Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jor Jan 2015
Sana kung gaano kadali ang pag-hinga,
Ganun lang din sana
Kadali ang malimutan ka.

Sana kung gaano kadali bitawan ang lobo,
Ganun lang din sana
Kadaling maglaho ang pag-ibig ko sa’yo.

Sana kung gaano kadali tadyakan ang preno,
Ganun lang din sana
Kadali huminto ang nararamdaman ko sa’yo.
Jor Jan 2015
Sa araw na’to haharanahin kita
Kahit ‘di ako marunong kumanta.
At ako’y madalas laitin ng iba.
Ayos lang sa akin, basta ikaw ang kasama.

Makita lang kita tumawa
Buo na ang aking umaga.
Magkakantahan tayo
Kahit pareho tayong sintunado.

Ang mahalaga ay sumaya tayo
Kahit na madalas, sablay sa tono.
Magtatawanan at maghahagikgikan
'Yan ang ating kaligayahan.

Sa paglubog ng araw, parehong naluha.
Dahil tapos na naman ang araw
At ako naman sayo’y mangugulila.
Ika’y lilisan na, Magtutungo sa Amerika.

Nagyakapan ng mahigpit,
At binigay ko ang aking gitara.
Dahil ito lang ang magpapa-alala
Sa ating masasayang alaala.
Jor Jan 2015
Nagsimula ‘to ng makilala ko s’ya.
Pinapakita ko na mahal ko s’ya,
Pinaparamdam ko na s’ya ay mahalaga.
Pero para sa kanya, wala lang talaga.

Kahit na may pagka-boyish s’ya
Prinsesa pa rin ang turing ko sakanya.
T’wing gabi, iniisip ko s’ya
Tinanong kung nadarama n’ya ba?

'Di ko alam kung nadarama n'ya ba
Na may pag-tingin na ako sa kanya?
'Di n'ya ba pansin na mahal ko s'ya?
O sadyang manhid lang talaga s’ya?

Sobrang hirap ng ganito para akong
Nagmamahal ng taong paralisado
Na kahit anong pa ang gawin ko
'Di n'ya naman ramdam ang pag-ibig ko.
Jor Jan 2015
Ilang taon ko inipon ang lakas ng loob
Para sabihin sa’yo lahat ng nakakulob—
Sa puso kong patay na patay sa’yo.
At ang masakit dun parang wala lang sa’yo.

Masakit ang mga sugat na dulot mo,
Tila libong pana ang tumusok sa puso ko.
Wala ba talaga akong puwang sa buhay mo,
At ganun mo nalang itinaboy ang pag-ibig ko?

Ang hirap tanggapin na may mahal ka na,
At ang sakit isipin ako’y itsapwera na.
Isang tyansa lang ang hinihingi ko,
Bakit pati ‘yon ay ipinagkait mo?

Sabagay, bakit kasi ang kupad-kupad ko?
Kung noon pa sana ako nagsabi,
Eh ‘di sana ngayong gabi ikaw ang katabi.
Ang tanga ko rin naman kasi, sana noon pa ako nag-sabi.
Huwag ka nang magalala
Susubukan kong
Itali sa iyong pulso
Yaring munting tala
'Wari isang lobo
Upang ikaw ay tumahan na
Gaano ba kasakit ang iwanan?
Paano ba tatakpan ang mga lamat
ng puso **** nabasag?
Hayaan **** ihele ka
ng mga mumunting kuliglig sa parang
Sa pagtulog mo
Hangad ko rin
Mabura ang sakit
na iyong dinaranas



-Tula V, Margaret Austin Go
TJLC Oct 2014
Nauubos na siya
Bigyan mo ng oras para mapuno
Maghintay.

Nauubos na
Hindi mapigilang magduda
Maghintay.

Nauubos
Hindi mo na kaya?
Maghintay.

Ubos
Sige lang
Maghintay.

Kawalan.
Ano?
Maghintay
TJLC Sep 2014
Ako
Sagipin mo ako
Nalulunod ako
sa pag-iisip
Pag-iisip na wala ka
Bigyan mo ako ng
pag-asa
Nang hindi ako dumaan sa
pag-asa
Sa pagkamit ng buong
Ikaw
Lyra O Jul 2014
Tayo dapat kamo
ang mga pangalan ng Zodiac natin.
Ano ang iniisip mo,
na ang mga tala ay iaayos ang sarili nila
para sa ating dalawa?
Wag ka nang umasa.
Pero gusto ko ang ideya.
Sige, tayo na lang
ang magpangalan ng ating kapalaran.
This one is written in my native tongue, Tagalog. I've always had fun with this language, even though some of my friends (whose L1 it is, too! Imagine that) think it's indelicate. Well, I say: depende 'yan sa paggamit mo ng salita, kaibigan.

12 July 2014.
Austine May 2014
gigising at muling sasabihin
na kakayanin at tatanggapin
mag-isa ko nga bang haharapin
bigat ng aking damdamin?

iiwanan mo rin ba
ang puso ko na binuhay mo pa
sana di na lang nag-abala
para ngayon ay tanggap ko na

ayoko na, tama na, awat na
pakiusap ko, sinta
malabo na ako'y makabangon pa
kung puso mo sa aki'y magsara

hayaan, iwanan, paalam
palayain sa baging
na ako rin ang naghaing
bitawan, wag sundan, paalam
Next page