Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sasama" poems
Aking inaninag Itong bughaw na kalangitan Hindi nga ba Parang kailan lamang Nang ako’y kanyang tinalikuran? Napako ang pangako Na ako’y pangangalagaan Luha niya’y umabot Di lamang sa’king talampakan Nalasap ko ito Mapait at ngayo’y nag-ibang anyo Ngayong timplang kape Mula sa mga mata nitong Tila ba kaytayog. Tinangay kami ng malakas na alon Kami’y nagpatangay na lamang Wala akong alam Kundi and makipaglaro Ng tagu-taguan Nakadilat at mulat na mulat sa katotohanan Sakay kami ng pridyeder, Ako at aking ulirang mga kapatid Puno ng pighati’t pangamba Sa uulitin, Ito na lamang ang magagawa ko. Sabi nila, tutulungan nila kami Sabi ng ilan, wala na raw pag-asa Kanino nga ba kami magtitiwala? Kung mismong kalam nga ng sikmura’y Di na mainda? Wala na akong mailuluha pa Pagod na ako sa pagsagwan sa kawalan Wala na ngang pag-asa Wala man lang naiwan sa amin Sana kasama nalang kami Sa mga buhay na nalantang Parang bula Tulad nila Itay at Inay Di sana’y masaya kami Sa kalangitan. Pumikit ako, Habang mahimbing ang paghikbi Ng aking mga kapatid Sana nga may buhay pa. Sinagip nyo kami, Noong una, nagalit pa ako Ayoko sana Kaso wala na rin kaming magawa Sasama na kami Kasama kami sa pagbangon Oo, ngayon ako na’y magtitiwala At ipapasa-Diyos na ang lahat Siya na ang bahala. (11/17/13 @xirlleelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:15 PM UTC
Pridyider
Dapat ba akong maghinala? Kung noon malambing ka pero ngayon matamlay na? Madalas magselos kahit wala pang ginagawa? Pero nag-iba ihip ng hangin, bakit biglang nag-iba? Dapat ba akong maghinala? Kung ang mga bagay at gawain na ayaw mo noon Ang siyang nais mo at pinag-uukulan ngayon ng panahon? Dapat ba akong maghinala? Ang mga personal **** bagay noon ay nakakalat lang Ngayon naman, pinipilit itago kahit sa anong parte ng katawan. Dapat ba akong maghinala? Noon nagpapaalam pa kung sasama umalis ang barkada Ngayon, nagsabi nga pero kung kailan wala ka ng magawa kasi paalis na. Dapat ba akong maghinala? Na ni minsan di mo ako pinakilala bilang karelasyon Basta sinabi ang pangalan, tapos yun na yun. Dapat ba akong maghinala? Na ayaw **** ipaalam sa iba na mayroon ka na Tinanggal ang mga litrato, para di makita ng iba. Dapat ba akong maghinala? Na sa lahat ng nangyari, ikaw ang tama Sasabihin lang na Mahala kita .. Maririnig mo lang .. pag nalaman niyang... aalis ka na.
0
Oct 18, 2011
Oct 18, 2011 at 2:49 AM UTC
Dapat ba akong Maghinala?
Darating ka pa nga ba? Mukhang marahil di na Totoong ika’y nanlimot, aking sinta, Sa pangakong pagmamahalan nating dalawa. Maaaring sabihin **** ako’y baliw, di-karapat-dapat, Ngunit ikaw, giliw, ay kailanman naging sapat, Sapat na upang patuloy kong ibigin, Ibigin kahit na iyong di mapansin. Pero bakit? Bakit nga ba di ka na darating? Bakit ba labis ang lungkot na aking tinatamasa sa iyong di pagsipot? Tanggap kong hindi mo nga talaga ako kailanman magugustuhan, Subalit matindi pa rin ang hapdi ng puso kong iyong sinugatan. Sabi nga nila, ang tulad mo ay tipong paasa, Yung tipong mangangako at di sasama, Marahil ako nga ang siyang problema, Ako nga ang taong umasa, Pero tangina, Salita mo ay iyong bigyang halaga.
0
Dec 10, 2017
Dec 10, 2017 at 12:44 AM UTC
Ikaw na Paasa
Ang pag-ibig ay parang himig Na parang hangin na malamig Kaysarap pakinggan sa tenga Na para bang ika’y kinakalinga Kahit di alam ang ibig sabihin nito Ika’y napapaindayog at napapasabay rito At pilit na sinasabayan kahit na wala sa tono Na umaalolong na parang aso kahit sintunado Tulad sa pag-ibig kahit na di ka gusto Pilit mo parin sinisiksik ang sarili mo dito Kahit na sobrang sakit, tinitiis mo parin ito At sunod-sunuranan ka na para bang aso Ganoon talaga ang mundo, di perpekto Mahirap ngunit masarap mabuhay rito Sadyang mahiwaga at puno ng sopresa Kaya wag kang mawalan ng pag-aasa Dahil may tamang kanta para sayo Siguradong masasabayan mo na ito Maiintindihan pa ang mga liriko nito At higit sa lahat di ka magiging sintunado Ganoon din sa pag-ibig may laan para sayo Nandiyan siya anu man ang iyong gusto Siguradong sasama siya sa bawat trip mo At hinding-hindi ka pa iiwan sa ere nito
0
Jun 14, 2018
Jun 14, 2018 at 6:15 AM UTC
“Musika ng Pag-ibig”
Hawakan mo ang kamay ko Sasama ako kahit saan patungo Sa piling mo labis ang kaligayahan Susugal paulit ulit at handang lagyan ng kuwit ang ating kwento Huwag lang tutuldukan Huwag muna Dudugtungan pa natin ng madaming masasayang alaala Magkwentuhan tayo at magtawanan sa sarili nating mundo Balutin mo ako ng iyong mga bisig kung saan mas ramdam ko na ligtas ako Magtitigan tayo may malisya man o wala At sa mga sandaling tayo ay tahimik Ibulong natin ang mga salitang "mahal kita" Hayaan ang mga puso natin ang mag-usap.
0
May 8, 2019
May 8, 2019 at 11:43 PM UTC
Kuwit at Tuldok
Ako na lang Pwede bang ako na lang? Yung karamay **** mag-isip kung saan kakain? Yung hinihiling mo nang mataimtim sa iyong mga pananalangin? Pwede bang ako na lang sana ang sasama sa’yo kung saan ka man pupunta? Pwede bang yakap ko na lang yung sisilungan mo kapag sobrang pagod ka na? Ako na lang mahalin mo. Pwede bang ako nalang sana yung mahal mo? Yung kasama **** nakangiti sa libu-libong mga litrato? Pwede bang buhayin na lang natin yung mga pangako nating pinaplano? Pwede bang ako na lang ulit ang magpapasaya sa’yo kapag pinepeste ka na ng tadhana? Pwede bang kamay ko na lang ulit ang hahaplos sa mukha mo at papahid sa’yong mga pagluha? Pero hindi na nga siguro pwede lahat ng iyon. Kasi may kayo na. At ako nalang. Ako nalang ulit.
0
Jan 11, 2018
Jan 11, 2018 at 12:55 PM UTC
Ako nalang ulit
Binalot na naman ng dilim ang aking paningin, Di ko na naman alam ang gagawin. Mga nanlilisik na mata ang nakatingin sakin. Na para bang isa akong salarin. Pinilit kong ikurap ang aking mga mata, Ngunit sila parin ang nakikita. Ayaw nilang umalis. Tila ba ako ang hinihintay nilang umalis. Sinubukan kong matulog nang mahimbing, Sa wakas. Wala na sila. Wala na rin akong naririnig mula sa kanila. Pero bakit parang may kakaiba? Di ako makahinga sa sobrang kaba. Ilang sandali pa ay may babae akong nakita, Ngunit di ko maaninag ang itsura nya. Dahan-dahan nyang inilapat ang kamay nya, Inaanyayahan nya kong sumama sa kanya. Nagdalawang isip ako. Kung gigising pa ba ko o sasama na lang ako? Taliwas ang sagot ng puso at isipan ko. Subalit nagdesisyon parin ako. At Unti-unti Akong Binalot Ng Dilim. - E.P
0
Oct 6, 2019
Oct 6, 2019 at 4:59 AM UTC
Dilim