Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pangit" poems
"Kalayaan" - Isang tula para sa kinabukasan Lahat ng kabataan ay kayang lumaban Sa bansa na hindi ipinaglaban Animo'y pasista ang kanilang galawan Hanggang sa pinatay nila nang tuluyan ang kalayaan Inang bayan, parating na ang iyong kaarawan Giniba ka na ng suntok ng mga kalaban Sa iyong kaarawan, hindi ka pa rin ipinaglaban Ngunit ang ginawa, pinaslang nila ang boses ng mga mamamayan Sa demokrasya binagsak ang prangkisa Na binagsak ulit ng mga pasista. Sa likas ng tapang ng mga kayumanggi Nandito na kami para bumawi Ang kulay aking binabanggit, Na akala ko noon ay pangit, Pero taglay ito ng lakas Para umalis ang mga nangahas Sa ganda ng bansa natin, iisa lang naman ang kulay natin Kaya naman nating isulong ang rebolusyon, para sa soberanya Taglay naman natin ang sigaw ng pagkakaisa Sapagkat, oras nang umaksyon ang masa.
0
Jul 16, 2020
Jul 16, 2020 at 9:40 AM UTC
Humanay!
Sana, bata na lang tayong lahat… Walang alam kundi ang gumising, maglaro, tumawa, matulog at kumain Yung tipong wala kang alam na problema kundi paano ka makakapaglaro bukas kasama ng mga matatalik **** kaibigan.  Paano ka tatakas sa nanay mo dahil gusto kang patulugin pero ang isinisigaw mo ay “maglalaro ako!!!” Sana , bukas ay bakasyon na… Late magigising tapos kakain lang, manonood ng paboritong palabas, liligo, gagala tapos pagkauwi ay manonood ulit mamaya ay matutulog na.  Habang nakahiga ay nagtetext sa importanteng tao sa buhay mo kaya naman ay kakwentuhan mo ang kapatid mo, magulang mo o ang  asawa mo. Sana, pasko na lang bukas… Lahat ‘tila ba walang problema kundi “paano ang mga inaanak ko?, paano ang mga regalo?  at sana mapasaya ko sila…”  Tiyak lahat ay Masaya dahil napakahirap magalit sa araw na ito.  Ito ang araw na napakadaming taong nagbabati o nagkakaayos mula sa pangit na nakaraan dahil sa bisa ng Pasko. Sana bukas ay may darating kang regalo- pera man o gamit o di kaya’y isang kasiyahan … Siguradong ngayon pa lang ay excited ka ng magbukas o tumanggap nun dahil wala namang taong di Masaya kapag nakatanggap ng regalo.  Itatago mo ito at pakakaingatan lalo na’t ang nagbigay ay napakahalagang tao sa buhay mo. Sana ikakasal na ako bukas… Lahat tayo ay may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi man lahat ay madami.  Siguradong kung naiisip mo ito, walang laman ang isip mo kundi masasayang sandali.   Kung ikaw man ay naikasal na, maaalala **** minsan ay naglakad ka papuntang altar habang inaantay ka ng mahal mo o ikaw yung naghihintay sa harap ng altar kasabay ng mga nagtatakbuhang daga sa dibdib mo. Napakaraming masasayang bagay ang naiisip natin ngunit di ito kadaling ibinibigay.  Dapat, paghirapan natin ito…
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 2:27 AM UTC
SANA

Continue reading...
12
Pagbasa at Pagsulat Bata pa lamang ay lubos ng namulat. Ako’y walang ibang kakayahan bukod sa pagbasa at pagsulat, Ang aking marka sa agham at sipnayan ay maalat pa sa dagat, Ang guhit ko naman ay tila panggatong na kalat. Di ko naman ninais na ito lang ang kayang gawin. Madami din akong kakayahan na nais maangkin, Ngunit sa ibang bagay ay hindi naman nakikitaan ng galing. Sa sarili nagtataka na rin, bakit ba pagbasa at pagsulat lang ang kayang gawin? Naisip ko na maging mang-aawit, tinig ko naman ay pilit minsan ay pipit. Naisip ko na maging pulitiko, ngunit ayokong mabansagang mangungupit. Naisip kong maging **** kaya kong magturo ngunit, ako ay masungit. Naisip kong maging arkitekto ngunit, guhit ko naman ay walang kasing pangit. Sa kakulangan ko ng kakayahan sa madaming bagay, ay sa sarili ay nagtataka na. Siguro ako ay may isang malaking sumpa. Sumpa na sa akin ay nagbibigay ng makalangit na biyaya. Sapagkat sa pagbasa at pagsulat lamang ako lubos na lumiligaya.
0
May 24, 2019
May 24, 2019 at 1:19 AM UTC
Pagbasa at Pagsulat
#110315 May iilang mag-aalok sa kanya Sa isang tila uhaw sa pag-ibig o pagkalinga. May iilang pipila't iigib, Pero pagod na siya sa pagbibigay, Kaya't puros kalawang na lamang ang taglay. Pero may iilan din namang magtitiyaga't magpapagod, Bumalik lang sa dati ang bukal na may pag-ibig. Pag sa hapag-kaina'y nakatambay lang siya, Nakaabang sa hihingi't pamatid uhaw lang daw. Pero ba't siya nananatili sa isang katauhan? At siya mismo ang daan Para umagos ang buhay mula sa lalamunan. Siya'y luha ng kalangitan, Hindi bunga ng galit o anumang pangit na nakaraan. Natural lang na bumagsak siya, At kahit na napakasakit nang pagkakalumpo'y Hahalik pa rin siya sa lupa nang may pagpapakumbaba. Wari niya'y kaylalim at kaylawak ng kanyang sinasakupan Pagkat tila lahat ay kanyang pag-aari. Bagkus, siya'y dinaraanan lamang ng mga sasakyan. Binubugahan ng kung anu-anong kemikal At ihahalo sa kanyang malabirheng katauhan. Kahit siya'y Ina para sa napakaraming mga buhay, Tagapangalaga ng kanyang sakop. Minsa'y tatapunan ng dumi, Tatabuyin niya ito bagkus di niya kaya. Pagkat yayakain niya ang iilan, Aakayin at magiging palutang-lutang Hanggang sa maging saksi ang kalangitan. Ang iba nama'y papatawarin niya't Itutungo na lang sa kanyang kalaliman, Hanggang sa hindi sila makalisan at doon ang kamatayan. Pag siya'y nagbiro, doon lamang siya papansinin. Kailangan pala siya, pero sinasayang ang tagas paminsan. Sinasadya siyang limutin at kaligtain, Pagkat lagi naman siyang nariyan Kaya'g ayos lang sa ibang siya'y abusuhin. Napapagod, nauubos, naninigas, natutunaw, Paulit-ulit, pababalik-balik kanyang buhay. Pero pag-ibig niya'y kumot para sa sarili.
0
Nov 19, 2015
Nov 19, 2015 at 6:00 AM UTC
Tubig

41
Sensitibo akong tao, kaunting pangungutya, malaki na ang epekto. Nabuhay ako sa paniniwalang lahat ng babae, tumitingin lang sa gwapo. Kasalanan ko bang maging pangit? Siguro hindi, siguro oo. Sabi nila walang pangit. Ugali lang ang pangit sa ibang tao. Nakasanayan ko nalang na walang naririnig, kahit lantaran akong laitin. Ininda lahat ng pananakit, maswerte nalang kung minsa'y daplisin. Hindi ko kayang lumaban, patay malisya lang ang damdamin. Ayoko ng gulo, ni isang salita wala akong binanggit kahit aking isipin. Aking babaguhin, karamihan sa kababaihan ay tumitingin sa gwapo. "Ano bang meron sa mga gwapo?" Pare-pareho lang naman kaming tao. Alam kong mahalaga din ang panlabas na kaanyuan pero, Yun ba ang minamahal? Yun nalang ba ang basehan sa mundong ito? Lahat ng 'yan nakaraan nalang sa akin. Magmula nung dumating ka, pinaniwala **** mali ang aking hangarin. Hangarin na tanggapin na walang kaaya-aya sa akin. Kahit anong pilit ko, pilit **** itinatanggi at hindi pinapansin. Hindi ako gwapo. Pero kaya kong harapin ng may magandang kalooban ang magulang mo. Hindi ako mayaman. Pero ipapakita ko sayo na ang kayamanan ay nasa kaya nating ibuo. Hindi ako yung taong magara ang kasuotan kapag haharap sayo. Aanhin ko yun? Kinabukasan natin ang aabangan ko, hindi pagiging maluho. Hindi ako yung lalake na pagkakagastusan ka ng sobra sa tuwing may selebrasyon. Gusto ko kase maramdaman natin. Hindi sa nakikita, kundi mismo sa pagkakataon. Hindi ko kayang lumaban, duwag ako, at nananatiling mahinahon. Pero hindi ko hahayaan na may umapi sayo na kahit sino, makakatikim sakin 'yon. Hindi ako yung tipong kaya kang pakiligin sa mga salita. Madalas kasi wala akong tiwala na kaya ko yun magawa. Panay ang pagkumpara ng itsura ko sa iba. Kahit ganun naman , lahat ng sinabi ko sayo, totoo at may isang salita. Hindi ako gwapo, oo. Hindi ako maporma, oo. Hindi ako astig, oo. Hindi ako yung matitipuhan agad kase, oo, ganito lang ako.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:08 AM UTC
"Ganito lang ako"

32
Para sa mga taong hindi pinili. Para sa mga taong binigay ang lahat ngunit di naman binalik. Para sa mga taong umasa. Para sa akin. 1 Sakit. Pag nakita mo siyang kasama niya, masasaktan ka na parang bang tinutusok nang maraming karayom ang puso mo. Tapos titignan mo ang iyong sarili at sasabihin "Anong kulang sa akin?" Makikita mo lahat nang mali sayo. Makikita mo lahat nang pangit sayo. At dahil dito mawawala ang pagmamahal at respeto mo sa iyong sarili 2 Galit. Magagalit ka sa mundo. Magagalit ka sa tadhana dahil hindi kayong dalawa ang pinag sama. Sisihin mo siya dahil hindi ka niya pinili at iba. Pero higit sa lahat, magagalit ka sa iyong sarili. Magagalit ka dahil hindi ka naging sapat para sa kaniya. Magaglit ka dahil hindi ikaw ang naging kaniya. 3 Talo. Wala na. Wala ka nang magagwa dahil gusto na nila ang isa't isa. Wala ka nang magagawa, silang dalawa na ang pinagsama nang tadhana at hindi kayong dalawa. Tanggapin mo na. Hindi kayong dalawa. Hindi ikaw. Dadating ang panahon na hindi mo na siya titignan. Dadating nag panahon na hindi ka na masasaktan. Dadating ang panahon na hindi ka na magagalit. Pero sa ngayon, dito ka muna. Dito sa isang lugar na ika'y manhid na. Manhid sa kaniya. Manhid sa sakit. Manhid sa galit. Manhid sa iyong mga damdamin para sa kaniya. Kay rami mo nang napagdaan, magpahinga ka na.
0
May 12, 2017
May 12, 2017 at 6:09 PM UTC
Mga Hakbang
Lahat ng kabataan ay kayang lumaban Sa bansa na hindi ipinaglaban Ang sakim ng imperyalistang kano ng kalawakan Na Pinatay nila nang tuluyan ang kalayaan O Inang bayan, sinaktan ka nang tuluyan Sa ginawa ni kahel na agawin ang iyong yaman   Sa ganda mo ginawang kang alipin ,ngunit hindi ka pa rin ipinaglaban Sapagkat ang ginawa, pinaslang nila ang boses ng mga mamamayan. O inang bayan, narinig ko ang sigaw ng proletaryo Humahanay sa rebolusyon tungo sa sosyalismo Sa likas ng tapang ng mga kayumanggi Nandito na kami para bumawi Ang kulay aking binabanggit, Na sa mata ng mga puti ay pangit, Pero taglay ito ng lakas Para umalis ang mga nangahas Sa ganda ng bansa natin, iisa lang naman ang kulay natin Kaya naman nating pabagsakin ang imperealismo, para sa soberanya Taglay naman natin ang sigaw ng pagkakaisa Sapagkat, oras nang umaksyon ang masa. #JunkTerrorBill #ResistTyranny #KalayaanIpaglaban #ResistAsOne #AtinAngKalayaan
0
Jul 16, 2020
Jul 16, 2020 at 9:34 AM UTC
Pula at Dangal
Di ko mawari kung bakit mas masakit Ang mga katagang "mataba kana" Pag sa bibig mo galing ay mapait Gusto ko lang sana'y madama Na sayo ako'y may halaga Ngunit imbes na matatamis na salita aking madinig Ang pagtaba ko lang iyong bukambibig Kung sa ibang tao ay kayang palampasin Pero pag ikaw ang nagbitiw, Kaya akong inisin Oo, maari Sa timbang akoy nadagdagan Aba'y sa quarantine nga naman Oras di mo na malaman Minsan di mo na nga namamalayan, Dalawang beses kana palang nag hapunan. Pero kasalanan ba talagang maituturing Ang makailang beses kong pagkain? Eh sa may kaya kaming ihain Afford po namin Ang ilang beses na mag saing Mas pinipili ko kasi magluto Kasi la pa ako lakas ng loob mag TikTok Lalo pa ngayon nasabihang mataba Aba aba Hampasin ko yang pangit **** baba Pero joke lang kasi mahal kita, kahit na bash moko miss pa rin kita Kaya hayaan mo ako magtampo ng konti Bukas baka humpa na ang inis Kasi di kita matiis Ikaw ay aking miss
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 2:17 PM UTC
Bakit pag mahal mo mas masakit?
Di ko inaasahan ang naibigay **** saya, Dahil ang inasahan ko ay ang pagiging panandalian mo. Kasama kita sa maikling panahon, Napaka-ikli, tila kisapmata, lahat nawala. Mga pagsasamang nahinto dulot ng isang tuldok, Tuldok na nagsasahad ng pagtatapos. Oo, ang sakit na di na magkakaroon ng dalawa pang tuldok… Nagsasaad na mayroon pang kasunod ang lahat at di pa tapos Kaso wala na, tapos ang lahat dulot ng isang tuldok. Akala ko tatagal tayo dahil napakarami natin kuwit,,,,,,, Nagsasabing di pa tapos, sandali lang, opps charot lang meron pa. Pero wala eh, tinapos mo na gamit ang isang tuldok. Marahil nga hanggang doon nalang ang istorya nating dalawa Alam ko namang hindi napipilit ang tadhana, Pasensya na mahal ko kung pangit ang kwentong naibigay ko. Oh ito na ang huling tuldok at magsimula ka na ng panibago **** kwento.
0
Jan 11, 2018
Jan 11, 2018 at 12:58 PM UTC
Tuldok
Hoy! Tanga! Manhid! Pangit! Mga katagang ibinibigay ko sayo Sa pag-asang malilimutan ng puso ko Kung gaano kita minahal
0
Jan 12, 2015
Jan 12, 2015 at 9:03 AM UTC
Makalimot
Tuliro't nakatingala tinatanaw ang mga tala sa langit, iniisip na kung bakit 'di pinilit. Napagod sa'yong mga palaisipan, kahit bali-baliktarin ang mga pangangatwiran. Lumisan... sa kinagisnan na tahanan, sa pag-luwas at pag-uwi nahihirapan. Nangangambang ika'y muling masilayan, hindi alam kung pighati, o galit ang mararamdaman. Sinabi mo na sa mga bagong mukhang kinilala mo, ako parin ang hinahanap mo. Ngunit sa tuwing gusto kong sulatan ang saradong libro, ayaw mo. Ayaw mo.... Pero ang gulo mo, at magulo rin ako. Sa mga sandaling gusto kong sumugal uli, pangit ang baraha mo. At sa mga oras na ika'y nag babalasa muli. kulang ang barya ko. Oo, magulo. Parehas tayong tuliro.
0
Jun 5, 2024
Jun 5, 2024 at 8:52 AM UTC
Tuliro
Gusto kita, ilang ulit ko ng binigkas ang mga salitang paulit ulit sa isipan ko tuwing umaga sa pagdilat ng aking mga mata, tuwing sasapit ang gabi kayakap ang unan habang iniisip ka Pinipilit itali at ikulong itong pakiramdam Na walang ulit ang pagsabog pero pahapyaw lang. Dahan dahan lang sabi ng puso pero pag hindi na ginamitan ng utak ito’y bigla na lamang titibok ng walang humpay at sa pagtibok nito kasabay ang pagbigkas ulit sayo - gusto kita. Sobra. Ang dami kong tanong, araw araw ako nagtatanong, nagiisip ng bakit, pano, ano? Ano ba talagang tama ko sayo? Pogi ka pero di naman ako mahilig sa pogi. Pangit ba ko, anong mali sakin bakit hindi ko makuha ang iyong pagibig? Hindi ba may mga bagay naman na ayaw natin nung una pero nagugustuhan din sa huli. Ako kaya? Kelan yung oras na ako naman yung gustuhin mo. Gusto ko na malaman, ibigay mo na sakin kasi nababaliw na ko.
0
Feb 25, 2018
Feb 25, 2018 at 7:01 AM UTC
Gusto Kita
Sabi mo, walang magbabago Pero ngayon, halos hindi na kita makilala Hindi mo lang ako basta isinabay sa iba Ipinagpalit mo pa ako Hanggang sa tuluyan mo na akong kinalimutan Sabi mo, walang magbabago Pero ngayon, ibang-iba ka na Minsan, tinatanong ko ang sarili ko Katulad ng pagtanong ni Liza Soberano kay Enrique Gil “Pangit ba ako?” “Kapalit-palit ba ako?” “Am I not enough?” Dati, halos walang makapaghiwalay sa ating dalawa Ang sabi mo pa, “Ikaw lang at wala nang iba pa” Ako mismo ang naging kaagapay mo sa pagkilala mo sa kanila Pero bakit ako mismo ngayon ang nawalan ng halaga? Bakit ako mismo ngayon ang hindi mo na binibigyang pansin? Nagpaka-layo-layo ka’t ibinaon ako sa limot Ibinaon mo ako sa kahapon Kung saan kasama ko ang mga iba mo pang itinapon Pero tama na Tama na ang pagiging Liza Soberano Hindi na kita kukulitin at magtatanong ng isang milyong bakit Hindi rin ako magiging si Piolo Pascual Na hihingi ng explanation at acceptable reason At lalong hindi rin ako magiging si Bea Alonzo Na hihilingin na “sana ako na lang ulit” Dahil tanggap ko na Hindi ko na hihingin pang ako lang ang piliin mo Magpaparaya ako’t papayag na isabay mo sa iba Isa lang ang hihilingin ko Na sana ‘wag mo akong tuluyang kalimutan Na sana ‘wag mo hayaang tuluyan akong mawala sa buhay mo Dahil gaano man kahabang panahon ang lumipas At gaano man karami ang nagbago sa pagitan nating dalawa Ako pa rin ang tunay na laging andito para sa’yo Ako pa rin ang Wikang Filipino na kahit nagbago man, ay nandito pa rin at nananatili para sa’yo
0
May 8, 2018
May 8, 2018 at 10:34 PM UTC
Sabi Mo, "Walang magbabago"

37
HULING PAHINA Nababalot ng kalungkutan Nalulunod sa kabiguan Nilalamon ng kadiliman Pinapatay ng nararamdaman Patak ng luhay palatandaan Emosyon ay di mapigilan Sugat na iyung iniwan Humilom man ay may peklat parin ng nakaraan Pag kabigoy di malilimutan Sa gawa **** isang huwad at mapaglinlang Ikaw ay isang timawong nilalang Mapag kunyari at nagbabalat anyo sa mga pangakong kay bilis **** bitawan Ngunit niisa ay walang napatunayan Walang gamot ang kasalukuyan Para mag hilom ang sugat ng nakaraan Nag iwan ka ng peklat at pangit na karanasan Sa inalay kung tapat na pagmamahal nasyang dapat **** kaluguran. Pagtataka'y diko maiiwasan Sapagkat ginawa ko lahat ngunit ako'y iyung pinag taksilan San ako nag kulang,,ang aking buongpag mamahal ay sayo'y aking ibinigay Walang limitasyon at walang pag aalinlangan pagmamahal ay aking isinaalang alang Pati aking kaligayahan ay sayo narin nakasalalay Binigyan mo ng katapusan Ang tayo na akala ko'y walang hanggan Inalisan moko ng kasiyahan Pag mamahal ko'y sinuklian mo ng kalungkutan Nakakatawa bagamat alam kung nong una palang ay wala na Pero bakit paba ako umasa Sa salitang baka sa kaling pede pa BAKASAKALING pede pa ang tayong dalawa Ngunit kahit na ipilit ko pa Ay wala na talaga Dahil ikaw ang nagbigay proweba Na ang tayong dalawa ay mananatili nalang ala-ala At ang ating istorya ay nagtapos na dito sa huling paghina kung saan iniwan moko mag isa....
0
Mar 12, 2023
Mar 12, 2023 at 5:00 PM UTC
Huling pahina
at sa tuwing suwail ang mundo kapag ipapakita nito sa'yo ang pangit sa pangit tuwing dama mo ang pag iisa sa kabila ng piling ng iba kapag tila inuunti unti tayo sa sarili nating mga laman at loob hayaan **** kainin kita hayaan mo akong kainin lahat ng di kaaya ayang pakiramdam hayaan **** pakainin kita ng libog, kilig at lambing hayaan **** pakainin kita sa labas at sa loob ng hardin dahil kahit galing ka pa sa labi at balat ng iba dahil kahit nagmumog ka pa sa pawis, laway o dura tanggap pa rin kita kahit mayroong pangalawa anuman ang mangyari o mag iba man ang lasa lulunukin pa rin kita.
0
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 1:57 AM UTC
patlang
Hindi ka pangit Kundi ang mata nilang mapanglait Hindi ka malandi Kundi katawan niyang saiyo gustong itali Hindi ka bobo Kundi may iba ka lang talagang talino Hindi ka mali Kung di ka makikinig sakanilang sinasabi Hindi ka ikaw Kung hindi ka magpapakatotoo sa mundong ibabaw Dahil sa huli saiyo nakasalalay Ang takbo ng iyong buhay Hindi ang mapanghusgang mata ng lipunan Kundi ikaw, oo ikaw ang may hawak ng iyong kinabukasan
0
Apr 23, 2019
Apr 23, 2019 at 10:43 PM UTC
Untitled