Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"matiis" poems
Kaibigan, pinakamasakit na tinawag mo sa akin, Na lubhang kumirot at tumusok sa damdamin, Isang bagay na tumuldok sa aking naisin, Isang kirot at hapdi na kay hirap alisin. Kaibigan, isang taong laging nandiyan, Hindi ka iiwan o lalayuan kailanman, Lahat ng sakit at luha mo’y maiintindihan, Hindi ka matiis kahit mapunta saanman. Kaibigan, isang mapagpanggap na kaaway, Na palagi sayo’y nakangiti’t kumakaway, Ngunit sa iyong pagtalikod hanap ay away, Iyong pagbagsak ay kanyang tagumpay.
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 7:40 AM UTC
TATLONG LEBEL NG KAIBIGAN.
Sa mundo nating ito, hindi imposibleng makahanap ng kaibigang totoo. Kaibigang tutulong sa'yo sa oras ng pangangalaingan Palaging nandiyan sa tawanan man o iyakan Ang natatanging mahal mo na hindi mo kasintahan o kadugo Ang taong nakamarka na sa iyong puso. ang aking mga kaibigan ay nagbibigay kulay sa aking mundo. akoy kanilang ipinagtatanggol laban sa mga masasamang tao. may mga pagkakataon na hindi kami nagkakaintidihan, minsan ay hindi nagpapansinan ngunit sila parin ang sinasandalan at kinokopyahan. kahit na hindi ako mayaman , ako parin ay nauubusan ng pagkain paminsan-minsan. nagtitipid na nga ako pero ubos parin ang baon ko. OH! mahal kong mga kaibigan hindi ko na minsan matiis ang inyong katakawan. matagal na akong nagtitiis at nagtitimpi dahil palagi na lang kayong nanghihingi. dahil mahal ko kayo at pinahahalagahan ang pagtitiis ko ay kailangan.
0
Sep 9, 2014
Sep 9, 2014 at 11:22 AM UTC
Aking kaibigan!
Masakit pa rin pala Nang aking maalala Ang unang araw kung san tayo'y nagkakakilala At sinabi mo 'Ate dito ka ba?' Sobrang sakit pa rin pala Nang aking maalala Ang mga salitang nabanggit mo na 'gusto kita' Pero mas lalong masakit nang malaman ko na ikaw ay meron ng iba. Ngunit ako si tanga at di sumuko Dahila ako'y nangako na kakayanin ko Kakayanin kong makita at matiis na meron kang iba Habang ako, ito nagluluksa. Masakit pa rin pala Nang aking balikan itong mga matatamis na alaala Na lahat ay nangyare na sa nakaraan, At kailangan ng harapin ang kasalukuyan Kasi hanggang ngayon, ang sakit sakit pa rin pala. Dahil di ko matanggap na siya ang pinili mo at di ako Pero pangako kakayinin ko, Kasi mahal kita, at iyon lang ang masasabi ko.
0
Dec 2, 2015
Dec 2, 2015 at 5:29 AM UTC
Masakit pa rin pala
Kay tagal kong hinintay itong araw na 'to, Marahil matagal tayong di nagkatagpo, Siguro ito na yung tamang pahahon para sabihin ito, Gulong-gulo ako hindi ko na alam ang gagawin ko. Maingay na lansangan, Mga taong nagsisigawan, Sobrang gulo ng kapaligiran, Pero ako patuloy na blangko ang isipan. Mahal, hintayin mo ko, sandali na lang to, huwag ka munang umalis, sana man lang kahit ngayon ako'y iyong matiis. Mga tatlong kanto pa ang layo ko sayo, Maaari mo ba kong mahintay pa, mahal ko? Paumanhin kung napatagal ang pagdating ko, Hindi ka na tuloy nahintay ng mga kaibigan mo. Pero eto na ilang hakbang na lang malapit na ako, Isa... dalawa... dalawa... Pero teka... Bakit parang hindi ka masaya? Bakit parang nadismaya ka pa? Sa puntong yun hindi ko talaga alam. gutom. pagod. uhaw. Kaya't sabi ko sa sarili ko gusto ko nang bumitaw, Pero mahal... ayoko pang umayaw, Baligtarin man ang mundo ang hahanapin ko'y ikaw parin at ikaw. At habang papalapit na ako, Mas naaninag ko na ang mukha mo, Tama nga ako, Hindi ka nga masaya sa pagdating ko. Pero nung niyakap mo ko at humingi ka ng tawad... Hindi ko alam kung anong unang babagsak, Ako ba o yung mga luha sa mata ko na nag-uunahang pumatak. Sa bawat sandaling iyon di ko talaga alam ang sasabihin ko, Hindi ko na alam ang gagawin ko, Kaya ayun... hinayaan ko na lang tumulo ang mga luha ko, Hinayaan kong ang mga mata ko ang magsalita para sa nararamdaman ko. Pero sabi ko sa sarili ko, " Gusto ko pa... Kaya ko pa naman." Kaya nung niyayakap mo ko, Alam mo kung ano naramdaman ko? Alam mo kung ano tumatakbo sa isipan ko? Hindi ko kakayanin kung ibang tao na ang yayakapin mo ng ganito. At sa pagkakayakap mo, Mas naramdaman ko na mas gusto ko pang kumapit sayo, Naramdaman ko na hindi ko kayang mawala ang taong to, Kaya napatigil at napaisip ako, Bakit nga ba ako kumapit sayo? Kasi... Mahal kita. Mahal Kita. sa kung paano mo ikwento ang mga bagay na gusto mo, sa kung paano mo tingnan ang mga mata ko, sa kung paano mo napapasaya ang araw ko, sa kung paano mo hawakan ang mga kamay ko sa harap ng maraming tao. Mahal kita. At sa tuwing kausap kita, Ngiti sa mukha ay hindi maipinta, Marahil ang boses mo ay parang musika, Kaya't puso'y laging naaalala ka. Lilipas ang mga araw at buwan, Tayo ay magkakatampuhan, Mga tao'y magsisilisan, Pero ako, dito lang ako di kita iiwan At sa mga oras na ito alam kong hindi pa huli, Mahal, may itatanong ako at sana ay pag isipan **** mabuti, Pag isipan **** mabuti dahil alam kong hindi ito madali, Mahal, pwede bang ikaw na ang aking una't huli? 12/27/18
0
Jul 19, 2019
Jul 19, 2019 at 6:34 AM UTC
Una't Huli

Continue reading...
70
Magrasang damit ng batang madungis tyang gutom at katawa'y malangis palaboy-laboy sa eskinita pagala-gala sa kalsada uupo sa sulok may katabing lata limos na inaabot ang lata sa mga tao nagmamakaawa para makakuha kahit kaka-unting barya Paglipas ng hapon at pagsapit ng gabi walang paligo at katawa'y makati ang naipon nyang pera kulang kulang sampu ang halaga di na matiis ang gutom nagkalkal ng basura sa tagal walang makita nainip, nakatulog, nahiga, ang naipong barya idadagdag nalang bukas sa lata
0
Aug 18, 2011
Aug 18, 2011 at 12:55 AM UTC
Palimos
Isang taon ang muling lumipas, Di ko na namamalayan ang pagtakbo ng oras, Mahal,bagong taon na! Nais ko lamang itanong—may pag-asa na kaya? Ilang taon na rin akong nag-aantay ng sagot Yung puso mo,ilang taon ko nang inaabot— Ngunit hanggang ngayon,nanatiling mailap Kelan ba babalik sa dati ang lahat? Isa lang naman ang hiling ng pusong nalulumbay Makasama kita habang buhay! Tanda ko pa kung gaano tayo noon kalapit sa isa't-isa Pero nagbago ang lahat ng mahulog ako sayo sinta, Hindi ko sinasadyang mahalin ka— Yan ang tangi kong nasambit Ngunit di mo pinakinggan kahit na aking ipinilit, Lumayo ka't iniwan akong nag-iisa Sa gitna ng kawalan,iniwan **** nagdurusa Kelan ka babalik?Hindi ko na kaya! Pagkat sa bawat araw na magdaraan Lumalalim ang pag-ibig na nararamdaman Kahit na aking pigilan— Mahal,Hindi ko matiis na wala ka! Kahit na ba nasanay na sa pag-iisa Ikaw pa rin ang hanap sa tuwina.. Isang taon akong nagtago ng nararamdaman Ngunit tila habang buhay ang epekto ng iyong nalaman! Ang nais ko lang naman,makapiling ka Kahit na alam kong may mahal kang iba— Oo,ako na yung Tng! Masisisi mo ba ako? Masama bang mahalin ang isang tulad mo? Siguro nga tayo yung matatawag na "pinagtagpo ngunit di itinadhana" Kaya siguro din,dapat na akong magpalaya, Alam kong sa iba ka nakatadahana Nagkamali lang si kupido sa pag-asinta ng kanyang pana Kaya mahal, ang tanging hiling ko bago tuluyang umalis, Maari bang ibalik yung "dating tayo"? Bilang " magkaibigan!"— ano ano na namang iniisip mo! Susubukan kong pigilan ang pusong makulit At patawad mahal,sana'y di ka na galit... :)
0
Mar 23, 2018
Mar 23, 2018 at 11:14 PM UTC
"Mag(-)ka(-)ibigan (TAYO)"

40
Di ko mawari kung bakit mas masakit Ang mga katagang "mataba kana" Pag sa bibig mo galing ay mapait Gusto ko lang sana'y madama Na sayo ako'y may halaga Ngunit imbes na matatamis na salita aking madinig Ang pagtaba ko lang iyong bukambibig Kung sa ibang tao ay kayang palampasin Pero pag ikaw ang nagbitiw, Kaya akong inisin Oo, maari Sa timbang akoy nadagdagan Aba'y sa quarantine nga naman Oras di mo na malaman Minsan di mo na nga namamalayan, Dalawang beses kana palang nag hapunan. Pero kasalanan ba talagang maituturing Ang makailang beses kong pagkain? Eh sa may kaya kaming ihain Afford po namin Ang ilang beses na mag saing Mas pinipili ko kasi magluto Kasi la pa ako lakas ng loob mag TikTok Lalo pa ngayon nasabihang mataba Aba aba Hampasin ko yang pangit **** baba Pero joke lang kasi mahal kita, kahit na bash moko miss pa rin kita Kaya hayaan mo ako magtampo ng konti Bukas baka humpa na ang inis Kasi di kita matiis Ikaw ay aking miss
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 2:17 PM UTC
Bakit pag mahal mo mas masakit?
sa unang sulyap, nabago mo lahat sa unang isang oras, isang iglap ako ay iyong iyo na sa sandaling nakita ang sinag sa iyong mga ngiti nagbubunyi ang mga matang naaakit sa mga sulyap nating nagsasalit di ko inasahang mananatili patawarin; di ko na mai-alis ang titig ko’y wari’y di mo na nais di na matiis ikaw sulyapan pa sana’y di na ito matapos pa ang sandaling nakita ang sinag sa iyong mga ngiti nagbunyi ang mga matang naakit sa mga sulyap nating nagsalit di ko inasahang nanatili.
0
Feb 19, 2017
Feb 19, 2017 at 9:48 PM UTC
Orasa
Ang mga bati mo Ay laging may ngiti At ang bawat bulaslas ng iyong labi Ay may kasamang tawa Na kay tamis sa pandinig Pero Nung tiningnan ko Ang iyong mga kumikinang na mata Aking napansin na ang mga ito'y sanay Na pala sa luha at nung Hinawakan ko Ang iyong mga matipunong kamay Naramdaman ko na ikaw pala'y Nanginginig Sa takot at galit *Ewan ko sa 'yo pero Hindi ko na matiis ang iyong hinagpis.* Lumabas ka na sa iyong pagtatago. Walang ikabubuti Ang iyong makasariling pagsasarili At Higit sa lahat Huwag na huwag **** kakalimutan Na ako ay para sa iyo at Nandito lang ako palagi.
0
Jun 4, 2014
Jun 4, 2014 at 10:18 AM UTC
TNT
Hay nako, Bakit ganto? Di makatulog dahil sa'yo. Replyan mo 'ko please! 'Di ko na matiis! Kelangan ko lang 'tong ma-release! Gusto kita , Ngunit nahihiya. Iniisip mo parin ba siya? Pwede bang me nalang, Poging nilalang? Effort saki'y 'di masasayang!
0
Apr 27, 2016
Apr 27, 2016 at 6:54 PM UTC
Tula
Alam ko may problema Pero wag ka masyadong mag alala Kasi sobrang nakakairita Ayoko nalang magsalita Baka mahampas kita Ako nalamang ay titingin sa kawalan At magiisip ng mga bagay na walang katuturan Kahit papano, pinagagana ko naman utak ko Di sa paraang ako'y madedehado Magbabasa nalamang ngunit sa isang salita't ingay mo lang baka di kita matiis at masampal kita harap harapan kaya kung pwede lang wag kang umaktong mang mang na tila di mo maintindihan ang sino man
0
Aug 7, 2015
Aug 7, 2015 at 8:19 AM UTC
kung pwede lang