Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"taglamig" poems
Higit isang taon na rin ang nakalipas Nang lisanin ang bansang Pilipinas Upang subukan ang buhay Sa lugar na kung tawagin ay Dubai Naalala ang galak ng pagpunta dito   Nang sa kalaunay puro na reklamo Paano naman kasi ang mga Arabo Minsan lang maligo sa isang linggo Dagdag pa ng klima na sobrang init Pawis mo'y abot hanggang singit   At kung taglamig naman ay pumasok Gusto mo na lng mamaluktot sa isang sulok   Pagkain na amoy pa lang aayaw ka na   Kahit gutom mawawalan ka rin ng gana Babae nila'y nakasuot ng itim na bestida Pati lalake rin ay nagsusuot ng palda   Pero kahit ganun ang katulad nila Gusto ko ang kanilang pananampalataya Sa diyos na tinatawag nilang Allah May oras talaga pag nagdarasal sila   Akala ng marami buhay dito ay maganda Di lng nila alam kami'y nangungulila Sa pagmamahal na ipinabaon   Ng mahal na makikita lng pagkatapos ng ilang taon Tila ang bilis ng mga pangyayari May mabuting resulta kaya sa bandang huli Lahat ng sakit, pagod at pighati   Mapagsilbihan lang ang mga ibang lahi Kung lahat ng ito'y isang panaginip Ayoko na talagang maidlip Hay... buhay Dubai nga naman Sana nga may patutunguhan...
0
Jan 18, 2016
Jan 18, 2016 at 3:38 AM UTC
Buhay Dubai
Nahanap ko na! Nahanap ko na ang pagibig! Ako'y sabik na sabik nung una. Ako'y parang nakahanap ng ginto sa kalsada. Gumawa ng mga pangako. Para sa atin ay hindi susuko! Nagplano para sa kinabukasan. Lahat ng pinto sa puso'y binuksan! Lumipas ang bawat oras, araw, at taon. Tinanong ang sarili kung bakit naging ganon. Mga pangako'y nasira, Kinabukasan ay naging basura. Nagiba ang ihip ng hangin. Mistula ang taginit ay naging taglamig. Liyab ng puso'y nawala. Ako'y giniginaw na. Mga pintuan ay sarado Mga ilaw ay patay. Nagdilim ang paningin. At ako'y nahulog sa bangin. Huling sabi sa sarili. Ang puso ko'y sira na. Ako'y nagsisi. Ito pala ang pagibig.
0
Feb 1, 2021
Feb 1, 2021 at 2:59 AM UTC
Ito Ba Ang Pagibig?
073016 Tag-ulan Umuulan ng alaala Nagpaparamdam ang pag-ibig, Siyang pag-ibig na naantala, Pag-ibig na ikaw mismo ang kumitil. Taglamig Lumalamig maging mga kamay, Nais kang basahin, Sa mga linyang walang umaagapay.
0
Jul 30, 2016
Jul 30, 2016 at 1:39 AM UTC
Unexpected Hello
Tanda ko pa dati nung tayo pa, Ang dami nating plano sa isa't-isa. Sabi mo sa hinaharap ako'y kasama, Sa pagtanda, sa hirap maging sa ginhawa. Dumaan ang Disyembre: Buwan ng taglamig. Tila hindi ko na ramdam ang iyong pag-ibig. Ang dating umaalab na pagmamahalan, lumamig. Bakit ka nagkaganyan? Ako ba'y may kasalanan? Nangako kang hindi mo ako iiwan, Nangako kang hindi mo ako tatalikuran. Hanggang sa ika'y nakaramdam ng kasawaan. Iniwan mo akong walang alam, ako'y labis na nasaktan. Niloloko mo lang pala ako! Hindi lang pala ako ang nasa puso mo. Isang lang pala ako sa mga laruan mo. Kaluluwa mo sana'y sunugin sa impyerno! Nagpadala ako sa mga ngiti mo, Umasa ako sa mga pangako mo. Sinisisi ko ang sarili ko, Kung bakit sayo'y ako'y nagpaloko.
0
Jan 19, 2015
Jan 19, 2015 at 10:46 AM UTC
Taksil
Ikaw ang pintuang may bukas, Siyang pag-asang maibsan ko ang taglamig na kalinga. Ikaw ang bintanang may hangin, Siyang susulyap sa pangungulila. Ikaw ang sahig na sasalo, Siyang saklolo sa pagkahingal at pang-aabuso. Ikaw ang mesang may hain, Siyang magbibigay lakas sa panloob na damdamin. Ikaw ang kutsilyong gagalos, Sa yugto ng buhay na akala'y perpekto. At ang tubig na didilig, Sa uhaw at lantang isip.
0
Apr 10, 2016
Apr 10, 2016 at 10:24 AM UTC
Bahay-Kubo
Maligamgam na hangin halina sa mukha ko'y magdampi, Nag-aantay ng pagbukas ng kalawakan kasama ang pusong sawi. Ngunit walang na bang liwanag sa aking b'wan? Mga maswerte kong bitwin, hindi na rin mahanap kung saan. Tinakpan na ng maiitim na kaulapan. Nagbabadya na nga siguro ang taglamig na panahon Nililimot ang mga bakas ng kahapon May mga araw na dapat pa atang bilangin Tanging kasama, natatanging maligamgam kong hangin.
0
Nov 17, 2018
Nov 17, 2018 at 7:50 AM UTC
Init sa Iyong Lamig, Kintab ng Aking Gabi
Sutla ang iyong kutis, Ilang inches na heels iPad ang hawak Ayan pa’t naka-Rayban Kahit taglamig – Ganyan dito sa abroad Pasyal dito pasyal doon Higit sa lahat Hindi barya ang sahod. Padala sa Pinas, Lahat ay winaldas Dami pang pasakalye Datong din pala Palaman ng inyong mensahe. Aba’t bida pala si bunso Sa tropa’t sa eskwela Hindi ba’t astig? Pang-party nila’y Siya ang laging taya! Ang binata ko’y Malaki na talaga Kapapanganak lang daw Ng bespren nya Anak, tanong lang ba’t sa handa nila’y Ikaw ang itinoka? Ang ilaw ng tahanan Na siyang aking iniirog Sabay sa uso Nakasisilaw ang alahas Inubos ata ang bawat perlas Buti’t nakaahon pa’t Ayan, kay kumpare pa Siya’y nakakapit! At ang nararapat Na panglamang-tiyan Kulang pa pala Kanyang sinapupunan May bagong buhay Mahal, saan siya nanggaling? Puso ko’y nalurak Ako’y inahas na Pinagsamantalahan pa Akala nila’y ok lang Akala ko’y may babalikan pa Yung totoo, Lata’y hiyang-hiya na Humihikbi ito Makatikim lamang ng barya Wala na ang sahod, Awitin ko’y “Palimos.” (12/2/13 @xirlleelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:20 PM UTC
Ang Pakikipagsapalaran ni Juan Dela Cruz: Abroad Version
#051416 Nauuhaw ako Bitak-bitak ang lalamunan Sabay lunok, iba ang indak ng tag-init. Humiling ako Sa bulsang gula-gulanit Sa retasong sando Sabay hanap sa munting kaluping Singit sa maingay na sapatos. Siyang nakikipagtagisan ng laway Sa putik na binubuhusan ng langit. Muli, nauuhaw ako Pero sana'y mapawi ito Ng mahika't eksperimento Ng itim na likidong kumukulo sa lamig. Taglamig, taglamig na takipsilim; Yakap ko ang kapoteng maitim ang tagiliran. May karatula sa kanto, Kaya't napasugod ako sa pagkasabik. Tangan ko pagbalik ang litro. Magaspang ang mga kamay Kaya't makapit ang bote sa mga daliri. May karatula sa ikalawang kanto, Tatlong kulay, pero hindi matukoy Gabi'y makasarili, walang nais na kahati. Ulap ay hinawi, kabiyak ang buwan at bituin. Isang bloke ng yelo, Yelong pinira-piraso Binasag sa sementong kwadrado Pahaba't may mga bumbilyang mamatay din. Isang ihip lang ng hangin, lagas ang liwanag. Isang basong walang laman, Walang bahid ng pagsabon Buhat sa mga nakasalansang na pagkatao, Iba't iba ang pwesto, May kanya-kanyang tambayan. Tuluyan silang naging tambay na lamang. Nauuhaw ako pero hindi ito napawi, Mga kalapating pumapagaspas sa himpapawid, Senyas pala ng paglisan. Musikang hele patungong langit, Pagtulog ko'y pahimbing nang pahimbing. Nauuhaw ako, nauuhaw na naman ako Pero pauwi na ako sa Tahanan, Doon na makaiinom, magpapahinga na ako. Paalam.
0
May 14, 2016
May 14, 2016 at 10:31 PM UTC
Coke Story
Dumating na nga at ako ang nagwagi Sa larong alam kong ako ang masasawi Kaya nama'y tuluyang ikukulong at itatali At tuluyang ako ang sa inyo'y maghahari Wala nang dapat pang pag-usapan Ako ang wagi sa tunggalian Itatago ko na kayo sa kailaliman Sa madilim at malungkot na kadiliman Yayakapin ang ginaw sa taglamig At papatayin ang apoy ng tubig Wala nang lambing mula sa bibig At papatayin ko na ang pag-ibig
0
Feb 9, 2023
Feb 9, 2023 at 10:29 AM UTC
Wagi
Dilaw na trayanggulang babala Ilang hugis lobo na sayad sa lupa Parisukat na alaga'y basong nag-iisa Naghihintay sa ekstrangherong sasaling muli Nang ang dati'y maitapon Ang bago'y maidampi na sa uhaw na lalamunan. Naglaho sila't nagsipangwala Ang lupa'y hati sa sukat na pantay Nilamon ang mainit na hangin, Umihip ang taglamig na hindi nyebe Bumulong sa akin, ngunit walang pahiwatig. Tila namamasyal ang telang marumi Pupuswit ang tubig mula sa bibig Ipon nya'y kayrami, Bukas sana'y maubos na ang mga ito Nang ang dungis ay pahiran din ng malinis na likido. Parehas ang kulay ng tumawid sa linyang puti Higit sa isa ang bawas na sinyales Akala ko'y kilala ko, ngunit naglaho sa usok Ang apat na bilog na itim, Gumulong at rumolyo sa aspaltong pulbura. Itong may pula ang sutla Itim ang tangan na may kasama pa Bumungad at inihaing may lista Ngayon pala'y may salamin sa harap Malayo ang hugis at ang porma Hindi ko na binalingan ng pansin Ngayo'y laos na ang bawat eksena. (6/3/2014 @xirlleelang)
0
Jun 26, 2014
Jun 26, 2014 at 10:41 PM UTC
Kung Saan Bida ang Saya
Paghinga'y humihina at ang pagngiti ay may kasama ng luha Ang pagsinta'y kinaiinggitan ng langit bagaman hindi mapalad Pagdurugo'y ayaw na tumigil Ang kapanglawan sa loob ay naghari Nanirahan sa anino ng bukid - sa dilim Nag-alala sa di humuhugpong tulay Sinlamig ng nyebe sa taglamig Sa kaginawan nagiging yelo ang tubig At ang temperatura'y bumababa pa sa sero Gaya ng pagpanaog ng bahaghari sa magkabilang dulo Tulad ng malinaw na batis at ng talon na masiyahin nag-uugnay sa damdamin - pag-ibig na hindi kailanman naangkin at naalagaan para bumalong Nang ito'y hindi na maitiklop upang maisilid sa mumunting lalagyan, humihibik sa tuwing gabi Ang inuusal ay mahal na lakambini limang sintido'y binihag
0
Jan 22, 2019
Jan 22, 2019 at 3:32 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #57
timpla ng kape mas gusto ko'ng matamis sayo'y mapait
0
Apr 8, 2020
Apr 8, 2020 at 7:35 PM UTC
taglamig