Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kalyeng" poems
naririnig mo ba? ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream. ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon. ang mga harurot ng mga ikot jeep. naririnig mo ba? ang mga tawanan ng mga magkakaibigan mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan. naririnig mo ba? ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante na kumakayod sa mga papel: husay sa bawat ukit. naririnig mo ba? ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia dangal sa bawat apak at kumpas ng kamay, sa bawat hinga. naririnig mo ba? ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta ang mga sigaw sa sakit, hiyaw sa hapdi, dahil sa mga hampas at palo ang mga tama ng mga kamao naririnig mo ba? ang mga iyak ang mga hikbi ng mga kaibigan para sa mga kapatid nilang nasaktan. ang mga hagulgol ng mga magulang na nawalan ng anak: mga puso, mga pamilyang hindi na buo. wasak, nasira na. naririnig mo ba? ang mga boses na nananawagan na "tama na" "utang na loob, itigil niyo na" kasi hanggang kailan pa tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit ang sirang plaka ng karahasan na patuloy na naririnig sa panahong ito mula pa sa mga nagdaang dekada? nakakalungkot, hindi, nakakasuklam ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari sa ating mahal na pamantasan. ang tawag sa atin ay mga iskolar ng bayan, para sa bayan pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba kung paminsan hindi nga makita ang pagmamahal at respeto sa atin mismo, mga kapwang magkaeskwela. hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili na magpadala sa indak ng karumaldumal na kanta ng kalupitan? hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog. hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid. kailan pa? tama na! nabibingi na ang ating mga tenga. nandiri. nagsasawa. oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota. oras na para tapusin ang karahasan. oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala. oras na para sa hustisya. oras na para sa ating lahat, estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala na tumayo, makilahok at umaksyon para pahilumin ang sakit, para itama ang mali. oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman. oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
0
Jul 5, 2015
Jul 5, 2015 at 7:47 AM UTC
naririnig mo ba?

Continue reading...
75
Ako’y modernong karpintero Sa henerasyong baon sa utang, Hindi pa man isilang, Ang kamalaya’y limot at simot na. Puros kalyo ang latay Sa pares na kamay Na ang sigaw ay pagbabago Diktahan man kahit demokrasya pa, Lahat tila may mantsa’t tatak pulitika. May direksyon ang pagdisenyo Pahalang sa kapwa-tao, Samantalang ang kabila’y Ang labi’y eksperto sa pagsayad sa lupa Patungo sa ulap at bituin Kung saan naroon raw ang Maykapal. Narito ako sa kanilang tagpuan Tatawid sa kalyeng hindi masilayan Bingi sa sanlibutan Minsang pinaligua’t sinabunan ng kadiliman. Narito ako, Sa sentro’y may hanap-hanap Kilabot ng pagtahi sa sugat ay titiisin. Pagkat ang latay, hindi man nasaksihan Ramdam maging sa tadyang Na akin daw ay pinagmulan. Kung mararapatin lamang Ng lupang minsa’y naging gintong bayan Na pang-habambuhay siya’y lisanin At sa pagbukang-liwayway, tatakbo sa Liwanag. Walang karapatan ang takipsilim na uminda Pagkat ang Haring Araw Sisikat at yuyupakan ang kanyang dangal, Siyang isang pobre’t salat sa Katotohanan. Niyapos ko ang buhok At pinahid sa mansanas, sa mangga’t Maging sa dagat na sagisag ng kalayaan. Ako’y tumakas Tangan ang sandata ng buhay; Pakuwari ko’y walang himagsikan Ang siyang muling sisiklab Pagkat ang laban ay tapos na noon pa man. Puting papel at plumang walang tinta Ang iniwan sa akin ng Ama Hindi ko mawari sa paanong paraan ba Maililimbag ang isusulat nitong pluma. Ngunit ang tukso Na madungisan ang pahinang puti Ang puro’t walang bahid ng itim at kulay bahaghari, Alam ko, balang araw Mapupunan ito, hindi ng salita Bagkus ng larawang sa sansinukob Ay hahagkan ang bawat nilalang Itatas muli ang bandila - Silang puro ang tiwala sa Pintor ng Pagbabago. (5/23/14 @xirlleelang)
0
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:04 AM UTC
Ang Modernong Karpintero at ang Pintor ng Pagbabago

55
Kulang ang mahabang gabi Para sa pagidlip ng isipang puno ng pagkalito Kahit naman makatulog ay Sa paggising utak pa rin ay pagod Dala-dala maging sa panibagong araw Ang mga gumagambalang pighati Utak siguro ay puno ng bagabag Napakasikip na ng kokote, problema pa ay padagdag Tila ang mga pangarap ay tuluyan nang lumisan Init ng aking damdamin tuluyang lumigamgam Pag-asa ay naiwan sa mga kahapon Wala na bang ibang mararating? Sa mga kalyeng nalakaran na Ipagpapatuloy pa rin ang paglaboy Mas makabubuti pa sigurong makatulog Baka sa panaginip lahat ito ay maglalaho Antok sa mundo, ako po ay dapuan mo
0
Nov 24, 2018
Nov 24, 2018 at 12:20 AM UTC
Kulang nga ba ang Mahabang Gabi ?
Sa kalyeng punong puno ng dukha Kamalayan ko'y nabubuksan na Sikip at init ng mundong ibabaw Dama lahat nitong pusong naligaw Kahirpan talaga'y dapat maranasan Bigat ng aking daigdig napapasan Sakripisyo sa buhay, aking puhunan Nang kasalatan nama'y mabawasan Makita nawa ng iyong mga mata Lahat ay may kanyakanyang suliranin Minsa'y humihingi rin naman ng awa Ang iyong nang hihinang mga alipin Maglalaho sa mundo lahat ng hirap Banggit ng mga kataastaasan, Ngunit sa ngayon, ang tanging problema'y; aking kabuhayan. 11:57pm 11-14-18
0
Nov 14, 2018
Nov 14, 2018 at 10:57 AM UTC
Dukha
nang dumating ako sa kalyeng puno ng alaala pinagmasdan ang kalsadang bagong gawa bakas pa rito ang pagdaan ng mga pison na pilit na pinapantay ang baku-bakong landas ng aking kinabukasan 'di pa gaanong tuyo ang itim na aspaltong kalalagay lang at sinusubukang takpan ang sementong 'di man lang nakatikim ng liwanag tulad ng aking puso ang aking pusong sa bawat tibok ay binubuhusan ng malagkit na aspalto ng pagkalimot at ang sementong balot na balot ng matigas at malutong na aspalto'y paulit-ulit na dinadaanan na tila walang pakialam sa kung gaano ba kasakit masagasaan nang paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit hanggang sa magkawatak-watak ang aspaltong kalasag ng semento mula sa liwanag at kung ito'y mangyari ay susubukan muling ayusin at bubuhusan ng mainit na aspalto upang takpan ang mga sugat at butas na sumisilip sa liwanag ngunit tulad ng pagdidilig sa patay na halaman o sa pagpilit na malimot ang minahal ay imposible at walang katuturan dahil ang nagagawa lamang ay baku-bakong kalsadang puno ng alaala at kung pagmamasdan ang kalyeng bagong gawa ay bakas ang paghihirap at pagpilit na ikubli ang itinatagong nakaraan
0
Dec 10, 2015
Dec 10, 2015 at 7:38 AM UTC
aspalto
Ilang buwang pumatak ang pawis at luha Nagsunog ng kilay sa madaling umaga Kumuha ng mga pagsusulit Susi sa pagkamit ng mga pangarap Sa tagal ng paghintay Lumabas ang mga resulta May natuwa sa tagumpay At ibang binati ng lumbay Hindi ko man alam ang eksaktong nararamdaman Tiyak na hindi ito ang katapusan Hindi ito hatol sa iyong kinabukasan Malayo pa tayo sa dulo Patuloy pa rin ang buhay Iikot pa rin ang mundo Na grabe kung ito'y mapaglaro Ang tanging permanente ay pagbabago Sa iyong paglakbay Hindi maipapangakong Makararating sa destinasyon nang walang galos Ngunit hihilom din ang ano mang sugat Hindi rin garantisadong laging may ilaw sa daan Sa kalyeng lalakaran Baka kailanganing mangapa ka sa dilim Sa pag-abot ng mga tala Alin mang landas ang piliing tahakin, pinangarap mo man o hindi Naniniwala akong mahahanap din ng iyong mga paa Ang landas patungo sa iyong destinasyon Kung saan ika'y liligaya Kung maligaw ka man ay 'wag mangamba Mahahanap mo rin ang tamang direksyon Mag-ingat ka sa iyong paglakbay, kaibigan Padayon!
0
Jun 11, 2020
Jun 11, 2020 at 11:46 AM UTC
Padayon
Tapos na ang araw Dumilim na ang kalangitan Dumating na ang buwan Nagliparan na ang mga bituin Kasabay ng pagdating ng pagod Sa napakahabang araw Nagmamadali sa paglakad Pagaspas ang takbo ng mga paa Di matigil sa paghabol ng hininga Para lang makauna sa pila at makauwi na Mapupungay na mga mata Walang pakialam kahit kanino Binabangga kung sinu-sino Nilalampasan ang mga tao Na parang nag-aalay lakad Hindi man lang humingi ng tawad Kahit nabangga sa bilis ng hindi pag-iwas Walang Pake kahit makasakit Basta ang sarili ay makasiksik Sa Tren, Sa Bus, Sa jeep, Sa trike, Unahang makauwi Okay lang kahit nakatayo Pero mas maswerte kung minsan nakaupo At kapag may babaeng nakatayo Pasensya na pagod ako Pasensya na ganito ako Nakakainis Nakakabwisit Kanina pako nagsasalita Hindi parin ako nakakauwi Nandito parin ako Ambagal ng takbo Ang bilis ng oras Naipit sa daloy ng trapiko Parang hindi nausad at walang progreso Parang walang katapusang byahe na kalyeng naging preso Tulog na ang iba, nagpapahinga Pero ako nandito pa Sa gitna ng kalsada parang pagong ang pasada Nang mga sasakyang parang gamu-gamo Sisiksik pag nakakita ng puwang at espasyo Tiis nalang at makakauwi din tayo Matatapos din ang takbo nito Hihinto sa destinasyon ng ating tahanan Makakarating din sa ating pupuntahan Hindi kailangang magmadali Dahil ito ay walang katapusang Byahe ng ating buhay At bukas sabay nating itong sakyan Wag po tayong magtulakan Lahat po tayo makakauwi sa ating pinanggalingan Hindi natin kailangan madaliin Ang byahe na walang katapusan
0
Jul 8, 2018
Jul 8, 2018 at 12:01 AM UTC
Byahe

59
Pag-ibig St. Alas nuebe na ng gabi at heto, Nasa lansangan pa rin at naghihintay ng pag-usad ng trapiko. Malamig na ang hangin at madilim na ang langit, Pagal ang katawan kakaikot kung saan-saan at gusto ko na lamang makarating sa aking mahal na tahanan; Pero ang dami kasing nag-uunahan, Masyadong maingay at halos lahat ay handa nang magkasakitan- Walang pasintabi at mayroong sumisingit, Nananakit, Sumisitsit, O di kaya'y nagmumura na sa galit. Ayan na nga, Mag-aalas dyes na, Pero, heto pa rin sa lansangan; Sa parehong kalsada at parehong estado- Naghihintay na umusad ang trapiko. Sa liblib at masikip na kalyeng hindi gaanong pamilyar kaya naninibago- Pag-ibig St.
0
Apr 4, 2020
Apr 4, 2020 at 1:42 PM UTC
Pag-Ibig St.
habang naglalakad ako pauwi ng bahay bitbit ang napakabigat na bag laman ang mga gamit na kinakailangan may nakita akong kumikintab na bilog sa dinadaanan huminto ako, napatigil at tinignan at nakita ko itong piso pero imbis na kunin ko ito at ipangbayad sa jeep tinago ko ito at tinabi sa isa pang piso dahil alam ko ang pakiramdam na nag-iisa sa dilim, gulo at ingay sa sarili **** paang naglalakad sa kalyeng madalas ikaw lang magisa, na minsan iniisip mo na sana may isang taong sumasabay sa agos ng galaw nang iyong mga paa sa sarili **** kamay na tumatama sa lamig ng simoy ng hangin, iniisip na sana may isang kamay na handang hawakan ito sa lamig at init sana isang araw, hindi na anino ang kasabay mo pauwi kundi isang tahanan
0
Dec 9, 2019
Dec 9, 2019 at 8:40 AM UTC
94
Katabi ko na sana Ang tiyak na pag-asa Subalit ako’y napariwara Nang matukso ng mga kalaban Na lumihis ng daan At talikuran ang pinanggalingan Kapalaran bumaluktot Pangarap naudlot Itinuring pang salot Sa landas nagkandaligaw-ligaw Nagkapundi-pundi ang tanglaw Kinabukasan waring napupugnaw Pati mga minamahal nadamay Sa palubog na barko isinakay Natibag ang mga suhay Sa pagtakbo ng matulin, natinik ng malalim Sa paglipad ng mataas, bituin ay nanimdim Huwag sana tuluyang igupo sa lagim Kung ako’y naging mahina, sana’y patawarin Ang mabuhay nang wala kayo, hindi ko kakayanin Nawa’y pakinggan po ang aking panalangin Na ako’y ibalik sa tunay na pinagmulan Ang kalyeng dilaw – matuwid na daan At aking isinusumpang mamahalin kayo nang lubusan. -07/31/2012 (Dumarao) *My Twilight Poems Collection
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:06 PM UTC
Panaghoy kay PNoy