Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"batis" poems
(On love by Kahlil Gibran ; A Translation) Kung magkataon na tawagin ka ng pag-ibig, sumunod ka, Kahit pa ang daan niya'y mahirap at matarik. At kung yakapin ka ng kanyang mga pakpak ay magpaubaya ka, Kahit pa ang mga punyal na nakatago sa kanyang mga balahibo ay kaya kang sugatan. At kung mangusap siya sa iyo ay maniwala ka, Kahit pa ang kanyang tinig ay kayang durugin ang iyong mga pangarap Tulad ng pagsira ng hanging habagat sa mga halamanan. Sapagkat kung paano ka parangalan ng pagibig ay ganoon ka din niya ipapako sa Krus. ‘Pagkat kahit pa siya'y para sa iyong paglago ay ganun din siya para sa iyong pagka-bulok. Kahit pa pinayayabong ka nito sa iyong pinaka-mataas at hinahaplos ng liwanag nito ang iyong mga sanga, Ganoon din niya huhugutin ang iyong mga ugat mula sa pagkakabaon nito sa lupa. Tulad ng mga butil ng mais ay itinatali ka nito sa kanyang sarili. Binabayo ka niya upang mahubdan Ginigiling hanggang sa kuminis. Minamasa hanggang sa lumambot At ika'y kanyang isasalang sa kanyang banal na apoy, upang ika'y maging banal na alay na ihahain sa banal na pista ng Panginoon. Ang lahat ng ito'y gagawin ng pagibig upang malaman mo ang mga lihim ng iyong puso, at sa kaalamang iyon ay maging bahagi ng puso ng buhay. Ngunit kung sa iyong pagkatakot ay hanapin mo lamang ang kapayapaan at kasiyahan ng pagibig, Ay mabuti pang ika'y magbihis at lumiban sa kanyang giikan, Sa isang mundong walang kulay kung saan ikaw ay tatawa, ngunit hindi lahat ng iyong kasiyahan, at iiyak, ngunit hindi lahat ng iyong luha. Walang ibinibigay ang pagibig kundi ang kanyang sarili at walang tinatanggap kundi ang galing din sa kanya. Ang pagibig ay hindi nang-aangkin at nagpapa-angkin ; Sapagkat ang pagibig ay sasapat lamang sa pagibig. Kapag ika'y umibig hindi mo dapat sabihing, “Ang Diyos ay nasa aking puso,” kung hindi, “Ako ay nasa puso ng Diyos.” At 'wag **** isipin na kaya **** diktahan ang pagibig, 'pagkat ang pagibig, kung matantong ika'y karapat-dapat, ay ididikta sa iyo ang iyong landas. Walang kagustuhan ang pagibig kung hindi tuparin ang kanyang sarili. Ngunit kung ikaw ay umibig at mangailangan, maging ito ang iyong kailanganin: Ang matunaw at umagos na parang batis na umaawit sa gabi. Ang malaman ang sakit ng lubos na pagaaruga. Ang masugatan sa iyong sariling kaalaman ng pagibig; At masaktan ng kusang-loob at may ligaya. Ang gumising sa bukang-liwayway ng may pusong kayang lumipad at magbigay pasasalamat sa isang bagong araw ng pagibig; Ang magpahinga sa tanghali at magnilay sa sarap ng pagibig; Ang umuwi sa hapon ng puno ng pasasalamat; At matulog nang may panalangin para sa minamahal sa iyong puso at awit ng papuri sa iyong mga labi.
0
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 8:04 PM UTC
Sa Pagibig

Continue reading...
37
Umiibig akong matapat ang puso, sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo. Dilag na bulaklak sa harding masamyo, sinuyo’t pinita ng laksang paru-paro. Tinataglay nila’y mararangyang pakpak, subalit ang nasa’y tanging halimuyak. Iba sa bagwis kong luksa ang nagtatak, sa mata ng iba’y isa lamang hamak. Ako’y dahop-palad, niring mundo’y aba, sa utos ng puso, ikaw’y sinasamba. O! ang saklap naman, umagos ang luha, pagkat lumilihis ang ating tadhana. At niring landas ta’y lalong pinaglayo, nang ikaw’y nabihag ng hari ng mundo. Buong taglay niya’y di tapat na puso,  tanging hangad lamang ang kagandahan mo. Sinta ko ano pa ang aking magawa, kung sa ngalan ng Diyos kayo’y tinali na? Daloy ng tadhana’y mababago pa ba’t, panaho’y balikang ikaw’y malaya pa? Bihag ka na ngayong walang kalayaan,  hawak ang mundo mo ng lilong nilalang Wari'y isang ibong ang lipad may hanggan, at ang yamang pakpak, dustang tinalian.  Paano O! Sinta yaring abang buhay? Ikaw’y tanging pintig nitong pusong malumbay. Kung ikaw ang buhay ng buhay kong taglay, Sa iyo mabigo’y sukat ng mamatay. Subalit nasa kong lumawig sa mundo, sapagkat buhay pa niring pag-ibig ko. At ikaw O! Sintang namugad sa puso, napanagimpan kong pinaghintay ako.  Sa harap ng hirap na di masawata, tanging asam ko’y lalaya ka Sinta. At itong pagtiis ay alay ko Mutya, mula sa puso kong nagdadaralita. Maghihintay ako sa pagkakahugnos, sa tanikala **** higpit na gumapos, sa kalayaan na lubhang nabusabos, at mariing dulot, galak na di lubos. Ang aking paghintay akay ng pag-asa, lawig ng pag-asa’y kambal ang pagdusa. At ang dukhang pusong batis ng dalita, tila pinagyakap ang pag-asa’t luha. O! aking minahal ako’y maghihintay, kahit walang hanggang paglubog ng araw. Magtitiis ako sa gabing mapanglaw, hanggang sa pagsilang ng bukang liwayway. Yaong sinag nito’y ganap na tatapos,  sa dilim na dulot ng dusa’t gipuspos. Sinag na tutuyo sa luhang umagos,  niring mga matang namumugtong lubos. Yaong pamimitak ng mithing umaga, araw na mabihis ng mga ligaya, ang buhay kong abang tinigmak ng luha, mula sa kandungan niring Gabing luksa. Maghihintay ako sa gitna ng dusa,  kapiling ang munting kislap ng pag-asa. Magtitiis kahit sanlibong pagluha, hanggang sa panahong muli kang lalaya. Maghihintay akong di hadlang ang pagal,  kahit ang panaho’y lalakad ng bagal. Magtitiis ako pagkat isang tunay itong pag-ibig kong sa puso’y bumukal. Maghihintay kahit dulong walang hanggan, na pagdaralita’t mga kapanglawan Kahit di tiyak kong muling sisilang, ang bukang liwayway na tanging inasam. ©Raffy Love Canoy |May 2019|
0
May 28, 2019
May 28, 2019 at 6:21 AM UTC
Bukang Liwayway na Hinihintay

69
Balanseng pakikibaka, Ito ang araw araw na ipinamulat sa akin Ng pang araw araw ko ding pagtira Sa mundong hindi naman timbang ang hustisya Magkabilang panig na inaasahan ng lahat Na sana'y magpantay ang timbangan Ngunit ang katotohanan? Likas nang mas mabigat ang kabila Kaysa sa nasa kabila. Lahat daw ay pantay pantay Sabi ng matandang kasabihan Ngunit para sa akin? ‘Yan ay isang malaking kalokohan Wala pa namang naging malinaw na paliwanag Sa uugod-ugod na paniniwalang iyan Nakakapagod pantayin ang mga bagay-bagay. Sa kadahilanang hindi naman pantay pantay ang layunin ng bawat nilalang Sa lipunang, Kailanma'y hindi na magiging patas Sa mundong, Kailanma'y hindi na bababa ang mga nawili na sa itaas, Sa daigdig, Na ang nasa ilalim ay lalo pang nadidiin Paano pang mag-aabot ang langit at lupa Kung mananatiling bakante ang gitna Kung ang biktima ay lalong inaakusahan At ang may sala ay patuloy na hinahangaan O lupa kong hirang, o Inang kong Bayan Tayo ba’y ang mga walang kapaguran panaginip? Hanggang kailan tayo maaaring maidlip? Tayo ba’y ang mga hindi natutulog na batis? Hanggang saan tayo padadaluyin ng mga agos ng hinagpis? Tayo ba'y ang mga sigaw Sa kwebang walang alingawngaw? Hanggang kailan tayo magtitiis Sa 'di makatarungang ''Mga Bulong ng Hapis''. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 5:34 AM UTC
Mga Bulong ng Hapis
Kasabay ng patak ng ulan Ang luha kong umaagos nang marahan Damdamin ay nasasaktan Panibugho kong di tumahan Bakit ako'y pinagpalit Palagi naman sa iyo ay mabait Minahal kita nang higit pa sa iyong nalalaman Pagmamahal na iyong pinabayaan Ikaw ang aking pinipintuho Kahit sasalungatin ng bagyo Di ako mapapadaig Delubyo man ang maging dulot nito Ang putik sa mga paa kong dumidikit Ay parang pumipigil sa paghakbang Kahit mabubuwal sa daan Patuloy pa rin sa paglakad Sa tuwing iniisip ka Nalulungkot ako't humihikbi Ang pait ng dagat At ang alon ay sampal sa pisngi sapagkat iba na sa iyo ang nagmamay-ari Matalim ang bawat pagaspas ng mga dahon Ang mabanayad na awit ay nagdadagdag ng sakit Habang sa silong nag-iisa Nalulumbay ako nang inaalala ka Ipikit ko man ang mga mata Ay hindi tinakpan na bituin sa gabing maulan Sapagkat maaliwalas gaya ng batis Ang kagandahan mo na nagniningas Kaya pagkatapos ng ulan Sa silong ako'y pabayaan Iniwan mo sa akin ang awitin ng damdamin kong umiibig
0
Jul 16, 2019
Jul 16, 2019 at 9:46 PM UTC
Kasabay ng Patak ng Ulan
*Doon sa amin; kung saan ang mga bata'y nagsasaya, nagpapaligsahan sa paglangoy, sa sariwang batis at ilog sa aming nayon. Doon sa amin; kung saan ang mga binata'y nanghaharana, nagbibigay respeto sa nakaugaliang panliligaw, sa mga dalagang ramdam ang pagiging Maria Clara. Doon sa amin; kung saan ang mga matatanda'y, nag-iinuman, sumasayaw, at kumakanta, sumasabay sa mga tugtog na makaluma. Doon sa amin; kung saan tuwing sasapit ang linggo, lahat ay gayak na gayak na, upang pumunta't magdasal sa Poong pinagpala. Doon sa amin may kasiyahan. Doon sa amin may pagmamahalan Doon sa amin may musikahan. Doon sa amin, labis ang pagpapala.*
0
Oct 3, 2015
Oct 3, 2015 at 11:38 AM UTC
Doon Sa Amin
Paghinga'y humihina at ang pagngiti ay may kasama ng luha Ang pagsinta'y kinaiinggitan ng langit bagaman hindi mapalad Pagdurugo'y ayaw na tumigil Ang kapanglawan sa loob ay naghari Nanirahan sa anino ng bukid - sa dilim Nag-alala sa di humuhugpong tulay Sinlamig ng nyebe sa taglamig Sa kaginawan nagiging yelo ang tubig At ang temperatura'y bumababa pa sa sero Gaya ng pagpanaog ng bahaghari sa magkabilang dulo Tulad ng malinaw na batis at ng talon na masiyahin nag-uugnay sa damdamin - pag-ibig na hindi kailanman naangkin at naalagaan para bumalong Nang ito'y hindi na maitiklop upang maisilid sa mumunting lalagyan, humihibik sa tuwing gabi Ang inuusal ay mahal na lakambini limang sintido'y binihag
0
Jan 22, 2019
Jan 22, 2019 at 3:32 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #57
May dahong nalaglag mula sa kinakapitang sanga at marahang tinahak ang dausdos pababa, Dumampi siya sa malamig na agos ng batis, sumisigaw ng hapis habang tumatangis, Binagtas ang ‘di maiwasang larawan ng pag-iisa’t walang hanggang kalungkutan, tumama sa mga batong nakaharang na umagaw sa diwa ng kaligayahan, Sumambulat ang isang malalim na bangin na siyang tatapos sa lahat ng alalahanin, sumaboy ang pirapirasong damdamin ng wasak na dahong ‘di matanggap at 'di maamin.
0
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:35 AM UTC
"Kasawiang 'di Maamin"
nagsimula sa ikaw at ako.... na nauwi sa 'tayo' ikaw ang mundo ko at ako ang buhay mo... ngunit biglang nagbago... ang 'tayo' ay naging magulo at malabo nawala... naglaho... ang 'tayo' ay naging 'kayo' at ang 'ako' ay pinalitan mo ng 'siya'... sa halip na kalimutan ka ay ayun, naaalala ka... ang ngiti **** nagpapaligaya sa akin... mga salita **** aking nalalasahan at nakakain (mahal kita, mahal kita)... ang iyong matang nangungusap sakin na ito'y patawanin... ang paghaplos **** parang malamig na simoy ng hangin... ang iyong tinig na nagpapasaya sa aking damdamin... ang dating pagmamahal na nagsusumiksik at umaapaw ngayon ay nasa ilalim na ng lupa... kung kaya't wag mag alala nilatagan ko iyon ng dahon, maging ligtas sa anumang panahon... sa darating na mga taon... ginugunita ang ala-alang lipas na... parang tubig sa batis na umaagos palayo sa aking mukha... na hanggang doon na lang ang kinaya... wala na akong magagawa... kung kaya't salukin na lamang ito at ipanghihilamos upang magising at matauhan na ito'y matagal nang wala... nakabaon na sa lupa...
0
Apr 15, 2017
Apr 15, 2017 at 1:09 AM UTC
Kaya mo, Kaya ko
062721 Doon sa parteng may tubig sa aming bakuran Ay natagpuan ko ang hiwaga ng bawat nilalang Na araw-araw na sumasalubong sa'kin Buhat sa paggayak sa umaga’t hapon. Silang mga nakabihis ng puti Ay sabay-sabay na sisigaw ng aking ngalan At bagamat hindi ko rin wari Ang lenggwahe na kanilang taglay, Ay para bang kampante akong Sila’y akayin at alalayang maitawid Sa bawat araw nang may galak sa puso. Tila ba sa bawat araw Na itiunuro sa akin ni Tatay noon, Ay natututo na rin akong Makiramdam at makialam. Ito yung tipong kaya ko na rin palang Arugain ang hindi akin Ngunit ang bawat binhi Ay ngayo’y itinuturing ko ng kayamanan. T'wing nakatirik ang araw Ay agaran kong kukumbinsihin ang aking sariling Gumayak na't lisanin ang aking higaan At kamustahin ang mga ito. Tangan ko ang kahoy na gawad ni Tatay sa akin, At balewala ang putikang aking sasadyain. Bilin nya nga sa aki’y wag ko raw hahayaang Lubugan na ako ng araw Bago ko pa yakapin ang responsibilidad Na iniatang nya sa akin. Sa yaman ng kalikasan Ay wala na akong magiging dahilan pa Upang kalimutan ang aking pagkatawag At sila’y pabayaan Sa matatalim na ngipin ng ibang mga nilalang. Silang sa pagsapit ng dilim Ay nakabantay lamang at handang sunggabin Ang bawat naliligaw ng landas. Sa tubig, sa batis at ilog Ay akin naman silang aalalayan Ang galak ko habang sila'y hinahayaang Busugin ang kanilang mga sarili Sa berdeng kalupaa’y walang katumbas. Pagkat dito ko sila nasisilayan At napagtatantong totoo nga ang sabi sa akin ni Tatay. Ni hindi ko na kailangang maglakbay Patungo sa kung saan mang siyudad Matamasa lamang ang tunay na kaligayahan Pagkat sa akin ay sapat na Ang sundin ko ang bilin ni Tatay. Malayo pa ang umagang Kami’y maghahawak kamay. Ang yapos niya’t pagkalinga sa akin Ay araw-araw ko ring hinahanap-hanap. At naniniwala akong Darating ang umagang iyon. Maghihintay lamang ako Habang ang kanyang pamana’y Lubos kong aarugain ng pag-ibig at pag-aalalay.
0
Jun 30, 2021
Jun 30, 2021 at 11:23 AM UTC
Pastulan

59
Walang bayad ang sikat ng araw, Ang sinag ng buwan at ningning Ng mga bituin sa kalangitan. Walang bayad ang hangin Na ating nilalanghap at ang Tubig sa ilog at batis. Kailanman Hindi ipinagdamot ng dagat Ang kanyang yaman. Ang gubat na mahiwaga Na nangangalaga sa mga puno’t halaman Ay hindi nagpapaupa. Walang bayad ang biyaya Ng inang kalikasan sapagkat Hindi s’ya sakim na tulad natin.
0
Nov 7, 2017
Nov 7, 2017 at 7:26 PM UTC
Walang Bayad
****** hands By :Mehrdad Nosrati (Mehreshaer) After a puerile toil to gain more of their bike Now are sharing their limbs cut off and diffuse None of these two brothers would go this far in that And won’t accept the mangling tank driver’s excuse *** Our disputations had a pen of words as proof Not a weapon of brutality you offered Ghazza kids, our witnesses at the divine court Testify by the change ****** hands hope covered *** I’m a shia and a sunni is my brother With the same moslem’s heart hate your savagery But not we alone feel like this, real jews, christians And other believers of overall world boundary *** You seem not be aware of Ghazza long history And what a marvelous role it had played during times So go and read the bravery of Batis against Alexander, When chanting and clapping for your crimes *** Once again I and my sunni brother tonight After saying our common prayer will decide How to expose your red hands to criminal court To affect most the history’s heart by our new pride
0
Jul 22, 2014
Jul 22, 2014 at 3:46 AM UTC
****** hands