Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Marg Balvaloza May 2018
sa kalaliman ng iyong pagtingin,
hindi maarok,
damdamin ko'y muntik nang malunod
aking nakita, ang ‘yong pagkatao
sa'yong mga mata,
mga matang kay ganda,
mga matang nababalot ng kahiwagaan at pagsinta.

sa kalaliman na iyong pagtingin,
aking narinig, yaong mga salita,
mga salita na bago pa man sambitin ng ‘yong mga labi
ay narinig na ng aking puso,
na tila nagbigay kabuluhan sa damdamin
at nagdulot ng kapayapaan sa aking pusong balisa;
mga matang kay ganda
na tila nangungusap,
wala, ni ano, kahit anong salita—–
binasag ng ‘yong katahimikan, kaguluhan sa’king isipan.

sa kalaliman na iyong pagtingin,
mundo ay tumigil,
nabihag ang damdamin,
aking nadama, dalisay na pagkatao,
sa'yong mga mata,
mga matang kay ganda
mga matang nagrerepresenta, sa makulay na buhay,
mistulang mga krayola
na nagbibigay kulay
sa malamlam at matamlay /// kong pamumuhay.

© LMLB
"He looks at me and his brown eyes tell his soul."
P.S. "Balintataw" is the tagalog word for "Pupil."

05.02.18
katrina paula May 2015
Tinatahi ko ang tubig sa'king kamay
Pinapanuot ang gayelong lamig.
Sa paghampas ng alon;
Habang binabagtas ang di malirip na kalawakan,
Sinisikap kong ilarawan ka.
At sinusubukan kong hanapan ng letra
Ang tubig-alat na nagpapalunod sa'king puso

Napagtanto kong sa pagpalaot
Sa gitna ng kalawakan at kalaliman
Habang ako'y iginigiya ng mga alon
Hahayaan kong dalhin ng hangin ang 'king layag,
Magtitiwala sa tibay ng katig
Mamamangka sa gitna ng kainitan ng araw
Hahalik sa'yong daluyong ng kalayaan
*nagsimula rito ang mga buntung hininga sa'yo m.a.
Sally A Bayan Jan 2014
( Filipino orTagalog version)

di sumasapit ang pagtulog
sa isang kaluluwang
sabik at di mapakali
isang pusong ubod tiyaga
ngayo'y balisang tumitibok
sa kabila ng malumanay
na pag patak ng ulan...

sa kaunting salitang nagbibigay kasiyahan
parang simoy ng hangin, may mga dalang palamuti
mga matatamis na pangako ng
maluwalhating bukas,
lumutang sa kapaligiran
at binago ang malamlam na
lagay ng kalooban.
ang mga darating na araw
ay muling yayabong.

isang kaluluwang hapong hapo
di-inaasaha'y, napangiti
sa unang pagkakataon
mga matatamis na tunog ng mahihinang
halakhak ay paulit-ulit na tumaginting
sa kalaliman ng gabi.

itong di maampat-ampat na pananabik
aking panalangin ay
tuluyan nang pumayapa
dito sa dilim, ako'y nakahimlay
habang  ang mga pangarap ng pag-asa
ay alak na lumalasing sa aking pag-iisip.
kasabay ng pagdatal ng madaling-araw,
nabubuhay na lalo ang mga bagong isipin
na lalong nagpapasigla sa aking utak...

mulat na mulat ang aking mga mata
di na sasapit pa ang antok
di na sasapit pa ang pagtulog...

::::::::::

(ENGLISH VERSION)

SLEEP DOESN'T COME...

Sleep doesn’t come
To an eager, restless soul.
A heart so patient
now beats anxiously,
Even with the gentle rhythm
Of raindrops tapping.

With just a few satisfying words
Sprinkled with whiffs of hope,
So magical,
A promise of a glorious tomorrow
Floated in the air
And altered the somber mood.
The coming days are to flourish
Once more.

Unexpectedly,
A soul gone weary
Smiled for the first time.
The sweet sound of soft laughter
Unheard in the still of the night.

This insatiable needing
I pray, to be quelled soon..
Here in the dark, I lay awake,
As visions of hope inebriate my mind.
With dawn comes new ideas,
Stimulating my brain even more..

.......my eyes are wide open........
.......sleep wouldn’t come at all……


       Sally

            Copyright 2014
       Rosalia Rosario A. Bayan
*...another old poem, with an  english and tagalog version...*
110315

May iilang mag-aalok sa kanya
Sa isang tila uhaw sa pag-ibig o pagkalinga.
May iilang pipila't iigib,
Pero pagod na siya sa pagbibigay,
Kaya't puros kalawang na lamang ang taglay.
Pero may iilan din namang magtitiyaga't magpapagod,
Bumalik lang sa dati ang bukal na may pag-ibig.

Pag sa hapag-kaina'y nakatambay lang siya,
Nakaabang sa hihingi't pamatid uhaw lang daw.
Pero ba't siya nananatili sa isang katauhan?
At siya mismo ang daan
Para umagos ang buhay mula sa lalamunan.

Siya'y luha ng kalangitan,
Hindi bunga ng galit o anumang pangit na nakaraan.
Natural lang na bumagsak siya,
At kahit na napakasakit nang pagkakalumpo'y
Hahalik pa rin siya sa lupa nang may pagpapakumbaba.

Wari niya'y kaylalim at kaylawak ng kanyang sinasakupan
Pagkat tila lahat ay kanyang pag-aari.
Bagkus, siya'y dinaraanan lamang ng mga sasakyan.
Binubugahan ng kung anu-anong kemikal
At ihahalo sa kanyang malabirheng katauhan.
Kahit siya'y Ina para sa napakaraming mga buhay,
Tagapangalaga ng kanyang sakop.

Minsa'y tatapunan ng dumi,
Tatabuyin niya ito bagkus di niya kaya.
Pagkat yayakain niya ang iilan,
Aakayin at magiging palutang-lutang
Hanggang sa maging saksi ang kalangitan.
Ang iba nama'y papatawarin niya't
Itutungo na lang sa kanyang kalaliman,
Hanggang sa hindi sila makalisan at doon ang kamatayan.

Pag siya'y nagbiro, doon lamang siya papansinin.
Kailangan pala siya, pero sinasayang ang tagas paminsan.
Sinasadya siyang limutin at kaligtain,
Pagkat lagi naman siyang nariyan
Kaya'g ayos lang sa ibang siya'y abusuhin.

Napapagod, nauubos, naninigas, natutunaw,
Paulit-ulit, pababalik-balik kanyang buhay.
Pero pag-ibig niya'y kumot para sa sarili.
Zeggie Cruz Sep 2015
Tulad ng isang hangin na hindi makita

Nakabalot sa walang hanggang pangarap.

Ang bawat sandaling hindi mahagilap

Nag-aabang, nagkukumahog na aking malasap.

Lamyos ng iyong tingin.

Nakasusulasok sa aking damdamin.

Hindi masilayan.

Isa kang sinag na hindi mahawakan.

Hindi ko maintindihan, saan nga ba nagmula.

Ang damdaming hindi naman maaring isakatuparan.

Tanging iniisip ay ang ikaw ay makitang muli.

Paano ba ipasasang-tabi ang bangungot ng huling sandali.

Ito ang aking diwa, ito ang aking panaghoy.

Isang tulang walang pamagat.

Dulot ang Isang walang hanggang sugat.

Paano ba itutula, Isang tulang walang Pamagat?

Sa simula ng pagsanaysay. pilit na nilalakbay.

Saan nga ba mahahagilap.

Ang isang Tulang Walang Pamagat.

Tulad ng Isang Sinag, Hindi lubos Ilapat.

Ang Bawat salitang lumalabas, tulad ng Ulan, pumapatak.

Sa kalaliman ng Gabi. Pawis ay Tumatagaktak.

Dumating na nga ba ang Tamang Oras.

Na sa iyo ay Ilabas.

Ito ang Aking Panaghoy

Isang Tulang Walang Pamagat.

Dulot ang Isang Walang Hanggang Sugat.

Paano ba Itutula. Isang Tulang Walang Pamagat

Balang Araw maitutula rin. Ang aking nararamdaman.

Lubos na pagsinta at pagmamahal.

Habang Hindi Pa Makakaya.

Ito muna ang isang Tulang Walang Pamagat.
Mula sa higanteng alpombrang balot
Bumuhos ang walong henerasyon halos
Ng karit, palay, tagtuyot, unos
Martilyo, pako, pagpapakaputa sa utos!
Aba, hindi pangako ng sistema ang presensya ni Hesus!

Sa madilim na purgatoryo ng impiyerno at kalangitan,
Sa mahiwagang pagitan ng lunsuran at lansangan
Nagka-prusisyon ang dibinong Toledong bayan
‘Pagkat naipasalangit na
Ang Multo/Kapre/Bal-bal/Berberoka/
Aswang/Mangkukulam/Agta/Santelmo/
Batibat/Berbalang/Bungisngis/Diwata
Na sumiil sa banal na pook ng Toledo.

Pitu-pituhan ang naging palitan
Sa pagbuhat sa bangkay ni Rodiano Abduhan.
“Dito ako sa ulo.” “Pasmado ka ba? Larga na!”
Padulas-dulas ang kapit, sumisilip na ang paa
At sa bawat yapak, bumuhos ang patak
Ng dugong pesante sa sagradong Toledong lupa.

Rodiano Abduhan, mas kilala bilang Tatay Godong
Manggagamot, tagalunas ng salot, kampon ng Diyos,
Ika ng iilang nagpatingin sa mahiwagang tatang,
Pero manyak, magnanakaw, aswang, mangkukulam
Kamo ng nagmula sa abang Toledong bayan.
‘Pagkat ang pugad niya’y sa kanayunan, sa kalaliman, sa kaibuturan,
Ng mailap na lansangang ng Diyos tinalikuran.

Kaya nang ang taumbaya’y nakabatid
Na lumubha ang sakit ng pamangking si Adring,
At na natagpuang bukbukin ang bangkay ni Celine,
Kaniya-kaniyang satsat, sitsit, at hirit
Ang kumapal sa amihan ng Toledong hangin.

“Mangkukulam! Heto yung bumati sa Adring kong pamangkin!”
Kaya ng taumbaya’y binatikos at siniraan sa lihim
Sa walwal o gimik, pagkalaklak ng gin.

“Berbalang! ‘Di ka umawat hanggang naubos ang dugo!”
Kaya’t nang-imprinta ang madla ng mga galos abot sa buto
Tatak Cebu! Tatak lungsod ng Toledo!

“Aswang! Luwal ng putang nakunan!”
Kung kaya’t naisama rin ang anak ni Abduhan
Sa kawawang listahan ng mapapaslang.

Biro mo! Ang manggagawa ng himala
Natamaan ng sumbi ng masaklap na realidad!
Ay, hindi makaliligtas ang dukha
Sa kamandag ng pader ng matayog na siyudad!

Pero nang maabot ang mapanglaw na kremahan,
Ang mailap na lubid ng buhay at kamatayan
Ni Rodiano Abduhan, aswang at mangkukulam,
Ng dugong maliliwat ay tuluyan siyang naubusan.
Maputla niyang balat, sa abong langit ay umagpang.
Inaakit ng lagay na hamak na sa wakas ay tumahan.
Pero nang maunawaan niya na sa kaniyang kamatayan
Mapupuksa ang kasarinlan at kalayaan,
‘Pagkat siya ang sisidlan ng dugong maglilinang,
Kampeon ng kanayunan, hari ng himagsikan,

Nasapian ni Lazaro.
Nabuhay.
Natauhan.

Magsasaka, mangingisda, labandera, gerilya.
Artista, mayora, tindera, tsismosa.
Karpintero, ****, kutsero, kaminero.
Abugado, inhinyero, piloto, maestro.
Ninais ng lungsod ang pagsapit ng mundo
Sa mahinhing mundo ng mga diwata’t engkanto.
Oo lang nang oo, bawal mangontrabida,
Kaya kung gusto nila ng Multo/Kapre/Bal-bal/Berberoka
Ano pang magagawa kundi patabain ang mataba?

So natunaw ang pintura
Ng nagbabalat na ngang dingding
Nabawian ng Sol at Luna
Ang kalangitang sadya nang makulimlim
Ang basang semento ay nauhaw
At naging nagbabantang lamig.

Mula sa naagnas na kabaong sa hukay lumaya
Ang mga magsasaka, mangingisda, labandera, gerilya
Ang mga Batibat/Berbalang/Bungisngis/Diwata.
Mula sa abo sa loob ng saro nagka-anyo
Ang mga karpintero, ****, kutsero, kaminero
Ang mga Aswang/Mangkukulam/Agta/Santelmo.

Tsaka humayo’t bumulong kay Abduhan
Nang siya’y mailatag sa loob ng makinarya.
Tsaka niya nagunita ang anak at asawa
Nombrado na atang manananggal at tiyanak.
At ang bawat katiting na patak ng dugo
Na hinayaan niyang umagos, bumuhos, tumulo
Sa lupang Toledo, lupa ng berdugo’t demonyo.
Doon niya nabatid kung saan totoong nagmula
Ang mga Multo/Kapre/Bal-bal/Berberoka,
Aswang/Mangkukulam/Agta/Santelmo,
Batibat/Berbalang/Bungisngis/Diwata.

At doon nabuhay ang Santelmo ng Toledo;
Nang umalpas mula sa crematorium si Rodiano Abduhan,
‘Di na mas hahaba ang buhok, at nakatatak ang pangalan
Sa kaniyang mga galos at sugat, habang
Noo’y banig ang balot, ngayo’y apoy na bagong silang.
At nang nadaanan niya ang mga balintataw
Ng mayayamang poong siya mismo ang nakapukaw,
Nabatid niya kung bakit kailangan ng Toledo ng isang halimaw.
ive never written in such an aboveboard style aint proud of this **** lol
Nagtago ang mga parilya sa kalupaan
Habang sila'y kusang nagpahimlay sa pagsisilbing lakas t tuntungan
Siguro, naisip din nilang ayos lang mapasailalim
Kung ito nama'y marangal at bubuo sa bukas at ngayon.

Habang sila'y sama-samang ipinagbibigkis
Ay mas lalo silang nakatatamo ng sugat mula sa isa't isa
Hindi nila ininda ang dumi o kahit na ang agos
Na posibleng yumurak sa kanilang mga pagkatao.

Sa aking pagtingala mula sa pagkasisid sa kalaliman ng kanilang mga adhikain
Ay nasasaksihan ko ang pag-usad ng mas matitibay pang haligi
Na dito sa ating baya'y may iilan ding tunay na tatayo
At nanaising maging tuntungan ng iba para sa higit na pagsulyap sa araw
Sila'y kapit-bisig sa pag-aalay ng dugo't pawis
Para sa ikuunlad ng kabuuan.

At unti-unting mahuhulog na tila nagkakalansingang mga barya
Ang mga may buo ang loob.
At sa pagbibilang ko ng mga araw ay walang pakundangan silang magiging isa
At malilimot na rin ng iilan na minsan, sila'y may pagkakaiba --
Na minsan, sila'y pinulot at hinugasan
At ngayon sila'y nagbago mula sa pagiging kupas na larawan.
JOJO C PINCA Dec 2017
tuluyan ka nang naupos tulad sa kandila.
unti-unting natunaw ang buhay mo.
dahan-dahan itong kinain nang imbing kamatayan.
isang pahingalay sa tulad mo'ng nagtiis
ng malubhang karamdaman.
buto't balat ka na lang at laging dumadaing,
buhay na patay kung ika'y pinagmamasdan.
sa wakas hindi kana maghihirap.
wala na ang kirot na saksakan ng lupit.
wala na ang sugat na bumubulok sa'yong likuran.
hindi kana mapapagod sa paghabol ng iyong hininga.
hindi kana pagpipistahan ng mga lamgam.
wala na ang diaper na kailangan palitan.
alam namin na pagod kana,
kailangan mo nang magpahinga.
paalam na sa mga tusok ng karayom
na hindi makita ang tamang ugat saiyong katawan.
paalam sa mabaho at mainit na ospital.
hindi na lilipas ang maghapon na puno ng bagut.
wala na ang mapapait na daing 'twing madaling-araw.
dumating na ang mga sundo,
kukunin ka nila at di na muling ibabalik.
tinatawag ka na ng hangin papalayo sa amin,
inagaw ka ng liwanag sa kalaliman ng gabi.
sa huling hantungan mo ay tatanawin kita.
aalalahanin ko ang kabataan ko na kasama kita.
babalikan ko ang lumipas na may lungkot at saya.
may mga umaga na hindi na darating,
pero may mga kahapon na 'pwede pang balikan.
walumpot-limang taon sa mundong ibabaw,
at marami-rami ka na ring narating.
siguro nga wala ka nang hahanapin pa,
sapat na marahil ang layo ng iyong nalakbay.
kaming mga naiwan mo hindi maglalaon
ay tutugpa din na gaya mo.
ang hindi lang namin alam ay kung kailan, paano at saan.
paalam po at salamat sa mga ala-ala.
alas-dose medya kagabi Disyembre 3, 2017 namatay ang tiya ko panganay na kapatid ng nanay ko.
kaya mo bang lumangoy?
handa ka ba sa posibleng taas ng alon,
sa posibleng lalim na kailangang lusubin?
kaya mo bang mag-isa?
sa gitna ng malawak na asul na katubigan,
sa posibleng pag-iba ng simoy ng hangin -
kaya mo bang umunawa?
kaya mo bang sabayan ang alon?
kakayanin mo bang sumubok?
sa kalaliman ng tubig,
kapag naramdaman mo ang lamig,
sa iyong paningin,
mayroon bang pagsisisi?
jotting this down while working bc I am already dying inside. arrfsjfkljsfjs!!!!1@
solEmn oaSis Mar 2022
Malamyos,Mabini Ni-walang Hampas
Hindi Habagat O Amihan Ang Siyang Dumadampi
Bagkos Masuyong Hinahaplos Ng Alimuom
Ang Nagdadalamhating ilog ng kalaliman.
samantala may ibig ipabatid Ang liwanag ng sinag
mula sa bibig ng Mahiwagang bilog na buwan...
at ang wika "ikaw at ang repleksyon ko sa ibabaw mo
Maging Sa Karagatan Na Iyong Pinapakitungohan
Ay Naroroon Ako Sa Tuwinang Nakatakda Ang Aking Pag-agapay.
Sa Kabilang Banda,di Man Dalawin Ng Antok Ang Haring Araw
Mismong Mga Ulap Ng Alapaap Ang Magkukubli Sa Silaw.
Magbibigay Lilim Sa Walang Silong **** Kalagayan.
Umaaraw Umuulan,umaapaw O Lilit Ang Lulan

Nasasamsam Man Ang Ilan Sa Mga Taglay **** Nilalaman,
Kailan man Ang Paraluman **** inaangkin Ay Di Makakamkam !
Nagdaramdam Ang Matabang Kalupaan Kapag Ito Ay Tigang
Sapagkat Kapos Sa Pakikiramay Na Taos.
Hiyang Lamang Sa Kapatagan Ng Paratang At Pakinabang...
Lupang Hinirang Minsan Nang Nalinlang Talang Makinang,
Na Sinagisag Ang Kalasag At Baluti Ng Banyaga..
Sa Ngayon Pahupa Na Ang Tubig Sa Ilog
Sukdol Nga Ba O Sakdal
Kung Dumatal At Kumintal
Ang Alimpuyo't Tagtuyot
Sa Panahon Ng Tagdahon

At Sa Di Kalayoan
Akin Ngang Naulinigan
Ang Payo Ng Dayo Sa Bulwagan
Kung Saan Ang Aking Katayoan
Nagugulumihanan Sa Kanyang Pinamagitan...
Ito Ay Kung Ano Din Po Yung Aking Pinamagatan !!!
biyayang hangin man ay di nakikita
sa tulong ng tinta ito ay kayang ipinta
Marg Balvaloza  May 2018
Galimgim
Marg Balvaloza May 2018
Sa bawat umagang nagdaan,
mga kainitan ng tanghalian,
sa paglubog ng araw,
kalaliman ng gabi,
ang naaalala
ay ikaw.

Kasama kita nang kay tagal,
ngunit, p a a n o, at bakit?
Ano na ang nangyari?
Tila 'di na kasama
sa mundong dati
ay sobrang...
s a y a.

© LMLB
I just woke up from 2 hours of sleep, went outside our house to look for the sunset and it reminded me of our days, together. Those days when I'm with you, having our quality time —- spending every part of the day so delighted, just like an unending 'happily ever after.'

I spent almost all of my sunsets with you.
But now, it hurts me every time I look at it because they said that sunsets are the proof that no matter what happen, things can end beautifully. However, in our case, it's not. We're just like two souls, slowly drifting away from each other and I guess we're not destined for our own version of 'happily ever after.'

P.S. "Galimgim" is the tagalog word for "Nostalgia."

5.41pm // 04.08.18
Marg Balvaloza May 2018
Ang aking pusong napagod sa matagal na panahon
Sa iyo nakahanap nang matinding pagkahinahon
Sa kalaliman ng pagtingin, pag-ibig mo'y nadama
Ang batid ng puso ko'y  i k a w  na lang ang makasama

© LMLB
Everything gets better when I'm with you.
Mahal, isang tingin ko lang sa'yo, ako ay napapakalma mo. // 04.23.18

— The End —