Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Tumibok ang puso ko
Hindi dahil sa may hinihinga pa
Ngunit bunsod sa kaba.

Tumayo ako't humakbang
Narating ko ang entablado;
Hindi ko lubos maisip
Na ito na ang pangalawang beses
Na tutuntong ako't haharap sa madla.

Isang pribilehiyo
Salamat sa grasya ng Panginoon.

Panimula ko'y winaksi na sa isipan
Bagkus ang bibig ay kusang niluluwalhati Siya
Maging ang pangwakas ay nakatuon lamang sa Kanya.

Ang buhay ko'y minsang naging sakal
Akala ko noon, kaya kong walang sinasandalan
Ngunit ako'y minsang naupo sa silya-elektrika
At tinawag na nasasakdal.

Isarado natin sa siyam na taon
Ako'y nasa rehas pa ng kadiliman
Na tanging sariling latay ang nasasaksihan
Kilala ko Siya na may lalang sa akin
Ang tingin nga lang ay ambulansya Siya:
Na 'pag kailanga'y, panay hikbi't nanlilimos ng grasya
Ngunit 'pag ayos ang lahat,
Iniiwan ang sarili't umiindayog sa dilim.

Sa siyam na taon
Ako'y binahiran ng itim na blusa
Akala ko'y hindi ko na matatakasan ang rehas;
Ang sekswal na kasalanang bumalot sa pagkatao
At naging mitsa nang paghinto ng nararapat na pagpapala.

Ngunit ang lahat pala'y kayang limutin ng Ama
At ang maling relasyo'y kinitil sa tamang panahon
Na ang pag-ibig ay magkaroon ng katuturan
At doon nalaman na 'pag para sa kapwa'y
Sunod lamang sa mas rurok
Ng saktong timpla ng pagmamahal.

Umaagos ang luha ko nang walang nakakakita
Ang puso'y hinihele ng Kanyang mga anghel
At ang Kanyang sakripisyo'y tagos sa kamoogan.

Hindi ko lubos na maintindihan noon ang pag-ibig Niya
Na kayang akayin ang buo kong pagkatao
At buburahin ang kamalian ng nakaraan
At maging ng ngayon at ng bukas.

Hindi ko alam kung saan paparoon
Kaya't pilit kong sinuot ang maling maskara noon
Ang puso'y mali rin ang naging direksyon
Maling galaw at mali ang naging layon.

Ibinaling ko ang lahat sa sariling persona
Nag-aral nang mabuti't hindi nalulong sa anumang droga
Maraming organisasyon ang kinabilangan
Sa pag-aakalang matatakpan ang bawat butas
At masisilayan lamang ang magandang antas ng sarili.

Sa madaling salita, binuo ko ang sarili kong pagkatao
At nalimot at nakaligtaan na may nag-iisa lamang na Manghuhulma
Ngunit salamat at naarok ko ang tamang landas
Na ang minsang batong sinantabi't itinapon
Ang siyang tutuwid sa baku-bako kong daan.

Hindi pala ako magiging masaya
Kung ang sentro ko'y ang aking sarili
At nang ako'y palayain Niya,
Masasabi kong ganap na ang aking pagkatao
Na nakilala ko ang sarili --
Kung sino ako't kung para kanino.

Wala na akong mahihiling pa
Mahirap man sa sansinukob na ito'y
Patuloy pa ring maghihitay sa Kanyang pagbabalik.

Hindi ko kinalilimutan ang mundo
Ang labindalawang disipolo na Kanyang regalo sa akin
Ang kanilang mga buhay na tangan ko hanggang sa huli
At hindi sapat na sumuko lamang
Hindi ko kaya, ngunit kaya Niya.

Ang pag-ibig ko sa pamilya ko'y hindi maaawat
May mga tanong sa isipan ngunit hindi ko ito ginising
Hindi ko abot ang Kanyang kaalaman
Kaya't inilapag at inihain na lamang sa Kanyang paanan.

Muli, hindi ko kayang mag-isa --
Mag-isang nag-aarok ng pansamantalang tagumpay
Ngunit ang paniniwalang may pag-asa pa
Ay patuloy ang pag-usbong gaya ng mga malalagong dahon;
Ang bawat kaluskos ay maririnig ng Ama
At ang pugad na kinatitirikan ko ngayo'y
Haplos ng Kanyang banal na mga kamay.

(6/28/14 @xirlleelang)
luna May 2020
bagong simula sa bagong kabanata. liliparin muli ang langit na dati'y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay na bumuo sa aking pagkatao. liliparing muli ang mga blankong espasyo't lalagyan ng bagong panimula.

hindi ko malaman kung paano muling magsisimula.  sapagkat ako'y nanghihinayang sa alaala nating sa isang saglit ay iyong iniwan. nahihirapan itugma ang bawat salitang lumilitaw sa aking isipan. ang bawat tunog sa saknong ng bawat taludtod ay nabibigatang ilapat sa  damdaming nag aalinlangan.

muling bubuksan ang librong naglalaman ng ating kwento. susubuking burahin ang mga kwentong alanganin na mas mabuti pa lamang kung ito'y gugusutin. muling babasahin ang sira-sirang pahina na may tagpi-tagping parirala at kulang kulang na mga salita.

hindi ko mawari kung ano ang dahilan sapagkat ang ating kwento'y nagtapos sa kawalan. tila bang maikukumpara mo ito sa mga pahinang nagupit gupit dahil sa kasuklaman ng pag ibig. ako'y humiling sa mga bituin na sana—  sana'y may panibagong kwentong kinabukasan muling bubuuin.

bagong simula sa bagong kabanata. muling magbubukas ng bagong libro na saya ang kailangan at hindi sakit ang nilalaman. iisa-isahin ang bawat paksang nilalaman upang ito'y lubos na maintindihan ang bawat pag-aalinlangan sa bagong yugtong paruruonan na tila hindi alam ang patutunguhan ng wakas na iyong sinimulan.

sa bagong yugto ng aking buhay,  ngayo'y handa nang magsimula sa sariling paraan. hindi man pinalad sa nakaraan, sisiguraduhin ko na sa paglipas ng panahon at pagtapos ng bawat kabanatang may kaukulang paksa, iiyak na ako. iiyak na ako sa taong alam kong mahal ako at sa pag iyak na iyon ay sabay kaming nangangako— ikaw, ikaw lamang ang aking mamahalin dumating man ang dulo ng pahina ng aking librong sinimulan.
panimula
030317

Oo, totoo --
Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako,
Na aakyat pa sa tuktok ng bundok
Para isigaw ang pangalan ko,
At doo'y ihayag ang nilalaman
Ng damdaming nagsisidhi,
Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan.

Mahal kita --
Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas
Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro
Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan.

Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig,
Hindi ko alam kung matatapos ba
Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita"
Pagkat hindi ito isang antigong alahas
Na susuotin lamang sa mga piling okasyon,
Pagkatapos ay itatago sa kahon,
At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon.

Sabi sa kanta,
"Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga"
Pero ang sabi ko nama'y
Tirik man ang araw sa pagtawa
O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak,
Hindi ako mauubusan ng dahilan
Para mas mahalin ka pa.
Mahal, kaya ka pala mahalaga
At kaya pala mahalaga --
Ngayon, ngayo'y alam mo na.

Kukunin ko ang mga agiw
Sayong mga lumang gunita,
Pilit kong wawasakin ang mga pader
Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa.

Sa paulit-ulit **** pagsambit,
Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito
Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo
Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay --
Masanay sa bawat pagbigkas mo
Kahit pa sabi ko noo'y ayoko
Kahit pa gusto kong itanggi
Kahit pa gusto kong limutin.

Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo
Sapat na sakin ang pag-intindi mo
Minsa'y di ko maintindihan sa telepono,
Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko
Pero alam ng puso ko:
Narinig ko.

Sa mga kamaliang pilit nating binabayo,
Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan,
At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap,
Doon ko nakitang kaya pala --
Kaya pala nating magpatuloy
Sa paghawak sa kamay ng bawat isa
At kahit pa malayo sa isa't isa'y
Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta.

Minsan di'y nagtanong ako,
Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo?
Bakit kailangang hintayin pa kita?
Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal?
Ba't nga ba minamahal kita?

Mapupuno ako ng bakit
Pero itatapon ko ang mga ito,
Ayoko nang malunod sa pangambang
Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho
O baka malimot ng isa sa atin
Ang iniingatang "mahal kita"
Tatalon ako sa walang kasiguraduhan
Tatalon ako --
Oo, alam kong nahuhulog ako
Nahuhulog sa walang katapusang
"Mahal kita."

Hindi ko gamay ang misteryo nito
Hindi ko mabatid ang mga nakasulat,
Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip:
Pero ililibot kita,
Sa aking nakaraan,
Sa aking ngayon
At sa aking bukas --
Pagkat hindi tayo nabigo
Ayokong biguin ka.

Kailanman hindi mabubura,
Hindi maglalaho
Para sa nag-iisang ikaw.
Sana magkusa ang araw sa pagbangon,
At bukas makalawa'y maririnig ko na
Ang hinihintay kong "Mahal kita."
Hunyo May 2018
Kasabay ng ulan, bumubuhos ang ganda
Buwan at araw ang ating saksi
Ikaw ang dulo, gitna at panimula
Sa maamong mukha at maaliwalas na umaga
Walang katulad boses **** humuhuni sa tuwa

Bakas man ang pagod sa mga mata
Nangingibabaw ang ganda at kapayapaan
Sa mga dahon na sumasayaw;
Sumasabay din ang bawat galaw
Nais kapang makilala

Gaya ng kalikasan
Unti-unting matutuklasan
Pag-ibig na gustong maasam
Dagat na walang katapusan
Sa init man o lamig
Ikaw lang ang sasamahan

Walang hirap basta’t magkakasama
Anumang daan nais kong malagpasan
Sa’yo ang direkyson, saan man patungo
Gusto kong manatili
Sulitin ang lahat
Bago ang araw ay sumapit

Gaya ng kalikasan
Nandoon ang nais makita
Magsasama hanggang langit
Kay gandang pagmasdan
Mga puno’t halaman

Hindi ko alam kung hanggang kalian
Wala sanang unos o kalamidad
Gaya mo ay kalikasan
Nais protektahan
Nais alagaan
Salamat kay kuya sa pagtulongggg
090316

Naabutan mo ba ang Chinese Garter o 10-20?
Luksong-lubid, Tagu-taguan, Piko o Patintero?
Alam mo ba yung Yes or No?

Gumuhit ka ng kahong pahaba't
Hatiin ang mga ito, marahil mahabang proseso
Mahalukay lamang ang tamang istilo.
Titingala't magtatanong, "Yes or No?"
At may magbabatuhan ng boses ng pagsilong.

Paano kaya kung ganoon kadali
Kung kaya **** magpatawad
Nang bukal sa puso't walang gitgit.
Hanggang kaya mo nang ipaubaya ang galit sa Langit,
Hanggang kaya mo nang lumaban na may sariling paninindigan.

Pagpapatawad
Sa mga nanakit sayo,
Sa mga nasaktan mo,
Maging sa sarili mo.
Kaya mo ba? Yes or No?

Bumisita ka sa Palengke,
Tiyak bistado mo ang 'yong sarili.
Hindi ba't pag mahal, humihingi ka rin ng tawad?
Pag di ba pinagbigya'y galit ang ibabayad sa Tindera?
Oo, mahal kasi; sobrang mahal
Kaya sana'y lambingin ng "oo" ang "patawad" niya.

May oras para sa lahat;
Maging sa paghilom ng Bayan,
Sa pagdidildil ng Asin sa sanlibutan,
Na Siya ring naghasik
Ng mga butong nagkalaman sa Lipunan.

Bahagi ka ng Tulang ito, isang tulang pasalaysay -
Payak at walang bahid na pagkukunwari.
Ibabalot ko ang tanong na "Yes or No?"
Batang 90's, iba na nga pala ang timpla't
Magkakaubusan na naman ng mga letra't himig.

Sige, magtatapos ako Sayo,
Pagkat Ikaw naman ang taya sa buhay Mo.
At ito na marahil ang Pagtatapos
Na Ikaw rin ang Panimula.

(P.S. Tapusin Mo, sa muli nating pagkikita)
073115

Ang pagpara'y naging daan
Hindi alintana ang trapik
Kumukutitap ang asul
Patungong berde ng panimula.

Di naglao'y nagbadya ang motorsiklong itim
Medyo napasilip, kahit saglit
Biglang nautal ang pag-iisip
Baka sakaling ikaw ang kumakarera nito.

Pinagmamasdan ko ang mga kamay ko
Baka ang bukas ay maging ngayon,
Yan ang isip ko.

Panandalian akong napatingin
Medyo kumakapit sa bakal,
Ibababa ko ang mga kamay
Sabay paulit-ulit lang,
Pagkat nakakangalay.

Kaya pala ang bagal nang takbo mo
Lumagpas ka nang diretso pati ang paningin
Hindi ka man lang lumingon
Hindi ka man lang napatingin
Kahit distansya nati'y
Segundo lang ang milya
Ganoon tumibok ang oras.

Napapikit ako
Nagulat pagkat tama ang akala
Hindi nais na ganoon ang pagkikita
Akala ko kasi'y lumisan ka na
Akala ko kasi'y sa susunod pa ang balik
Pero haharurot sa kalsada,
Naghahari-harian sa eksena.

Hindi ako galit sa tadhana
Na naglalapit sa atin sa isa't isa
Hindi ko na nga hinihiling na ikaw na
Iniwan ko na ang alinlangan sa kalsada.

Napakapit ako sa bilis ng takbo
Ang pusong walang tibok,
Walang mintis kung sinusubok
Nangangalay ang pagtitiis
Ang hirap pala ng posisyon ko,
Tinatalikuran, dinaraanan lang
Nilalagpasan lang,
Nauusukan, nasasaktan
Ayoko na lang sa backride.

"Para na, Kuya."
Oo
071816 #3:55PM

Kung pipitas ka ng tatlong rosas,
Kung susulat ka ng tula,
Kung harana ay siyang pagsuyo,
Oo.

Kung makapaghihintay ka
Sa tila kalsadang pinintahan ng pula,
Habang ako'y may paanyaya,
Oo.

Oo ang sagot sa mga tanong na naantala,
Oo ang sagot sa pusong hindi pa nagkukusa.
At oo ang pamagat sa tulang tila walang panimula.
Oo, pagkat mahal kita.
kingjay Dec 2018
Sa look ng kabihasnan ay niluray ang moral
hanggang wala na natira sa kasarilihan
Matayog na pananaw ay lumulubog
parang tumatandang lawin

Ang katauhan ay yumayabong na talahib na inaambon
sa larang ng mga lapida
Kaya musika ng panananghis ang nakatadhana
Mapanglaw sa linang

Ang kalakasan ay nahahamugan
Nang pagsulong nito tungo sa kapangahasan
Isang paa ay nasa libingan

Kahit anuman ang makatugon sa pagdaralita nang malapot
Sa antas ng balangaw, ano ang ipinapahiwatig?
Masilayan man ng busabos, walang linaw sa intuwisyon

Ihalo ang walang kaugnay na pangungulila
sa balangkas ng talambuhay
Magbuo man ng introduksyon
Di pa rin makabangon sa panimula ng akda
Brent Aug 2017
Sabay nating isinulat
ang ating kwento.
Ngunit 'di mo sinabi
na lapis lang pala ang iyong gagamitin
Habang naisulat ko na ang panimula sa matingkad na tinta.

Nang dumating na
ang inasahan kong wakas
ng ating istorya,
Madali **** binura
ang lahat ng ala-ala

Sa akin lamang ang natira
ang sira-sirang pahina
na may tagpi-tagping parirala
at kulang kulang ng salita.

Nang subukan burahin
ang kwentong alanganin
mas mabuti na lang sana
na ito'y gusutin
At nang ito'y nauwi sa gupitin,
ako'y humiling sa mga bituin
na sana'y may panibagong kwentong
kinabukasang bubuuin.
forced out some new words out of dormant emotions. Hello another Filipino poem.
Ngayon ang araw na ang tagsibol ay naging taglagas
Nagmistulang mga banderitas na may kani-kaniyang pahiwatig
Ang mga balitang may madalamhating panimula.
At kung ito nga ang katapusan ng isang mandirigma
Sa kahon at sa lilim ng Malacanang,
Ay dito ko rin nais magsimula ng aking pagtaya.

Ginuguhit ko sa aking isipan
Ang paulit-ulit na malalaking tuldok
At ang kani-kanilang dugtugngan
Na tila ba hindi lamang sila kabahagi ng kabuuan
Ngunit ang kanilang kabuuan ay sya ring kabahagi
Sa pinagtagpi-tagping mga kalahok ng kasaysayan.

Natatandaan ko pa noong elementarya,
At sa tuwing bubuksan ang aklat ng nakaraan
Ay tila magiging mga itak na matutulis ang mga pahina nito
At sabay-sabay na susugod at lulusob
Na para bang mga manlalayag sa panibagong misyon nito.

At kahit pa, kahit pa gustuhin ko mang manatili
Ang mga imahe sa realidad
Ay wala naman akong kakayahan
Para pigilan ang tadhana sa pagkitil
Ng kanilang mga pinaglumaang orasan.

Ngunit sigurado akong ang mga mukhang nililok ng panahon
Ay magiging katulad din ilang pahinang ipinapangkalakal
At doon sila'y magpapatuloy ng panibagong yugto
Ng mga kwentong hindi man maiukit sa kasaysayan
Ay magsisilbi namang pamana
Sa henerasyong may iba nang ipinaglalaban.

Hindi man ito ang sinasambit kong katapusan
Ngunit sa pagitan ng magkaibang panig at paniniwala
Ay balang araw itong maisasara na may iisa ng pamagat.
At marahil bukas o sa makalawa'y
Sabay-sabay din tayong magbunyi
Sa umagang hindi na lulubog pa magpakailanman.
arr guevara Nov 2010
.



Bangon na! Mula sa kahimbingan
Isigaw sa lahat, papel ng maralita
Ang bawat dahon - mantsa't duguan

Bagama't hindi rito ang Panimula
Malayo pa sa Katapusan.



.
© Frederick Kesner. All Rights Reserved.
Poem written in Filipino based on Tagalog, not Spanish.
082021

Mas malalim pa ang gabi
Kaysa sa aking mga matang alikabok ang tinta.
Ang mga kulisap at kuliglig
Ay nagtatagisan ng mga boses
At sabay-sabay na nakikipagtalastasan
Kung kanino ba papanig
Ang buwang hugis pamato sa larong kalye.

Sinasabi nilang ang aming lugar ay dating liblib
Noong panahon pa ng mga Hapones.
Kaya’t nagbakasali akong
Kaya ko silang paniwalaan
Pagkat ni minsa’y hindi naman ako
Nakapagpantig ng mga salitang
Nakakahon sa iisang pangungusap.

Natatandaan ko pa ngang
Sa tuwing tumatanghod ako
Sa aming bintana sa umaga’y
Sabay ding magsisiingay ang nagtitinda ng taho
At nambabato ng dyaryo
Patungo sa aming pintuan.

Si Inay ay gagayak para sa bagong balita,
Habang ako’y gagayahin ang sigaw ni Manong
At titikim ng paborito kong agahan at panghimagas.

Habang sya’y papalapit
Ay kusang malalagas
Ang mga pakpak ng kanyang tsinelas
At kanyang ilalapag ang papel na inilimbag daw
Sa pabrika ng kanyang kaklase noon
Na anak-mayaman.

Sa isip ko’y nais ko sanang masiyasat rin
Ang mga letrang nakatambad sa aking harapan
At bigyang buhay ang mga papel
At baka sakaling,
Maging bihasa rin ako gaya ng iba.

Kung sabagay, ang lahat naman ng aking mithiin
Ay kusang maglalaho
Kasabay ng aking mga panagip.
Ang lahat naman ng nasisinagan ng apoy
Ay maya-maya ring magpapalamon
At magpapaubaya
Sa kadilimang bunsod ng panahong
May paulit-ulit na panimula’t katapusan.

Sabagay, ang lahat nama’y
Magmimistulang pandagdag lasa na lamang
Sa nanlilomos na alab at nagmimitsang pagpapaalam.

Naubos na ang bawat pahina
Ngunit di ko man lamang nagawang simulan
Ang pangangalap kung nasaan na ba si Itay.
Saan nga ba ang aming magiging tagpuan?
Saan at kailan nga ba ang hangin
Ang mismong sasabay sa aking paghikbi nang walang katapusan?
solEmn oaSis Dec 2015
sa panimula
tila isang bula
hindi dahil sa lumutang at nag-laho
mangyari'y kulumpon na bahagi'y hinango

mula sa batya ng hula
samu't sari nakadaupang-palad
hiraya manawari maikubli ang luha
bunga ng mga pangakong di natupad

sampung letra pababa
sa puntong ito naitalaga
mga bakas ng nakalipas
nakatakdang ipamalas

upang ang ngayon maging ang hinaharap
yayakapin ng bukas nang may paglingap
ano man ang mangyari sa agenda
kompromiso ang tanging propaganda



[3 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters]
© copyright 2015 - All Rights Reserved
#TEN DAYS before Christmas
compromise ~~~ kompormiso
" ten letter-word "
Ama
082920

Nagbibilang na lamang ako ng oras
Upang ang bukas ay tuluyan nang kumalas
At kusang sumabay sa palakpakan
Sa entabladong nakatikom sa aking damdamin.

Ilang taon nang nakikibaka ang Iyong mga kamay
Sa modernong pagkatha at paglikom ng mga salapi.
At sa aming hapag-kaina’y ilang ulit na akong tinutukso
Ng mga matatamis na panimula sa telebisyon —
Na baka sakaling matikman ko rin
Ang hain nila sa sarili nilang hapag-kainan.

Minsan akong nangulila
Buhat sa kawalan nang may mga katanungang,
“Sino nga ba ang tama?”
Na sa paulit-ulit na pagtatapon ko ng mga ito’y
Ang mga ito rin ang sumasampal sa aking pagkatao.

Ngunit ang totoo’y:
Nilimot ko na ang mga katanungang iyon
Hindi ako sumabay sa agos ng galit
Na bumabawi sa aking paghinga
Na tila ba ako’y pagod na
At gusto ko na lamang manahimik mag-isa.

Nais kong sambiting
Hindi ako nagalit nang minsan mo kaming pinagtaksilan,
Inisip ko na lamang na iba ang latag ng kapalaran —
Iba ang laro sa loretang ito
At hindi ito madali —
Pero ito’y panandalian.

Siguro nga —
Iniisip **** saan nanggaling ang mga ito
Ang mga salitang tila ba hindi ko man lamang pinag-isipan
At tuluyan kong binitawan
Gaya ng pagbitaw mo para sa amin.

Pero gaya ng sambit ko —
Hindi ako galit,
Hubad ang aking emosyon
At umaapaw pa rin ang aking pagpapasalamat
Na sa mga oras na ito’y —
Hindi mo kami iniwan.

Higit pa sa pagpapabatid ko ng pasasalamat sa ito’y,
Nais kong ihagis ang aking mga kamay sa langit
Na tila ba higit pa sa nagagalak ang pakiramdam
Ang aking puso’y tiyak na ang grasyang alay ng Langit
Ang gumawad sa akin ng kalayaan.

Malaya akong piliin ang saya kesa sa galit,
Na parang paghihimay ng mga butil ng buhangin,
Parang imposible, di ba?
Pero naging posible
At wala na akong maihain pa
Kundi ang umaapaw kong pusong
Ginawang Malaya ng Maykapal.

Lubos ang aking pagsamba,
Salamat Ama.
Salamat sa dalawa kong ama at Ama.
madi Mar 2018
Naalala ko lang bigla habang nakatayo ako sa isang lugar kung saan nagsimula,
Kung saan nagsimula at paano kita nakilala
Wala akong kaide-deya kung anong mangyayari sa mga susunod na kabanata
Kasi ang alam ko lang nagkakilala tayo sa inuman ng barkada.

Hindi kita kilala noong una,
Pero nagulat ako nung nagmessage ka
Nung gabing yon mismo ang panimula ng una nating kabanata
Sabi ko sa sarili ko hindi ko ieentertain to kasi masasaktan lang ako.

Pero wala eh ang lakas mo kahit hindi ka pa masyadong gumagawa ng paraan para hagkan ako
Sabi ko ulit sa sarili ko "ang bilis naman"
Ang bilis kasi naman isang gabing inuman
Nauwi sa gustuhan

Hindi ko na ikekwento kung paano nagsimula ang sunod na kabanata
Kasi alam na nating lahat yun
Ang simula siya rin palang tatapos sa walang kwentang pagiibigan
Pero sa totoo lang ang hirap...

Ang hirap tanggaping wala na,
Yung dating masaya kayo wala na
Yung mga usap niyo wala na
Yung mga lokohan at away wala na

Sabi ko sa sarili ko bakit ang tanga ko
Ang duwag ko
Hindi ako lumaban
Ang bobo ko

Hindi ko alam kung aasa pa ba akong babalik ka, o hindi nalang
Hindi ko alam kung aasa pa ba akong babalik yung dating samahan, o hindi na
Hindi ko alam kung aasa pa ba akong babalik yung dating tayo, o aasa pa rin talaga
Hindi ko na alam...

Basta ang alam ko, sa alak nagsimula ang tayo at alak din ang hanap-hanap ko ngayong hiwalay na tayo.
a true story of mine
solEmn oaSis Dec 2015
sa
pagta-
tapos
ng aking
panimula,,,
hinde ko talaga
alam kung
kayo'y magtitiwala,,,
dahil hinde pa
ito ang wakas
ng unang YUGTO.**
Sa panahong,,,,minsan
kailangan nating MAGKALAYO
mga puso't isipan ay
pilit-muling IPAGTATAGPO
kung saan at kailan,,,,
siya nawa,,,,TADHANA ANG BAHALA!!!
" Ikaw Sila Tayo Ang Mga Bantayog Ayaw Yumabang "
mga pagkataong may pusong busilak
nagbibigay sa kapwa ng may galak
BATID NI BATHALA
regalo ang gantimpala



friends......less than
5 DAYS b-4 X'mas
supil ~~~ twirl
five-letter word
© copyright 2015 - All Rights Reserved
[8 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters]
the real spirit of Christmas
is not all about those gifts
underneath that fine trees!
We must open our hearts
more than opening those presents!
111322

Sa mga lirikong wala pang tono
Ay aking ipamamalas ang Iyong Kagandahan —
Kagandahang ni minsa’y hindi pa nasulyapan
Bagkus kusang hinahanap-hanap.

Ang matatamis **** Salita
Ang aking baon buhat agahan hanggang hapunan.
At mauhaw man ako o magutom sa daan
Ay alam kong Ikaw ang sagot
Sa bawat katanungan at kakulangan.

Ang pagdampi ng bawat lubid sa aking mga daliri
Ay katumbas ng paghehele Mo sa akin sa gabi —
Sa gabing palaging puno ng bituin ang kalangitan
Na pahiwatig ng maigting **** pag-ibig
At walang katapusang pag-iingat
Sa puso kong puno ng galos sa bawat araw.

Ang likidong sining sa aking mga mata’y
Palatandaan na ako’y isang mahinang nilalang
Na nagnanais ng Iyong pagkalinga’t pag-aaruga.

At ako’y uhaw pa rin sa katotohanan
Bagamat ilang beses ko nang nilisan
Ang mga baitang ng edukasyon
Na isang panimula lamang
Sa yugtong ito ng sarili kong kasaysayan.

Takpan ko man ang aking pandinig
Ay hindi ito balakid sa paghirang Mo sa aking ngalan
Na tila ba Iyong hayagang binabanderya
Na ang pagkatao ko’y may halaga
Bagamat ako’y may hindi sapat na pananampalataya.

At sa katunayan pa nga’y
Ikaw ang humihila sa akin pabalik
Sa mga lirikong akala ko noong una’y
Ako ang may akda
Ngunit maging ang hininga ng mga letra’y
Tanging Ngalan mo ang isinisigaw -
Syang salamin sa'king Tula.
013024

Walang ibang saksi
Ng mga binhing kusang umuusbong.
At walang ibang tutugon
Sa walang katapusang paghikbi.

Daig pa ng liwanag
Ang kadilimang baluti sa’king mga mata.
Ngunit tila ba ako’y hindi pa rin handa
Sa mga balang tumatagos sa’king katauhan.

Nauuhaw pa rin ako
Sa mga salitang “Mahal kita”
Ngunit sa bawat pagtagisan ng mga salita’y
Puso ko rin ang kusang lumilisan.

Marahil ang paghilom ay isa lamang panimula
Ngunit sa ngayo’y ang mga pahina’y
Nasa dulo na ng aking katapusan
At paano nga ba muling makasasandal?
Paano nga ba muling magsisimula?
Meruem May 2019
Tatlong oras bago sumapit ang umaga,
Panibagong araw, bagong panimula.
Bigyang liwanag ang isang tulad niya,
At siya namang ikabubuhay ko...
May 18, 2019 - 02:47

Sa kabila ng nakaraan, aking hahanapin ang walang hanggang mga dahilan upang mabuhay.
Kung kaya lang nating saluhin ang bawat hinagpis,
Ang bawat sentimong
Tinutunaw ng humahagulgol na kalangitan.
At kung kaya lang natin syang sabayan
Sa mga gabing tinutukso na sya ng antok,
Tinutuklaw papalayo sa nais nyang direksyon.

Ngunit hindi sya magpapaubaya’t
Mananatili syang gising
Na parang naghihintay ng panibagong panimula —
Ng bagong punlang ihahasik at ihahabilin sa kanya
Ng tinuturing nyang “mahiwaga.”

At balang araw ay darating ang kanyang gantimpala,
Pagkat walang ibang naging saksi
Sa bawat butil na isinisilang
Na sya mismo ang nakikiramay.

At sa bawat burol
Ay nauubusan na rin sya ng dahilan
Sa kanyang pagtatago at pakikipaghabulan.
Pagkat sya na rin mismo ang nagiging libingan
Ngunit sya’y tatahan at maghahanap ng tahanan.

Patuloy ang kanyang panlilimos,
Patuloy ang kanyang pagkauhaw,
Ngunit patuloy din syang umaahon —
Yayakapin ang sarili’t tatahan.
070623

Tumatagos ang mga salitang
Bala ang panimula
Balang araw ay yuyukod sa katapusan
Katapusang hindi tuldok ang pagsasalaysay…

Pipiglasin ang mga kandadong walang susi,
Kandong ang kahapong nilimot at nilumot…
Babangon matapos ang paghikbi
Hikbing bangungot sa pagpatay-sindi…

Ikaw ang mananatiling saksi sa aking paglisan..
Walang paalam maging sa gunita ng bukas at kahapon.
Walang kulay na babahagian
Ng liwanag na taglay ko’t iniirog.

Ang iyong akap ang aking baluti
Habang ang sandata ko’y
Bumabara pa sa aking lalamunan.
Ngunit sa pagsiping ng mga tala
Sa kalangitang panatag ang panayam
Ay Walang kukurap maging sa isang idlap lamang.

Ang sigaw na sumisingaw hanggang sa kalawakan
Ay tila pa ilang dipa na lamang
Sa pagitan ng mga segundong
Nagkakandarapang magsipagtagisan…
At ang silakbo ng damdaming moog sa kaloob-looba’y
Bukas ay wala ring katapusan at panimula.
111921

May mga gabing kukuha tayo ng pluma’t
Kakatha ng mga himig sa ating isipang
Itinuturing nating mga bala’t sandata
Laban sa mga nanghihimasok na mga ideolohiyang
Kumikitil sa ating nag-aalab na mga pangarap.

At may mga gabing
Isusulsi pa rin natin nang magdamagan
Ang mga alaalang pinunit ng kasaysayan.
At siguro nga’y wala na rin tayong
Ibang kuwentong maiaambag pa.
Marahil ang lahat ay maging tuldok
Bilang panimula’t pangwakas.

Kusa ang ating pagtiklop
Bagama’t manhid na tayo
Sa malamig na pag-ihip at pagsipol
Ng bumubugang panahon.

At maghahagilap pa rin tayo ng dahilan
Sa bawat puwang, sa bawat patlang
Na bumabalandra sa ating harapan
Sa bawat pagkabit sa araw
Na parang mga parol pagsapit ng kapaskuhan.

At siguro nga’y magugulat tayo
Sa paparating na sorpresa
Na hindi na tadhana ang may akda.
Na baka bukas o sa makalawa’y
Ibang lenggwahe na ang ating binibigkas
At ang ating mga kasuota’y
Mapupuno ng mga palamuting
Pinili at tunay ngang may basbas.
Joe Feb 2020
Hanggang dito nalang.
Dito ko na tatapusin ang lahat
Ngunit ito palang ang aking panimula
Wala nang paligoy ligoy pa.

Ito na ang pagkakataon
Para masabi kong
Tapos na
Wala na
Suko na
Ayawan na

Hanggang dito nalang
Yung saya na meron tayo
Yung lungkot na siyang nagbunga kung bakit hanggang dito nalang
Yung sakit na pilit pinagagaling
Yung pusong durog, wasak at nanghihina, ngunit pilit pinalalakas

Hanggang dito nalang
Wala nang atrasan pa
Ito na ang huli
Wala nang balikan pa

Hanggang dito nalang
Lahat ng karanasan
Maganda man o hindi
Dito na magtatapos ang lahat

Hanggang dito nalang
Hindi na magpapaawat pa
Wala nang bawian
Wala na.

Hanggang dito nalang
Lahat ng sakit
Lahat ng poot
Lahat ng sugat
Sa puso
Tapos na.
Wala na
Suko na
Ayawan na
Dahil hanggang dito nalang.
Euphrosyne Feb 2020
Sinta makinig ka
Dahil lahat ng ipapahayag ko
Ay patungkol sayo
Hindi lang kita mahal
Dangan
Admitihin ko ang lahat ng
Mga bahid mo
Mga kapintasan mo
Lahat ng di-kasakdalan mo
Hindi lamang ito
Natatapos sa
Simpleng pag amin sayo na
Mahal na kita
Subali't
Ang salitang mahal na kita
Ay panimula palamang
Ng mahabang daan
Patungo sa iyo
Kaya sinta
Kahit anong gawin mo
Admitihin parin kita.
Kahit ano pang kulay ng budhi mo kahit anong gawin mo tanggap parin kita sinta.

— The End —