Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"matuwid" poems
Bakit ba Ganito sa pinas Kung saan masyado tayong tutok sa tamang landas Landas na di naman natatahak Pagkat lahat ng pangako ng mga naging pangulo ay puro palpak Ano nga ba ang tamang landas Palagi na lamang itong bukambibig ng mga taong malalaki ang bibig ngunit maliliit at malalamig naman ang mga puso. Wagas kung makapagsabi ng tamang landas Kailan ba magwawakas ang pagpapatag sa tamang landas Tila masyado nang nabigyang importansya ang paghahanda sa tamang landas Na naaaksya na ang pera ng ating mga probinsya Ang mga pangakong napako Ang mga pulitkong napako na sa pagtahak sa landas na ito Na tila nakakalimutan na nilang isama ang sambayanan sa pagtahak nito Ang mga mamamayang pilipino na naubusan na ng lakas Pagkat wala na halos mailagay sa hapagkainan na bigas Sa walang katapusang pag taas ng tax upang mabuo at mapatag lang ang sinasabing tamang landas Mga pukitikong Masyado nang naging overly attached sa tamang landas Na tila konting lubak lang kuha agad sa kaban ng bayan... Sa pera ng mga mamamayan.. Upang magpagawa ng bagong daan. Mas matuwid na daan. Wow. Gusto nyo ba ng sapak? Bakit hindi nalang hayaan ang malubak na daan? Bakit hindi nalang hayaan ang konting baluktot sa daan? Basta siguraduhin lang natin na tama ang ating pupuntahan. Na pagdating natin sa ating paroroonan, paglingon natin ay wala na tayong babalikan dahil wala na tayong naiwan. Magkaroon man ng galos sa paglalakbay, ang sakit ay kayang pawiin ng haplos ng kapwa pilipinong naging kasama mo sa pagtahak ng daan na tnahak ng bawat pilipino. Ang kailangan namin ay isang pinuno Hindi pangulo na ituturo lamang ang tamang daan habang nakasakay sa kanyang mamahaling sasakyan at hindi na namamalayan na kanya na palang naiwan ang mga mamamayan.
0
Oct 18, 2015
Oct 18, 2015 at 12:19 AM UTC
Bakit ganito sa Pinas? (TAGALOG)

Continue reading...
27
Sa paglipas ng panahon at makabagong sibilisasyon, maituturing pa bang wikang pambansa ang wika natin ngayon? Ito ang malaking katanungan na naglalaro sa aking isipan. Tila binabagabag ang aking isipan sa aking mga nasisilayan. Kaguluhan, Hindi pagkakaunawaan at sari-saring hindi magagandang salita ang naglalaro sa nakararami. Bakit? Bakit patuloy pa rin tayo sa masamang gawain na ito? Ngunit ang wika ay walang ibang hinahangad kundi kapayapaan, pagkakaisa at pagkakaunawaan dahil ang wika nation ay tunay na daang matuwid. Dahil ang wikang matuwid ay iisa lang ang layunin, ang bigyan ng tuwird at masaganang buhay ang bawat mamamayan. Balikan natin ang malaking katanungan, wika pa bang maituturing ang wikang pambansa ngayon? Tama! Wika pa ngang maituturing ang wika natin ngayon sapagkat ito ang nagbubuklod sa pusong wasak, pamilyang watak-watak at Pilipinong away at gulo ang dulot sa mundo. Ang wika ay matuwid tulad ng pag-ibig. Siya ang nagbibigay buhay sa mga Pilipinong katulad ko.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:40 AM UTC
Wikang Buhay ...
mababa man o mataas ang lipad, nagiisa ka sa himpapawid. sana ay iyong matupad, layunin **** matuwid. ikaw ang agila, tanyag at sikat. ikaw ay aking maalala, 'pagkat ikaw ay tapat.
0
Oct 31, 2018
Oct 31, 2018 at 11:11 AM UTC
agila
011521 Iaalay ko ang aking katha Sa mga sumusubok sa landas na kayhirap pasukin At ang sigaw nila'y kalayaan sa pagpili Kung saan ba ang kani-kanilang tatahakin. Malayang pagpili -- Pagpili sa hindi lamang gusto, Ngunit pagpili sa kung ano nga ba Ang tunay na nararapat. Kaakibat ng pagpili, Ay ang pagtimbang sa kung ano bang Makabuluhan sa panglahat na kapakanan. Hindi tayo pipili dahil tayo'y makasarili, Bagkus tayo'y pipili dahil ito'y ating pinag-isipan. Bakit ba gusto nating tahakin kung nasaan Naroon na ang lahat? At ang lipon ng bawat kulay ng bahaghari Ay sama-samang pumoprotesta Sa kani-kanilang adhikain. Minsan, gusto nating matahimik.. Tahimik na lumalaban Hindi gaya ng mga nasa lansangan At itinatali ang sarili Sa kanilang nasanayang batas. Tayo'y hahalili sa kahapong nagtapos na henerasyon, O baka nalimot mo na ring tayo'y demokrasya na ngayon Ngunit mga alipin ng baluktot na administrasyon noon.. Ano nga ba ang malinis na konsensya Sa bayan kong dinungisan na ng pawis Ng iba'ibang ganid na mga bansa? O minsan nga'y masakit pa pala ang malaman Na tayo rin mismo ang sumira At lumaspangan sa bandila nating Noo'y dugo ang nasa itaas. Sakim ang ating mga sarili Pagkat tayo'y nauuhaw pa Sa pansarili nating kalayaan. Tayo'y walang ipinag-iba Sa mga pailalim na bigayan At pagsalo sa kaso ng iba, Pagtalikod sa karapatang ipinaglalaban Ng mga naging bihag sa selda. Habang ang iba'y naghahalakhakan At pawang mga hangal Sa kanilang pagbalot sa sarili Patungo sa bukas Na hihimlay sa kani-kanilang mga hukay. Susuong ka pa ba? Kaya mo pa bang magbulag-bulagan? Pero sa buhay na iyong pipiliin, Piliin mo sana ang daang matuwid. At paano mo nga malalaman Ang mas higit sa timbangan Kung ang iyong pamantayan Ay sirang orasan at papel na ginintuan.. Nasayo ang hatol Ang hatol kung saan ka lulusong Kung saan ka makikiuso..
0
Jan 15, 2021
Jan 15, 2021 at 12:29 AM UTC
Kalye

59
Nakita ko si Duterte Nakita ko ang presidente Nang bawian niya ng buhay ang isang residente Siya ba ang nagbigay ng buhay na kahit walang laman Pinipilit isalba ang hamak na katawan? Pinipilit iukol lahat ng kagustuhan Ang mamang iyon ay nais lamang ang kanyang tahanan Nang bombahin ng trak ang barikada Kinalabit ng pangulo Makamandag na sandata’t lumabas ang punglo Nasaksihan ng musmos ang pagsabog ng bungo Nakita ko ang presidente Sa pila PNR Kung paanong tinusok niya ang bag na aking dala At kung paanong ngumiti siya nang ako’y makaraan At nang minsang ang tren, ako’y iwan Sinamahan akong simpatyahan Nang isang huli nalang ako na ay liban Nakita ko ang presidente Nang minsan akong pumunta sa palengke Isang sanggol ang kanyang hinehele Habang binibilang sukli ko sa bente Nagkataong kulang pa ng siete Itinulak niya ang isang bata Binastos ang isang matanda At isang babaeng di tinulungan sa dalahin Binuska ang linya ng kanyang ipin Nakita ko ang presidente Nang bigyan niya ng tinapay ang isang pulubi Nang hindi niya itinapon ang basura sa tabi-tabi At sa kapwa matuwid siyang nagsilbi Nakita ko ang presidente Sa mata ng isang bata Nagsisismulang isipin ang tama o mali Kung sinong dapat idolohin O kung dapat bang maging padalos-dalos at matulin Tunay na siya ang salamin ng sambayanan Ang piniling maging repleksyon ng paniniwala nati’t kakayahan
0
Jul 12, 2016
Jul 12, 2016 at 2:19 AM UTC
Nakita ko si Duterte
Iboboto ko nang matuwid Para sa asensong walang patid Buong Team PNoy – sa senado ko ihahatid Sonny Angara – hatid niya ang solusyon Para sa atin, trabaho’t edukasyon Bam Aquino – nasa dugo ang katapangan Marangal, malinis na pangalan A.P. Cayetano – Presyo, Trabaho at Kita Ibabalanse niya Chiz Escudero – subok na sa senado Kabataan ay hindi mabibigo Risa Hontiveros – tayo’y ipaglalaban Ayaw niya sa korapsyon at katiwalian Loren Legarda – marami nang nagawa Bida sa kanya ang masa Jamby Madrigal – kakampi ang mahirap Galit sa korap Ramon Magsaysay, Jr. – isa ring kampeon ng masa Katulad ng kanyang ama Grace Poe – magalang at maaasahan Sagot siya sa kahirapan Koko Pimentel – ayaw sa madaya Katiwalian ay susugpuin niya A. Trillanes – produktibo sa senado Marami nang nagawang batas ito Cynthia Villar – ang Mrs. Hanepbuhay Siya ang ating kaagapay Dadalhin ko sa senado Mga pambato ng pangulo Dahil kailangan sila ng mga Pilipino. -05/12/2013 (Dumarao) *My Yellow Poems Collection…written on the day before the Elections
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 9:35 PM UTC
Team PNoy – Iboboto Ko Nang Matuwid!
Ngunit walang kaparis ang hinahanap na piyesa Di mabibili gaya ng rubi't iba pang mamahaling bato Tuluyan man pinabayaan ito'y di mapapalitan ng bago Iisa lang ang puso ng saging sa mundo Ang pagitan ay sinagtaon sa kinatatayuan at mithiin Anggulo ng teleskopyo ay bahagya na pahilis Lumihis ang tanaw sa Polaris Paano matunton kung nalito sa direksyon Maabot kaya ng radyasyon? Guhitan nang matuwid ang Norte Kumakapit pa sa pinaglalaban ang pobre Sa dibinong galamay ng sansinukob ang tumulong para hagilapin ang nawawalang bituin at sulsihin tulad sa bahay-gagamba Maitim na imahe ay nananakal Tinangka na dakmain ito ngunit di masalat Kumalma at hinay hinay gumulong, inikot ang busol Naalimpungatan nang lumabas datapwat panaginip ang lahat Munting ninanais ay maisakatuparan kung ano ang nasa isip Nang hindi na makagalaw, susunduin ng awa At may aampon- habag ni Bathala Mamamayan ng Kanyang paraiso'y manunumpa
0
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 6:11 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #27
Ilang dekada na Lumaban ka raw para sa amin Hindi ko man lamang naabutan Patungo raw iyon sa demokrasya. Tingnan mo kami ngayon Ang daang matuwid ay putikan Ganito pala ang lasa ng imoralidad Na kayo-kayo rin ang nagtimpla. Marami nang nakatikim Ng pait at kakunatan ng inyong hain Ilan pa ba ang papalasapin? Kaawa-awang mga dila Mapapaso't kikirot Dulot ng sarili ninyong mantika. Katulad ng ibang baboy, Ilalabas ka sa hawla Nakalilihi ba doon? Kaya nanlumo kayo sa taba Tabang walang kainaman Hindi magamit panggisa ng kamalian. Sandamakmak pala kayo Nagsanib-puwersa sa looban Pinakakain nang tama, pinagsisilbihan Bagkus tambay sa kurapsyon Sa kulungang may posisyon. Bakal ang tali nyo Kaya't sumuko na't wag pumiglas Pagkat sa putikan ang  ruta Yang putikang kayo rin ang may gawa.
0
Jul 12, 2014
Jul 12, 2014 at 5:56 AM UTC
#PorkyProblems
Pagsinta na ipinanganak sa buwan na kulang-kulang ang mga araw Kadalasan ay dalampu't walo at sa tuwing ikaapat na taon nagiging dalawampu't siyam Winawangis sa tagsibol ang panahon ng pagsilang Kaya magiliw ang hangin, bagong simoy hatid ng dalampasigan Ang dapyo ng Amihan simbanayad ng paghinga sa pumapagaspas na dahon sa bumabaluktot na sanga Dahan-dahan nang nanaog ang kaluwalhatian ng langit sa mga batang umiibig sa mga binatang naghihintay nang nanabik Sa sumasangang pag-irog dalawa o mahigit pang katipan marami ang nagugustuhan Walang wasto at tiyak na kamalian sa pagmamahal Di ang mayayabong bukirin at nagsitaasang gusali ang makapaghahadlang Maging ang mga naging bulag na ay matuwid kung lumakad sa daan Sa batas ng pag-ibig ang kalooban ang magtitiis kung magkasala ang damdamin ang maghihinagpis
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 1:47 AM UTC
Puso ng Pebrero I
Ang husay ng iyong gawa na idadamot ng aking mga kamay Hindi ito pusong o sumpong pero ako’y naniniwala na hanga ako Paano na mas matalas ang iyong lapis kumpara sa akin? Wala na bang masasabi? Ang pangarap nakatago sa likod ng alapaap Ang lilim ay parang dating kaibigan na nagkimkim ng aking mga kamay Pero kailangan maghiwalay, dahil sa mga masasamang damo Maganda ang itsura, may dating. Masaya manira ng tama Mag-asim ang gatas ng ating mga anak Hawak-hawak mo ang aking mga kamay Itaga ko para mabigay sa iyo ang nagbibigay buhay sa utak ko Kunwari hindi lumipad sa malayo ang aking mga pilik-mata Kunwari lumipas ang minuto kesa sa panahon Malupit ang oras sa kwento ng bata Masakit tignan na malayo ang mga pinagasa Sungkitin mo ang mga iniisip ko Matigas ang ulo Ihukay ang masasamang damo Parang maliit na bulaklak lang Sayangin ang buhay na hindi nagbibigay buhay
0
Aug 22, 2017
Aug 22, 2017 at 2:01 PM UTC
Sumpong ng Matuwid
Katabi ko na sana Ang tiyak na pag-asa Subalit ako’y napariwara Nang matukso ng mga kalaban Na lumihis ng daan At talikuran ang pinanggalingan Kapalaran bumaluktot Pangarap naudlot Itinuring pang salot Sa landas nagkandaligaw-ligaw Nagkapundi-pundi ang tanglaw Kinabukasan waring napupugnaw Pati mga minamahal nadamay Sa palubog na barko isinakay Natibag ang mga suhay Sa pagtakbo ng matulin, natinik ng malalim Sa paglipad ng mataas, bituin ay nanimdim Huwag sana tuluyang igupo sa lagim Kung ako’y naging mahina, sana’y patawarin Ang mabuhay nang wala kayo, hindi ko kakayanin Nawa’y pakinggan po ang aking panalangin Na ako’y ibalik sa tunay na pinagmulan Ang kalyeng dilaw – matuwid na daan At aking isinusumpang mamahalin kayo nang lubusan. -07/31/2012 (Dumarao) *My Twilight Poems Collection
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:06 PM UTC
Panaghoy kay PNoy
1 Isang prinsesang bawal yumapak sa lupa Siya ang binukot na si Dara 2 Ang kanyang edad ay labimpitong taong gulang Natatanging anak ng mga magulang 3 Matuwid at makintab ang maitim na buhok Mana sa amang hari na mapusok 4 Maputi at makinis ang balat Mana sa inang reyna na madalaing magulat 5 Tapang at nerbiyos sa dugo nananalaytay Matapang sa buhay, natatakot mamatay 6 Sukdulan sa proteksiyon at pagka-sensitibo Kaya ‘di pa nakalalabas ng kwarto 7 Subalit mayroon din naman siyang libangan Kumanta at manood ng mga mangingisda sa durungawan. -06/22/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:57 PM UTC
Daragus 1 -Si Dara-
Matuwid na dila Matapat na mga mata Mabuting gawa Matatag na pagsasama – Kapag isa sa kanila Ang kulang o mawala Masasabi mo ba Na buo ang tiwala? -03/30/2012 (Dumarao) *Walong Maiikling Tula ng Kahapon, Ngayon at Bukas
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:22 PM UTC
Pagtitiwala