Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"balahibo" poems
(On love by Kahlil Gibran ; A Translation) Kung magkataon na tawagin ka ng pag-ibig, sumunod ka, Kahit pa ang daan niya'y mahirap at matarik. At kung yakapin ka ng kanyang mga pakpak ay magpaubaya ka, Kahit pa ang mga punyal na nakatago sa kanyang mga balahibo ay kaya kang sugatan. At kung mangusap siya sa iyo ay maniwala ka, Kahit pa ang kanyang tinig ay kayang durugin ang iyong mga pangarap Tulad ng pagsira ng hanging habagat sa mga halamanan. Sapagkat kung paano ka parangalan ng pagibig ay ganoon ka din niya ipapako sa Krus. ‘Pagkat kahit pa siya'y para sa iyong paglago ay ganun din siya para sa iyong pagka-bulok. Kahit pa pinayayabong ka nito sa iyong pinaka-mataas at hinahaplos ng liwanag nito ang iyong mga sanga, Ganoon din niya huhugutin ang iyong mga ugat mula sa pagkakabaon nito sa lupa. Tulad ng mga butil ng mais ay itinatali ka nito sa kanyang sarili. Binabayo ka niya upang mahubdan Ginigiling hanggang sa kuminis. Minamasa hanggang sa lumambot At ika'y kanyang isasalang sa kanyang banal na apoy, upang ika'y maging banal na alay na ihahain sa banal na pista ng Panginoon. Ang lahat ng ito'y gagawin ng pagibig upang malaman mo ang mga lihim ng iyong puso, at sa kaalamang iyon ay maging bahagi ng puso ng buhay. Ngunit kung sa iyong pagkatakot ay hanapin mo lamang ang kapayapaan at kasiyahan ng pagibig, Ay mabuti pang ika'y magbihis at lumiban sa kanyang giikan, Sa isang mundong walang kulay kung saan ikaw ay tatawa, ngunit hindi lahat ng iyong kasiyahan, at iiyak, ngunit hindi lahat ng iyong luha. Walang ibinibigay ang pagibig kundi ang kanyang sarili at walang tinatanggap kundi ang galing din sa kanya. Ang pagibig ay hindi nang-aangkin at nagpapa-angkin ; Sapagkat ang pagibig ay sasapat lamang sa pagibig. Kapag ika'y umibig hindi mo dapat sabihing, “Ang Diyos ay nasa aking puso,” kung hindi, “Ako ay nasa puso ng Diyos.” At 'wag **** isipin na kaya **** diktahan ang pagibig, 'pagkat ang pagibig, kung matantong ika'y karapat-dapat, ay ididikta sa iyo ang iyong landas. Walang kagustuhan ang pagibig kung hindi tuparin ang kanyang sarili. Ngunit kung ikaw ay umibig at mangailangan, maging ito ang iyong kailanganin: Ang matunaw at umagos na parang batis na umaawit sa gabi. Ang malaman ang sakit ng lubos na pagaaruga. Ang masugatan sa iyong sariling kaalaman ng pagibig; At masaktan ng kusang-loob at may ligaya. Ang gumising sa bukang-liwayway ng may pusong kayang lumipad at magbigay pasasalamat sa isang bagong araw ng pagibig; Ang magpahinga sa tanghali at magnilay sa sarap ng pagibig; Ang umuwi sa hapon ng puno ng pasasalamat; At matulog nang may panalangin para sa minamahal sa iyong puso at awit ng papuri sa iyong mga labi.
0
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 8:04 PM UTC
Sa Pagibig

Continue reading...
37
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay tungkol sa naglalakihang mga mata kapag nakakakita ng magandang dalaga na naglalakad sa kalsada isipin na nating.. maikli ang kanyang palda maputi ang hita malaki ang dibdib teka tama na nakaklibog na diba!? o kaya naman ang pagmamahal ay parang yung ating nararamdaman kapag ang ating mga balat ay nakakapagtindig balahibo dahil sa hindi maintindihang halimuyak ng galak o ito ba ay yung mga pagbabago ng kulay sa ating mga pishi kapag tayo ay kinikilig ng lubusan dahil nga ang sweet sweet niya kulang nalang magkadiyabetes ang puta ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung kapag dalawa lamang kayo nakahiga sa mga damuhan o kaya nakaupo tumitingin sa kalangitan habang nilalanghap ang simoy ng hangin sa taas ng gusali o kaya bubungan na niloloko ang sarili kapag tinuro mo ang iyong daliri sa mga bituwin at sinasabi na ang bituwin na yan ang parang hugis puso kahit hindi naman talaga para masabi kolang na meron tayong pag-ibig para masabi kolang na tinadhana talaga tayo para sa isat-isa kahit hindi naman talaga ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung may nakilala kang tao na wala kang ideya kung sino na ang inyong bigalang tagpuan ay hindi niyo naman pinaghandaan o kaya naman ang makilala nating ang tunay nating pagkatao na tayo ay hindi basta tao tayo ay merong kadiliman na hindi purong kabutihan na kailangan man tayo ay tao napapagod din natututong sumuko at bumitaw sa kapit ng "kaya ko pa" dahil kailanman walang anesthesia na dumadaloy sa ating katawan para hindi tayo masaktan ganun ba ang pag-ibig? ang pagbitaw ba ay pagmamahal? ang pagsuko ba ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung paguubos natin ng oras kahit na alam natin na ito ay walang kwenta pero wala nakong pakialam dahil nga kasama kita na ang saya saya natin dalawa nagtatawan kahit sumakit pa ang tiyan hinuhusgahan ang mundo sinasabihan ng mga tinatago niyong sikreto wala kanang pakialam kase nga kasama mo ako na sana hindi na matapos to tayong dalawa ikaw ako at ang ating magagandang mermorya ay itatago ko at aalagaan dito sa puso ko ganun ba ang pag-ibig? ang paglaan ba ng oras ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung galak kapag nakikita kita o kaya yung kapag kasama kita kapag ako'y ubos na pagod sa katotohang na ang mundo ay hindi basta basta andiyan ka palage nakaaalalay handang ibigay ang balikat masandalan lang ng mabigat na isipan ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung pakiramdam kapag tayo'y nagpapaulan na para bang gusto na nating sumuko sumuko dahil tayo ay pagod na sumuko dahil ang mga sinabi kong halimbawa ng pagmamahal ay malayo sa katotohanan ng buhay nating dalawa iniisip kung ano pa ang ibabato sa atin ng buhay sige ibigay mo ang lahat hindi ako basta basta natutumba hinihiling na sana magkasama tayo sa huli sana wala nang huli sana wala tayong dulo dahil ayoko, na ito ay magwakas pa o kaya hindi na natin ito inintindi dahil ang gulo na ng isipan nandun parin ako nagpapaulan hinahayan na mabasa ang sarili walang pakialam kung magkasakit pa kinabukasan basta ako ay basang basa na niyayakap ang ngayon tinalikuran ang masamang kahapon anung alam natin sa pag-ibig? meron ba tayong alam tungkol sa pagmamahal? anung alam natin? ang unti ang onti lang ng alam natin sa pagmamahal napakaonti na nagbibigay sa atin ng galak ng sige gusto ko pa ng ibigay mo na lahat wag kanang magtira dahil gusto ko maranasan ang pag-ibig bigyan moko ng pagibig bigyan moko ng pagmamahal mahal, anung alam natin sa pag-ibig?
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:23 PM UTC
tula ni VJ: "anung alam natin sa pag-ibig"

121
Paglalang ra daw sa'kong hunahuna, Ang bugnaw na kakulba ni gakos sa'kong tutunlan, Ako gayod kahibalo na naa sila sa atong kalibutan, Sa hayag na bulan, ug sa bugnaw na mga dalan, aduna'y tiguwang naghuwat kanako sa atbang, siya kay niduol ug nangayo sa akong pangalan, nisuway ko'g dagan, ug ako'y nakuratan; gikuptan, 'di kalihok ug 'di kadagan, wa nako kaibaw asa akong padulngan, pero ingon sila, paglalang ra daw sa'kong hunahuna, nag bulong sa akoa ang mga taligsik, sa dihang nikusog ang dalugdog, akong panit namugnaw, ug akong mga balahibo nitindog, Ingon si mama, limbong ra daw kini ug paglalang sa'kong hunahuna.
0
Sep 23, 2019
Sep 23, 2019 at 7:20 AM UTC
Paglalang sa Hunahuna
Ipanligo ang luha Gawin basahan ang damit na pamunas sa sugat na di gumagaling Hulug bituin ba na matutupad ang mga hiling o bagay na tinatapon ng langit Ano ang susundin Naduhagi sa buhay Nabubuwal sa kapalarang sinapit Kagustuhan ng loob o ang ikakaunlad ng Maharlikang angkan Sa basbas ng langit Iniusal ang dasal Sapat na ang saya nang masilayan si dessa Walang dusa't unos na nanaig Anyong Diyosa, diwata ang kawangis Kinang ng perlas Kagandahang nang -aakit Marupok na ang silya Habang ang damit ay tagpi-tagpi Naluoy na ang labi Mata'y nangamuti Inilalarawan  na ang mukha sa salamin ng bukas Natatangi man ito ang sa isip Ang kabiguan ay tinitiis Pa isa-isa man ang balahibo idinidikit na para pumagaspas sa hangin Makakalipad nang mataas Bubulusok nang mabilis
0
May 29, 2019
May 29, 2019 at 1:33 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #68
Kung sakaling mapadpad Dito ang balahibo ng pakpak Ni Icarus, huwag **** hayaang Mawaglit sa iyong isip ang bilin Ko ukol sa ika-10 ng Enero. Ito ang araw kung kailan nagpasya Ang buwan na yakapin ang araw, Hindi dahil sa tiyak na liwanag, Kundi dahil sa katiyakan ng hiwaga. Kasabay ng metapisikal na pagniniig Na ito ang huling hatol ng Daruanak Sa Binibining nabighani sa binistay Na luha ng makata. Makikita pa sa panganorin ang unang Sulyap sa huling alapaap ng dilim. Ngunit wala na ang kulog, maging Ang pagkahulog sa bitag ng ligalig. Alalahanin mo na lang ang dagat at Ang pangako nitong kapahingahan Kung sakaling sa paghahanap natin Sa bahag-hari ay wala na sa ating Maiwan kundi mga guho, mga mumo Ng mga musmos na puso. Ang Mahalaga lahat ng ito'y nakatalá na Sa mga tála.
0
May 19, 2016
May 19, 2016 at 3:47 AM UTC
MGA TALÁ NG TÁLA
Ang ibon na lumilipad ng mataas Sumasabay sa ihip ng hangin Tumatabi sa dalampasigan Umaawit ng sariling awitin Ipinupundar ang mga hampas ng tubig na hindi kumukupas Minsan nang sumayaw ang ibon Sa tabi ng dalampasigan Natukso ng init ng hangin At lamig ng karagatan Sa isang sayad ng kanyang balahibo Hinatak ng aplaya ang bisig ng mumunti Nagsisigaw hanggang sa mawalan ng kibo Nangamba na hindi na makakalipad muli Ang buhay ng ibon Tila isang kuwit Tumigil at nanahimik Naghihintay ng kasunod Ngunit ang kuwit ay magpapatuloy parin Hindi tulad ng tuldok na katapusan ang hantungan Sa gitna ng pagbagsak at kalungkutan Tayo, katulad ng ibon, ay makalilipad muli
0
Aug 13, 2018
Aug 13, 2018 at 1:59 AM UTC
Kuwit,
Unang araw ng klase nakita ko tong magandang babae. Unang **** ang sumulpot, Napansin ang iyong ganda. Sino ba naman daw hindi maaakit sa iyong itsura? Hinintay na magpakilala ka sa harapan nais ko na kasing makuha ang iyong pangalan. Unang break time ng klase, may lumapit sayong matipunong lalake. Napansin ko ang 'yong mukha para bang hindi ka komportable. Pangalawang **** siya'y nagtanong sayo. Kung sino bang natitipuhan mo sa klase. Tumayo ang balahibo ko nung tinuro mo'ko at sinabi **** pwede ba kong tumabi? Nagulat ang ating mga kaklase, ganon na rin ang **** Sa dinami daming lalaki ba't ako pa ang napili mo? Ang tanging sagot mo na nagpakabog ng puso ko. Yun ay, ikaw lang yung nakita kong lalaking deretsyong nakatingin sa mga mata ko. UWIAN NA!
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 10:37 AM UTC
Unang araw ng klase
Tandang-tanda ko pa Makakalimutin ako pero tanda ko pa rin ang mga dumaang araw Mga panahong ang bawat salita mo bumubuo ng akin araw, Bawat katinig sa aking balat humahaplos, Bawat patinig sa balahibo ko dumadausdos. Hinding hindi ko malilimutan, tunog ng boses **** kay lambing Nang sinabi mo sa’kin na ako’y gusto mo rin. Makakalimutin ako pero natatandaan ko lahat ng sinabi mo, Nung panahong ginantihan mo ko ng salitang “ikaw lang rin ang mahal ko" Hinding hindi ko malilimutan kung papaano tayo magtinginan Kung paano tayo naghahati sa mga pagkaing nakahain sa ating harapan. Kung kelan tayo sabay humahalakhak at parang lunod sa kapit ng alak At kung papaano tayo magtinginan sa tuwing tayo’y magkaharapan. Hinding hindi ko malilimutan ang mga panahong kamay nati’y naglapat Nag salit-salit bawat daliri, nagsasabing habang buhay tayong magiging tapat. Yung higpit ng bawat kapit sa balikat na tila ayaw malayo At siyempre ang panahon na una tayong nagtagpo. Hirap talaga akong makaalala ng mga bagay na nangyayari, Kilala mo naman ako, likas na makakalimutin. Kaya nga di ko lubos maisip na kahit hirap akong makaalala. Hinding Hindi ko pa rin malimutan, ang mga luma nating ala-ala.
0
Aug 25, 2017
Aug 25, 2017 at 12:01 PM UTC
Tandang-tanda ko pa
nakakatakot na sarili'y kilalaning lubusan dahil kasa-kasama'y pagkatao kong maitim pa sa balahibo ng uwak; dahil kaakibat nito'y kausapin siya at dinggin ang kanyang pakiusap na siya'y isulat kahit ayoko'y ayoko na, ayoko na ayoko na ayokong isulat sadyang kataga ngunit heto ako't sinulat pa rin siya ayoko siyang pakinggan ayoko na, ayoko na ngunit heto ako't nagpatangay sa mga salita naririnig ko aking mga sinusulat malinaw pa sa'king mga mata di kaya siguro nga'y mas mainam kung siya nalang ang bahala? baka nga kaya'y mas mainam kung siya nalang ang bahala kontrolin ang buhay kong tutal nama'y lagi niyang pinapakialaman siya nalang ang bahala ayoko na, ayoko na siya nalang ang bahala kahit mapagpasiyahan pa niyang mawala na kaming parehas kung sa pagkawala sarili'y mahanap at ayos lang ako ay malimutan ng lahat naisulat ko naman siya.
0
May 25, 2018
May 25, 2018 at 1:52 PM UTC
padala sa agos ng itim na tinta.
Sa isang maliit na pasilyo, ikaw ay dumaan. Napansin ang isang animo ay silid-aklatan. Dala ng iyong pagka-mausisa ay tinungo mo ang silid ng walang pag-aalinlangan. Marahan **** binuksan ang pinto. Dinig na dinig mo ang tila langitngit nito hanggang sa makapasok ka. Sa loob ay tumambad sa iyo ang nanari-saring mga imaheng minsan mo lamang nakita. Iginagala mo ang iyong paningin nang mga oras na iyon nang biglang umandap-andap ang liwanag sa dilaw na bombilyang naroon. Nakaramdam ka ng panlalamig. Nagsitayuan ang mga balahibo mo sa batok, kamay at paa. Takot at kaba ay pumailanlang at agad **** tinungo ang pintuan ngunit, hindi mo na iyon mabuksan. Ilang sandali pa ay napatitig ka sa isang aparador  na kasing tangkad mo lamang. Naririnig ng iyong mga tainga ang tunog na may kumaluskos sa loob. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay kusang naglakad ang iyong mga paa sa kinaroroonan niyon. Kusang hinawakan ng iyong dalawang kamay ang hugis putol na sanga ng kahoy na hawakan ng aparador. Nang iyong mabuksan ay bigla ka na lamang nilamon papasok sa loob hanggang sa sumara ito at hindi ka na nakalabas.
0
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 1:54 PM UTC
Aparador
Kailangan ko pa ba talaga ipamukha sayo yung mga pagkakataon na pinababalikat mo sa akin yung mga sandaling di ka makatayo sa sarili **** mga paa. Gayon pa man tiklop-tuhod akong tumatalima sayo kasi nga mulat ka sa pagiging bukas-palad ko. Ako naman pikit-matang nilulunok yung mga pride na meron ako kahit pa Alam Kong mapapasubo ako doon sa mga kamay na bakal kung saan hawak tayo sa leeg. eh Kasi nga kargo kita. Kahit ano pa mangyari hanggang sa Huli , ako pa din ang magsisilbing kinatawan mo ! mga binti at sandugo sa braso pati nga saradong kamao ang tinataya ko kahit wala yon sa aking plano Para lang mapugto at mapanuto ang bawat buntong hininga mo pero bakit tila yata Kulang pa rin aking panlabas na anatomiya Daig ko pa ang nananahan sa turok ng anestisya... Lamang-Loob ko ba ang siyang dapat na maialay o konsensya? Sabihin mo mang wala akong puso sa tuwinang pawis at luha ang aking batayan Kung bakit ang bigat sa aking pakiramdam na ikay nabibigo ng mga payo ko sayo na kinakasama ng yong kalooban marahil Kung minsan. Tulak ng bibig Kabig ng dibdib Hanggang kailan mo ako paninindigan ng aking mga balahibo sa balat ? Kapag huli na ba ang lahat ? Sana naman dumating na sa atin Yung mga araw at oras na ating aralin Mga hiblang gabuhok para wala na tayong susuyurin.. Kasi nagkakatotoo rin ang pahiwatig ng pulso at mga maseL,,, Di lang Anghel at kaluluwa ang pwedeng magmensahe ng mga dapat nating tulak-kabigin ! Ngayon sana Langhap mo na yung parirala kahit hindi buo ang diwa... Kasi..... may tainga ang Lupa may pakpak ang balita Bukas makalawa di ko na magagawa pang sa harapan mo na.. magsalubong ang mga kilay ko kasi... siguro tinik sa lalamunan mo ako kung ituring. Pero ang lahat ng pangugusap Kong ito ay talata na ngayon ng bawat kabanata na minsan ko nang pinalipad sa hangin bilang isang Pasaring. " sibuyas " ni : © solEmn oaSis The february 25 EDSA day commemoration written- 02-21-2024
0
Apr 13, 2024
Apr 13, 2024 at 1:56 AM UTC
" sibuyas "

35
Nanindug ang balahibo Ni-utog ang atngal Nikupot ang itlog Sa katugnaw sa hangin Sa taas sa buntod, kilid sa bayabayon
0
Aug 14, 2024
Aug 14, 2024 at 11:24 PM UTC
Brrrr, tugnaw!