Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kalmado" poems
Kay tagal kong hinahanap ang sarili,patuloy parin ang lungkot at nananatili Ang isip ko'y gulong gulo , Akala ko'y kalmado na ang lahat , subalit meron parin akong lagnat Sakit na habang buhay ng nasa aking katawan , kinakain paunti-unti hanggang ako'y magpaalam, Utak ko'y sirang sira na pinagsama ko kasi ang lungkot at saya Ang alak na ngayo'y aking muling tinikman ganun parin ang lasa , lasa ng kalungkutan, Mga taong aking nakilala , aking iniwanan para lang mahanap ang kaligayahang inaasam-asam Bumuti lang ako ng ilang porsyento , bagkus may mga bagay na hindi perpekto Dahil ang ugat ng ito ay nakatanim sa aking pagkatao , kaya't hanggang ngayon ako'y isang Preso.
0
Oct 23, 2018
Oct 23, 2018 at 11:26 AM UTC
Taguan
Kapag Namulat ka sa katotohanan Kasalanan na ang Pumikit Babalik sa pinanggalingan Kalmado at hindi iimik Ititikom ang bibig at lulunukin ang mga salita Papalipasin ang kanina Ipipikit ang mga mata Dahil sa bagong umaga Magpapanggap na walang nag-iba Kaya Magbubulag-bulagan Sa pangyayari nakita Ngunit kinakalabit ng konsensya Kinakabahan sa nakita Binubulong na magsalita na At Kailangan may gawin na, Kailangan may aksyon na Hindi dahil sa natatakot Kundi dahil sa nakasanayang pagbalewala Hindi pagpansin sa biglang nakita Huhulaan magiging epekto Kapag ibinungad at inilantad sa mga tao Kaya mananatili nalang sarado Nakabaon Hindi iimik at itatago ang mga salita Kahit nagpupumilit iluwa
0
Aug 16, 2018
Aug 16, 2018 at 6:15 AM UTC
Nabulag sa Katotohanan
Langhap. Kumuha ako ng isa galing sa inalok **** kaha, Hinawakan ko 'to na tila bang nakasanayan ko na, Naka-ipit sa hintuturo at hinlalato, Nilagay sa aking labi, Hinihintay ang pagsindi mo nito, Nilapit ko ang sigarilyo sa sumasayaw na apoy upang magsalubong, Bago lumanghap, Ramdam ko ang puso kong kumakarera sa kaba Tila bang nagpupumiglas lumabas, Langhap. Ubo. Buga. Langhap. Ubo. Buga. Hawak ko ang isang kahang inaalok ko sa'yo, Nasa bulsa ko ang isa pa na uubusin pag-uwi, Kumuha ka ng isa, Sinindihan, Ako ang lumapit habang nakasabit sa'yong labi Na tila bang naghihintay kang sayawan ng apoy, Langhap. Buga. Langhap. Buga. Hawak ko ang kamay mo na tila bang ang tagal na natin nagsama, Nakakapit, ayaw bumitaw, parang dalawang bagay na ginawa para magsama Hinintay ang tamang oras, Nilapit ko ang sarili ko sa'yo, Umaasa na marinig mo ang tibok ng puso kong kalmado, Nagsalubong ang ating mga labi. Sa wakas, sa wakas. Buga. Lumipas ang ilang linggo, Tinigilan kita. Hindi dahil sa gusto ko pero dahil sa sinabi nila na hindi ka nila gusto Sinabi nila na nahulog ako sa'yo ng husto Hindi ko alam na kasalanan na palang mag mahal ng sobra Isang buwan nakalipas, Hinahanap ka na ng kamay kong wala ng kinakapitan, Ng labi kong wala ng hinahalikan, Ng mga baga kong naghahanap ng usok na naging tama para sa kalusugan, Hinahanap kita. Tatlong taong nakalipas, Tumigil na akong maghanap. Buntong hininga. Tinanggihan ko ang isang sigarilyong nakalawit sa kahang inalok mo, Inipit ang aking mga labi, Pinigilan ang sarili, Pinigilan ang pagpapapumiglas ng puso kong hinahanap ka pa rin. Naglakad ako palayo, huminga ng hangin na tila bang bago pa rin sa'kin Sa wakas, Hindi na kita hinahanap. Sa wakas.
0
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 4:41 AM UTC
Usok

Continue reading...
57
Kung kailan ako mapagbigay, doon ako madamot. Kung kailan ako malinis, doon ako nilulumot. Kung kailan ako gumagalaw, doon ako paralisado. Kung kailan ako malaya, doon ako limitado. Kung kailan ako makulay, doon ako monokromatiko. Kung kailan ako mapait, doon ako romantiko. Kung kailan ako masipag, doon ako tamad. Kung kailan ako magaling, doon ako nilalagnat. Kung kailan ako malinaw, doon ako malabo. Kung kailan ako matalino, doon ako bobo. Kung kailan ako umaalab, doon ako upos. Kung kailan ako puno, doon ako ubos. Kung kailan ako maayos, doon ako magulo. Kung kailan ako puro puso, doon ako puro ulo. Kung kailan ako mayaman, doon ako mahirap. Kung kailan ako nandyan, doon ako mailap. Kung kailan ako nagbabasa, doon ako nagsusulat. Kung kailan ako kalmado, doon ako nagugulat. Kung kailan ako sigurado, doon ako nagtataka. Kung kailan ako sumasagwan, doon ako bumabangka. Kung kailan ako nangangaso, doon ako nangingisda. Kung kailan ako umaatake, doon ako dumedepensa. Kung kailan ako hypothalamus, doon ako atay. Kung kailan ako buhay, doon ako patay. Kung kailan ako tao, doon ako hindi tao. Kung kailan ako ako, doon ako hindi ako.
0
Aug 7, 2014
Aug 7, 2014 at 12:49 AM UTC
Untitled
#071816 #3:18PM #RobPalawan Muling mauutal ang puso Buhat sa naantalang pagtatapat. Ninais ko noong lisanin ang paghihintay At magbakasakaling Panahon na ng pag-ani ng pag-iibigan. Ni minsan, Hindi ka nagpadaig sa pana ni Kupido, pagkat marahil may lamat kanyang gintong palaso. Patuloy akong magbibilang ng bawat dahong nalalagas, Aaninag sa araw na siyang minsang pumipiglas, At sisenyas sa hanging hinahawi ang kawalan -- Kawalang hindi tunay, Pagkat pag-ibig, aking buhay. Ilalaan ko sa kalawakan Ang talatang tila walang saysay, Makikipagbalagtasan sa pagkitil Ng mga linyang nahihimbing. Ako'y saksi sa malawak at malalim Na mahikang di naglalaho, Sa eksperimentong walang kemikal Bagkus puro't siyang natural, Sa paglalambitin ng mga bombilyang Hindi papupundi, At mga tuldok na hindi katapusan. Yayariin ko ang klima ng pusong hindi kalmado, Bituin ng pagtatapat ay aangkinin, Pagkat halaga nito'y Wagas na pag-ibig. Hindi ako susuko, Tatagpiin nang kusa Ang liham ng sagrado kong pag-irog.
0
Jul 19, 2016
Jul 19, 2016 at 4:44 AM UTC
Puzzled Feelings
08:18AM #ToSite Bagamat ako'y bulag Sa mundong puno ng sawing imahinasyon, Patuloy Kitang titingalain. Ihahagis ko sa Langit ang mga kamay At bahagyang tatakpan ang paningin Nang masilayan ang iyong kariktan. Nakasisilaw ang Iyong Liwanag, Sabayan pa ng nagbagong-bihis na liriko Ng mapang-akit na sansinukob. Bagkus, ako'y mananatiling walang kibo Kahit nahihingal pati ang puso Sa paghihintay Sa'yo. Muli akong aalukin Ng mala-piyestang pangarap, Siyang babandila sa espasyong Puno ng takot sa kinabukasan. Ang mga banderitas sa Kalye, Walang sawang tumatakip sa Iyong katanyagan. Ngunit hindi Ka kumukupas, Di gaya ng laos na musikang Hindi na tipo ng makabagong henerasyon. Hinuha ko ang lente **Makuha lamang ang matatamis **** ngiti**. At sa bawat eksena'y hindi ako pakukurap Sa mga alikabok na namumuwing, Silang nililok para ako'y patirin. Naglantad ang klimsa Ng kakaiba nitong anyo. Kaya't sumanib ang sining Na tila iba ang maestro. Puso ko'y kinatok Pagkat ito'y tumitirapa Sa bawat lasong kumikislap, Siyang sinasaboy Ng mahiwagang mga kamay. Ako'y nagpahele sa Iyong misteryo Hanggang sa naging kalmado Buhat sa **likas **** pag-irog**. Bumungad sa akin Ang Liwanag na gaya ng dati. Nakasisilaw, bagkus suot ko na ang pananggalang Masilayan ka lamang Kahit saglit lamang.
0
Jul 20, 2016
Jul 20, 2016 at 7:42 AM UTC
Sky of Love
(Untitled) Kung kailan ako mapagbigay, doon ako madamot. Kung kailan ako malinis, doon ako nilulumot. Kung kailan ako gumagalaw, doon ako paralisado. Kung kailan ako malaya, doon ako limitado. Kung kailan ako makulay, doon ako monokromatiko. Kung kailan ako mapait, doon ako romantiko. Kung kailan ako masipag, doon ako tamad. Kung kailan ako magaling, doon ako nilalagnat. Kung kailan ako malinaw, doon ako malabo. Kung kailan ako matalino, doon ako bobo. Kung kailan ako umaalab, doon ako upos. Kung kailan ako puno, doon ako ubos. Kung kailan ako maayos, doon ako magulo. Kung kailan ako puro puso, doon ako puro ulo. Kung kailan ako mayaman, doon ako mahirap. Kung kailan ako nandyan, doon ako mailap. Kung kailan ako nagbabasa, doon ako nagsusulat. Kung kailan ako kalmado, doon ako nagugulat. Kung kailan ako sigurado, doon ako nagtataka. Kung kailan ako sumasagwan, doon ako bumabangka. Kung kailan ako nangangaso, doon ako nangingisda. Kung kailan ako umaatake, doon ako dumedepensa. Kung kailan ako hypothalamus, doon ako atay. Kung kailan ako buhay, doon ako patay. Kung kailan ako tao, doon ako hindi tao. Kung kailan ako ako, doon ako hindi ako.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:26 PM UTC
DOON AKO HINDI AKO
Sa bawat salitang binibigkas ng labi mo, Para bang dinadala ako sa ibang mundo. Sa mundo na kung saan kalmado ang puso at pansamantalang pwedeng lumayo. Sa mundo na espesyal ako kahit papa'no. Alam kong hindi pa malalim ang nararamdaman mo, sinta. Maski ako man ay hindi pa handa. Ngunit hayaan **** ako’y magpasalamat sa saya At kalinga na iyong dala. Nung minsan, tinawag mo akong mahiwaga. Pero hindi mo alam na ikaw ang mas makinang na tala.
0
Nov 18, 2020
Nov 18, 2020 at 1:38 PM UTC
Puhon
Kabado; Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan. Ang malumanay na ihip ng hangin ang naging pampakalma. Bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa ay seryoso. Walang pagkukubli ang puso Ang hindi mapirming mga yapak ay katumbas ng pagkasabik sa’yong yakap. Gabi, muli akong tumingala Walang palya ang ihambing ka sa mga tala. Kinukwento sa’kin ng mga kuliglig kung paano tatahakin ang ‘yong pag-ibig. Hindi ko kabisado; ‘Di alam kung pa’no babagtasin ang dagat na ito. Wari nila’y diyan matatagpuan ang pagmamahal mo ngunit, paano? Sinasamahan akong maglakbay ng inggit at takot Hindi madaling pamamangka ang sa aki’y bumabalot. Ang bigat ng pag-aalala ang maaaring magpalubog at malunod sa luha at panaghoy. Paano mapapanatili ang ningas ng apoy? Ano’ng solusyon sa pagkabahala upang magpatuloy? Hanggang sa itulak ako ng sapat na panahon. Muling humakbang ang hindi mapirming mga paa Humina panandalian ang ihip ng hangin Marahan ang pagkulbit ng mga buhangin. Matapang kong nilisan ang pampang Lakas ng loob, isang bangka’t panagwan Sabay naming idinawdaw ang aming mga sarili sa karagatan. Hayagang ibinubulalas ng langit na ako’y maging handa Malayo na ako sa pampang ngunit tanaw ko pa rin ang kaba. Ang pagkulog ay nagsimula na. Biglang pumatak ang ulan ng pagbabanta Dinig ko ang bulungan ng mga isda. Sambit nila’y masasayang ang pagbabakasakali Hantungan ng pakikipagsapalara’y wala. Galit na sumasayaw ang alon Ang kidlat ng kawalan ng pag-asa’y sa aki’y humahabol Pataas nang pataas ang sumasalubong na alon. Ang ‘di mawalang pagdududa ay nakikipag-unahan Umaakyat ang mga tanong sa’king isipan Kailan ko ba matatagpuan? Sabik na akong salubungin ang pag-ibig mo… … ang pag-ibig **** nasaan? Subalit, naghintay ako; Walang humpay ang paghampas ng mga alon Hindi natatapos ang pagtaas. Bawat pulgadang nadadagdag ay ang mga sagot sa’king katanungan At bigla ang pagtaob; Tama ang bilin ng mga kuliglig Ito nga ang natatangi **** pag-ibig Mapanghamon; ngunit presko sa pakiramdam. Ang sarap palang makamit ang matagal mo nang inaasam Pipiliin ko ritong manatili hanggang ako ri’y iyong matagpuan papagingdapatin **** ako rito’y manahan ‘pagkat kahit sa daluyong, kalmado akong magsasagwan. Kabado; Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan. Ang malumanay na ihip ng hangin ay naging pampakalma. Seryoso ang bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa. Walang pagkukubli ang aking puso ‘pagkat dito pa lang sinta, mahal na kita.
0
May 3, 2020
May 3, 2020 at 1:03 AM UTC
Daluyong

65
Bakit ka nag iba? Meron nabang iba? Akala ko mga lirico lamang ng kanta Di ko alam na mararanasan ko din pala Masaya naman tayo Ngunit may dumating na iba Simula nang masilayan mo sya Nag iba ang turingan natin sa isa’t isa Nasisira ako malagay ko lamang ang mga ngiti sa labi mo Hindi ko alam na kaya din pala nyang ibigay sayo Alam kong hindi na ako, Ngunit handa akong magpaubaya para sa kaligayahan mo Mahal kita Kahit na hindi na ako ang mahal mo Masaya ako Kahit na hindi nako ang rason ng mga ngiti mo Kailangan ba talaga ang magdusa? Eh paano naman kung nais ko pang umasa? Handa parin akong mahalin ka Kahit patuloy kapang mag mahal ng iba Ikaw yung bumuo sakin sa mga panahong ako'y sirang sira Ngunit ikaw rin yung taong naging rason kung bakit ako ngayo'y lumuluha Mga yakap **** binabalik balikan Sana'y muli ko nang maranasan Mahal kita Higit pa sa pagmamahal ko sa iba Di mo lang nga madama Dahil atensyon mo'y laging nasa kanya Ikaw ang aking hinahanap,oras oras, minu minuto Kahit iba na ang hanap mo bawat segundo Ako’y mananatili parin sayo kahit unti unti ng nasisira ang iyong mga pangako Ako'y mananatiling kalmado kahit ang kwento nating dalawa'y unti unting sumasarado Nag simula lahat sa salitang "kamusta" Hindi ko inaasahang magtatapos sa "paalam na" Ikaw ang bumuo ng aking mundo Ngunit ikaw din pala ang sisira nito Pangako **** walang iwanan Pero ikaw din pala ang unang lilisan Pangakong puno ng kasinungalingan Hinihiling na sana'y hindi mo nalang binitawan Nang hindi na sana ako nasaktan Tayong dalawa ang sumulat ng ating istorya, ngunit sa huli kayong dalawa ang lumigaya Sabi nga ni moira,"ako yung nauna, pero sya ang wakas"
0
Feb 27, 2021
Feb 27, 2021 at 9:42 PM UTC
Mananatiling Ikaw

42
Paano ka magiging kalmado? Kung kapulisan mismo ang delikado, Paano ka matutulog nang mahimbing? Kung hindi ligtas sa iyong paggising. Sinabi niyo sainyo kami ay protektado? Pero bakit sa isang iglap may buhay na naglaho? Mga inosenteng tao namamatay, Walang awang pinapatay; anak, ina man o tatay. Paano mo masasabi wag mabahala? Kung sila mismo ang may sala, Paano ka mabubuhay sa mundo? Kung hindi ka na ligtas at sigurado.
0
Dec 21, 2020
Dec 21, 2020 at 8:59 AM UTC
Paano?
Ano bang nais **** mabasa Ano bang nais kong maitala Marahil ito’y tungkol sa mga bulaklak Mahalimuyak, wari pa’y simbolo ng galak Maaari ring tungkol sa mga ulap Tinitingala at hangad ay mayakap O kaya naman ay sa mga paruparo Susundan ng tingin saan man dumapo Ilan lang ‘yan sa mga tuwinang paksa Mga usaping purong halaga ang tinatamasa Kumusta kaya ang mga pangkaraniwan Ang mga patay na dahon sa putikan Bisikleta ng ordinaryong mamamayan Lapis na panulat ng pangalan ng napupusuan Iyong madaling nabubura, hindi nahahalata Kabilang sa mga madalang bigyan ng pansin Mga bagay na sapat na ang isang tingin Kumusta kayo? Kumusta tayo? Siguro’y nangingiti lulan ng duyan Kalmado, mahinahon, malaya Tago sa ingay ng karangyaan Simple, payak... nawa.
0
May 18, 2020
May 18, 2020 at 9:23 AM UTC
Pangkaraniwang Titulo
Tahimik Panatag Walang bumabagabag sa iyong isipan. Kundi ang mga memorya't mga salitang kaniyang iniwan. Kalmado Manhid Walang nakakaalam ng iyong pinagdaraanan.
0
Dec 4, 2022
Dec 4, 2022 at 9:43 PM UTC
Cool Off
Sa isang madilim na kuwarto, ako’y tila mahinhin at ang mga mata’y nakasarado. Nakahiga lamang at kalmado habang nakabalot sa kumot at tila binabangungot ng mga ala-alang ‘di ko malimot-limot nang iwan mo ako. Ang mga ala-alang ito’y kung makapang-asta saking isipa’y parang nagliliyab na apoy na pumapaso sa mga magagandang damdamin kong tila naitataboy. Ngunit ngayon, tila nawala ang nagliliyab na apoy nang nalalampasan ko na ang lungkot, at tuluyang bumabangon at nililimot  ang mga ala-ala ng kahapon, sapagkat alam ko na ang mga masasamang kahapon ay ‘di pa ang dulo at hadlang upang ‘di ako makabangon.
0
Jun 9, 2019
Jun 9, 2019 at 10:27 AM UTC
Ang Masamang Kahapon