Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jay Co Jul 2019
Sa tuwing sumasapit ang dapit hapon
Ay aking nasisilayan ang paglubog ng araw
At aking naalala ang matatamis mo ng mga ngiti sa tuwing nakikita mo ang paglubog ng araw.

Ngiti na aking nasilayan sa iyong mga labi
Ngiti na nagbibigay pag-asa
Ngiti na bumubuo ng kulay sa'king mundo.
Ngunit ang mga ngiting yan bigla nang naglaho.

Ako'y naguguluhan kung bakit ang iyong mga ngiti ay unti-unting nagbabago?
Ang dati **** mga ngiti na kay gandang pagmasdan
Na ngayo'y nawawalan na nang pag-asa.
Chris Balase Aug 2018
Sa pagbuka ng liwayway
Kasabay ng sikat ng araw
Na dumadampi sa aking
Mga panaginip na ligaw

Minsan, sa aking pagbangon
Kasabay ng pagbawi ng unos
At paglubog ng ngiti
Ay mga luhang kusang umaagos

Minsan, sa kabila ng aking
Pagtingin at pagtalikod
Ay nawawasak ang aking
Mga matatatag na bakod

Paminsan minsan,
Naalala kita... tayo,
Naalala ko ang bawat lambing
Ng mga binitawang pangako

Minsan, bumubukas ang mga sugat
Minsan, lumalala ang bigat
Minsan, bunabalik ang nakaraan
Minsan, bumabaliko ang daan

Paminsan minsan, nakikita kita
Sa bawat sulok ng aking ala ala.
Sa bawat pag gising
Tila ang umaga'y hindi kasing tulad dati
Ang akala kong magpapatuloy
Ay may hindi inaasahang paghinto

Sa bawat paglipas ng araw
Tulad ng paglaho ng oras
Lumalaho na rin ang aking pag-antay
Pag-aantay sa kawalan

Sa bawat paglubog ng araw
Sinasama nito ang sakit na
Aking nadarama tuwing dapit-hapon
Kung kailan kita naaalala

Sa bawat pag usbong ng buwan
Ako'y nakakakita ng bagong pag-asa
Pag-asa ng kinabukasan na
Magkakaroon ng kasagutan ang lahat

At sa bawat pag kinang ng mga bituin
Naaalala ko pa rin ang nakaraan
Ang lahat ng masasayang alaala
Na sana'y napagpatuloy hanggang ngayon
Rem Oct 2018
Naaalala ko pa
ang sandaling
sinigaw mo sa mundo
pagmamahalan ay kailanman
di magbabago
Sabay hawak sa aking mga kamay
Habang nanonood sa paglubog ng araw
sa Pagsapit ng dilim
patuloy na humihigpit ang iyong pagkapit
at hindi bumibitiw
Sa gabing mga bituin ay nagniningning
na kayang kaya kong ikumpara
sa iyong mga ngiti
na kailanman di mo pinakita sa kanila
na tanging akin lamang
at hindi maaagaw ng iba

Naaalala ko pa
Ang mga pangakong
narinig ng aking mga tenga sa harap ng dambana
na tanging kamatayan lamang
ang makakapaghiwalay sa ating dalawa
at nakita mo ang mga tumutulo kong luha
na labis na di makapaniwala
na ang babaeng nasa harap ko
ang babaeng mahal ko
ang babaeng hinintay ko
ang babaeng pinangarap ko
ay ang babaeng pakakasalan ko


Maaalala mo pa kaya
kung sakaling isigaw ko ulit sa mundo
na patuloy ang pagmamahal kong di magbabago
kahit wala na ang kamay
na minsa'y humawak sa akin ng mahigpit
kung bakit bumitiw
mga gabing dadaan
na magpapaalala sa iyong ngiti
kung gaano kahapdi
at kung gaano kasakit
na ang babaeng mahal ko
ang babaeng hinintay ko
Ang babaeng pinangarap ko
Ang babaeng nangako
at sumigaw sa mundo
Na ang pag ibig natin ay walang hanggan
pero bakit andito tayo sa dulo
mararamdaman mo
ang kaba at lungkot sa puso ko
ang isip kong di magkandaugaga
kung paano ko ipapahayag ang aking nadarama
simula sa unang pagkikita
sa pagsambit ng mahal kita
At mamahalin kita
kahit abo na lamang ang pinanghahawakan ko sinta
Camille Mar 2024
sa bawat pagpatak ng ulan
sa bawat pagbuhos ng aking luha
ako'y sumasayaw magisa
puno ng pighati at saya
ako'y nalulubog sa aking emosyon
sa bawat ngiti, hiya, at tiyaga,
ako'y nagiisa, ngunit di ako nagiisa.
John AD May 2020
Isa pang rason , Sa pag-usad
Kurbang linya , katamtamang ruta
Tunog ng kampana , ginising ang isip
dati rati sumisilip , reyalidad na ang panaginip

Tinagpi ang pisi , bagwis muling papagaspas
Sanhi ng dahas naakit , uwak ay maghihiganti
Paglubog ng araw , pagsikat ng dilim
Sanay na kong bangkay , Nanghuhusga nalang ako kung sinong mamamatay

Kamatayan ang aking katauhan
Orasa at karit aking sandata
Buhos ng lupa , Kalkulado ka
Sa pagdaan ko , mananaginip ka
Kachi Sawagu Jul 2017
ito na yung mga panahon
na masasabi kong
"hindi ko na alam."

kasi sa totoo lang,
hindi ko na talaga alam.

masakit umasa
na magbabago ang tao
pero paglubog ng araw,
maririnig mo nalang ang iyong mga baho.

nakakasakal magmahal
sa mga taong hindi binabalik ang iyong mga damdamin
sawang-sawa na ako
lumutang sa paghihingalo

pagod na ako
hapong-hapo, sa totoo.
yun na lamang ang alam ko.
kingjay Sep 2019
Kapag nayapos mo na't
Init ang nararamdaman
Pagmamahal iyan na lubos
At mapagbunyi
-hiyas kang hinalibas sa karukhaan ng aking mundo

Kahit naduhagi sa kapalaran
Anong pagdiriwang kapag ika' y nasisilayan
Kung maibabalik man ang ikalawang takipsilim
Hindi na hahayaan na mawalay ka pa sa akin

Sa balintataw ng buwan
Hubad na pagsuyong walang
Poot at panibughong kinikimkim
Kung may luha sa mata ko
Yun ay ang pagpawi sa pagkauhaw ng pag-ibig

Kung namiminto na ang wakas ng panulaan
Maipaliwanag sana nang pagkalinaw
Na hangad kong sambitin
na iniibig kang walang kahulilip

O dessa ikaw ang nasa
Winasak mo ang mundo ko't
gumawa ng bago
Kung saan ang araw katabi ng buwan
At ang bawat paglubog ng araw ay may tanglaw sa kaitaasan
Kent Delos Reyes Nov 2020
Ngayong lumipas na ang temang nakasanayan
Silip banayad sa kahapong dagliang dumaan
Pikit man ang mata, alaala naman ay pabulong
Hikahos sa hanging hindi naman tunay na yumao

Niyaring tinapos ang kasalukuyan sa halina't
Imahe ng kapayapaan sa kabilang daungan
Lingid sa ibabaw ng katinuan na ang bangka
Lumutang man ay di masasakyang tuluyan

Bigkas ay mga hikbi sa bawat pagsulong
Hanggat ang biyak ay hindi tuluyang magtagpo
Sa harap ng dahas at galit ng ilog sa pagitan
Paglubog ng liwanag ay syang di maiiwasan

Niyaring tinapos ang kasalukuyan sa halina,
Silip banayad sa kahapong dagliang dumaan
Sa harap ng dahas at galit ng ilog sa pagitan
Pagkalunod sa sariling luha'y syang di iiwasan
zee Aug 2019
unti-unti na lang bang masasanay?
tila nalanta na at wala nang buhay
ang mundo na sabay nating binuo
natutuliro, nababalisa at hindi mapalagay
ang dating mga usapang hindi maubos-ubos
ngayon ay para na lang kandilang nauupos

hindi alam kung paano, bakit at ano ang nangyari
bigla na lang nagbago; wala man lang pasabi.
nawalan na nga ba ng gana ang tadhana sa'tin
o sadyang ito na ang huling hantungan natin?

maaari bang samahan mo akong lumaban at agapan ang ating nararamdamang tinatangay na ng hangin sa kawalan?
akala ko ba'y sabay pa nating pagmamasdan ang marahan na paglubog na araw ngunit bakit tila parang mauuna pa ang ating istoryang hindi pa nga nasisimulan?
Louise Apr 30
Nalalayuan kaya ang mga ibon tuwing tinatanaw
ang malawak na hinagap ng kaparangan?
Nasisilaw pa rin kaya sila sa bukang liwayway
kahit mula pagkamulat ay iyon ang kinagisnan?
Nasasaktan pa rin kaya sila sa ganda ng paglubog ng araw
at ang angking kawalang pagkakatulad ng bawat isa?
Natatakot pa rin kaya sila sa halik ng dilim
kahit ang gabi ay nangangakong magdala ng lamikmik?
Kay rami ko pang nais itanong sa mga ibon,
kay bigat ng patong sa munti nilang mga pakpak.
Paano magtatanong ang isang hamak na bulaklak
sa kagitingan ng mataas at malayang agila?
Kay rami ko pang balak ibulong sa mga maya,
kung may pangarap man sila, ihahalik ko sa hiraya.
Ngunit anong magagawa ng isang payak na talulot
sa ilalim ng langit at sa ibabaw ng gumuguhong mundo?
Sa pagtatapos ng buwan ng panitikang pambansa...
First poem from El Nido series

ang pugad, the nest, el nido
🪺
kahel Sep 2021
ang makasama ka
hanggang sa paglubog ng araw.

ang makasama ka
hanggang ang mga mata’y kasing liwanag na ng mga bituin.

ang makasama ka
hanggang ang mga katanungan ay maging kasiguraduhan.
habang hawak ng kaliwa ang ‘yong kanan na kamay at may panakaw na halik sa noo~
Sa paglubog ng araw at pagsikat ng buwan.
Sa ihip ng hangin at patak ng ulan.
Sa pagdaan ng taon.
At sa bawat paglagas ng dahon.
Pangalan mo ang baon.
Sa pag-agos ng luha at sa paghikbi,
Sa pagsibol ng mangilan-ngilang ngiti.
Pauli-ulit na tatanawin,
Mga ala-ala mo na kumikinang kasama ng mga bituin.
Ikaw ang hiling.
Ikaw ang tinatangi.
Ikaw ang minimithi.
Ikaw ang sinta.
Ikaw ang payapa.
Ikaw ang pag-ibig.
Ikaw ang dalanging nawa'y marinig.
Ngayon at sa paglipas ng panahon.
Pangalan mo ang sambit ng puso sa bawat alon.
Hahanap-hanapin ka sa kalawakan.

— The End —