Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kaaway" poems
Ba't di mapigilan 'tong nararamdaman Kahit aking puso'y lubos ng sugatan Punyal na tumarak dito sa 'king puso Hinagpis ng dibdib na luha ay dugo. Kaysakit isipin kung bakit ganito Lungkot ay bumalot dito sa 'king mundo Laking pagsisisi kung ba't ba nagawa Lahat ng kamalian sa'yo oh! Sinta. Sabihin man nila ako'y isang tanga Puso'y di nagsisi ng piliin kita Sa 'ting mga kaaway ipagtatanggol ka Kahit buhay ko pa ang bawiin nila. Ulan man o bagyo, aking tatahakin Aking iniirog wag mainip sa'kin Maghintay ka lamang tanging panalangin Kanser na pagibig, dapat ba sa akin.
0
Jul 18, 2015
Jul 18, 2015 at 11:40 AM UTC
Kanser na Pagibig
Kaibigan, pinakamasakit na tinawag mo sa akin, Na lubhang kumirot at tumusok sa damdamin, Isang bagay na tumuldok sa aking naisin, Isang kirot at hapdi na kay hirap alisin. Kaibigan, isang taong laging nandiyan, Hindi ka iiwan o lalayuan kailanman, Lahat ng sakit at luha mo’y maiintindihan, Hindi ka matiis kahit mapunta saanman. Kaibigan, isang mapagpanggap na kaaway, Na palagi sayo’y nakangiti’t kumakaway, Ngunit sa iyong pagtalikod hanap ay away, Iyong pagbagsak ay kanyang tagumpay.
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 7:40 AM UTC
TATLONG LEBEL NG KAIBIGAN.
Kling Klang....  Kling.. Klang.. Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan, Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan. Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan; Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan, Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan, At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran. Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan, Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan, Maruming damit, gusgusing katawan, Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran. Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman, Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan. Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan, Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan. Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan. Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan. Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan; Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan. Ilang minuto pa'ng nakakaraan, Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan, Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan. Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan? Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan Ang unti-unting nagsipatakan. Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan - Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan, Isang taon pa lamang ang nakakaraan! Dugo'y nag-unahan sa pagpatak, Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan. Babae'y nanghina't nagsumamo Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa anghel sa tiyan nito. Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay; Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan. Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban. Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan. Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian. Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan, Ang naging usap-usapan sa pamayanan. Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan. Sa gitna ng pighati't panlulumo, Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay. Tunog ng madamdaming dalamhati. Musikang malumanay, .......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay. Kling Klang... Kling.. Klang..
0
Apr 30, 2015
Apr 30, 2015 at 10:57 AM UTC
Kampana

Continue reading...
46
Di niyo ba alam na nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa? Na ang mundong ito'y Kanyang binigyan ng hugis at anyo gamit lamang ang mga salitang dumaan sa Kanyang bibig? Na nung sinabi Niyang, "Magkaroon ng liwanag!" Nagkaroon nga. Di niyo ba alam na kaya Niyang humarang sa agos ng dagat, ipaawit ang mga bituin, ipaluhod ang bulubundukin? Di niyo ba alam na ang kapangyarihan na ito, ang kapangyarihang ginamit Niya para ibuo ang mga planeta, ang kapangyarihang ginamit Niya para tigilan ang pag-akyat ng buwan nung lumalaban sina Joshua, ang kapangyarihang ginamit Niya para bigyan muli ng buhay ang yumao ay nasa atin din? Ito ang Kanyang pangako: Na tayo'y binigyan ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at ang lahat ng kapangyarihan ng ating kaaway Di niyo ba alam na may kapangyarihan sa pagsamba sa Kanya? Di niyo ba alam na nung ikapitong ikot sa ikapitong araw, mga trumpeta at boses ng Kanyang mga anak ang ginamit ng Diyos para ibagsak ang Jerico? Sumigaw na tayo sapagkat nasa atin na ang tagumpay Sumigaw na tayo sapagkat sa Kanyang pangalan ang pag-asa ng mundo sa Kanyang pangalan, lumiliwanag ang dilim sa Kanyang pangalan, lahat ng takot ay nadadaig Sambahin natin ang Panginoon ng buong galak ng buong puso nanginginig at mga demonyo sa pangalan ni Hesus tumutumba ang mga harang ng impyerno sa pangalan ni Hesus Tayo'y magkaisa, itaas ang mga kamay tayo'y magkaisa, itaas ang iyong boses gaya ng mga trumpeta tayo'y magkaisa Sambahin natin ang Diyos na buhay, ang Diyos na dakila!
0
Jan 7, 2016
Jan 7, 2016 at 8:56 AM UTC
Di Niyo Ba Alam

63
Heto't nag-iisa, Malungkot at walang kasama, Hinahanap ang ligaya, Nabulag ng lungkot, saya'y di na makita. Sapagkat hinahanap yung makakaagapay, Sa mga panahong lumbay ang kaaway, Kaya nga kay lungkot ng bakasyon ko, Takot na ako'y limutin mo. Ako sayo'y nangungulila, Ang aking nag-iisang tala, Ang hinahangad na makita, Sa gabing kay dakila. Sayo, di gustong mawalay, Ang laman ng damdamin kong tunay, Ayaw kong ako'y mapang-iwanan, Mapang-iwanan at makalimutan. Ako'y takot sa katotohanan, Na sa buhay, walang pang walang hanggan, Na ang lahat ay may katapusan, Na ang lahat ay pwede kang iwan. Walang magagawa, yung ang totoo, Kaya damdaming ito'y itatago ko, Kaya ang tiwala ko'y ibubuhos ko sa'yo, Tiwalang ako'y maaalala mo, kaibigan ko.
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 12:23 PM UTC
Pangungulila
Hindi naman ako galit Sayo'y hindi naman inis Katapatan ganon parin Kaibiga'y maramdamin Patawad unang sambit Nitong kaibigan ay hibik Paumanhin nawa'y kamtin Siyang aking panalangin Sama ng loob ang dulot Kaibigang aking nilimot Ngunit hindi nayayamot Mawala ka'y aking takot Tawanan laging naaalala Biruan nating masasaya Payo mo'y pumapayapa Ng pusong lagi lumuluha Sanay 'wag akong limutin Kaibigan nagtatampo din Gaya mo rin, may suliranin Araw-araw aking pasanin. Patawad kung nahirapan na ako ay pakisamahan Patawad kung di masiyahan na ako ay pakitunguhan Sanay huwag magsawa Laging may laan na unawa Kahit minsan nagagawa Sayo'y hindi na nakatutuwa Mga salitang akin nabitawan Pawang totoong kahulugan Subalit kaaway pinipigilan Ang pagbabagong inaasam Ngunit iyong laging tandaan Oh aking mahal na kaibigan Ikaw siyang kinasangkapan Upang tungkuli'y masumpungan Salamat sa Dios sa tulad mo Sa mabubuting aral at payo Ako'y walang kabuluhang tao Kaibigan, sakin ikaw ay modelo
0
Jun 4, 2019
Jun 4, 2019 at 9:15 AM UTC
Kaibigang Tunay
Dito sa Lungsod ng mga siksikang tren sa umaga at sa gabi ng paglubog sa mga makinarya, Ang sentro ng pabrikang papel at usok, na buong bilis sa inaliping katapatan at tapang ay naninirahan palagi sa piling ng mga madaming mga ipis at daga. May nalilimutan na mahalaga tungkol Sa tahimik na hele ng mga flourescent na ilaw, kaalwanan ng mga matatayog na pangako ng condo't bagong mga kainan, magagarang mga pabuya. Mga panibagong mga tagisan ng lakas sa mga makabagong Coliseum ng Roma, sa bawat amoy ng dugo at bagong silang. May tipo ng sukal na wala sa mga gubat, at tunog ng mga malalakas na putok ng baril na wala sa digmaan. Tila sa kahit anong panahon, mag-alsa man mismo ang Kalikasan at magpadala ng Tsunami, magpalindol at magpaputok ng bulkan sa panahon ng kakaibang asul at pula na buwan sa pagkakabuwal ng bagong bilang ng mga magsasakang sa mga mass-suicide mula India, Korea, at Pilipinas dahil sa di-pantay na mga batas kalakalan: Ipadala man ng mga makata't hukbong gerilya ang kanilang pinakamatikas at pinakamatatapat na mga bilang sa mga pagsubok ng panibagong mga pag-aaral at pagsasapraktika, maaaring Puting Elepante din ang hindi sasapat ang kabayaran para sa mga utang na dapat matagal nang nabura at naigpawan. Mula sa lakas at pwersa hindi lang ng mga diyos ng mga sari-saring pampulitikang mga pormasyong nagdidirehe sa mga kilos ng mga taong kapit na sa patalim, Kung hindi mula din sa lakas ng mga nangahas mabuhay at lumikha ng mga paraan para makapagpatuloy na makapagaral ng sariling pagkamulat: Ang kaaway na papel na salapi o papel na tigre ay nilikha din ng tao para din lamang maunawaan ang mga sariling kahinaan, mamulat sa mga repleksyon ng mga nagbabagong sarili sa gitna ng unos, upang matiyak ang yapak at mabuo ang mga hanay at kahandaan ng mga unang hawan, at huling mga walis. Ang mga kalabisan ay para lamang mapatingkad ang kahinaang dala ng kasaysayang nagluwal, ang kawalan ng pagpapahalaga sa binubuhay na mga palitan.#
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 2:26 AM UTC
SIYUDAD (City: Bones of the Jungles)

45
Kasiyahan na minsan hindi makita Dahil sarili mismo ang nagkukubli Sa tingin natin sa iba makikita Nun pala ito'y nasa ating pagpapasya. Kasiyahan ay isang pagpili Sarili ang magpapasya ng nais na maramdaman Huwag hayaan madala ng kalungkutan Dahil ito'y isang kasinungalingan ng kaaway. Kasiyahan ay panatilihing nasa buhay Ito'y nakakabawas ng alalahanin sa araw-araw At nagbibigay ng kalakasan na harapin ang buhay Dahil ito'y bigay ng ating mahal na maylalang.
0
Jun 9, 2015
Jun 9, 2015 at 2:13 AM UTC
Kasiyahan
Sinaktan, pinuruhan, sinapak at sinikmuraan, tinutukan ng baril, tinakot bago pinatakbo. Sinigurado ang pag-asinta sabay kalabit sa gatilyo. Pagkatapos ng gabing iyon, di lang isa ang namatay isang pamilya ang ninakawan ng kaaway. Anong motibo mo sa pagpatay? Anong gusto mo bakit ka pumapatay? Nasa posisyon ka pero bakit mali ang paggamit mo sa kapangyarihan mo? Ikaw ang naaangat pero bakit ikaw pa tong namiminsala sa bansa mo? Nasa mas mataas kang upuan at kalagayan pero bakit tingala ka pa rin ng tingala? Halatadong di mo pinapansin, ay mali, halatadong wala kang pake sa mga taong nahihirapan sa baba. Tapos ka na ba sa ginagawa mo? Ilang pamilya na ba ang nabawasan mo ng bilang? Ilang sanggol na ba ang hindi naisilang ng tama dahil sayo? At ilang pangarap na ba nagnawala kasama ng nangangarap nito? Kelan pa ba matatapos ang pwersahang pagkitil ng buhay sa bansa ng pilipinas? Matagal na tayong nahihintay ng kapayapaan pero kasabay rin nito ang paghawak ng baril sa kanang kamay. Pakiramdam ko ang kalayaang mamili ay nawala na sa kamay nating lahat Dahil mismong kagustuhang mabuhay di natin makuha. Wag nang hintayin na bumaliktad pa ang bandila ng Pilipinas Bangon Kabataan Gising Kababayan itigil na ang patayan paki-usap subukan naman nating magmahalan.
0
Aug 25, 2017
Aug 25, 2017 at 11:30 AM UTC
Pasadyang pagpatay
Sa pagdating **** napabalita Unang sulyap palang namangha na Gayak na sinauna Sa paningin mahalina Musikang kaytanda na Sa pandinig mahiwaga Mahalaga ang gabi Simula ng pagsaksi Kwento kong inabangan Hatid niyang kasaysayan Sa aking talambuhay Gabing iyon may saysay Nasa pagtitipon Mga kaklase noon Kapitbahay inuman Masaya ang kwentuhan Subalit ako’y saglit Umuwi sa malapit Iyon ay dahil batid ko Simula na ng kwento Ng kanyang unang yugto Gabing Trenta ng Mayo Mula nang araw na ‘yon Pagsubaybay tradisyon Naging makabuluhan Likhang pampanitikan Subalit ‘di naglaon Nawalan telebisyon ‘Di hadlang gayunpaman Sa radyo’y pinakinggan Mula pagkabinukot Hanggang aliping tulot Babaylang naging **** Mandirigmang pinuno Nilupig at nanlupig Inusig at nang-usig Natulig at nanulig Inibig at umibig Nagtago at naglakbay Namatay at nabuhay Tinanggap at nagpanggap Naghirap at nilingap Sakay ng karakoa Tinungo ibang banwa Naghanda sa pagbalik Upang ganti’y ihalik Sa mabagsik na raha Na pumatay sa ama Sa pinunong baluktot At sa harang nanalot Mangubat at Angaway Mga rahang kaaway Lamitan na ninanay Nais siyang maging bangkay Sa kahuli-hulihan Lahat sila’y talunan Sa babae ng tagna Walang iba – Amaya Salamat, umalagad Maging hanggang sa sulad Salamat, kapanalig Laban sa manlulupig Salamat, Uray Hilway Mga tinuran gabay Salamat kay Bagani Pag-ibig nanatili Salamat sa Banal na Laon Diyos ng mga ninuno noon Kina Amaya’y panginoon Tagapagpala ng kanilang nayon Ang dulo ng epikong kapapanaw Akala’y ‘di na matatanaw Salamat sa unang Christmas bonus May TV na bago taon ay matapos Mahalaga rin ang gabi Katapusan ng pagsaksi Huling yugtong tinunghayan Ang kamatayan ni Lamitan Sa aking talambuhay Gabing iyon rin ay may saysay Nasa huling burol at lamayan Bago at matapos subaybayan Iyon ay kakaibang alaala ko Sa katapusan ng kwento Ng kanyang huling yugto Biyernes – Trese ng Enero Nagbrown-out pa nga Habang oras ng balita Buti nalang at umilaw Sa tuwa ako’y napahiyaw Sa pagtunog ng huling musika At paggalaw ng katapusang eksena Bukas TV at radyo Sa makasaysayang mga tagpo Ngayong gabi ng paglikha Ng tulang handog sa programa Unang gabing kapani-panibago Dahil wala na sa ere ang paborito ko Subalit ang Alaala ni Amaya Mga gayak, musika, tauhan at kultura Mga aral, tinuran, inspirasyon at ideya Mananatiling buhay sa aking diwa! -01/16-17/2012 (Dumarao) *missing my favorite program
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 10:03 PM UTC
Alaala ni Amaya

105
Marilag na kasuotan ay itakip sa pagkalamat para di mabigyan pansin, masundan ang lingas Mag-aani ng papuri ang mapagdamdam na muslak Ang mga bakas ng kahapon ang pumipigil sa paghakbang Nakamtan man ang kaluwagan ay matagal pa rin bago nakapagpapasya Di magagawa ang pithaya                       (KWENTO) (Sa barangay, doble-doble ang bantay sa tarangka Masusubukan ang matalas na kampilan Matatalo ang sinumang dayuhan Masinsin sa pagbabantay sa pook na magiging libingan Maalat ang komposisyon ng sipol Nakakarindi ang taghoy ng mga kalaban Nagdiriwang sa loob nang matapos ang digmaan Ang datu at mandirigma ay iisa maging sa hangarin na tinagumpayan nila Kinokondena ang kaaway Ibibitin nang patiwarik Walang awa ang magsasalubong sa sentensiya Mga bihag ay ipapasok sa kulungan araw-araw bibigyan ng kakanin Sa takdang oras sila'y bibitayin magiging palamuti sa poste ng bahay ng Datu) Namangha sa kwentong bitbit Sa katunayan nagdibuho ng sitwasyong kathang-isip Sila'y hurado na hinuhusgahan din Binabatikos ang ugali Kinukurot ng imahe ng repleksyon
0
Dec 18, 2018
Dec 18, 2018 at 5:49 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #16
Pinagkatiwalaan kita ng lubusan Dahil alam ko ika'y maaasahan Ngunit ako'y nagkamali nung nalaman ko Na ika'y nagtaksil kaibigan ko Inabot ng ilang taon ang ating pag kaibigan Pero hindi ko ito pinagsisihan Dahil alam ko na ikaw parin ay kaibigan ko Kahit ika'y sumama na sa may ugaling demonyo Kilala kita simula pagkabata Pero ako'y halos makalimutan mo na ata Ako'y lubos na nasasaktan Sa mga pangyayari na hindi ko inaasahan Sino ba naman ako sayo? Diba, ako'y isa sa mga kaaway mo? Tinuring kita na parang kapatid Ngunit para sayo, ako'y lamang isang sampid
0
Nov 24, 2016
Nov 24, 2016 at 2:19 AM UTC
Taksil
Paunawa sa babasa: Hiniling ng isa kong kaibigan na relihiyoso na gawan ko daw s'ya ng tula tungkol sa ikalimang wika ni Kristo noong nagdaang Mahal na Araw kaya kahit Atheist ako ay ginawa ko ang Free Verse (Malayang Taludturan) na ito. “Nauuhaw ako” Malalim ang baon ng mga pako sa kanyang mga kamay at paa. Mahigpit din ang pagkakatali ng lubid sa kanyang mga braso. Napapalibutan siya ng mga kaaway, nagsusugal at nag-iinuman ang mga sundalong Romano habang nililibak siya ng mga Pariseo. Tiyak na wala s’yang kawala. Naghahalo ang dugo at pawis magkasabay itong umaagos palabas mula sa kanyang katawan; hindi na rin n’ya maalala kung ilan ng sampal, suntok, sipa at palo ang kanyang natanggap. Sa gitna ng kanyang paghihirap binigkas ni Hesus ang kanyang ikalimang wika: “Nauuhaw ako” Kagabi lang bago s’ya dakpin ng mga tampalasan ay nagmakaawa s’ya sa hardin ng Getsemane at taimtim na hiniling sa kanyang Ama na kung maaari sana ay huwag na n’yang danasin ang paghihirap na ito. Subalit hindi s’ya dininig nito. “Nauuhaw ako” Siya ba ang kailangan na magdusa, obligado ba s’ya na bayaran ang kasalanan ng iba? Bakit s’ya ang inutusan ng kanyang Ama para akuin ang sala ng sangkatauhan? Masyadong mabigat ang pasanin na ito para sa isang hamak na karpintero na gaya n’ya. “Nauuhaw ako” Ito ba ang kapalit ng pagiging masunurin at mabuting anak ang masadlak sa laksang dusa at malagim na paghihirap? Nasasabik na s’yang umupo sa tabi ng kanyang ama; hinahanaphanap n’ya na ang papuring awit ng mga Anghel sa langit. “Nauuhaw ako” Nilikha ba ang sanlibutan at ang mga tao upang sa bandang huli ay maging mapaghimagsik sila at walang galang sa kanilang lumalang? Bakit punong-puno ng kalupitan at karahasan ang mundo? “Nauuhaw ako” Hindi sapat ang tubig o ano mang inumin para mawala ang kanyang uhaw na nagmumula sa puso; ang pag-ibig ng sangkatauhan ang kanyang inaasam.
0
Nov 6, 2017
Nov 6, 2017 at 3:28 AM UTC
"NAUUHAW AKO"

14
"Napakaraming tao dito sa atin ngunit bakit tila walang natira" dug dug dug Bubuksan mo ba to o hindi? Pag di mo to binuksan pwersahan kaming papasok! Tatlong katok muli Pagkatapos isang tadyak sa pinto ang gumising sibilyan na natutulog sa kama mag-isa. Pagkapasok agad, Sinaktan, pinuruhan, sinapak at sinikmuraan Tinutukan ng baril, tinakot bago pakunwaring pinatakbo. Sinigurado ang pag-asinta sabay kalabit ng gatilyo. Patay ang hinihinalang druglord sa kanto. Ngunit pagkatapos, walang patunay na nahanap. Isang maling pagpatay nanaman ang naganap. Pagkatapos ng gabing iyon, di lang isa ang namatay. Isang pamilya ang kinunan ng walang kamalay-malay. Kung sino pa ang nasa posisyon iyon pa ang mga kaaway ngayon. Kung sino pa ang nakakangat, siya pa tong namiminsala ngayon. Nasa mataas nang upuan pero hangad pa rin ay pag-angat. Halatadong di napapansin, ay hindi! Halatadong walang pake sa mga taong nasa baba. Pinagmukhang sirko ang mundo, pinapasunod ang bawat tao na parang aso. Inanyaya pa ang lahat ng madla ng parang ganito. "Mga bata, matatanda! Halina kayo panoorin ninyo ang palabas naming inihanda at ipakikilala ko sa inyo ang mga kapwa ko sirkero. Na namamahala sa sirkuhang ito." Palakpak Palakpak, yan ang nais ng sirkero diba pagkatapos ng palabas? Pero lahat ng mga tinuring ninyong hayop ay nakawawa at mistulang mamatay na. Ay hindi patay na, yung iba nama'y ginawa ninyong bulag na tagasunod. At pag wala nang kwenta iiwanan sa daan para damputin ng iilan at buburahin ang mga bakas na naiwan. Mga kamay nakagapos Walang takas Walang lakas Pagkahimlay Walang naiwang bakas. Ang galing maglinis ng krimen, mismong nangakong maglalaan ng pagmamahal ay ang mismo ring sa bansa sumasakal. Oo, sawa na ako sa tunog ng kampana sa tuwing magmimisa dahil may isa nanamang nawala. Rindi ang tenga ko sa paulit-ulit na hiyaw, sa paulit- na hiyaw at sa paulit-ulit na hiyaw ng inang umiiyak sa libing ng nagiisang anak. Kelan pa ba matatapos ang pwersahang pagkitil ng buhay sa pilipinas? Matagal nang nangangakong magbibigay sila ng kapayapaan pero kasabay nito ang paghawak ng baril sa kanilang kanang kamay. Mga kamay nakagapos Walang takas Walang lakas Pagkahimlay Walang naiwang bakas Makabagong istilo ng pagpatay sa Pinas Magpapanggap na tagapagligtas, pagkatalikod mo'y Paalam Pilipinas ang huli **** mabibigkas. "Napakaraming tao dito sa amin ngunit bakit tila walang natira?" Pinapatay sila....
0
Aug 28, 2017
Aug 28, 2017 at 11:32 AM UTC
Makabagong Istilo

Paalam bayan kong sinilangan, sintang katagalugan, lupain na sinakop ng mga puting dayuhan; inalipin at binusabos ng higit sa tatlong-daan na taon. Kung hindi sana ako nakagapos ay nasa larangan ako ngayon, nakikipaglaban para sa iyong kalayaan; subalit ako ay binihag ng mga taksil na kalahi, kayumanggi ang kulay ng kanilang balat subalit ugaling Kastila sila. Alam ko na ito na ang aking wakas dadalhin nila ako at si Procopio sa dako na di namin alam; tanging diyos lang ang nakababatid sa aming sasapitin. Sa punglo kaya o sa talim ng tabak kaming magkapatid ay masasawi? Nalulumbay ako hindi dahil sa ako'y mauutas kundi sa pag-aakala na masasawi ako sa kamay ng aking kalahi. Kung dayuhan man lang sana ang sa akin ay papaslang mas matatanggap ko ito nang maluwag sa dibdib. Paalam mahal kong Oryang, Lakambini ng Katipunan, ina ng aking anak at kabiyak ng aking dibdib. Naiiyak ako sapagkat malungkot ang naging wakas ng ating pagsinta. Kung magtagumpay ang himagsikan at makamtan na ang layang inaasam wag sana makalimutan ang mga nabuwal sa parang ng digma. Kainin nawa ng lupa ang mga taksil sa bayan, lunurin ng baha ang mga nakipagtulungan sa kaaway, tamaan ng kidlat ang mga tampalasan na umibig sa dayuhan na mapang-alipin. Sumpain sila ng langit. Nakapiring ang aking mga mata subalit nararamdaman ko na malapit na kami sa dako kong saan babasahin sa amin ni Komandante Lazaro Makapagal ang hatol ng konseho ng digma. Payapa ang aking kalooban, walang pangamba. Alam ko na ginawa ko ang nararapat, kailanman hindi ako nagtaksil gaya ng kanilang ipinaparatang. Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay ang Rebolusyon.
0
Nov 4, 2017
Nov 4, 2017 at 12:05 AM UTC
REBOLUSYUNARYONG PAHIMAKAS NI SUPREMO ANDRES BONIFACIO (isang kathang-isip ng may akda)

31
Ang aking hinahangaan, Na tila langit at lupa ang aming pagitan At kung ihahalintulad sa panahon ngayon kami ay tila ang mahirap at mayaman Walang boses at makapangyarihan Kung ihahalintulad naman sa panahon noon Tila ang kastila at ang katipunan Si lapu-lapu at magellan At kung ihahalintulad naman sa bagay na sa buhay ay may kinalaman Tila kami ang kasinungalingan at katotohanan Kalungkutan at kasiyahan Nagmamahal at nasasaktan Kasamaan at kabutihan Inosente at makasalanan Basura at kayamanan Digmaan at kapayapaan Tao at kalikasan Kaaway at kaibigan Ibang tao at magulang Kabobohan at katalinuhan Bida at kalaban Buhay at kamatayan Liwanag at kadiliman Kabundukan at karagatan Kasaysayan at kinabukasan Bibliya at Qur'an Daigdig at kalawakan Ang araw at ang buwan Ganyan ka layo ang aming pagitan na tila ang tadhana ay di sang-ayon sa aming pagmamahalan,mahirap man tanggapin ang katotohanan na ako at ang aking hinahangaan ay malabong magkatuluyan😥
0
May 13, 2021
May 13, 2021 at 1:16 PM UTC
"Crush"
“Uncle ** utang sa’yo ng Vietnam ang kanyang kalayaan, Ikaw ang amang mapagpalaya na sa kanila ay gumabay. Ikaw ang dakilang liwanag na sa kanila’y pumatnubay, Kahit sa gitna ng laksang lumbay hindi mo sila pinabayaan. Wala kang katulad sa buong Vietnam, ikaw ang bayaning tunay. Sa ilalim ng iyong pamumuno walong taon ninyong nilabanan Ang mga Pranses sa mga palayan, bundok at lansangan. At Matapos ang walong taon ng nakakapagod na pakikibaka sa Wakas ay napasuko ninyo ang mga kaaway. Subalit di-naglaon lumitaw ang isang bagong kaaway, Ang Estados Unidos na s’yang bagong halimaw na gustong Humalili sa mga kolonyalistang Pranses. Lahat ng kalupitan Sa inyo ay ipinadanas subalit sa udyok at impluwensya mo Hindi kayo sumuko. Matapos ang labing-anim na taon ng Madugong pakikipag-tuos natalo din ang dambuhalang kaaway. Isa kang tunay na rebolusyunaryo na karapat-dapat na mamuno. Subalit isa rin palang makata na sumusulat ng mga tula, Mga tulang gumigising sa puso’t kaluluwa ng bayan. Sumusulat ka ng mga tula habang nakahimpil sa gubat, Habang pinapanood ang pag-aani ng palay at nung ikaw ay Nabilanggo dun sa Tsina sa loob ng labing-apat na buwan. Wala kang ibang kapiling kundi ang iyong mga tula. Binasa ko kahapon ang mga tula mo, ramdam ko ang Bawat mensahe nito. Alam ko na sa bawat paghalik ng pluma Sa papel ay kasama nito ang kaluluwa mo at ang sigaw ng puso Mo. Mga tulang rebolusyunaryo ang tema at dating. Ang dahon at bulaklak ay tiyak na malalanta pero hindi ang iyong mga tula; mananatili itong buhay at naka-kintal sa puso ng Vietnam. Wala kana nga Uncle ** pero lalagi kang buhay sa puso ng mga kababayan mo at sa bawat puso ng makatang rebolusyunaryo na tulad mo.
0
Nov 27, 2017
Nov 27, 2017 at 9:06 PM UTC
ANG REBOLUSYUNARYO AT ANG KANYANG MGA TULA

27
dahil wara katapusan an duon san mga mata mabubuhay akong minamatay san dating kaaway ko sa lawas na ini sa lawas na ini naghambog an talawon pinapagubtik an kaaluhan na nagpapamuda muda na nagpupukaw saakon gurugab-i kendi na nagpapahibi mesias na naghahala-hala magiging madalas an pagsid-ip niya sa bintana para laen ko makita an liwanag malaog siya sa kahon ko laen para magkawat kundi dagdagan an pagub-at makasakat an pagbagsak siya na ako masurat tula. ~Written by Melton Balicano (a bikol dialect) since these eyes have been weighed down on unending i shall live while being slain by an old foe in this body this body where the craven had once boasted surging chagrins that blaspheme blasphemy that rouses this corpse in the dark treats that shed tears a messiah that taunts. he shall constantly peep through the window so that I see no light he will break in my casket not to thieve but to burden further the downfall shall rise then he becomes me penning a poem. ~a translation of Balicano's masterpiece Glenn Sentes
0
Mar 6, 2013
Mar 6, 2013 at 7:59 PM UTC
Sepsis
Ang ilog ay salamin ng itinagong kasalanan na ngayon ay naniningil Hindi umiimik ito sa pagdaloy Kahit sa linaw ay nagpalahaw Tahakin ang landas ng pagkapoot Ituring kaaway ang kinabukasan Ang saplot ng nakalipas ay isuot Ang kasalukuyan ay kalunos-lunos Birheng rosas ay huwag pitasin Sa matutulis na tinik nito'y alamin Na ang kaakit-akit sa plorera ay ito rin ang mabagsik Ang nalalantang talulot Matamlay na tangkay ay namamaluktot Ang ligaya ay sa isang bahagi lang Nilalamon ng kalumbayan Sa ikatlo ng buwan Gasuklay na hugis ay kakaiba Habang ang kanluran na binabagtas ay may alay na pansamantalang kaginhawaan Itawag sa mga buwitre ang Kasukdulan, Pamamaalam Walang hangin sa baga nilubos-lubos pa Sinipsip ang buhay hanggang sa lumisan Kukuyugin ng uod Lalasapin nang pagkalugod Tatabunan ng lupa magsilbing pataba nang dadalawin minsan ng mga bulaklak
0
Dec 14, 2018
Dec 14, 2018 at 5:58 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #9
Sa dalan sa kinabuhi nga akong ginasubay, kitang duha nag.abot ug nagkaila bisan dili angay, sa kinabuhi ko miabot ug nihatag ug kalipay tinud.anay, sa mubong panahon ang mga kasikas sa dughan nahupay, bisan ug sa matag higayon na kitang duha mag.away, muabot man sa panahon nga wala nay tingganay, ayaw lang ug kabalaka oh akong inday, kay ang gisinggit sa akong dughan ikaw ra gyud kanunay, sa akong kasing kasing nga puno sa kasakit ug kalaay, ikaw lang ang bugtong nakahatag ug kalipay, bisan wala ako diha sa imong kiliran huna-hunaa ania rako nagabantay, ug bisan si kamatayan pa man akong mamahimong kaaway, laumi nga ako na imong taming kanimo manalipod kanunay, nasayud ko nga ikaw dili sama sa uban nga bugay, bisan pa tuod nga pirme nako makita sa imong hulagway, ang dagway sa usa ka taw nga gilaay, kahibalo ako nga bisan ug gamay, nga ikaw anaa ra sa inyuhang balay, kanunay nga ga bansay bansay, sa mga dautang buhat ikaw nagalikay, kay ikaw gusto ug kanunay nga hapsay, ayaw lang ug kabalaka kay, magahulat ako kanimo bisan unsa paman kadugay, maningkamot nga na akong mhatag ang kaharuhay, bisan pa kining kasin-kasing ko dugay mo ra nga gipatay.
0
Sep 20, 2019
Sep 20, 2019 at 4:36 PM UTC
Kasing kasing na Patay
Ito na ang aking huling awitin, Awiting sa iyo'y kakantahin, Sa tono ng mga alaalang kinalimutan, Kandirit ng mga luhang pinakawalan, Sa langit, sa lupa, sa ilog, sa sapa, Sa araw araw na ako'y naghahanda, Sa bawat gabing aking inaalay, Sa bawat umagang ika'y hinihintay, Pasan ko sa bawat yapak, Ilang galon ng alak na nilaklak, Upang limutin ang ligaya't galak, Ang babaeng ibang landas ang piniling itahak, Na kahit saan pumunta'y di na mahanap, Lumingon man kaliwa't kanan di mahagilap, Tuwing pipikit naaalala mata **** kumikislap, Ngunit wala ka rin, sayang lahat ng pagsisikap... Sa ganda ba naman ng ating simula, Sino ba naman ang mag aakala? Na sa ilalim ng punong aratilis kung san tayo unang nagkita, Dito ngayon ako nama'y pasintonadong tumutula? Sa dami ng mga nangyari mula nang tayo'y nagkakilala: Saya, Lungkot, Ligaya... Hanggang sa ika'y nagsimulang humarot, Pagdududa, T4ng*, di na dapat pa akong sumagot! Nag-kaaway-- Upang magkabati lahat inialay, Ngunit muli nanamang nagpasaway, Hanggang nagdesisyon kang tuluyan nang maghiwalay... ... Kamusta ka na? Pasensya kung nasaktan kita, Patawad sa mga galos at pasa, Ngunit ang kaya ko lang gawin ay awitan ka, Sana marinig mo huli kong mga nota, Kahit sintonado kong kinakanta-- Kung maglaho na ako, babalik ka ba? Maaari bang sa takipsilim na lang tayo magkita? Di ko naman sinasadya... Na ika'y bigla na lang mawala. Tulad mo rin ba akong nababalisa? Wag kang mag alala, makakasama mo uli ako mamaya--
0
Apr 19, 2018
Apr 19, 2018 at 6:50 AM UTC
Habulan
Ubos na ang mga panahong hindi kailangan magmadali Yung pagising sa umaga na hindi na kailangan ng nagwawalang awtomatikong orasan Sa kakamadali ay nalilimutan nating magsoot ng pambahay na tsinelas pagbangon sa kama, Maging ang pagharap sa salamin at pagbati ng "magandang umaga" ay lipas na Ang mga pandesal at almusal na dati'y pinagsasaluhan sa lamesa, ngayo'y sa umaandar na sasakyan na inuubos okaya naman minsan ay dumadaan sa isang kainan para doon makakain Kung noon ay sinusulit ang bawat hakbang ng mga lakad at napapansin ang mga bulaklak at dahon sa iyong paligid Nalipasan na ng oras ang dati'y hindi ka tumatakbo at nagkukumahog, pinabilis ang pag-asam ng panahon Kung babalik pa sa kahapon, Lumipas na ang kapeng ilang beses **** hinalo't di na alam kung tunaw na ba ang bawat piraso ng oras kaya't di na napansing lumamig na sa paglipas ng oras At sana, sa bawat pagmamadali at takbong gawin para makarating Huwag mo sanang kalimutan Na oras man ang kaaway, Nakadikit ito sa ala-alang bumuo sa pagkatao natin Muli, ipapa-alala ko na huwag mo sanang kalimutang pwede ka magdahan-dahan Ipahinga mo ang iyong mga paa Dahil ubos na ang panahong hindi tayo nagmamadali Kaya sana, hayaan mo munang mag-isa ang mundo at umupo ka muna sandali Gumising kang hindi gula't sa nagwawalang orasan at isoot ang sapin sa paang sabik nang ihatid ka sa hapag-kainan Timplahin mo ang kapeng mainit at hintaying matunaw ang bawat piraso At doon, malalasahan mo, ang tunay ng sarap ng bawat segundong matagal mo nang hindi napapansing pinapalipas mo
0
Dec 2, 2019
Dec 2, 2019 at 10:22 AM UTC
94

20
Hindi mo alam kung gaano ko nakipag laban sa mga kaaway. Hindi mo alam kung gaano ko nakiramdam sa mga patay. Hindi mo alam kung gaano ako nakinig sa pipi at bingi. Hindi mo alam kung gaano ko isintabi ang sarili sa gitna ng mga kuro kuro, pag aalala at pagkalungkot ko bawat gabi. Hindi mo alam kung gaano kalamig ang init ng tag araw sa tuwing gigising akong wala ka man lang sa aking tabi. Para kang buhay sa bingit ng katamayan. Para himig sa kawalan. Kawalan ng paramdam at kawalan ng malay. Kasing lamig mo na ang kapeng tinimpla sa mainit na tubig Kasing lamig mo na ang kanin bahaw sa tabi. Anong nangyari? Bakit tila isang bagyo ang nagpawala ng tayo at tanging bakas na iniwan satin ay ito. Bakanteng lote puwang sa puso na ni isang ugat ng pag mamahal ay parang ayaw nang tumubo.
0
Mar 8, 2018
Mar 8, 2018 at 10:22 PM UTC
Hindi mo alam o wala ka ng pakialam?
Bilangin ang iyong mga pagpapala sa halip na ang iyong mga krus; Bilangin ang iyong mga nakuha sa halip na ang iyong pagkalugi. Bilangin ang iyong mga kagalakan sa halip na ang iyong mga abala; Bilangin ang iyong mga kaibigan sa halip na ang iyong mga kaaway. Bilangin ang iyong mga ngiti sa halip na ang iyong luha; Bilangin ang iyong tapang sa halip na ang iyong kinakatakutan. Bilangin ang iyong buong taon sa halip na ang iyong payat; Bilangin ang iyong mabait na gawa sa halip na iyong ibig sabihin. Bilangin ang iyong kalusugan sa halip na ang iyong kayamanan; Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili.
0
Jan 25, 2021
Jan 25, 2021 at 6:56 PM UTC
Bilangin ang iyong Pagpapala