Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Miss Emma Writes Jul 2019
Pusong sugata'y naging sunud-sunuran,
Inakalang ito ang gusto ng kapalaran,
Ang pag-ibig kong lubos,
Unti-unting naubos at natapos.

Nagbago ang ihip ng hangin,
Itinaboy ka papalayo sa akin,
Ngunit masisisi ko ba ang hangin?
Kung ayun din naman pala ang iyong hangarin.

Hangganan ay nakalimutan,
Sapagkat wala nang patutunguhan,
Marahil ang alaala'y babalik,
Ngunit hindi na muling mananabik.


Kaya aking sinta,
Malaya ka na.



7/19/20
Iginagapos ko ang sarili gamit ang aking mga palad,
Ayokong maniwala sa kapalaran,
Pagkat hindi na tayo mga batang
Nakikipaglaruan pa
Sa mga mumunti nating mga pangarap.

Sa bawat desisyong ating paninindigan,
Doon natin masasabing, kaya talaga natin.
Mahirap man makipagsapalaran
Sa mga nagtatagisang katauhan
Ngunit, isipin mo,
Hindi natin sila kalaban.

Hindi tayo palamuti sa ating mga istorya,
Tayo yung unang babati sa’ting mga sarili ng,
“Magandang umaga.”
O kung bakit minsan,
Nananatili tayong pagod na pagod
Na tila ba hinihila tayo ng Araw
Na para bang tayo’y mga kalabaw lamang
Na magpapagal at hindi aani.

Iikot tayo sa mundong hindi tumatakbo,
Kundi iikot tayong may dahilan
At hindi tayo magiging pabalik-balik.
Tayo’y matututo sa bawat lubak,
Madisgrasya man tayo’y, hindi pa rin susuko —
At tayong manananatili sa pagwagayway
Ng ating mga bandera,
Na hindi nagpapatangay
Sa mga mistulang diktador na mga alaala.

Magbibilang tayo ng araw,
Ngayong taon
Ngayong araw na ito,
Tayo’y magsisimula —
At hindi tayo magtatapos
Nang walang kabuluhan
Ang ating mga adhikain.

Tayo ay iisa —
Isa, dalawa..
Tatlo..
Tayo na —
At magsimula.
kingjay Jan 2019
At dagli na hinalikan
Ang namamalirong mga labi niya'y sabik sa unang karanasan
Ang sagot ay ang ginoong unang nagpatibok sa kanya ang unang hinalikan
Ngunit huli na ang lahat
Magpapakasal na sa ibang lakan

Sapagkat ang pamilya'y pinagkasunduan
Simula pa ng pagkabata, naipakilala na ang nakatadhanang nobyo
na mag-aangkin ng kanyang puso
Hambog na binata'y sa kanya ang sasal ng kasayahan sa mundo

Gaya ng karamihan ay nanligaw din ang pasikatero
bago nakuha ang minimithi
Sadyang mailap ang pagmamahalan ng mababang uri
Ngayon iba na sa kanya ang nagmamay-ari

Nang nagkaisang dibdib na'y nawalan ng pag-asa
Kahit masilip sa tuwi-tuwina
at maibulong ang pintuho sa reyna
Bukang-liwayway sa akalang nag-uumaga
Takipsilim palang naduhagi sa bawat araw at sa susunod pa

Ang hinihingi'y ay ang pag-amin
Sa kanya na ang desisyon
Mag-iiba sana ang kapalaran
sapagkat matimyas ang kanyang pag-irog
Kayang iwanan ang karangyaan kapalit ng pag-ibig
Ama
082920

Nagbibilang na lamang ako ng oras
Upang ang bukas ay tuluyan nang kumalas
At kusang sumabay sa palakpakan
Sa entabladong nakatikom sa aking damdamin.

Ilang taon nang nakikibaka ang Iyong mga kamay
Sa modernong pagkatha at paglikom ng mga salapi.
At sa aming hapag-kaina’y ilang ulit na akong tinutukso
Ng mga matatamis na panimula sa telebisyon —
Na baka sakaling matikman ko rin
Ang hain nila sa sarili nilang hapag-kainan.

Minsan akong nangulila
Buhat sa kawalan nang may mga katanungang,
“Sino nga ba ang tama?”
Na sa paulit-ulit na pagtatapon ko ng mga ito’y
Ang mga ito rin ang sumasampal sa aking pagkatao.

Ngunit ang totoo’y:
Nilimot ko na ang mga katanungang iyon
Hindi ako sumabay sa agos ng galit
Na bumabawi sa aking paghinga
Na tila ba ako’y pagod na
At gusto ko na lamang manahimik mag-isa.

Nais kong sambiting
Hindi ako nagalit nang minsan mo kaming pinagtaksilan,
Inisip ko na lamang na iba ang latag ng kapalaran —
Iba ang laro sa loretang ito
At hindi ito madali —
Pero ito’y panandalian.

Siguro nga —
Iniisip **** saan nanggaling ang mga ito
Ang mga salitang tila ba hindi ko man lamang pinag-isipan
At tuluyan kong binitawan
Gaya ng pagbitaw mo para sa amin.

Pero gaya ng sambit ko —
Hindi ako galit,
Hubad ang aking emosyon
At umaapaw pa rin ang aking pagpapasalamat
Na sa mga oras na ito’y —
Hindi mo kami iniwan.

Higit pa sa pagpapabatid ko ng pasasalamat sa ito’y,
Nais kong ihagis ang aking mga kamay sa langit
Na tila ba higit pa sa nagagalak ang pakiramdam
Ang aking puso’y tiyak na ang grasyang alay ng Langit
Ang gumawad sa akin ng kalayaan.

Malaya akong piliin ang saya kesa sa galit,
Na parang paghihimay ng mga butil ng buhangin,
Parang imposible, di ba?
Pero naging posible
At wala na akong maihain pa
Kundi ang umaapaw kong pusong
Ginawang Malaya ng Maykapal.

Lubos ang aking pagsamba,
Salamat Ama.
Salamat sa dalawa kong ama at Ama.
Prince Allival Mar 2021
(DEPRESYON)
Sa mundong ito ay patuloy na nabubuhay ako,
Wala akong pinipili na kahit na sino,
Basta sa oras na ako ay makilala mo,
Sa oras na pinapasok mo 'ko,
Hindi ko alam kung kaya mo akong takasan,
Dahil marami ng nagtangkang kitilin ang buhay ng dahil sa hatid kong kapalaran.

Ako, ang sisira sa buhay mo,
Gagawin kong miserable ang utak mo,
Kapag nakilala mo ako,
Kahit saan ka pa magtago
Wala! Walang tutulong sayo!Tandaan mo!
Lahat sila aayawan mo!
Guguluhin ko ang iyong mundo,
Yayanigin ko bawat pahina ng buhay mo,
Kahit ipagpilitan isarado ang bintana,
Papasok, papasukin kita,Wala ka nang magagawa! Sumuko ka na!
Kaibigan hinihintay na kitang sumama,
Ikukulong kita, sa lugar na hindi na makakalabas pa,Kahit ilang beses hanapin Susi para makalabas sa suliranin, Ikaw ay pilit kong aangkinin.

Pilit kitang aagawin,Dahil sinasabi ko sa'yo isang pagpapanggap lang ang kanilang gagawin,
Makinig ka! Halika na at sa akin ay sumama,
Dahil alam kong patuloy lang sila sa panghuhusga,Patuloy ka lang kukutyain,
At patuloy ka lang paiiyakin,
Oo, nabubuhay ako sa husga, sa kutya, sa pagbalot sa sarili mo sa awa,
Sa walang tigil na pagluha ng iyong mga mata,
At sa malalang pag-iisip tulad ng pabago-bagong emosyon na hindi alam kung ano ba talaga,Nabubuhay ako at mas lumalakas ako,
Sa tuwing nakikita ko ang isang taong mahilig magtago,Ilihim ang nararamdamang sakit sa kahit na sino,Mas lalakas pa ako kung sa oras na ako ay niyakap mo.

Huwag kang magtangka,Pagtakas ay wala kang mapapala,Dahil kapag dinapuan na kita,
Wala ng gugulo pa sa iyong mundong ginawa,
Gilitan ng leeg, wala pa ring talab,
Susundan kita hanggang kabilang buhay
Kahit magtago ka man sa kaibuturan ng kagubatan.Ako, ang iyong kalaban,
Patago kitang sasaktan,
At unti-unti kitang pahihirapan,
Ako ang madadala sa'yo sa kamatayan,
Buhay ako at patuloy na gagambala sa iyong mundo,Mistulang buhay mo ay sisirain ko,
Unti-unti kong babaguhin ang iyong sarili,
At titiyaking ni isa sa iyo ay walang mananatili.

Tandaan mo, at laging isaisip mo,
Kakatok ulit ako sa pintuan mo,
Dahil ilang beses ko ng sinabi sa'yo,
Na nabubuhay ako sa lungkot, sa takot, sa luha, sa panghuhusga ng iba,
At sa tuwing nag-iisa ka habang hindi na alam ang gagawin at solusyonan ang problema.
Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi mo ako basta madadaig,Na hindi mo ako basta malulupig,
Hangga't dala-dala mo ang aking mundo,
Hindi ako titigil sa'yo.

May panahon ka pa,Makakatakas ka pa,
At magagawa mo akong daigin kung makikinig ka,
Hindi ako kasinungalingan,
Nagsasabi ako ng toto, dahil totoo ako.
Kung sinasabi  nila peke ako,Na dulot ko lang ay pagpapapansin,Sinasabi ko na sa'yo mali ang makinig sa kanilang daing,
Intindihin mo ako at unawain lahat ng sinasabi ko,Marami ng buhay ang nawasak ng dahil sa akin,Kaya kung mabuhay ng matagal ang iyong hangarin,Pakinggan mo ako dahil hindi ako nagbibiro,At hindi ako nakikipaglaro.

Hindi ako pag-iinarte, hindi ako pag-iinarte.
Sa oras na dapuan ko ang mga mahal niyo,
o maging ang mga kaibigan mo,
Pakiusap, hawakan mo ang kaniyang kamay at hilain papunta sa masayang mundo,
Pakiusap ko!Kung sakaling ako ay makilala mo,
Layuan mo ako,Ipakilala mo ako sa lahat ng malaman nila na hindi ako pagpapapanggap.
Makakatakas ka pa,Makakatas ka.
Nabubuhay ako sa mundong ito,Ngunit kaya niyo ako.Dasal lang at tiwala sa sarili ang katapat ko.
Atheidon Mar 2018
Kaibigan?
Ka-ibigan?
Kai-bigan?

Ano nga ba tayo?

Dalawang taong hinapo na ng mga karanasan sa pag-ibig,
Dalawang taong pinili ang isa’t-isa,
Dalawang taong nais maging isa.

Ngunit ano nga ba tayo?

Pinasaya,
Binigyan ng oras,
Kinantahan ng mga lirikong nakaaantig ng puso,
Pinangakuan ng kung anu-ano sa ilalim ng buwan,
Na tila ba ngayon ay para bang iginuhit na lamang sa tubig.

Kinuha mo ang puso ko,
Pero gusto ko lamang linawin,
Hindi ko ninais na ipalit mo ang iyo sa akin.
Pero para bang ginago ako ng tadhana,
Itinakbo mo ang puso ko palayo—
Palayo sa’kin, nang hindi lumilingon.

Ipinagsawalang bahala ko ang sakit na naramdaman,
Nagbulag-bulagan sa mga bagay na malinaw sa aking paningin.
Pinilit burahin ang masasamang ideyang namumuo sa aking isipan,
Umaasang mali ang lahat ng sakit na ipinagkikibit-balikat ko lamang.

Totoo nga,
Madaya ang kapalaran.

Nakakatawang isiping
Sa loob ng isang buwan,
Kaya **** mainlove.
Pero, nakakagago din isiping,
Sa loob ng isang buwan,
Kaya ka rin nyang iwanan.

Sa bagay, ano nga ba tayo?
Wala naman, diba?

Maaaring ihanay mo lamang ako sa mga babaeng pinaasa mo,
Na marahil pagdating ng panahon,
Malilimutan mo rin kung ano ang namagitan satin,
Na siguro sa paningin mo’y pang landian lang pala ako, hindi pang seryosohan.

Hindi ako yung tipo **** babae,
Hindi ako matalino,
Wala akong political stance,
Hindi ako kagandahan.

Ano nga bang kataka-taka dun?
Walang dapat ikasakit dahil
Hindi mo naman ako tipo kaya hindi mo ko sineryoso.

Walang tayo,
Hindi rin tayo magkaibigan.
At lalong hindi magkasintahan.

“Almost”, yun tayo.

Halos
   Halos naging tayo.
   Halos umabot na ko sa punto na mamahalin kita ng buo.
   Halos napaniwala mo kong mahal mo ko.
   Halos napaniwala mo kong kamahal-mahal ako.
   Halos napaniwala mo kong karapat dapat akong pahalagahan.
   Halos bigyan mo ko ng oras mo.
   Halos naramdaman kong sincere ka.
   Halos araw-araw kung hanapin kita.
   Halos minu-minuto kung tingnan ko ang cellphone ko para lang maghintay ng reply mo.
   Halos ikaw na lang ang marinig ko pag naririnig ko yung mga kanta sa radyo na inawit mo sakin.

Halos ikaw na lang yung hanapin ng puso ko sa bawat saglit na hindi kita nararamdaman.

Halos.
Jose Carlito May 2020
Matagal nang nagsimula
at patuloy na umiiral
Ang ating matinik na pakikipamuhay
sa ating bayan

Palagiang nasasadlak
sa karalitaan
Ang dugo ng kabataan,
alay sa kasarinlan

Tayong mga bulag,
sa siyensiya at kapalaran
Sa pagmartsa ng kalabang
hindi natatanaw

Naulit ang kasaysayang
may isang kurso at galaw
Bala para kay tatay
ang anak ang namatay

Bumagsak ang ekonomiya
Lumambitin sa aming mga leeg
Iniasa ang pagtaas
sa aming mga bisig

Habang si Alejandrino
dumarami't nagbubuntis
Ang batang henerasyon
Patuloy na nililitis

Kung ganun,
Huwag ninyo kaming pababayaan,
Paglustayan, paghirapan
At pakikinabangan

Sa gayong mga pumalya at matatanda
Ay may aakay
Walang huhugot sa Inang bayan-
Kundi kaniyang kabataan
Inspired from the Filipino Movies: Heneral Luna, and Goyo: The Boy General
Ang Wall -

Sa basa-basa na ulap ang isang balabal ng pagsasara
Umuulan sa kalungkutan ng lamig ng umaga
Upang shroud sirang kaluluwa kaliwa fractured
Limbs katakut-takot sa disarray ng kamatayan

Kapag bilang mga lalaki ang kanilang tapang ay naghihintay
Takot sa papasok na kawalan ng katiyakan
Nakatago sa mga hangin ng kapalaran na mahina
Sa malungkot na gabi ng kapalaran

Gusto mo ba o hindi na ako pinili?
Upang harapin ang iyong kapalaran upang harapin ang iyong mga takot
Nakalimutan ang gayong pagkawalang sala
'til ilagay sa ilang mga pader ng luha
kingjay Feb 2019
Itinudla sa puso ang palaso
kung tumatagos at nagdurugo
maaaring ito'y kapalaran na
umaabay sa delubyo

Tunay na paggiliw
ang siyang magdudulot,
magpuspos sa talaarawan
ng saya't sigla
sa likod ng kapighatian

Sa silakbo ng pag-ibig
ang nararamdamang umiinit
Hindi marahan
Masyadong mabagsik

Kung gayon iba na ang ipinapahiwatig
Tawag ng laman ay ang kalibugan
at ito'y di kailanman maihahambing sa puso ng Pebrero
na walang iba na mag-aangkin

Mayroon na ang sinta ay itinatangi
halos ang larawan sambahin
sa araw at gabi nangabusog na sa
dasalin

Mas mabuti pa ang ganda
na pangkaraniwan ang uri
May kapintasan man ginusto pa rin at inibig

Ang nabigo't
nasadlak sa lumo
Nang muli kumabig ay
mas lalong naging matamis ang mga pagngiti
Louise May 2024
Tinawid ko ang karagatan,
binaybay din ang Kabisayaan.
Mula sa hilaga, sa Katagalugan,
mahanap ko lang ang katotohanan.
At makita ko lamang ang kasagutan,
malasap lang ang angkin nitong tabáng.
'Di lang karagatan ang handa kong tawirin,
mga ilog na may buwaya rin, aking giliw.
Makita ko lang sa'yong mata ang saliw
at dampi ng aking nadaramang sakit.
Babaybayin ang buong bayan at isla,
bibilangin ko ang bawat mga tala.
Lilibutin ko ang kabundukan,
lilituhin ating kapalaran.
"Santa Cruz de Siqujor" trilogy, 1 of 3
kingjay Jan 2019
Wala patutunguhan sa hiwas na landas
Bawat gawain ay kanyang pinupuna
Tinutuligsa ang mga munting kamalian
Palaging umiinit ang ulo at sumisigaw kahit marami ang nakatingin

Sa ikaapat at huling  taon ay sa umpok ng kumikislap na dyamante
Di naman irisponsable sa klase - maayos ang mga marka
Sa pagtatapos walang anino doon ng itay
kaya agad lumabas ng paaralan nang walang bahid ng pagkagalak

Agrikultura ang kinuhang kurso
Nang ikalawang taon na sa kolehiyo'y naparool ang anluwagi - ama'y nahulog at napilay sa gusaling itinatayo

Hindi natanggap ang kanyang kapalaran
kaya laging tumutungga ng alak
Nagpasya na huminto sa pag-aaral para may kumandili sa kanya
Pinapagalitan man ay di pa rin nagawang magsawa

Sadyang maliit ang lupain ng San Arden
Sapagkat nakasalubong si Dessa
Halata sa mga mata na mayroong kinikimkim
Pagbabalisa sa gabing madilim
Virgel T Zantua Aug 2020
Sino ang magpapatuloy sa paglaban... Kung ang bawat pangako ay walang laman... Laging pamamaalam ang katapusan... Kung wala na ang magagandang dahilan... Ang katotohana'y walang kabuluhan... Di maitatama kahit pagsisihan.

Ang pagmamahal ay walang pupuntahan... Sa gitna ng liwanag at kadiliman... Kupas na ang kulay ng bawat larawan... Kung kasawian ang dulot ng nakaraan... Saan makikita ang katahimikan... Kung ang damdamin ay walang kalayaan.

Tunay na mapaglaro ang kapalaran... Ang nakatakda ay di matatakasan... Sa bawat hinanakit at kasawian... Ang pagluha'y hindi maiiwasan... Tulad ng kwento ito'y may katapusan... Ang pag-ibig at galit ay may hangganan.

Ano nga ba ang kulay ng kamatayan... Kung puti ang para sa kapayapaan... Itim ang kulay ng hangin sa kawalan... Alin nga ba ang tunay na mas magaan... Ang tibok ng puso na may kasiyahan... O ang katotohanang may kalungkutan.
Eugene Aug 2017
Bakit mo pipigilan ang oportunidad sa iyong harapan?
Bakit mo hahayang mawala ang pagkakataong para sa iyo ay nakalaan?
Ito na ba ang sandaling iyong pinakaasam-asam?
Ito na ba ang hudyat ng hinihintay **** kapalaran?

Iiwanan mo na ba ang dati **** nakasanayan?
Lilingunin mo pa ba ang mga kahapong nagdaan?
Babalikan mo pa ba ang mga bagay na iyong nakagisnan?
O haharapin ang hamon ng bawat bukas sa iyong kasalukuyan?


May pumipigil pa ba sa iyong dapat marating?
May hahadlang pa ba sa iyong nais na abutin?
May pag-asa bang magtagumpay ka sa iyong mithiin?
May suliranin bang dapat mo pang susuungin?

Kailan mo dapat gawing handa ang iyong sarili?
Kailan mo dapat ibigay ang sagot **** oo o hindi?
Kailan mo dapat sabihing handa ka ng pumili?
Kailan mo dapat simulang talento mo ay maibahagi?
Taltoy Apr 2017
Sa mundo, walang sigurado,
Hindi lahat sasang-sayon sa'yo,
Dahil di mo hawak ang 'yong kapalaran,
Nagpapahiwatig na wala kang katiyakan.

Hindi ko naman ipinagpalagay na ako,
Dahil di ko naman alam ang iniisip mo,
Ngunit nakitang matalinhaga,
Sa paningi'y kataka-taka.

Hindi naman ako ganyan ka gunggong,
Kasalanan bang magtanong?
Sa tingin ko, di naman siguro?
Hwag sanang isiping ganyan ako ka desperado.
Ewan bakit nasulat ko ito.
Lagi **** tinatanong dati sa sarili mo,kung bakit hangang dito ka lang.Samantalang yung iba **** kaibigan,kamaganakan at kakilala andon na sila,
may kanya kanya ng Propisyon sa buhay.
Meron ng naging ****,Sundalo,at namamasukan sa magarang Kompanya.
Lagi **** kinukompara ang sarili mo sa iba.kaya laging pakiramdam mo lugmok ka at wala ng mararating pa.
At ako naman itong laging sayo ay nag papaalala,na ang kapalaran nila ay hindi katulad ng kapalaran na inilaan para lang sayo ng ng ating Ama.
Lagi kang nabubugnot at halos ayaw ng kumilos.Laging tinatanong ang sarili,kelan ba ako magiging TULAD nila?
At isang araw mukhang natauhan ka na,kusa ka ng kumilos at sa akin ay nag sabi.gusto mo na ulit gawin ang mga bagay na gusto mo sa buhay.
paunti-unti nakita kong masaya ka na ulit sa ginagawa mo.
Iniwasan mo na rin ang ikompara ang meron sila na wala ka.
Sipag at tyaga mo at diskarte ko at Awa Ni Ama.
Binigyan tayo ng mga bagay na inaasam nating dalawa.  Negosyo na pinagtulungan nating itayo pareho.
Pagod puyat,ulan at init  ay hindi ininda,makamit lang ang sa una palang  ay pinangarap na nating dalawa.
Ang simula ay masaya,nakakapagod at nakakaiyak,at ang mga sumunod na araw ay may mga suliranin tayong kinakaya.pero Salamat Kay Ama,at tayo'y ginagabayan Nya.
Paunti unti makakabawi din tayo.alam kong wala pa tayo sa dulo pero kahit papano nakakabangon na tayo.
Sipag,tyaga at tiwala lang sa Kanya lalago din ito.
Jhie Feb 2018
"ikaw lang at ako, yan ang pangakong binitawan mo,
ikaw lang at ako pangako hanggang dulo
ikaw lang at ako pangako yan mahal ko. "

hindi ko na maalala kung kaylan at paano nagumpisa
pero ang sakit at sugat sa puso ay sariwa pa.
minahal kita ng totoo at sobra sobra
maski nga para sa sarili ko ay hindi na ako nagtira

naaalala mo pa ba noong tinanong kita
miss pwede ba kitang mahalin?
nagbiro ka pa nga "pwede, wag mo lang angkinin"
ilang buwan din kitang sinuyo at pinaglaanan ng pansin
at sa wakas aking sinseridad ay iyong binigyang pansin

ilang buwan din ang lumipas biglang nagiba ang pagtingin
ako ba ang nagkulang o sadyang may iba ka na giliw?
at akin ngang nalaman buhat sa isang kaibigan
ako pala'y walang karapatan
sapagkat hindi ako ang orihinal

mahirap man pero kailangang tanggapin
eto ang kinahinatnan na bigay ng kapalaran
ang tanging tanong ko lang
bakit ganun naman
tao lang ako
nagmahal ngunit nasaktan

akala koy tunay pagmamahal **** pinakita
yun pala'y  isang huwad at nakamaskara
ang iyong pagibig na ipinupunla
sana'y inamin na ng mas maaga
upang hindi na umasa pa
na may isang taong darating upang aking makapiling
jerely Oct 2018
patak ng ulan
sumasabay sa ihip ng hangin
panahon na hindi mo inaasahan
mga pangyayaring bigla na lang dumarating
sa ulap na nangingiusap
ang tanging alam
ay kung ano ang laman ng nararamdaman
puso ba ang paiiralin o ang utak na nangingibabaw
mga pinagdaanan **** karanasan
ito ba ay magsisilbing liwanag sa kalagitnaan ng dilim?
o hanggang dito na lang ba sa paghahanap ng kapalaran sa buhay,
na parang kay tagal
mo man itong inaasam-asam
na makamit muli
tagumpay
ang matitikman sa mga labing
nag uuumapaw
sa kasiyahan
at sa
busilak **** puso
na kay lambot pa ng isang monay
na hindi mapapantayan ng kung
ano mang yaman
na hindi matutumbasan
ng kung ano-anong bagay
ikaw ay bukid tanging yaman

tapat at totoo
sa sariling bayan
huwag **** kalilimutan
ang iyong kinagisnan
jerelii
sept, 2018
copyright
wizmorrison Jun 2019
Bakit pa kaya ako na buhay?
Bakit pa ako nanatili dito sa mundo?
Tingin ng iba sa akin ay walang halaga,
Siya namang katotohanan...
Ang totoo ay wala naman talaga akong kwenta.
Ipinagtataka ko,
Bakit binigyan pa ako ng pangalawang buhay?
Para saan ito?
Minsan naisip ko, na sana dati natuluyan na lang ako.
Ano pa bang silbi ko?
Ang bigyan ng pasanin ang mga magulang ko?
Ang bigyan ng cancer ang lipunang ito?
Ang bigyan ko ng karagdagang problema ang mundo?
Minsan napapatanong ako,
Ano pang silbi ng pangalawang buhay ko
Kung hindi naman ako masaya?
Bakit hindi nalang ako hinayaang mahimlay na lamang?
Paulit-ulit na akong nasaktan at umiyak,
Hindi pa ba sapat para pagbayaran ko lahat?
Paulit-ulit na pinaramdam sa akin na wala akong kwentang nilalang,
Hindi pa ba iyon sapat para magdusa ako ng tuluyan?
Paulit-ulit akong napahiya at siniraan,
Hindi pa ba iyon sapat para magpahinga na?
Kailangan ko pa bang pagdaanan ang ganito kasakit na bagay?
Paulit-ulit nalang ba?
Wala na bang bago?
Hindi na ba magbabago ang kapalaran ko?
Ganito na ba talaga?
Pagod na ako
Pagod na pagod na ako sa totoo lang.
Ano bang nagawa ko sa mundo para magdusa ng ganito?
Nung mawala ako ng ilang minuto grabe raw ang iyak nila,
Nung bumalik ako, abot-langit ang saya nila...
Paano ako?
Natatanong niyo ba kung masaya rin ako?
Minsan nasasabi ko-
Wala nang magmamahal sa akin,
Wala nang tatanggap sa akin maliban sa pamilya ko.
Wala naman talagang makakaintindi sa akin kundi sila...
Kaya hindi na ako magtataka kung pati kayo ay mawawala.
Nasanay na ako,
Ano pa bang bago?
Sige, magsilisan na kayo.
Gusto niyo ako pa ang maghahatid sa inyo?
Ikagagalak ko.
Katabi ko na sana
Ang tiyak na pag-asa
Subalit ako’y napariwara

Nang matukso ng mga kalaban
Na lumihis ng daan
At talikuran ang pinanggalingan

Kapalaran bumaluktot
Pangarap naudlot
Itinuring pang salot

Sa landas nagkandaligaw-ligaw
Nagkapundi-pundi ang tanglaw
Kinabukasan waring napupugnaw

Pati mga minamahal nadamay
Sa palubog na barko isinakay
Natibag ang mga suhay

Sa pagtakbo ng matulin, natinik ng malalim
Sa paglipad ng mataas, bituin ay nanimdim
Huwag sana tuluyang igupo sa lagim

Kung ako’y naging mahina, sana’y patawarin
Ang mabuhay nang wala kayo, hindi ko kakayanin
Nawa’y pakinggan po ang aking panalangin

Na ako’y ibalik sa tunay na pinagmulan
Ang kalyeng dilaw – matuwid na daan
At aking isinusumpang mamahalin kayo nang lubusan.

-07/31/2012
(Dumarao)
*My Twilight Poems Collection
My Poem No. 187
Jun Lit Jul 2021
Ang Lipa ng aking kabataan, tila kumakatawan,
sumasalamin sa mahal nating Inang Bayan

Ilang tampalasan na ang dumaan
Kolera eltor, malaria, pesteng balang
Mga sundalong Hapon, mga sakang
Malulupit na kampon ni Kamatayan
Dumaan pa ang sakit na kalawang
sa dahon ng kapeng inaalagaan
At bukbok sa bungang manibalang,
nanlalaglag, di na pakikinabangan.

Ngunit ibang klase itong ngayo’y salot
Bala ay di nakikita, mala-bola daw ang balot
at tila may mumunting galamay na nakakakilabot
at masusundan ka, sa’n ka man sumuot.

Binago ng COVID ang ating kapalaran,
pananaw, pagkilos, pati kabuhayan
Nakita kung alin at sino ang dapat pahalagahan
at kung sino ang tunay na karamay at kaibigan.

Kung sa nilagang kape pa ang pagtutularan
kitang-kita kung alin ang latak at alin ang matapang.
Nawa’y may masalok na pag-asa sa Silangan,
Nawa’y may malagok tayong kaligtasan.
15th poem in my series "Kapeng Barako" - Kapeng Barako is brewed coffee in Lipa, Batangas, Philippines, often of the 'liberica" variety and roasted traditionally in large metal vats.
kingjay Sep 2019
Kapag nayapos mo na't
Init ang nararamdaman
Pagmamahal iyan na lubos
At mapagbunyi
-hiyas kang hinalibas sa karukhaan ng aking mundo

Kahit naduhagi sa kapalaran
Anong pagdiriwang kapag ika' y nasisilayan
Kung maibabalik man ang ikalawang takipsilim
Hindi na hahayaan na mawalay ka pa sa akin

Sa balintataw ng buwan
Hubad na pagsuyong walang
Poot at panibughong kinikimkim
Kung may luha sa mata ko
Yun ay ang pagpawi sa pagkauhaw ng pag-ibig

Kung namiminto na ang wakas ng panulaan
Maipaliwanag sana nang pagkalinaw
Na hangad kong sambitin
na iniibig kang walang kahulilip

O dessa ikaw ang nasa
Winasak mo ang mundo ko't
gumawa ng bago
Kung saan ang araw katabi ng buwan
At ang bawat paglubog ng araw ay may tanglaw sa kaitaasan
Ezekiel Navea Aug 2019
Sakaling ito na ang huli kong tula
Hahayaan na, mga luha'y tumila
Palalayain, namumugtong mata
Hanggang sa muli natin na pagkikita

Tuwing gabi'y nalulunod ang isipan
Mula sa karagatan ng kamalian
Kung mabubuting binhi ang tinamnan
Hindi na ganito, aking kapalaran

Mga lihim kong hindi pa nasasabi
Pansamantala munang isasantabi
Ang panahon na ang kusang maghahabi
Ako'y hindi na titiklop at tutupi

Kaytagal na ang puso'y mananahimik
Sa pag-usbong nalang ng araw papanhik
Bagamat patutunguhan ay matarik
Maghahanda na sa iyong pagbabalik

Sakali mang ito na ang huling tula
Huwag sanang lumungkot ang mata
Ulan ay hihintayin pa ring tumila
Para sa muli natin na pagkikita
Kaya hindi umuunlad ang bansa, dahil maraming nag-aasawa nang walang plano para sa kinabukasan.

Nagpauto sa salitang "mahal kita," kaya ito ang naging kapalaran nating dalawa.

Umaasa na kayang itawid ang gutom at uhaw sa salitang "bahala na si Batman."

Tila ba naging sapat na para sa atin ang pagkain ng pagpag, nagmimistulang "isang kahig, isang tuka."

Itulog na lang ang gutom at uhaw na nararamdaman, sapagkat kinabukasan ay panibagong umaga na naman ang haharapin natin.

Hindi matatawid ng gutom o uhaw ang salitang "mahal kita."

Kahit kailan, hindi masama o makasarili na isaalang-alang din natin ang ating kapakanan, upang maiwasan na makita ang mga batang hindi naman hiniling na mabuhay sa mundong ito na nagdurusa.
Akosijissa Sep 2024
Paano huminga sa panahong ipinagdadamot sa'yo ng kapalaran ang maayos na hangin?
Paano huminga kung ang kapalit ay pighati sa iba?
Paano huminga kung lungkot lang din ang mararamdaman?
Paano huminga kung bawat hibla ng hangin ay kabawasan ng 'yong lakas?

Kailangan ko bang magbago para sa iba?
Ito ba talaga ang kailangan ko para makahinga ng maayos?
Hindi ba ito ay isang paraang ng pagsakal sa pagiging ako?

Paano ako hihinga sa isang lugar na sumasakal sa aking pagkatao?
Paano ako hihinga kung ang mga tao sa paligid ay hindi ako maintindihan?
Paano ako hihinga sa oras ng pighati?
Paano ako hihinga sa hangin ng iba?

Panahon na ba para mag-isip?
Dapat pa ba ako rito?
Hanggang saan at kailan pa ang dapat hintayin?
Dapat na siguro akong huminto
Sarilinin ang iniisip
Hayaan ang mundo na umikot sa kung saang hindi alam
At, hayaan ang mga mapanghusgang sila


[07.12.2017]
[edited - 09.17.2024]
--

— The End —