Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"inalis" poems
Hindi ko alam kung mababasa mo ito. Pero kailangan kong sabihin ang tibok ng puso ko. Wala rin namang mapapala dahil wala na ring pag-asa Kaya kung sasabihin ko ito, sa akin ba'y may mawawala pa? Kagagaling ko lang sa isang bagyo Pero nakagugulat na hindi ako sinipon, kahit basang-basa ako. Nagsumikap magbihis, para makapasyal uli nang makita ko ang matamis **** mga ngiti. Hindi na ako nagpigil, wala nang mawawala sa akin Kailangan kitang makilala, kailangan kong magpapansin. Pangalan mo lang ang mayroon ako, pero nahanap agad kita Akalain **** nasa iisang gusali lang pala tayong dalawa? Hindi ako gwapo at hindi rin malakas ang loob ko Nakakaawang kombinasyon sa mga panahong ito Mas gugustuhin ko pang magpasensya at maghintay Pero paano lalapit sa pagkapangit na manok ang pagkagandang palay? Inalis ko na sa utak ko ang pag-aalinlangan Alam mo na ito, dahil may bulaklak ka na kinaumagahan. Ayoko nang secret admirer, dahil hindi na tayo bata. Pinaalam ko kung sino ako, para makipagkilala. Sinulatan kita, makailang ulit Para alam mo na ako yung nangungulit. Kaso hindi ko alam kung bakit Ni isang sagot, wala kang binalik. Hindi ko na kaya maghintay pa ng matagal Kailangan ko itanong, kailangan ko malaman. Hindi ako magwawala kung hindi ka interesado pero sana sumagot ka, para hindi na ako manggulo. Ilang sandali pa, tumunog na ang telepono ko Lumukso ang aking puso ng makita ko ang pangalan mo! "Salamat sa bulaklak, pero mali ang pagkakaintindi mo "hindi ako naghahanap ng lalaking iibigin ko "Pagkat may iniibig na itong aking puso "Pasensya ka na, patawarin mo na ako". Matagal akong natulala sa aking nabasa Biglang lumiit ang mundo ko, hindi na ako makahinga. Naglakas loob akong sumagot at sinabing "naiintindihan ko "salamat sa pagsagot, at magandang gabi sa iyo". Gusto ko lang sabihin, sa mga makakabasa nito, walang ginawang mali ang dalaga sa kwento ko. Hindi ko man siya nakilala ng lubos ay nakatitiyak ako Nang inihulog siya ng langit, sobrang swerte nang nakasalo. Hindi ko gugustuhing agawin ka. Kasi kung maaagaw man kita, maaagaw ka rin ng iba. Kung mabasa mo man ito, okay lang bang hilingin ko kapag niloko ka nya, pwede bang sabihan mo agad ako?
0
Jan 27, 2016
Jan 27, 2016 at 1:58 AM UTC
Pag-amin ng isang Stalker

Continue reading...
46
Ilang paglalarawan pa sa takipsilim para ikintal na nakayuko nang namimighati Bigyan sana nang malawak na karunungan para makapagpasya sa huling hapon at hapunan Paano isalaysay ang naganap kung ang sinta ay laging hanap Bihira kumain-nangangayayat Nauutal sa una at panapos na  pantig ng pangalan ng liyag Sa hindi inaasahan ang kamay niya'y hiningi ng binata na kakilala't nanligaw Ipinangalandakan ang kasikatan Lahat ng kayamanan ng Antigo ay kuyom ng kamay Hindi tubo sa lugar-isang dayo Magaling sa panunuyo, sanay makipagsalamuha sa kapwa-tao Batbat ng salapi ang anino Mabulaklak ang dila at minsan ay palabiro Ilang buwan pa ang inalis sa kalendaryo at nangyari nang biglaan Unang pagkakataon na nasilayan na nakabelo Saan ba tutungo?
0
Jan 1, 2019
Jan 1, 2019 at 7:41 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #39
Simula sa araw na ito, Hindi na kayo pwedeng tumawa, magalit at malungkot, Hindi na kayo pwedeng makadama ng kahit ano mang emosyon, Emosyong nagpapakita ng kahirapan, kahinaan, pagkatanda at pagkapagod, Huwag kang magsasayang ng hininga sa mga letrang alam **** wala namang makakarinig, At kapag nilabag mo ang isa sa aking mga utos, Tumayo ka sa sulok, Ipikit mo ang iyong mga mata, At harapin mo ang dilim na sa iyo’y lumalamon, Patungo sa apoy ng impyerno, At kapag naramdaman mo ang init ng apoy na sayo’y sumusunog, Pinapayagan na kitang sumigaw, Sumigaw sa taas ng iyong mga baga, Palabas ng apoy na nagbabaga, Patungo sa mga tenga ng mga taong sabi mo’y iyong mga kaibigan at kakilala, Ngunit huwag kang aasa na ika’y aming sasagipin, Hindi ka namin aangatin, At mas lalong hindi ka namin ililibing, Sa mga lupaing, Pati ang mga damo ay ayaw kang tanggapin, At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan, Bumuo ka ng bahay, Gamit ang mga bagay na iyong natutunan, Bumuo ng bahay, Gamit ang mga bagay na naiwan ng mga mananampalataya, Ang mga mananampalataya na nagpasabog ng mga bomba, Upang ingud-ngod sa aming mga mukha, Na kami’y mga anak ng mga makasalanan, Pinanood naming maging abo ang aming mga ari- arian, Sa isang pitik ng kasinungalingan, Pinanood namin ang mga pinto, mga libro, mga litrato na masunog at madurog, Nadurog sa sunog ang lahat ng aking minamahal, pinapangarap at hinahanap, Inalis nila sa aming mga mukha ang kasiyahang panandalian lamang nadama, Tinanggal nila sa aking katawan ang pangalang minsan na sa akin ay kumilala, "Ako ay taong makasalanan, sige, eto na lang, totoo naman, kaya sapat na," At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan, Magtrabaho ka nang mabuti, At kapag naramdaman mo ang dugo na tumutulo mula sa iyong ulo hanggang paa, Ipunin mo ito sa isang timba, At ibuhos mo doon sa nayong nagbabaga At kapag wala ka nang malanghap kundi ang usok at ang masangsang na amoy, Hanapin mo ito sapagkat ito raw ang amoy ng mga patay na pangarap at sigaw ng mga bata, Na sabi nila, ikaw raw ang may sala, Ikaw ang may sala, taong makasalanan, Taong makasalanan, “Mahal Kita, Tutulungan Kita, Pangako, Patawad, Paalam,” --- Dagdag na utos sa paaralan: Huwag kang maniniwala sa mga salitang inuulit- ulit pa, Sa mga salita ng sumasamba sa kasinungalingan, Dahil sa oras na mabuhay ang mga patay, Hindi ikaw ang una nilang papapasukin sa pinto... --- Ang pagpapalit ng administrasyon ng paaralan: Iguhit ninyo sa inyong mga palad ang inyong mga hangad at pangarap, Gamitin ang dugo na lalabas sa tenga at mga mata, Gamiting pang pinta ang kada hibla ng iyong patay na buhok, At kapag ubos na ang likido mo sa iyong buong katawan, Ngumiti, Tumingala, Buksan ang pinto, Kasabay ang pag sabi ng mga katagang: “Ang makabagong paaralan ng mga nawawala’t hinahanap”
0
Mar 14, 2022
Mar 14, 2022 at 11:07 PM UTC
Ang Paaralan ng mga Makasalanan (2017/18)

72
Sa siglaw ng pagkapanaw ay lumamlam ang ilaw Sa dibisyon ng dalawang kaharian ay ang larawan na inalis sa pananaw na pumitlag-pitlag Mas malamig pa sa yelo ang istorya kung dadamdamin ang ipinapalitaw Ang dulo ng kidlat na ipinukol ng langit ay gumawa ng sugat na dahilan ng antak Ang mala-tanso niyang buhok paano kakalawangin Gumaganap ang pag-ibig nang palihim Darangin sa apoy ng katotohanan sa pagsisinungaling- nang hindi pagsabi na talagang umiibig Nahimlay sa kamposanto Di malikmata ang natatanaw na santilmo na umaalab Tanglaw sa salamisim na siyang nagrereplek-balik Ang dyamanteng hikaw ay pawang tala ikinabit sa kanyang tainga Kariktan ay lalong nadadagdagan Bumuyo para magnakaw ng halik
0
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 6:08 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #38
070221 Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran Ay gayundin nya inalis sa atin ang ating mga kasalanan. Para sa mga taong akala nilang mag isa silang lumalaban Sa mga taong tumatakbo’t napapatid ng kadiliman Sa mga taong naghahagilap ng katotohan. Sino nga ang ba ang tunay na saksi ng ating mga kamalian? Tayo ba’y tinutulak ng mundo papalayo sa liwanag? O tayo yung nananatiling tapat sa kabila ng mga kaguluhan? Marahan ang pag ihip ng hangin kung saan tayo’y patungo sa mga bituin Ngunit ang araw ay sasapit na ang Liwanag ay bubulag Sa harapan at walang pasabi na Sya ay darating. At kahit pa anong gawin natin sa mundong patikim lamang, Sana alam natin kung saan nga ba tayo nakatingin Pagkat tumatakbo tayo papalayo, naghihilaan pababa at pataas. Kailan ba tayo mananahimik at kusang magpaubaya ng lakas? Nang ang lahat ng ating alinlangan, sana’y makaya nating mawaksian Pagkat sa nalalabing mga oras, tayo ri’y mahuhusgahan.
0
Oct 12, 2021
Oct 12, 2021 at 11:51 PM UTC
Husgado
Pulang mga tinta ang gamit, Pamamaalam ay nalalapit, Handa ka na ba? Isa, Dalawa, Pumikit ka! Ang takot ay inalis! Napalitan ito ng inis, Inakap ang sarili, Pilit nag-iisip ng mabuti. Itutuloy ko ba? O wag na? Ano ba?! Tama pa nga ba? Bumilang muli ng isa hanggang tatlo, Siguro nga ay tama na 'to, Hawakan muli ang lubid, Tama na ang pait! Muling ginamit ang pulang tinta, Tama na ang aking paghihirap, sinta, Hanggang dito na lamang, ‘Wag nang hanapin pa ang mga letrang kulang, Ito ang kwento ng aking paglisan, Dito ko na ibaba ang aking mga pasan. Paalam.
0
Mar 8, 2018
Mar 8, 2018 at 9:57 AM UTC
Ang Huling Sandali
Pag mulat ng mga mata Mukha mo ang nakita Sandaling nagkatitigan Natalo, inalis aking mga mata Samantalang ika'y patuloy sa pagsulyap Hanggang sa nakababa kana pala ng bus Paglingon ko'y wala kana Lumingon sa paligid, anino mo'y di makita Ako'y nagsisi Sana ako'y ngumiti Nauna ang hiya Tuloy ika'y nawala Hindi ko alam Kung bakit ganoon aking pakiramdam Ng ika'y biglang nawala Hindi ka man lang nakilala
0
May 9, 2016
May 9, 2016 at 6:38 AM UTC
Random Guy
Akala **** hindi mo na makikita pa kahit kailan. Ngunit iniluwa siya ng gabi. Unang beses sa mahabang pagkakataon, kinumbinsi mo ang sarili at kinumbinsi siyang samahan kang maglakad ng mabagal sa maiksing kalsada. Hindi siya pumalag. At sa dulo, inalis niya ang tuyong dahong nakasabit sa buhok mo. At gaya ng dati, hindi siya magpapaalam. Ibabalik mo siya sa gabi, ika labing isang minuto makalipas ang alas onse, iniisip kung sinong magmamay-ari sa kanya balang araw. Uuwi kang mag-isa, wala nang traffic sa EDSA, wala na ring lumbay. Sa iyo ang huling halakhak pero ngingiti ka na lang at magbubuntong hininga.
0
Nov 28, 2017
Nov 28, 2017 at 6:32 AM UTC
labing-isa:labing-isa
Nagdurugo parin sila. Wari bang pabalik balik ang paglalangib nila dahil kahit anong gawin **** pag-gamot ay pilit paring bumabalik ang impeksyon sa kanila Sinubukan kong buuin sila sa paniniwalang baka katulad lang sila ng mga animo'y nagbibitak na litratong inuuwi ni mama nung ako'y bata pa sa pagasang katulad nito, makakaya ko ding buuin sila pagkatapos ay handa na ulit upang pakinabangan ng iba. Pero ang hirap pala. Hindi nga pala madaling hanapin kung saan ang tamang pinanggalingan nila, kung saan dapat ang lugar nila. Pinilit ko ding langgasin sila dahil ang sabi ni lola, dahon lang ng bayabas ang katapat ng bawat sugat na kumakatas sa pagasang hihilumin ng panlalanggas ang bawat butas nang hindi magtagal ito'y maging isa nalang pekas. Ngunit, hindi padin pala kaya. Mahirap palang hilumin ang sugat na hindi nakikita ng mga mata. Nagdurugo parin sila. At magdurugo parin sila kung patuloy silang babalikan ng impeksyon na pilit pumipigil sa paggaling nila. At ikaw oo ikaw. Ikaw pala ung impeksyon na noon palang dapat ay inalis na.
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 1:26 AM UTC
Nagdurugo parin sila