Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
CharmedlyJynxed May 2019
bakit tayo umaasa?
bakit ang dali nating maniwala sa bawat kataga nya?
bakit ang dali nating kiligin sa bawat lambing nya?
bakit ang dali nating lumambot sa bawat haplos nya?
bakit ang dali nating magtiwala sa bawat pangako nya?
bakit ang dali nating mahalin sya kahit wala namang kasiguradohan tayo'y mamahalin nya?
s i r May 2019
Harapin ang liwanag

Na naguudyok ng katotohanan

Na ang buhay

Ay may dulo't katapusan
Marthin May 2019
Oh magandang binibini, ako’y lubos na nagagalak dahil sa ating mga mumunting palitan ng mga mensahe. Kahit na ito’y di masyadong impormatibo, ako’y lubos na nasisiyahan sa ating mga pinag-uusapan.

Oh binibini, ang bawat ngiti na iyong pinapakita ang siyang nagbibigay sigla sa matamlay kong araw. Ang iyong mga tawa ang siyang nagsisilbing musika sa aking mga tenga, na walang kapantay sa tinig at ganda.

Kahit na sa kakaunting panahon na tayo’y nagkilala, para na kitang kaibigan na kay tagal nang kilala. Ang bawat palitan ng mga letra’t salita ay may kasamang pagmamahal at tuwa. Kaya ang mga salitang ito’y kusang lumalabas sa aking dila.

Oh binibini, nawa’y mapansin mo ang mga problema na dulot mo, sa pagka’t gabi-gabi nalang ako’y di makatulog pag na-aalala ang mga ngiti **** sintamis ng preskong bino at ng mga titig **** kasing init ng siling labuyo.

Nawa’y sa pag idlip mo’y mapaghinipan mo ako, ng ako rin ay makadayo sa mundong tayo lang dalawa ang nandoon. Kung saan malayo tayo sa mga mata ng di nakakaintindi, at sa mga salita ng di nakaka-alam.

Oh binibini, lagi mo sanang tandaan, na kahit saankaman ay laging nasa sayo ang puso ko. Na kahit bagyo ma’y dumaan at mga lindol ay maranasan, na ang pagtingin ko ay laging sayo lamang.
A deep tagalog poem
Pusang Tahimik May 2019
Ano ang dahilan at tila
Sumusulat ka ng tula
Upang aliwin ba ang madla
O sambahin ang  mga dakila?

Sapat nga ba ang aanihin
Sa ihahasik na pagkain
Ito nga ba ay diringgin
Ng pusong malayo ang tingin?

Kung tapos na ang simula
Ano pa ang mapapala
At kung wala nang manunula
At patay na ang tula?

Sino ang makikinig
Kung higit na nananaig
Sa kumpas ng aking bibig
Ang maingay na sahig?

Walang may nais umunawa
Sila'y pagod na't nagsawa
Nais ay mabilis na ginhawa
Sa isip na nakakaawa

JGA
Patay na nga ba ang tula?
s i r May 2019
Ulap sa lupa ang maputlang buhok
Sing kinang ng pilak, sing pilak ng usok
Isang obra maestrang handog ng Panginoon
Sagisag ng nakalipas na halos isang daang taon

Sa balat malinaw ang mga lumipas na panahon
Tigib sa pinong linya at kulubot
Sa mukha nama’y walang kolorete, alahas o pulbos
Kasing kinis ng balat ng masintahing musmos

Sa mga mata’y nakalubog ang karanasan at karunungan
Naipon ng mga pagkakamaling pinagdaanan
At ang mga tala sa langit, bumababa sa lupa
Napunta ang kinang sa mga matang minsan nang lumuha

Ang gaspang ng buhangin sa palad ay ipinasa
Marka ng walang katapusang pag-aalaga
Sa kanilang buhay ay alumpihit, pagod
Upang tayo ay mabuhay ng malugod.

Lahat ng sugat, pagod, galos, at kulubot
Ito’y pagmamahal ni inay na walang pag-iimbot
Sana’y maunawaan mo ang nakikita ko
Sa puting buhok at gaspang ng palad kagandahan ay totoo
She-wolf May 2019
Sa bawat oras na kayakap kita,
Piling mo'y palagi kong ina-alaala.
Sa bawat oras na nagsasalita ka,
Mga ibinibigkas mo'y pawang musika sa aking tenga.

Sa bawat oras na tinitigan kita,
Para akong nasa langit nakatulala.
Pero lahat na ito, totoo nga ba?
Hindi ba tayo nilalaro ni tadhana?

Gugustuhin ko man maniwala,
Ano pama'y aking magagawa?
Kung lahat na ito'y isang panaginip na gawa-gawa?
Nagmamaka-awa ako ****-usap ko'y dinggin niyo na.

Sa bawat oras na kasama kita,
Palagi kong itinatanong sa Maykapal,
Ito na ba talaga?
Ikaw na ba talaga iyan?

Ngunit noong hinawakan ko ang kamay mo,
Bigla akong nagising sa katotohanan.
Lahat lang pala iyon ay isang panaginip lamang.
Ah, tama ang hinala ko.

Hindi nga talaga pwede na maging tayo.
Kase alam ko na ang ikaw at ako.
Ay isang kalokohan na gawa-gawa ko.
Isang walang kwentang kathang-isip na gawa ko.

Ah, kaya pala nagising akong luhaan.
Dahil binigyan ako ng isang magandang kasinungalingan.
At sa pagmulat ng aking mata,
Binigyan ako ng isang mapait na katotohanan.

Bakit ko pa ba napaniginipan iyon?
Kung alam ko na sakit lamang ng puso ang makukuha ko.
Hay naku! Ang sakit ko namang managinip.
Isang napakasakit na mapag-isang panaginip.
aL May 2019
Sa pagdalamhati na rin ng kalangitan
Tila may pagbadya na manipis na pagulan
Sa bawat sanag ipapatak ng mahinahong ambon
Sasabay ata ang mga luhang natago sa ipon

Wala nang katumbas na salapi at ginto para sa iyong kasiyahan

Pilit nalang sa paglimot sa malalambing na sandaling ika' naghagkan

Sa mas malayo na ang pagpunta
ng iyong mga tingin na datirati ay sa akin lamang
Hindi na sapat ang talinhaga at pagsinta
Sa panaginip nalang lagi ang pagabang
Habang tuloy ang pagsulat ko nito sa kaunting minuto parang kusa sa paglabas ang mga salita, this is how i feel and this was barely edited
-Wala lang. Share share lang.
s i r May 2019
(Filipino)

Ni minsan hindi ko hiniling tumapos ng pag-ibig.

Ngunit sa'yo lang ako nagmakaawang di na matali.

Isang milyong halik ang binigay mo sa'king pisngi.

At isa para sa kanyang labing di mo naalalang pagkakamali.
Meruem May 2019
Kalungkuta'y nakakalat na sa mapa,
At tiyak mas malalim pa sa sapa.
Kahit magdasal pa sa dalawang Allah,
Laging nakatatak itong mga alaala.

Hindi na makitaan ng ngiti
Kahit magsipilyo ng Hapee,
O kahit kulitin ng Shopee,
Kaligayaha'y tila hindi na maibahagi.
May 5, 2019 - 00:25

Maligayang kaarawan, Papa. Maligayang Pista, Sta. Monica. Ako, maligaya ba?
ninacrizelle May 2019
Paano ba nagsimula ang ating kwento?
Yung dating magkabila nating mundo
Yung biruang ikaw at ako
Akalain **** ngayon ay nagkaron ng tayo

Teka, pano nga ba nauwi sa tawagang jowa?
Eh ilang taon nating di pansin ang isa’t isa
Malayo, malabo at talagang di naman uubra
Kahit siguro magbakasali, iisipin pa ring malabo at di gagana

Bakasali... tama, isang araw na nag baka sakali
Baka sakaling mapansin o baka sakaling pansinin
Baka naman maumpisahan o kaya naman ay masubukan
Kung gagana nga ba talaga o hanggang tanong na lang

Isang araw na di sinasadya, di rin naman pinagplanuhan
Inumpisahan natin sa simpleng batian
Na nauwi sa magdamagang kwentuhan
Hanggang sa aminan ng nararamdaman

Araw araw, palagian at halos kadalasan
Kwentuhan, asaran, lalo na ang mga awayan
Hindi pa nga tayo nun mag jowa kung titignan
Pero yung bangayan, parang aso’t pusang nagka sabayan

At dumating na nga yung punto
Na yung dating hindi sigurado, nabuo
Yung dating malabo, naging klaro
Yung dating ikaw at ako.....


Ngayon ay tayo.
Next page