganga ko Napapagod na ang mga taengang nakikinig Nangangawit na ang dilang ikaw pa rin ang hinihiling Pag kalipas ng isang taon--- Bakit hanggang ngayon? Ang puso ko’y tumatalon, kumikirot, natatakot, nalulungot Marinig lang ang pangalan mo. Makita lang ang anino mo--- At  oo. Nakikita pa rin kita. Sa bawat matang aking pinagmamasdan--- Sa bawat kamay na aking hinahawakan Sa bawat lalaking aking sinubukan ibigin nung tayo’y natapos Hinahanap-hanap ang iyong mahihigpit na yakap Ang iyong bisig na pumulupot sa aking bewang, leeg--- buong katawan Ang matatamis na salita na iyong inaawit at inaawit… at inaawit ng paunti-unti… Paunti-unting lumalapit. Sumusuyo sa pusong nakatago, nakakulong. Bakit hanggang ngayon? Kung saan man ako tumingin. Nandyan ka pa din sa malapit--- Nakiki-usap ako, o aking multo, layuan mo na ako. Tama na. Ayoko na. Pagod na ako sa parati **** pagdating sa hating gabi, ang iyong pagbisita sa aking mahimbing na panaginip Nilulunod ako ng iyong mga huling salita Nag-mamakaawa at humihiling ng kakarampot na pagmamahal At alam ko’y ako  na rin ang syang pumatay Sa iyo--- nung pinag-kait ko ang iyong ninanais na pag-ibig. Dahil ako’y naunahan ng pangamba, ng pag-duda. Eto ba ang iyong parusa? O SIGE NA! IKAW NANG PANALO! Sasabihin ko na ang gusto **** marinig—mga salitang dapat dati ko pa sinabi:           Minahal kita. Mahal na mahal pa rin kita--- Patawad sa aking pag-tangi, Patawad sa sakit at pait. Patawad.
0
May 20, 2015
May 20, 2015 at 11:59 AM UTC
Kailan Ba Ako Matuto?

Continue reading...
38
Naulit na naman ang paalam (poetman_24) Ayaw ko mang sabihang hugot sa tulang ito ngunit pagkatao ko'y laging ganito, namutawi na naman ang paalam sa aking puso bakit pag-ibig kayhirap **** matamo? Muli na namang nagtitipon ang ulap sa taas nagbabadya nang pagpatak na walang wakas, wala akong magawa-gawa't hindi rin makatakas napiit na naman ako sa lungkot nang ulit ulit na landas. Bakit naman ganyan ang pagsubok mga tinta'y naghihimutok, ano ba ako sa pintig nang pagtibok ako ba'y sawi sa bawat paglunok? Hindi pala sapat ang likha kong tula kaya lulukutin ko na lamang ang talata, mauuwi na naman ang aking bigong diwa sa 'di matatawarang luha. Pag-aalay ko pala'y naiipon sa buhangin nasasayang lamang ang taglay na damdamin, nais kong isuko ang pagkatha sa hangin sana masagot pa ang aking panalangin. Makatang walang taglay na panulat mga tinta'y mantsa sa'king balat, nasasawi ako nang hindi ko alam isa ba akong tampalasan? Kung masasaktan ka sa aking piling layuan mo na lamang ako giliw, itanim mo na sa akin ang pasakit tatanggapin ko kahit anong pait. Isilid mo na lamang ang sandaling ala-ala at alalahanin na ikaw ay may halaga, kalimutan mo na lamang ako sinta kung 'yan ang palagay **** tama. Babalik na muna ako sa sa karimlan itatago sa dilim ang katotohanan na ako ay luhaan, ililibing ko na lamang sa diwang hagap na ako ay sawi at talunang makatang hindi katanggap-tanggap.
0
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 1:13 AM UTC
Naulit na naman ang paalam
Yan ang tawag sa mga lalaking nahihiya,kinakabahan, parang basang pusa,nangingig pag nakikita yung babaeng crush nila hahaha nakakatawa diba? Natatawa ako pero torpe din ako Yung tipong di makapag salita mukhang tanga naiihi kinakabahan pag nasasalubong ko si crush Kaming mga torpe totoo mag mahal Di lang namin alam kung pano namin to sasabihin Di lang namain alam kung paano dumiskarte ng tama Yung sakto Yung walang halong kaba Yung alam naming hindi papalya yung plano Pero sa sobrang torpe ko nauhan ako ng iba Naunahan ako ng iba na makuha ka Naunahan ako ng iba na ligawan ka Naunahan ako ng iba na sabihin sayo yung nararamdaman ko Naiinis ako sa sarili ko Naiinis ako sa sarili ko kasi napaka torpe ko Sasabihin ko lang sayo yung nararamdam ko pero di ko magawa Natatakot akong sabihin sayo kasi baka layuan mo ako Nag iisip ako ng paraan kung paano ko sasabihin sayo Sa sobrang kakaisip ko naunahan na pala ako ng iba Sa sobrang torpe ko naunahan na ako ng iba Sa sobrang torpe ko nawalan na ako ng pag asa Lalo na may mahal ka na at may naka hawak na sa puso mo Putangina ang  T O R P E   ko
0
Dec 5, 2015
Dec 5, 2015 at 11:39 AM UTC
Torpe
Hi! Tuwang tuwa ako sa salitang ito. Lalo na't mula sa'yo. Bakit gano'n? Isang Hi mo lang di mapigilang bumilis ang tibok nito. Isang Hi mo lang nabubuhay ang dugo kong ito. Hayyysssss… Hello! Di'ba sinaktan at iniwan mo ako? Di'ba sabi mo ayaw mo na? Di'ba? Niloko Pinaiyak Dinurog. Niloko Pinaiyak Dinurog. Ang puso kong ito, noong masayang magkapiling pa tayo. Tama bang bumilis ang tibok nito kapag ikaw ang kaharap ko? Tama bang tumibok ulit ito para sa'yo? Tama nang sinaktan mo ako ng isang beses. Ayaw ko nang dumalawa pa. Ayaw ko nang saktan mo pa. Ayaw ko nang ganito'ng nadarama. Ayaw ko na. Sa'yo. Oo, tama ang narinig mo na Ayaw ko na sa'yo. Kaya kung maaari lang layuan mo na ako. Oo, gusto pa kita at alam ko rin na gusto mo pa ako. Oo gustong gusto mo pa ako. Oo gusto mo pa ako. Oo gusto mo ako. Ano? Gustong gustong saktan, paluhain, durugin. Ano pa ba? Ano pa ba ang gusto **** gawin sakin? Pero hindi mo na muling magagawa pa dahil ayaw ko na. Tama na, sobra ka na, itigil mo na. Mauubus din ang nararamdaman kong ito para sa'yo.
0
Sep 14, 2015
Sep 14, 2015 at 8:40 AM UTC
Hi
matagal ko na rin 'tong iniisip hangga't maaga pa, ako'y bibitaw na dahil alam ko una pa lang sa huli ako'y masasaktan masakit man para sa akin pero bakit ba hindi ko kayang tanggapin? na ako at ako lamang ang nagmamahal na ako lamang ang maghihintay ng ka'y tagal alam kong dapat hindi ko 'to iisipin dapat wala na akong dapat hangarin na higit pa sa dapat kong damdamin dahil kahit kailanman alam kong hindi mo ito maibabalik pilit man kitang layuan ako yung mas nahihirapan bakit ba ganyan ang iyong mga titig? lalo tuloy akong nasasabik... bakit nga ba hindi ka pwedeng maging akin? eng trans: I've been thinking about this for a while As soon as possible, I should let go Cause from the start, I know I'll get hurt in the end It hurts for my part but why can't I accept it? that it is me, and only me that keeps on loving you that it is only me that will have to wait for too long I know I shouldn't be thinking of this I shouldn't even yearn for more for something greater than I should feel Because I know that you'll never return it I tried to keep my distance But it is me that's suffering Why are your stares like that? I'm getting more eager... why isn't it possible for you to be mine?
0
Feb 11, 2017
Feb 11, 2017 at 7:35 AM UTC
bakit? (why?)
Salamat! Ilang buwan na akong nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan Ang dami ng bagay at tao ang ginamit mo para ako ay malinawan Pero iba pa ring tinig ang aking pinapakinggan Yung mensahe na ang nais sabihin na ika'y layuan Kahapon natagpuan ko ang sagot sa katanungan Ang puso ko ay parang yelong inilabas sa freezer at natunaw Akala ko ang manhid ay forever nang hindi tatablan Lalambot rin pala sa kalaunan Salamat at hindi mo sinukuan ang tulad ko Na walang ginawa kundi umiyak at isiping kawawa ako Ang akala ko nga mensahe mo’y tapos na Ngayon ay may pahabol ka pa pala Una ang sabi mo'y lumapit sa’yo at kausapin ka Palalimin ang ating relasyon at ibigin ka Ngayon pinaalala mo naman kung paanong mabuhay sa mundong ito Na ikalulugod mo at ikabubuti ng tulad ko Paano bang hindi ka mamahalin? Eh ang dami mo nang ginawa para sa akin Hindi ko na tuloy alam ang gagawin Iaalay nalang sayo ang buhay at damdamin Salamat sa pag-ibig **** walang kapantay Sa akin nagpapaalala na masarap ang mabuhay Dahil mayroong nagmamahal ng tunay Ang buhay niya para sa akin ay inialay
0
Nov 30, 2015
Nov 30, 2015 at 12:20 AM UTC
Manhid
Simulan natin sa umpisa Noong di pa tayo magkakilala Akala nyo iba ang aking nagugustuhan Dahilan ng pagkagalit sakin ng iyong kaibigan Ng ikay sakin ay magparamdam Laking tuwa ko dahil matagal ko na tong inaasam ang pansinin mo at kausapin kahit sa babae moy ito nililihim oo, may kasintahan ka ng mapansin moko pero hindi ito lingid sa kaalaman ko dahil aamin kong nagging makasarili ako nang hayaan kong para sakin ay syang iwan mo sabihin ko mang hindi ko kasalanan ang paghihiwalay nyo aaminin ko na ito’y ginusto ko ginusto ko dahil may gusto ako sayo hindi ko maitatanggi ang dahilan kong ito pilit kong pinigilan ang nararamdaman at nang ako ay iyong chinat minsan, hindi ko na mapigilan ang aking sarili ang replyan ka at saktan sya ang aking pinili Na agad ko ring pinagsisihan Dahil chinat ako ng iyong kasintahan Na kung pwede na ikaw ay aking layuan Na sinubukan ko, maniwala kayo sakin, itoy saking sinubukan Pero anong magagawa ko Kung ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit tayo At sa bawat paglapit mo Mas lalo akong nahuhulog sayo Hinayaan kong masaktan sya Para saaking ikasasaya Hindi ko sinasandya Hindi ko sinasadyang mahalin ka
0
Mar 20, 2017
Mar 20, 2017 at 8:12 AM UTC
Hindi Sinasadya (part1)
I. Sabi nila tama na ang pagpapakatanga, Sabi nila sa'yo'y ako'y wala namang halaga, Sabi nila hangga't maaari layuan na kita, Pero anong magagawa ko, ikaw parin talaga. II. Tatanggapin ko ang mga paratang nila, Tatanggapin ko lahat ng mga sinasabi nila, Tatanggapin ko kahit ang sakit masabihan ng "tanga". Wala na akong pakialam pa sa sasabihin nila. III. Darating din ang araw na mapapagod ako, Mapapagod din ako sa kamartiran ko. Darating din ang panahon na magsasawa ako, Magsasawa ako sa mga katangahan ko sa'yo.
0
Jan 31, 2015
Jan 31, 2015 at 10:08 AM UTC
Martir
(DEPRESYON) Sa mundong ito ay patuloy na nabubuhay ako, Wala akong pinipili na kahit na sino, Basta sa oras na ako ay makilala mo, Sa oras na pinapasok mo 'ko, Hindi ko alam kung kaya mo akong takasan, Dahil marami ng nagtangkang kitilin ang buhay ng dahil sa hatid kong kapalaran. Ako, ang sisira sa buhay mo, Gagawin kong miserable ang utak mo, Kapag nakilala mo ako, Kahit saan ka pa magtago Wala! Walang tutulong sayo!Tandaan mo! Lahat sila aayawan mo! Guguluhin ko ang iyong mundo, Yayanigin ko bawat pahina ng buhay mo, Kahit ipagpilitan isarado ang bintana, Papasok, papasukin kita,Wala ka nang magagawa! Sumuko ka na! Kaibigan hinihintay na kitang sumama, Ikukulong kita, sa lugar na hindi na makakalabas pa,Kahit ilang beses hanapin Susi para makalabas sa suliranin, Ikaw ay pilit kong aangkinin. Pilit kitang aagawin,Dahil sinasabi ko sa'yo isang pagpapanggap lang ang kanilang gagawin, Makinig ka! Halika na at sa akin ay sumama, Dahil alam kong patuloy lang sila sa panghuhusga,Patuloy ka lang kukutyain, At patuloy ka lang paiiyakin, Oo, nabubuhay ako sa husga, sa kutya, sa pagbalot sa sarili mo sa awa, Sa walang tigil na pagluha ng iyong mga mata, At sa malalang pag-iisip tulad ng pabago-bagong emosyon na hindi alam kung ano ba talaga,Nabubuhay ako at mas lumalakas ako, Sa tuwing nakikita ko ang isang taong mahilig magtago,Ilihim ang nararamdamang sakit sa kahit na sino,Mas lalakas pa ako kung sa oras na ako ay niyakap mo. Huwag kang magtangka,Pagtakas ay wala kang mapapala,Dahil kapag dinapuan na kita, Wala ng gugulo pa sa iyong mundong ginawa, Gilitan ng leeg, wala pa ring talab, Susundan kita hanggang kabilang buhay Kahit magtago ka man sa kaibuturan ng kagubatan.Ako, ang iyong kalaban, Patago kitang sasaktan, At unti-unti kitang pahihirapan, Ako ang madadala sa'yo sa kamatayan, Buhay ako at patuloy na gagambala sa iyong mundo,Mistulang buhay mo ay sisirain ko, Unti-unti kong babaguhin ang iyong sarili, At titiyaking ni isa sa iyo ay walang mananatili. Tandaan mo, at laging isaisip mo, Kakatok ulit ako sa pintuan mo, Dahil ilang beses ko ng sinabi sa'yo, Na nabubuhay ako sa lungkot, sa takot, sa luha, sa panghuhusga ng iba, At sa tuwing nag-iisa ka habang hindi na alam ang gagawin at solusyonan ang problema. Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi mo ako basta madadaig,Na hindi mo ako basta malulupig, Hangga't dala-dala mo ang aking mundo, Hindi ako titigil sa'yo. May panahon ka pa,Makakatakas ka pa, At magagawa mo akong daigin kung makikinig ka, Hindi ako kasinungalingan, Nagsasabi ako ng toto, dahil totoo ako. Kung sinasabi nila peke ako,Na dulot ko lang ay pagpapapansin,Sinasabi ko na sa'yo mali ang makinig sa kanilang daing, Intindihin mo ako at unawain lahat ng sinasabi ko,Marami ng buhay ang nawasak ng dahil sa akin,Kaya kung mabuhay ng matagal ang iyong hangarin,Pakinggan mo ako dahil hindi ako nagbibiro,At hindi ako nakikipaglaro. Hindi ako pag-iinarte, hindi ako pag-iinarte. Sa oras na dapuan ko ang mga mahal niyo, o maging ang mga kaibigan mo, Pakiusap, hawakan mo ang kaniyang kamay at hilain papunta sa masayang mundo, Pakiusap ko!Kung sakaling ako ay makilala mo, Layuan mo ako,Ipakilala mo ako sa lahat ng malaman nila na hindi ako pagpapapanggap. Makakatakas ka pa,Makakatas ka. Nabubuhay ako sa mundong ito,Ngunit kaya niyo ako.Dasal lang at tiwala sa sarili ang katapat ko.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:25 PM UTC
DEPRESSED

60
*Hindi mo alam Kasi hindi ko sinasabi Hindi mo alam Kasi ayaw bumukas nitong aking labi Hindi mo alam Kasi natatakot ako Hindi mo alam Kasi baka ako'y layuan mo Hindi mo alam Kasi masaya na ako na ika'y nandiyan Hindi mo alam Siguro kasi hanggang dito lang naman*
0
Jan 19, 2016
Jan 19, 2016 at 9:44 AM UTC
Kung alam mo lang
May mga bagay na kahit gusto mo hindi mo makukuha. Hindi sa lahat ng oras Nakaayon sa'yo ang panahon. Kaya kahit masakit mas pinili kong lumayo Dahil 'yon ang mas ikabubuti na'ting dalawa. Kaya lalayo na ako kasi masakit na. Lalayo na ako dahil alam kong 'yon ang tama. Lalayo dahil sa'kin ay 'di ka na masaya. Dahil alam kong 'yon ang mas ikatatahimik nating dalawa. Oo, ang tanga ko. Ang tanga ko dahil nahulog ako sa'yo Kahit alam kong sahig lang ang sasalo sa'kin. Ang tanga ko kasi patuloy kitang minahal Kahit na alam 'kong may mahal kang iba. At mamahalin ka kahit na sa kabila ng lahat nang ito'y nagmumukha lang akong tanga. Oo, mahirap kang kalimutan nang basta-basta. Kaya mas madali sigurong layuan ka na lang Kesa naman manatili ako sa isang relasyon Na walang kasiguraduhan. Wala na. Tapos na. Nagtapos tayo ng hindi nagsisimula. Tama na. Ayoko na. Ayoko na dahil ako'y pagod na. Kaya ako'y lalayo na. Lalayo upang ika'y tuluyang makalimutan. Sadyang nakakapagod lang magmahal Lalo na kung pakiramdam mo hindi ka naman pinapahalagahan. Pero sa huling pagkakataon gusto ko lang na sabihin sayo— Mahal kita. Mamimiss kita. Magiingat ka palagi, Pero tanggap ko na. Pagod na akong umasa at masaktan sa parehong dahilan at parehong tao. Kaya ngayon, pinapalaya na kita kahit hindi ka naman talaga naging akin. Salamat sa lahat ng alaala. Hindi ko ito makakalimutan
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 11:14 AM UTC
Handa na akong lumayo sayo
titingnan ko kung may natira pa rin ba sa latak ng tinta ng 'yong alaala o ipinipilit ko lang na palabasin ang iyong anino sa lahat ng aking nakikita o nadarama. sana makalimutan na kita, kahit pa mahal kita. sa totoo lang nagtapos ang lahat sa isang pagkakamali: ang iwan ka matapos makahanap ng iba. akala ko masyado na kitang mahal at pagkakataon namang ilaan ko ang pagal kong puso para sa iba, pero hindi 'yon nangyari. bumabalik lamang ako sa'yo sa tuwing nakikita ko ang ngiti nila mula sa'yo, o ang mahahaba **** pilikmata kung nakapikit ang mga mata at tangan ang iyong ulo sa balikat ko. nagniningning ka kahit madaling araw. ang pagkaway ng buwan sa tuwing titingala ako ang nagkakanlong sa ating mga gunita. ikaw ang nakikita ko sa lahat ng aking mga inibig at susubukang ibigin. ikaw lang ang kaya kong balikan matapos layuan. ikaw lang. ikaw lang ang hindi ko kayang hagkan o halikan kahit gusto ko man. nais kong hawakan ang 'yong kamay o hawiin ang mga buhok sa mukha at tuluyan nang halikan sa noo. ikaw lang ang kaya kong lubusang mahalin na hindi ko puwedeng gawin, dahil takot ako. lumipas na ang maraming taon ngunit nasasakin pa rin ang takot kong 'to. ang sabi nila matatakutin daw ako, oo pero hindi sa multo o engkanto, kung hindi sa pagmamahal na hindi totoo at mabilis maglaho. hindi ganoon ang pag-ibig ko, marahil ang pag-ibig mo, pero natakot din ako sa'yo. dahil gusto mo pang maglaro at malaki na ako para diyan. ayaw kong maglaro pa ng habulan o mataya-taya. hindi na ako bata. tanggalin mo na ang piring sa mata dahil sa hanapan daga, ako lang ang tanging sasalubong sa'yo at magsasabing, "simula't simula pa lang, ako na ang talo, ako na ang taya."
0
Jun 24, 2017
Jun 24, 2017 at 2:21 AM UTC
Untitled

11