Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
DRIXXX Aug 2019
Sa bawat araw nananabik ako
makita ka kahit sandali
di mapigilan ang aking nadarama
sa tuwing hawak ko ang iyong  mga kamay

Pipikit at sasayaw sa mga alala
na tayo lang dalawa ang nakakaalam
mga tawanan ,kulitan at harutan
naiisip ko na sana dito nalang tayo

Dito... sa tabi ko mag kasama ikaw at ako
nakapulupot sa mga yakap ko
sabay bulong na nandito lang ako
pero lahat pala may dulo


dahil sa mundong ito lahat pala ay hiram
na pwede mawala kahit anong oras at panahon
at kung bibigyan ako bumalik sa kahapon
mamahalin kita ulit
  at hinde sasayangin ang pag kakataon....
Still in love with you <3
あき Jul 2019
Ilang gabi ring napuyat at nagbakasakali
Na ako'y iyong kakausapin tulad ng dati
Umaasang ang 'Goodnight' mo'y magbubunga
Ng pang-uusisa gaya ng 'Kumusta ka na?'

Pero marahil ay nakatulog ka na
Kaya siguro nanahimik ka
'di bale, ako'y inaantok na rin naman na
Pero bago matulog, iisang sulyap pa.
Itulog mo na.
aL Jun 2019
Ibenenta ang sarili upang makabili ng kaunting dangal,
Para maliit na salaping hawakan lamang nang saglit ng madungis na kamay

Nanginginig habang malalim ang hinga, ngayon paba isusugal?
Kapirasong pagasa na lamang ang natitirang karamay
makesnosenseatall, makesnodifferenceatall
John May 2019
Magsasampung taon na kitang mahal, mahal.
(I've been in love with you for almost ten years, love)
Ang tigas na siguro ng mga binti mo kakatakbo mo sa isipan ko.
(You're thigh muscles toughened bec you always run on my mind)
Pero mas masaya sana kung alam mo, mahal, na mahal kita.
(But I could be happier, love, if you just know that i love you.)
Pero di pa, di ko pa kayang sabihin sayo, baka siguro balang araw, kapag lahat ay huli na.
(But no, i still cant tell you, maybe someday, someday when its all too late.)
Mahal kita di mo lang alam, simula first year tayo. Naalala ko pa magkatabi pa tayo nun sa may PE subj, volleyball yon. Ang saya ko non, pero tinataboy kita, kase akala ko. Pero kahit ganon, hanggang ngayon umaasa ako na makita kita isang araw, maybe sa isang resto, mall o kung san pa yan, basta gusto ko lang makita yang pagmumukha **** maganda.
aL May 2019
Sa aking inang bayan,
Pag asang iyo nga ba'y nasaan?
Kung ang tanging nakahawak sa binhi mo'y mga kawatan.
Ilang ulit nang iyong mga anak ika'y nasaktan

Ano nga ba ang iyong hahantungan?
Inang bayan,
Kung kaming tunay na mangiibig sa iyo'y nagkulang sa paglaban
Para lamang sana sa iyong nasa malayong kalayaan
Upang sa kabila ng aming bigat na iyong pasan
Makapamalas kami sa iyo ng kaunting katamisan
Para lamang sa iyo, harinawa, inang bayan.
Made this while taking a dump

#
aL May 2019
Sa madilim na pagsapit ng pagkaumaga
Siya na lamang ang nasa isip na dala-dala
Saan ka dadalhin ng iyong pagsinta?
Lamang ay nariyan ngunit papalayo ang pagdama

Kahit na sa pagtakas ng munting mga mata
Hawak parin sa isipan ang sa tuloy na humahalina

Ayaw ngang pakawalan ang inaaliping **** sariling ikaw
your obsession hurts you
aL Mar 2019
Kung makatutulog lang sana uli ng mahimbing
Hindi na hahanap pa ng dahilan upang muling gumising

Dilim na walang katapusan ay mas pipiliin,
Ano pa nga ba ang puwang sa makulay na mundong ito?
Mas nais iwan ang lahat ng nasa ibabaw
Pagod na kahahanap ng kasiyahang mapagtago

Nais nalang magpakain sa mabuting kawalan.
Ang bawat hinga nalang ay kinasusuklaman
aL Mar 2019
Alaalang sagana
Naiwang ngiting kay saya
Sa pagpikit ang lahat ay humahalina

Lumipas man ang lahat ng hugis ng buwan
Lumubog na ng hindi mabilang ang araw
Kayrami man luha na sa mukha ay nagdaan
Kahit kaytaggal ng panahon, matimis na alaala'y di na gugunaw
aL Mar 2019
,
Kasama ka sa aking mga muting panalangin
Sa aking isip, minu-minuto ay ika'y aking dadalhin
Aking pagibig ay iyo lamang, lalo pang paiigtingin
Lahat nalang ay gagawin, upang manatili sakin ang iyong pagtingin
aL Mar 2019
Sa mabuting pakikipagbaka
Hindi makararanas ng sagana
Sa maayos na pakikipaguri sa kapwa
Hindi magbibgay sa iyo ng saya

Ang mabuting pagkatao ay hindi naghihintay ng gantimpala
Kaloob ng maykapal ang paggawa at pag isip ng tama

Kayrami ang mapalad sa mundong ibabaw;
Iba'y sagana sa yaman at salapi
Iba'y namamahal ng marami
Next page