Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"gumigising" poems
Sa probinsiyang kinalakihan ko, Bata man o matanda ay nagtatrabaho. Sa lugar kung saan marami ang tanim na tubo, Lahat ay maagang gumigising at nagbabanat ng buto. Sa malawak na lupain sinimulan nilang magtanim, Mula umaga, tanghali, at hanggang pagsapit ng dilim. Hindi inaalintana ang init, sakit, at hapdi na kinikimkim, Maitawid lamang sa gutom ang pamilyang pinatitikim. Kahit kapiranggot man ang kanilang kinikita, O minsan wala talagang may madudukot sa bulsa, Ngiti sa kanilang labi'y hindi mawala-wala, Pagka't pamilya ay tunay na mahalaga sa kanila. Puso ko'y nahahabag, nalulungkot, at nagsusumamo, Sanay mapansin sila ng mga tao sa gobyerno, Dagdagan sana nila ang kita ng mga manggagawang sinsero, Sa pagtatrabaho nang buong puso at may totoong prinsipyo. Magsasaka man sila, **** haciendero, o barbero, Pantay-pantay sana ang pagtingin natin sa mga ito. Kung wala sila, paano ang bansa natin aasenso? Manggagawa po sila, nilikha ng Diyos bilang tao. Nawa'y mapakinggan bawat nilang gusto, Itaas ang kita ng manggagawang Pilipino. Kumilos na sana ang ating gobyerno, Huwag nilang hayaang sila'y magpakalayo-layo.
0
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 6:28 PM UTC
Manggagawa
naaalala ko pa no'n diretso sa tindahan ng turon pagkatapos ng ating klase kwentuhan hanggang matapos ang hapon 'pag madilim na ang kalye sinasabayan ka sa pag-uwi mapalayo man sa'king bahay kahit galit na naman si nanay agad kang tinatawagan paglapat ng likod sa higaan dinadaan pa sa assignments marinig ko lamang ang iyong boses gumigising ng maaga kahit lunes ay ganado't handa makita lang ang iyong mukha. ilang taon pa ay inamin ko na. hindi ko alam kung bakit masakit maging kaibigan lang kahit sa pagkakaibigan naman nag-umpisa ang lahat... pero ayos lang basta ikaw maghahangad pero maghihintay ayos lang basta para sa'yo masasaktan pero 'di sususuko pasasaan ba at baka doon din tayo mapunta pero kung talagang hindi 'di pa rin aalis sa'yong tabi basta ikaw...
0
Oct 27, 2018
Oct 27, 2018 at 5:30 AM UTC
BASTA IKAW (UNANG KABANATA)
Ang pag silay ng araw Ay siya ring paglisan Ng mga bituin at ng buwan. Hindi alintana ang sakit Maramdaman mo lamang ang sikat ng araw Kahit gabi-gabi Akong tinutulugan Ni hindi nga ako kayang pagmasdan Mula sa kalangitan Sa bawat pagning ning ko Ikaw ang dahilan nito. Ngunit sa umaga ka lamang mulat Gumigising ng maagap Handang magparaya Makita mo lamang ang mundo t'wing umaga Ang buwan na nagbibigay liwanag sa kalawakan Ay piniling lumisan Ako ang bituin at ang buwan
0
Jul 17, 2019
Jul 17, 2019 at 10:45 PM UTC
Ang Mga Bituin At Buwan
042522 Sasapit na naman ang pinakahihintay na araw, At hindi ito mananatiling sagrado magpakailanman. Lahat ay mabibigyan ng patas na paghuhusga At mismong lipunan ang syang magpapasya. Naririnig ko na ang sigawan sa bawat dako ng gintong kompas Kung saan ang kanilang hiyawa'y pagkakawatak-watak. Iba't ibang ideolohiya sa demokratikong bansa Kailan nga ba matatamasa ang tunay na pagkakaisa? Sa bawat kulay na sinasabi nilang ito raw ang bukas Ay ito rin ang gumuguhit sa kasaysayang tayo na't makibaka. Kaya nga nating kulayan ang ating pagdikta Ngunit sa ganitong paraan nga lang ba tayo kakalma? Sa tuwing may mauupo sa trono na kataas-taasan, Paano nga ba ang ating pagtindig Para sa sinasabing mahal na bayan? Pilipinas nga ba ang ating pinipili? O kung saan lamang tayo kampante Habang nananatiling namamaypay At abala sa kabi-kabilang pag-uusig. Iniisip nating tayo'y tunay ngang nasa laylayan na, Ngunit ito nga ba ang kapeng gumigising Sa dugo nating makabayan? At sapat ba ang ating paghiyaw Na walang hinihinging basbas mula sa Itaas? Mga bibig natin, paminsan nga'y Puno lamang ng mga palatastas. Sapat ba na tayo-tayo na lamang Ang naghihilaan pababa't paitaas? Pagkat mismong pananampalataya'y Nadudungisan ng walang katapusang pagkawatak-watak. Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan -- Ikaw ang bansang hinirang ng Pagkataas-taasan. Panatang makabayan, iniibig ko ang Pilipinas -- Sana'y mapaninidigan kita't Hanggang sa huli'y maipaglaban Pagkat maging aking hininga'y Pansamantalata't pahiram lamang. At hindi ito lotto o binggo, Hindi tayo nagtataya nang kung sinu-sino. Ngunit kung sinuman Ang maging huling sigaw ng bawat Pilipino Sana tayo pa ri'y magkaisa Para sa dangal na nais nating isulong. Ating pagkatandaan na kahit noon pa ma'y May iisang hindi tayo tinalikuran, Iisang Pangalan na may hawak ng bawat kapalaran Higit pa sa bawat kulay na ating tinatayaan -- At Hesus ang Kanyang Ngalan! Bangon Pilipinas!
0
Apr 24, 2022
Apr 24, 2022 at 9:53 PM UTC
Pilipinas Kong Mahal

Continue reading...
50
“Uncle ** utang sa’yo ng Vietnam ang kanyang kalayaan, Ikaw ang amang mapagpalaya na sa kanila ay gumabay. Ikaw ang dakilang liwanag na sa kanila’y pumatnubay, Kahit sa gitna ng laksang lumbay hindi mo sila pinabayaan. Wala kang katulad sa buong Vietnam, ikaw ang bayaning tunay. Sa ilalim ng iyong pamumuno walong taon ninyong nilabanan Ang mga Pranses sa mga palayan, bundok at lansangan. At Matapos ang walong taon ng nakakapagod na pakikibaka sa Wakas ay napasuko ninyo ang mga kaaway. Subalit di-naglaon lumitaw ang isang bagong kaaway, Ang Estados Unidos na s’yang bagong halimaw na gustong Humalili sa mga kolonyalistang Pranses. Lahat ng kalupitan Sa inyo ay ipinadanas subalit sa udyok at impluwensya mo Hindi kayo sumuko. Matapos ang labing-anim na taon ng Madugong pakikipag-tuos natalo din ang dambuhalang kaaway. Isa kang tunay na rebolusyunaryo na karapat-dapat na mamuno. Subalit isa rin palang makata na sumusulat ng mga tula, Mga tulang gumigising sa puso’t kaluluwa ng bayan. Sumusulat ka ng mga tula habang nakahimpil sa gubat, Habang pinapanood ang pag-aani ng palay at nung ikaw ay Nabilanggo dun sa Tsina sa loob ng labing-apat na buwan. Wala kang ibang kapiling kundi ang iyong mga tula. Binasa ko kahapon ang mga tula mo, ramdam ko ang Bawat mensahe nito. Alam ko na sa bawat paghalik ng pluma Sa papel ay kasama nito ang kaluluwa mo at ang sigaw ng puso Mo. Mga tulang rebolusyunaryo ang tema at dating. Ang dahon at bulaklak ay tiyak na malalanta pero hindi ang iyong mga tula; mananatili itong buhay at naka-kintal sa puso ng Vietnam. Wala kana nga Uncle ** pero lalagi kang buhay sa puso ng mga kababayan mo at sa bawat puso ng makatang rebolusyunaryo na tulad mo.
0
Nov 27, 2017
Nov 27, 2017 at 9:06 PM UTC
ANG REBOLUSYUNARYO AT ANG KANYANG MGA TULA

27
Gumigising na parang huling araw ko na Pamilya ba'y makikita ko pa Lakas ng loob ay sapat na ba Sa hirap at takot na aking nadarama? Nagbubuwis ng buhay para sa iba Samantalang nagpapabaya naman sila Sa bahay ako'y hinihintay nila Huwag naman sanang agawin din ako sa kanila Maikling payo ay pakinggan mo na Mga paa 'y ipirmi mo na Sa suliraning ito'y huwag nang dumagdag pa Makinig ka lang at nakatulong kana Tayo'y nahaharap sa isang digmaan Ngunit hindi tayo magkakalaban Lahat tayo ay magsi-tulungan Upang hindi na tayo pa malagasan Lahat ng ito ay mayroong hangganan Hindi tayo nag-iisa sa pakikipaglaban Mga panalangin ay pakikinggan Kung iisa ang damdamin ng SAMBAYANAN! -JGA
0
Mar 26, 2020
Mar 26, 2020 at 2:37 AM UTC
Frontliners
Kakaiba ang haplos ng banayad na musika, Masarap damhin sa puso. Pahinga ang dulot Sa pagod ko’ng kaluluwa, ginagamot pati mga Sugat sa aki’ng damdamin. Hindi ako musikero, hindi ako umaawit Ako’y makata subalit minsan kahit ang mga Tula ay hindi sapat. Hinahanap rin ng sarili Ang ligaya na dulot ng musika at awit. Masarap magsulat ng tula habang nakikinig Sa musikang hatid na gumigising sa damdamin. May naiibang katahimikan, isang tila paraiso Na aking sandaling nasisiksikan.
0
Nov 28, 2017
Nov 28, 2017 at 8:44 PM UTC
ROMANTIC INSTRUMENTAL LOVE SONGS
nung bata ako, hindi ako takot sa dilim, hindi ako takot magisa at umiyak, hindi ako takot magkasakit. nung nawala si tatay, ayoko na matulog sa sala dahil walang bumubuhat sakit roon at tila ba mahika sa tuwing sa kama ako nagigising. ayoko na matulog ng magisa, ayoko na sa dilim, dahil natatakot ako sa konsepto ng kalungkutan at pagiisa. mahilig ako sa kape at ingay, na gumigising sa natutulog kong kaluluwa at sa ingay na ramdam kong may karamay. ngunit natikman ko ang gatas, na tila nagpapakalma sa puso ko sa tuwing tatawagin nila ang pangalan ko, ayoko na magkamali. ayoko na ng ingay na tila nagsisigawan. nakakataranta, nakakakaba, ang sikmura ko'y namimilit, dibdib ay naninikip, hindi ako makahinga, hindi ko na makita ang liwanag, hindi na ako makadama, hindi ko na alam ang tunay na kahulugan ng saya, nalimutan ko na kung kelan ang huling ngiti na minsang nagtagal sa aking mga labi. hindi na ko makadama, at ang tanging nararamdaman ko na lamang ay kalungkutan malamig na simoy ng hangin na yumayakap sakin sa dilim. hindi ako nagiisa, dahil andaming taong nasa paligid ko, ngunit dama ko ang pagiisa.
0
Apr 9, 2020
Apr 9, 2020 at 7:51 AM UTC
dilim
Ikaw ang araw na nagiging dahilan ng pagbangon ko Ang gumigising pagtapos masilayan ang madilim na tanawin sa pagtulog ko Ang kasabay ngumiti ng liwanag na sumilisip sa aking bintana At ang simbolo ng kagandahan tuwing umaga Kung tutuusin ay inggit ako sa ulap at kalangitan Sila ang lagi **** kasama at nahahagkan Tila sila ang nagbibigay sayo ng hinahanap **** ligaya Habang ako nama'y kahit titigan kay hindi kaya Laking pasalamat ko sayo reynang araw Dahil ikaw ang gabay ko sa aking paglakbay Ang nagmistulang lampara sa daanan ko tuwing gabi At ang kahalili ng buwan na sinasamahan ako tuwing walang katabi Mahal kong Sol, kapag dumating ang araw na ika'y pagod na Kapag ang iyong init ay di ko na nadadama At ang sarili **** liwanag ay magtatago na sa likod ng kawalan Maaari mo ba akong balikan at muling hagkan? Kung di man dumating ang umaga na ikaw ay umahong muli At maipakita sakin ang kagandahan **** natatangi Maaari bang silipin mo pa rin ako at gabayan? Kahit nagtatago ka na lamang sa likod ni luna kapag sa gabi siya'y nakaharang Di na rin naman natin malalabanan ang panahon at tadhana Kaya kung dumating ang oras na ika'y napagod nang lumutang sa mula sa silangan Ako'y mananatiling kakaway sa mula lupa Habang ninaais kang pagmasdan kahit na silaw na sa inyong kagandahan Huwag mo sanang ipagkait sa akin tuwing umaga ang napaganda **** ngiti Gisingin mo pa rin ako nang may tuwa at galak sa aking mga labi At bigyan ng init sa tuwing uulan at lalamig Dahil yan na lamang ang matitira kong alala mula sa iyong pag-ibig Sol, wag ka sanang mapagod na ipakita ang iyong liwanag Hayaan **** samahan ka ng mga kaibigan **** ulap Takpan man nila ang natatangi **** tanawin ng sanlibutan Alalahanin mo sanang mayroon pa ring ako na naghihintay sayo sa ilalim ng kalangitan.
0
Feb 16, 2021
Feb 16, 2021 at 8:08 AM UTC
Paalam Sol, mula sa iyong tagahanga

32
Paalam aking kaibigan , kapatid , bantay Ikaw ang saksi sa lahat ng aking problema Ang mga tahol mo ang gumigising sakin tuwing umaga Malambing at Makulit kapag ikaw ay kasama Hindi ka hayop , ikaw ay tao para sa akin Naiintindihan kita kahit hindi mo sabihin Pitong Taon inalagaan kasama sa lahat ng sakuna Paalam Bantay hanggang sa muli nating pagkikita
0
May 12, 2022
May 12, 2022 at 8:44 PM UTC
Jamir
Sa bawat palubog ng gintong araw Pag sikat nito ay inaabangan, Sa kada eroplanong umaalis, Palaging inaasam ang pagbabalik. Gumigising araw-araw, Binibilang ang nalalabing oras, Kaunti nalang irog ko, Kaunti nalang, Mahal, andito lang ako naghihintay Makapiling kang muli.
0
Jun 6, 2021
Jun 6, 2021 at 12:35 PM UTC
Dapithapon sa Lingo