Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mamahaling" poems
Bakit ba Ganito sa pinas Kung saan masyado tayong tutok sa tamang landas Landas na di naman natatahak Pagkat lahat ng pangako ng mga naging pangulo ay puro palpak Ano nga ba ang tamang landas Palagi na lamang itong bukambibig ng mga taong malalaki ang bibig ngunit maliliit at malalamig naman ang mga puso. Wagas kung makapagsabi ng tamang landas Kailan ba magwawakas ang pagpapatag sa tamang landas Tila masyado nang nabigyang importansya ang paghahanda sa tamang landas Na naaaksya na ang pera ng ating mga probinsya Ang mga pangakong napako Ang mga pulitkong napako na sa pagtahak sa landas na ito Na tila nakakalimutan na nilang isama ang sambayanan sa pagtahak nito Ang mga mamamayang pilipino na naubusan na ng lakas Pagkat wala na halos mailagay sa hapagkainan na bigas Sa walang katapusang pag taas ng tax upang mabuo at mapatag lang ang sinasabing tamang landas Mga pukitikong Masyado nang naging overly attached sa tamang landas Na tila konting lubak lang kuha agad sa kaban ng bayan... Sa pera ng mga mamamayan.. Upang magpagawa ng bagong daan. Mas matuwid na daan. Wow. Gusto nyo ba ng sapak? Bakit hindi nalang hayaan ang malubak na daan? Bakit hindi nalang hayaan ang konting baluktot sa daan? Basta siguraduhin lang natin na tama ang ating pupuntahan. Na pagdating natin sa ating paroroonan, paglingon natin ay wala na tayong babalikan dahil wala na tayong naiwan. Magkaroon man ng galos sa paglalakbay, ang sakit ay kayang pawiin ng haplos ng kapwa pilipinong naging kasama mo sa pagtahak ng daan na tnahak ng bawat pilipino. Ang kailangan namin ay isang pinuno Hindi pangulo na ituturo lamang ang tamang daan habang nakasakay sa kanyang mamahaling sasakyan at hindi na namamalayan na kanya na palang naiwan ang mga mamamayan.
0
Oct 18, 2015
Oct 18, 2015 at 12:19 AM UTC
Bakit ganito sa Pinas? (TAGALOG)

Continue reading...
27
kumikinang ang mamahaling parol na nakadambana sa bintana ng mansion na nasa loob ng isang malaking subdivision. nagniningning ang patay sindi nitong kulay na umaaliw sa balana. salamat sa malaking pakinabang na kanyang kinita nang walang anomang pakundangan sa dugo at pawis ng mga abang manggagawa. nasa kanyang sala naman ang mataas na Christmas Tree habang sa paanan nito nakahandusay ang kahon-kahon na magagarbong mga regalo. malayong-malayo ito sa barung-barung ng mga nagtitiis sa siphayo ng dusa at karalitaan. ang mahabang lamesa na nasa kanyang komedor ay talagang pinagpala sapagkat nakapatong dito ang hiniwang hamon, keso de bola, spaghetti, carbonara, lasagna, ubas at ang lahat ng masasarap na pangarap ng isang batang kalye na kumakalam ang sikmura habang tinitiis ang ginaw ng Disyembre. matapos ang kanyang masaganang Noche Buena ay mauupo sya sa kanyang malambot na sofa na di halos mabilang ang libong halaga. dun n'ya iinumin nang buong pagmamalaki ang mamahaling brandy o di kaya naman ay whiskey. katabi ang kanyang pamilya sabay-sabay silang manonood ng misa habang nakatuon sa higanteng flat screen na telebisyon. ang homily ng ingleserong pari ay patungkol sa pag-ibig sa kapwa at pagbibigayan.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:32 AM UTC
Ang Pasko Ng Burgis
Hawak ko ang tintang bilang ang kulay Pero di pa ganoon kabihasa, Di gaya Mo. Posibleng maiguhit ko ang langit Pero paiba-iba ang istilo nito Nagbabagong bihis ang ulap Pagkat hinihihipan siya ng hangin. Kukuha ako ng litrato Para lamang makuha ang detalyadong anyo At saka ko titingnang muli Unang tingin, pangalawa, pangatlo Ako'y nabibighani. Maaaring magaya ko ang mukha Pero pag ako'y titingala't sisilip Hindi rin pala magtatagpo sa iginuhit. Itatapon ko ang lahat Maging mga mamahaling kagamitan Pagkat hindi abot-langit Itong istilong tila pangmakasarili Hindi pasado sa panlasa **** Panglangit din ang batayan. Ako'y bilib Sayo Pagkat sa pagsuyod ng panaho'y Hindi Mo nauulit ang larawan ng langit Panibago araw-araw, Mula ulo hanggang paa nito. Walang kupas, walang katulad Gaya Mo, Eksperto sa Larangan ng Sining. Ako'y mapaluluhod, sasayad sa lupa Ihahain ang palad Hanggang sa kalyo na ang mga ito Pagkat ginagamit Mo na, Gamit na gamit Mo. Hindi Ka napapagod sa paghalo ng kulay May lungkot at saya ang timpla Pahiwatig mo'y ganyan ang buhay, Pabagu-bago ang, Ikaw lang hindi. At markado Mo ang araw, Saulado Mo ang lahat, Pagkat Ikaw ang Tagalikha Oo, Ikaw, Ama. Gusto kong magmana Sayo, Sa guhit **** hindi ko makuha-kuha, Sa istilo **** walang katulad, Pagkat iba ang Iyong paningin, Iba ang pag kumilos ang Iyong mga kamay, Lahat kayang hulmahin, lahat kayang baguhin. At ako'y isang hanging bula, Maglalaho't liliparin ng bukas, Bagkus ang bukas ay habambuhay Sayo, Salamat sa matamis na kahapon, ngayon at bukas.
0
Oct 9, 2015
Oct 9, 2015 at 8:28 PM UTC
Pamana ng Ama

51
Ngunit walang kaparis ang hinahanap na piyesa Di mabibili gaya ng rubi't iba pang mamahaling bato Tuluyan man pinabayaan ito'y di mapapalitan ng bago Iisa lang ang puso ng saging sa mundo Ang pagitan ay sinagtaon sa kinatatayuan at mithiin Anggulo ng teleskopyo ay bahagya na pahilis Lumihis ang tanaw sa Polaris Paano matunton kung nalito sa direksyon Maabot kaya ng radyasyon? Guhitan nang matuwid ang Norte Kumakapit pa sa pinaglalaban ang pobre Sa dibinong galamay ng sansinukob ang tumulong para hagilapin ang nawawalang bituin at sulsihin tulad sa bahay-gagamba Maitim na imahe ay nananakal Tinangka na dakmain ito ngunit di masalat Kumalma at hinay hinay gumulong, inikot ang busol Naalimpungatan nang lumabas datapwat panaginip ang lahat Munting ninanais ay maisakatuparan kung ano ang nasa isip Nang hindi na makagalaw, susunduin ng awa At may aampon- habag ni Bathala Mamamayan ng Kanyang paraiso'y manunumpa
0
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 6:11 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #27
“Live as if you were to die tomorrow. Learn as if you were to live forever.” ― Mahatma Gandhi Malaking bahay, maraming pera at katakot-takot na mamahaling mga bagay-bagay. Ito ang pangarap ng marami at pinagsusumikapan ng halos lahat ng taong nabubuhay. Kunsabagay walang masama sa mga ito, ika nga libre lang ang mangarap. Pero hindi lahat ay pinagpala, hindi lahat nagkakamit ng pangakong gantimpala. Kaya nga may mahirap at mayaman. Habang may mga nagpapala sa initan ng kalsada may mga naka-de-kwatro na salaula at mga mapang-upasala sa loob ng aircondition na ‘kwarto. Masarap maging mayaman, yun bang masagana at hindi kinukulang. Yung kahit anong oras ay ‘pwede kang mag-abroad, o di kaya naman ay kumain sa mga mamahaling restaurants kahit anong oras mo mapag-tripan. Tapos pag summer time na syempre maliligo naman dun sa Boracay. Foam Party sa gabi at katakot’takot na sosyalan sa buong magdamag. Sarap talaga ng buhay ng isang mayaman. Pero anong halaga ng lahat ng mga ito? Madadala mo ba ang laksa-laksang karangyaan na tinipon mo? Diba hindi naman?   Karunungan, ito ang higit na mahalaga – higit pa sa kayamanan. Hindi katalinuhan na nakukuha sa mga aklat at natutunan sa mga mamahaling unibersidad. Ang maunawaan ang katuturan ng buhay mo yan ang importante sa lahat. Ang lubos na maunawaan ang mga hiwaga na nasa pagitan ng pagsilang at ng kamatayan ito ang tunay na kayamanan. Ang umibig at yakapin ang minamahal na parang hindi mo na makikita ang bukas. Katulad ito sa sanlibong sinag ng araw sa iyong puso. Ang makita ang paglaki ng iyong mga anak at makasama sila sa hapag tuwing oras na ng kainan. Ito ang mga tunay na yaman na walang katapat na halaga. Ito ang mga bagay na dapat nating pagsumikapan na makamtan.
0
Nov 9, 2017
Nov 9, 2017 at 1:58 AM UTC
HIGIT SA KAYAMANAN

5
nadala ako sa talang , may hawak ng buwan at bituin na di hamak walang sinabi ang mga mamahaling bagay gaya ng singsing nadala ako sa karagatan punong puno ng bagay na di pa natutklasan na kung san gusto kong sisirin mga kayamanan, mga kasaysayan, mga inpormasyong dapat pang alamin kaya ipagumanhin mo sana kung ako'y hirap tumingin ng diretsuhan sayong mga matang puno ng kabubuluhan dahil takot lang akong mawala sa mga titig **** kung san san akong puedeng idala sa mga nakalipas na araw, alam kong napansin mo na sa lahat ng mga sinalihan ko ay lagi lang akong talo kaya sa ika-28 ng Marso aking napagtanto na gusto kong maligaw sa mga titig mo sinasabi ko sayo, makamit lang ang iyong oo, katumbas na ito ng isang milyong pagkapanalo
0
Mar 4, 2016
Mar 4, 2016 at 5:05 AM UTC
Untitled
Kawawang syudad puno ng gintong konkreto di magkandaugaga mga desperadong mata. Kawawang syudad may mga mamahaling mesa di magkandaugaga mga desperadong bunganga.
0
May 31, 2014
May 31, 2014 at 9:12 AM UTC
Ang Syudad
Kaygandang pagmasdan ang kalangitan, Punong-puno ng kumikinang na yaman. Nandito pa ang nakakabighaning sinag ng buwan, Na siyang nagtatanglaw nitong gabi ng karimlan. Kaygandang pagmasdan ang iyong mga mata, Punong-puno ng pagmamahal at pag-ibig sinta, Nandito pa ang nakakabighani **** ngiti Na siyang nagbibigay ilaw sa puso kong ikaw lang ang minimithi. Kaygandang pagmasdan ang kalangitan, Punong-puno ng mamahaling kayamanan. Nandito pa ang buwan na nagtatanglaw Nitong gabing musika’y nag-uumapaw. Kaygandang pakinggan ang musika ng gabi, Kasing ganda ng busilak **** mga ngiti sa labi. Nandito pa ang mga yakap **** nagbibigay saya Nitong damdamin na mahal na mahal ka
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:36 AM UTC
GABI AT IKAW
Magarbong pagkain…wala sa hanap ko Mamahaling damit…wala sa tipo ko Marangyang bahay…wala sa plano ko Magarang sasakyan…wala sa kailangan ko Maluhong kagamitan…wala sa hilig ko Mariwasang pamumuhay…wala sa ibig ko Ang nais ko lang ay ihandog sa mundo Isang natatanging Legasiya ng Lahi ko! -07/17/2015 (Dumarao) *My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 10:23 PM UTC
Legasiya ng Lahi Ko
At noong una kong makita ang katawan **** maputla at malamig, Noong ang suot mo'y mga sugat imbis na alahas at palamuti, Bala't mga bubog imbis na hikaw na pilak, Mga pasa't bugbog imbis na koloreteng mas mapula pa sa mamahaling alak, Kasama ang papel na hawak mo sa iyong kaliwang kamay na nagsasabi, "Walang salitang lalabas sa iyong mga labi, Ikaw, ako, at ang siyang oras na nalalabi, Ang katotohanan ay nakatago sa aking labi," Ngunit sa ngayon, Ang kamay mo'y buhangin, Na sa lalong paghigpit ng aking pagkakabigkis, Ay mas lalong nauubos at umaalis, At sa pangalawang pagkakataon, Kapag ang mga mata'y muling nagkita, Ang mga daliri'y hindi na isasarado, Hindi na hahayaan na kahit isang butil ng buhangin ay malaglag mula sa aking mga palad, Pero sa ngayong tinitignan kita, Kahit pa na wala akong makita kundi itim at asul, At ang mga mantsa ng luhang naging dugo sa kakamakaawa, Mas lalo kang gumaganda, At sana, Pati ang langit makita ka.
0
Mar 14, 2022
Mar 14, 2022 at 10:21 PM UTC
Bangkay (2019)