Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2020
nung bata ako, hindi ako takot sa dilim,
hindi ako takot magisa at umiyak, hindi ako takot magkasakit.
nung nawala si tatay, ayoko na matulog sa sala dahil walang bumubuhat sakit roon at tila ba mahika sa tuwing sa kama ako nagigising.
ayoko na matulog ng magisa,
ayoko na sa dilim,
dahil natatakot ako sa konsepto ng kalungkutan at pagiisa.
mahilig ako sa kape at ingay,
na gumigising sa natutulog kong kaluluwa
at sa ingay na ramdam kong may karamay.
ngunit natikman ko ang gatas,
na tila nagpapakalma sa puso ko sa tuwing tatawagin nila ang pangalan ko, ayoko na magkamali.
ayoko na ng ingay na tila nagsisigawan.
nakakataranta,
nakakakaba,
ang sikmura ko'y namimilit,
dibdib ay naninikip,
hindi ako makahinga,
hindi ko na makita ang liwanag,
hindi na ako makadama,
hindi ko na alam ang tunay na kahulugan ng saya,
nalimutan ko na kung kelan ang huling ngiti na minsang nagtagal sa aking mga labi.
hindi na ko makadama,
at ang tanging nararamdaman ko na lamang ay kalungkutan
malamig na simoy ng hangin na yumayakap sakin sa dilim.
hindi ako nagiisa,
dahil andaming taong nasa paligid ko,
ngunit dama ko ang pagiisa.
faranight
Written by
faranight  20/Bigender
(20/Bigender)   
401
 
Please log in to view and add comments on poems