Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kakarampot" poems
Bakit hangang ngayon?!? ... Bakit hanggang ngayon. Ang pangalan mo pa rin ang pinuputak ng bunganga ko Napapagod na ang mga taengang nakikinig Nangangawit na ang dilang ikaw pa rin ang hinihiling Pag kalipas ng isang taon--- Bakit hanggang ngayon? Ang puso ko’y tumatalon, kumikirot, natatakot, nalulungot Marinig lang ang pangalan mo. Makita lang ang anino mo--- At  oo. Nakikita pa rin kita. Sa bawat matang aking pinagmamasdan--- Sa bawat kamay na aking hinahawakan Sa bawat lalaking aking sinubukan ibigin nung tayo’y natapos Hinahanap-hanap ang iyong mahihigpit na yakap Ang iyong bisig na pumulupot sa aking bewang, leeg--- buong katawan Ang matatamis na salita na iyong inaawit at inaawit… at inaawit ng paunti-unti… Paunti-unting lumalapit. Sumusuyo sa pusong nakatago, nakakulong. Bakit hanggang ngayon? Kung saan man ako tumingin. Nandyan ka pa din sa malapit--- Nakiki-usap ako, o aking multo, layuan mo na ako. Tama na. Ayoko na. Pagod na ako sa parati **** pagdating sa hating gabi, ang iyong pagbisita sa aking mahimbing na panaginip Nilulunod ako ng iyong mga huling salita Nag-mamakaawa at humihiling ng kakarampot na pagmamahal At alam ko’y ako  na rin ang syang pumatay Sa iyo--- nung pinag-kait ko ang iyong ninanais na pag-ibig. Dahil ako’y naunahan ng pangamba, ng pag-duda. Eto ba ang iyong parusa? O SIGE NA! IKAW NANG PANALO! Sasabihin ko na ang gusto **** marinig—mga salitang dapat dati ko pa sinabi:           Minahal kita. Mahal na mahal pa rin kita--- Patawad sa aking pag-tangi, Patawad sa sakit at pait. Patawad.
0
May 20, 2015
May 20, 2015 at 11:59 AM UTC
Kailan Ba Ako Matuto?

Continue reading...
38
Umaga Gigising at babangon Ni hindi ko man lang Narinig ang huni ng mga ibon Umaga Isusubo ang kakarampot Na kanin Na parang di ko nalasahan Umaga Na walang kapeng nahigop Dahil kailangan ko ng Pumunta roon Umaga Na makikita kong Nakakunot sila At hindi ko na napapansing Ako na rin pala Umaga Uupo sa silya Sisimulan ko na Gusto ko ng matapos na Tanghali Parang ayaw ko na Hindi ko na kaya Tanghali pa lang pala Tanghali Hihigop ng kape Walang tama Isa pa Tanghali Bakit hindi pa matapos Ang araw na ito Wala pa palang kalahati itong Tinatapos ko Hapon Ang saya nila Anong pinag-uusapan nila? Pwede bang sumali sa saya? Hapon Tangina Wala na bang katapusan? Sino ka para sabihan ako Na tapusin ko na ito? Gabi Sa wakas Malapit na Kaunting tiis pa Gabi Na Umalis na sila Ako, nandito pa Gabi Ako na lang mag-isa Pahingi ng tulong Di ko 'to kaya mag-isa Gabi Nagpapasalamat sa langit Pinatay ang ilaw Buhay ang diwa Masaya ang kaluluwa Gabi Kay raming tao Hindi lang pala ako Marami pala akong kasama Hindi ako nag-iisa Gabi Nang maisip ko Marami pa pala kaming Nagpapaalipin Sa lugar na ito Sentro kung saan Ang mga tao Nagmamadali Walang pansinan Walang pakialamanan Walang buhay Walang kaluluwa Gabi Nang mapagtanto ko Ayaw ko nito Kasama nila Nasaan ang kaligayahan ng puso? Nasaan ang kalayaan ko? Nasaan ang kalayaan nila? May mararating ba? Sila Ako Tayo Itong tanong na ito May mararating ba? Tanong na lang ba talaga? Gabi Nang makarating ako Sa aking lugar pahingahan Nag-iisip Natulala... Umaga.
0
Apr 29, 2015
Apr 29, 2015 at 10:49 AM UTC
Alipin

97
Minsan magtataka ka Sa kung paano nagsimula Ano ang dulot o sanhi? **Paano ang bukas Kung ang ngayon ay wala na.** Makitid ang daan Patungo sa kabilang espasyo Malayo sa drogang gamot daw. Naryan ang nars Ang sekretaryang nanghihina Mga eroplanong papel Simbolo pala ng iilang humihinga. Takot at may kirot Umuusbong ang sanhing nakakasuka Mga imaheng kilabot sa sikmura Walang nakaririnig Mananatiling pipi't bingi Kahit sandali, kahit sandali lang. Itim ang kulay ng pag-asa Naroon ang pangarap Naroon ang solusyon Tila nag-aabang Sa kakarampot na grasya.
0
Jul 2, 2014
Jul 2, 2014 at 2:47 AM UTC
Future Surgery
Imposible naman siguro Na sa higit isang taon natin na Pagsasama sa iisang bubong At pagtatabi sa iisang kama Ay agad-agad na lang akong nalimutan Na para bang pinagsamahan Ay walang kahit kakarampot na halaga. Kumustahin mo naman ako... Kung kaya ko pa ba Kahit na malinaw namang Kayang-kaya mo na.
0
Nov 8, 2018
Nov 8, 2018 at 6:42 AM UTC
Ikalabing-Apat Na Araw Mula Nang Ika'y Umayaw
Ito pala ang pakiramdam ng ligaw na damo, may pangangailangang kinukuha sa hamog ng umaga, sa lupang kakarampot, at sa katas ng ibang ugat ng ibang halaman. Ito pala ang pakiramdam ng ligaw na damo, nananahimik na namumuhay sa anino ng tunay na sibol ng kalikasan. Ano ang aking silbi kung ang langit na nais kong marating ay hanggang talampakan lamang ng tao? Ano ang aking silbi? Ito pala ang pakiramdam ng ligaw na damo, mabubuhay ng walang halaga, mawawala ng walang sinasambit.
0
Jan 28, 2015
Jan 28, 2015 at 3:59 AM UTC
ligaw na damo
Sa hinaba-haba ng tag-init Ngayon nalang ulit umulan. Nang malakas. Nang saglit Di ko mainitindihan ang langit. Kung paano niyang iniluha Ang bigat ng bawat kahapon Ng natuyo niyang pusong Pinigilang umagos Sa mahabang panahon. Tumangis siya Nang malakas Dahil di niya maamin At di niya matanggap Ang itinakda **** pagwawakas. Sa kakarampot niyang pag-asa na babalik ka rin. Ngayong gabi. Ang kanyang napili Na ibulalas ang lahat Sa pag-aakalang Tulog na ang lahat Lahat ng mata’y nakapikit. At wala nang makakarinig Ng pagtangis Na mayroong balang-araw Na katabi mo siyang Mahihimbing. Ngunit nagkamali siya. Saan nga ba tutungo Matapos niyang iluha Ang lahat sa lupa Na aanurin Patungo sa puso **** Kinakain ng pangungulila. Sa hinahaba-haba ng tag-init Ngayon nalang ulit umulan. Nang malakas. Subalit saglit Marahil ay ayaw niya Nang makasakit. O gusto ka lang niya damayan Sa gabing Wala ka nang ibang inisip Kung bakit ka niya iniwan O paano ka niyang nagawang saktan Kung paano sinira Ang bawat pangakong Binitiwan. At kung paanong di mo masabi Ang tunay **** nararamdaman. Kaya sa susunod Na iiyak ang langit Kapag malamig ang gabi At pangalan niya Ang tanging kayang bigkasin Ng mapuputla **** labi Ay patuluyin mo siya. Hayaan mo siyang umapaw Hayaan **** bahain ka At tuluyang ambunan Ang natutuyo mo ng puso. Makipagsayaw ka Kung kinakailangan Nais ka lang niyang damayan Gusto niya rin ng karamay.
0
Dec 28, 2015
Dec 28, 2015 at 4:47 AM UTC
Sa Tuwing Uulan, Kapag Gabi...
Kayod para sa kakarampot na barya. Sirbisyong kalabaw ngunit binipisyo ko’y wala. Ang hanap buhay ko’y ikinabubuhay ko pa kaya, O para sa mga taong minamaledukado ang tulad kong dukha. Katamaran ay katumbas ng kahirapan bintang ng konyong bulaan. Hindi tamad ang tulad kong madalas niloloko at napagkakaitan. Ang kawalan ko ng oportunidad ang syang tunay na dahilan. Maledukadong tulad ko’y walang luwalhati sa lipunan. Pagmasdan ang bayan tila nagpapasakop-sakupan. Sa lawak ng dagat tila walang mapangisdaan, Sa lawak ng lupa tila walang matirhan. Ang tulad kong maledukado’y saan ma’y tila walang karapatan. Ang kahirapan nawa’y sa tulad ko ay wag isisi. Ang buhay sa aking paghahanap buhay ay nais din mapanatili. Sa kasaganahan ay nais ko din makibahagi, Ngunit ako’y maledukado at sa lipunan ako’y basurang masasabi.
0
May 24, 2019
May 24, 2019 at 1:46 AM UTC
Maledukado