Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"umusad" poems
Puso may nasugatan, maghihilom din ito Sugat na dala ng pait ng paghihiwalay, ibaon mo na sa limot Ba't di nalang isipin mga maliligayang alaalang iniwan Ng taong minsan **** minahal Mahirap mang bumangon, kakayanin pa rin Dahil sa bawat unos na pinagdaanan Kalinawan ng damdamin ang nakaabang Na siyang magbibigay lakas sa iyong muling pagbangon Mabigat man ang mga paa, kaya pa ring igalaw Kung may determinasyon, kaya mo rin umusad Ito'y mahirap pero 'di imposible Magpursige ka lang, makakaraos ka rin Kapag ikaw ay nakabangon na, Umusad mula sa kinatatayuan, Pagkatapos ng mga luhang lumunod sa'yong mga mata Bagong mundo ang iyong matatanaw. Mas maliwanag, mas kaakit-akit, maganda At mas nararapat sa iyo. Nasaktan ka man, 'di titigil ang mundo upang ika'y hintayin Kaya tahan na, dahil ang buhay ay patuloy pa rin.
0
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 5:17 AM UTC
Patuloy pa rin (Tagalog)
Naglalakad ng palayo ng kita'y nilingon Nais kang hilahin mula sa kahapon Sinabi sa sarili, tama na at tigilan na Ngunit paanong gagawin, mahal pa kita? Anong gayuma ba ang ibinigay sa akin? Sa pagpikit man o paggising, ikaw ang nais mahalin. Bakit mo ako hinila at niyakap? Kung sa huli, ikaw mismo ang iilap? Sa tuwing lalayo, tatakas, iiwas Nandiyan ka, pati ang pag-ibig kong awas-awas Gusto ko ng limutin at tapusin nalang lahat Ngunit ang nais matapos ay ang tangi kong hangad Paano ko ba sasabihing paalam na? At sa aking paglayo. wag na akong tawagin pa... Hayaan mo na akong umusad, mag-isa At huwag **** iparamdam na ako'y mahal pa... Ayoko na, tama na. Sobra na ang sakit Sa tuwing nakikita ka, puso ko'y hinihigit Oo, nangingiti, natutuwa, sumasaya Dahil ang totoo, mahal pa rin kita
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 2:59 AM UTC
Mahal Pa Rin Kita
Tama pala Ang sabi nila, Ang bawal ay mas masarap nga! Ba't dito ako napadpad? Hirap umusad. Mata laging sayo lumilipad. Gustong kausapin Ngunit walang sasabihin Ikaw na unang pumansin sa akin. Pagaalala, Ako ba'y umaasa Ikaw na nga ba ang aking tala? Deretsyohin mo ako Ano'ng saloobin mo? Ng maka-move na sa damdaming ito.
0
Jul 1, 2016
Jul 1, 2016 at 4:35 AM UTC
Tula 2
sa dagliang pangangalawang ng buto dala ng bawat patak ng ulan. ang pinapaling lakas ng hangin palihis sa kurtina ng pag-iisa, itong kamay na palupot ng pagkalugmok, hapung-hapo sa paghabol sa pag-uumaga ng mga sandali. napababalikwas sa tuwing banaag    ang hinaharap. hubad ang bughaw na katawan ng mundo    ang kulay ng karagatan ay pula – dala ng silakbo    ng damdamin; magtatampisaw sa tubig   hihiga at lulutang       kasabay ng tagistis ng alaalang walang ibang hangad                    kundi ang umusad.
0
Mar 10, 2016
Mar 10, 2016 at 3:41 AM UTC
Dagat, Alaala
Isang  pintuan  ng  mahihiwagang  dekorasyon Palamuti,  anong  nasa  likod  na  impormasyon Sa'yo  ipaglalaan  ang  aking  buhay  na  hiram Nais  balang-araw  ay  tawagin  kang  hirang Di  sapat  ang  aking  tayutay  upang  ang  sagot  ay  dumulas Pangatlong  katok  ko  na  ito't  'di  parin  nagbubukas Ikaw  ay  isang  bugtong  na  nais  kong  matuklas Kung  hinde,  ang  aking  buhay  ay  habang  buhay  na  undas. Ako'y   ligaw  na  kaluluwa,  'di alam  kung  sino Ako'y  ligaw  na  kaluluwa  at  baka  ikaw  ang  paraiso May  pagnanasa  sa  paglapit  subalit  ayokong  maka  abala Ako'y  nababaliw  sa'yo  kahit  hindi  kita  kilala Ang  iyong  ngiti  ay  bukang-liwayway  sa  mundong  mapanglaw At  ang  iyong  buhok  ay  mga  alon  sa  dagat  na  bughaw Kung  kulangin  man  ang  ginawa  ko  na  tula Handa  akong  gumawa  ng  isang  daan  pa Hayaan  mo  akong  lumapit,  sa  kung  nasaan  ka man At  pangako  sa  'yo  ako'y  tahimik  lang Subalit  hindi  titigil  hanggang  mapunan  ang  patlang Pakiusap,  hayaan  mo  akong  umusad  kahit  isang  hakbang  lang.
0
Aug 14, 2020
Aug 14, 2020 at 11:27 PM UTC
Hakbang
I. Naalala mo pa ba ang mga sandaling tayo ay magkasama? Sa isang pampasaherong bus ay nakasakay tayong dalawa. Magkatabing nakaupo sa pang-dalawahang upuang malapit sa bintana, At magkahawak ang mga kamay na nakangiti sa isa't isa. II. Mahigpit ang pagkakapulot ng ating mga kamay nang mga oras iyon, Kulang na lang ay posasan tayo upang hindi paghiwalayin. Ako naman ay ngiting-ngiti at sulyap nang sulyap sa iyo habang nakatanaw ka sa labas, Hindi alintana ang mga matang nagmamasid sa napakalambing **** mga bakas. III. Hindi ko maipaliwanag ang damdamin ko sa bawat alaalang ikaw at ako ay naging tayo. Nang minsang dalawang oras tayong naghintay sa EDSA dulot ng trapiko, Malinaw na malinaw pa sa puso at isipan ko ang mga katagang isiniwalat mo; "Okay lang na ma-traffic tayo. Ang mahalaga magkasama tayo." IV. Ipinagpatuloy mo ang mga tinuran **** nagpataba sa aking puso; "Ang mahigpit **** hawak sa mga kamay ko ang gamot sa bawat inis na nadarama ko sa tuwing mabagal ang daloy ng trapiko." Nginitian mo ako at masuyong hinalikan sa ang aking pisngi na ikinagulat ko; at sabay bulong sa tainga ng mga salitang "Mahal Kita kahit hindi na umusad ang sinasakyan nating ito." V. Ngunit ngayon ay wala ka na at iniwan mo na ako. Kinuha ka na sa akin ng Panginoon at hindi na magkasama tayo. Pero hindi ko pinagsisihan ang mga alaalang tayo ang bumuo, Mananatili ka magpakailanman, mahal.. dito sa aking puso.
0
Feb 11, 2018
Feb 11, 2018 at 4:24 PM UTC
Alaala Mo sa Trapiko
nilalamig, nanginginig, nanghihina, at humahangos, sa siksikan na lugar, pinipilit kong umusad at makaraos. ang sakit ng puso’y nagpaparamdam sa paos niyang sigaw ng “tigil!” sa mga matang hindi alam ang ginagawa pero ayaw magpapigil. naghahanap ng sagot, nangungulila sa gustong pagmulan nito, ang mga paa’y hinahatak palayo sa direksyon mo. paurong-sulong ang isip na tanging laman ay ikaw, nagmamakaawang nakaluhod, pilit nang nag-aayaw. nananakit na ang leeg kakahanap sa kanyang noo’y sandalan, naiiyak na inaalala ang nagtapos kamakailan lang. ngayo’y naglalakad mag-isa sa gitna ng maiingay na tao, dahil sa manhid, wala nang pakialam kahit natutulak at nabubunggo. bagsak ang mga balikat, ang mga tuhod ay sumusuko, paubos man ay lumalaban ang mahinang bulong ng puso. umaasa na sa konting sakit at hintay pa, baka ako pa rin— na sa aking paghahanap ay makita ka at ang iyong mga matang naghahanap din sa akin.
0
Feb 19, 2025
Feb 19, 2025 at 8:39 PM UTC
paghahanap sa gitna ng lahat
Pag-ibig St. Alas nuebe na ng gabi at heto, Nasa lansangan pa rin at naghihintay ng pag-usad ng trapiko. Malamig na ang hangin at madilim na ang langit, Pagal ang katawan kakaikot kung saan-saan at gusto ko na lamang makarating sa aking mahal na tahanan; Pero ang dami kasing nag-uunahan, Masyadong maingay at halos lahat ay handa nang magkasakitan- Walang pasintabi at mayroong sumisingit, Nananakit, Sumisitsit, O di kaya'y nagmumura na sa galit. Ayan na nga, Mag-aalas dyes na, Pero, heto pa rin sa lansangan; Sa parehong kalsada at parehong estado- Naghihintay na umusad ang trapiko. Sa liblib at masikip na kalyeng hindi gaanong pamilyar kaya naninibago- Pag-ibig St.
0
Apr 4, 2020
Apr 4, 2020 at 1:42 PM UTC
Pag-Ibig St.
Maingay. Siksikan. Mainit. Nakaiinip. Nakipila. Naghintay. Isa. Dalawa. Tatlong oras. Reklamo nila. Reklamo ng lahat. Nainip. Umupo. Nakitabi. Nag-ingay nang nag-ingay. Maraming nagsidatingan. Kanya-kanyang kwento. Nagkwentuhan. Umambon. Umulan. Payong. Binuksan. Nakisilong. Pinayungan. Nagkwentuhan. Nagtawanan. Tarangkahan. Bumukas. Tulakan. Umuulan. Tulakan. Sigawan. Tulakan. Siksikan. Siksikan. Naapakan. Tulakan. Walang makapitan. Pinakapit. Kumapit. Tapak. Hagdan. Umakyat. Inalalayan. Humakbang. Umusad. Pinauna. Pinasalamatan. Nagapasalamat. Nagkangitian. Umakyat. Sinundan. Di nahagilap. Tinunguhan. Di nalaman. Kinalakhan. Di nalaman. Pangalan. Naaalala. Ngiti. Labi. Matang singkit. Matangos na ilong Berde ang bag. Pula ang damit. Sumbrero'y itim. Ulong maliit. Umupo. Hinanap. Hinanap. Hinanap. Di makita. Di mahagilap. Tanging maalala. Pagtulong twina. Nakababagot na pila. Siya nakita. Mahabang oras nakasama. Salamat. Pila. Sandaling nakasama. Alaala. Siksikang pila.
0
Feb 18, 2018
Feb 18, 2018 at 10:55 AM UTC
Pila
Sa isang saglit ako'y tila nasa ulap at pa lutang lutang habang ako'y dumadaan Sa gaan ng aking pakiramdam at sa munting ligayang di inaasahan Kahit sa isang maigsing sandali, ako'y puno ng buhay na tila bang lahat ng problema'y naglaho Sa isang saglit ako'y nakaramdam ng pagmamahal mula sa isang taong akala ko'y mapapaakin Ngunit ito'y isang panaginip na laging babagabag sa aking damdamin Isang saglit lamang ito Isang araw ay maglalaho na parang bula Hinding hindi kita mapapaakin Siguro hindi tayo itinakda ng tadhana Siguro hanggang dito na lang talaga tayo Hindi mo kayang ibigay ng buo ang pagmamahal na kailangan ko Hindi mo kayang pantayan ang pag-ibig na binibigay ko Buong puso ko nilaan sa lahat ng aking sulatin Sa lahat ng tula, pagkanta, pagsayaw Nandoon ang buong puso kong nagmamahal sayo Ngunit kahit anong pulit, hanggang dito na lang talaga Pero ayos lang iyon Kahit sa isang munting saglit naibuhos ko ang puso ko Kahit sa isang saglit naramdaman kong magmahal Walang bagay sa mundo ang kayang pumalit doon Ikaw ay nagsilbing ilaw sa mundo kong madilim Kahit walang pag-asa, lagi kitang tatanggapin Bukas ang aking kamay at puso para sayo Ngunit hindi na kitang kayang mahalin ng tulad ng dati Kailangan kong umusad sa aking panaginip Hinding hindi na maibabalik Salamat sa lahat ng pag-ibig na aking naramdaman Isa ka sa taong nasa puso ko lagi Siguro ito ay isang pagsara ng parte ng buhay ko Salamat sa lahat ng natutunan ko sayo
0
Jan 12, 2021
Jan 12, 2021 at 2:39 PM UTC
Sa Isang Saglit
online ka online ako buong araw ba ulit nating tititigan ang kulay berdeng bilog na para bang tayo'y mga sasasakyan sa harap ng berde ring semaforo dapat ay umusad ngunit nakahinto nagaabang sa pangamba ng banggaan dahil online ka online ako ngunit wala tayong ginagawa
0
Oct 22, 2019
Oct 22, 2019 at 8:30 AM UTC
semaforo
Lahat naman tayo may kinakatakutan, mula sa mga simpleng bagay hanggang sa malalaki. Anong gagawin mo? Iiyakan mo na lang? Puwede naman. Pero sana kahit gapang lang, naisin mo pa ring umusad. Isang hinga, isang abante. Dahan-dahan hanggang matuto at bumilis ka. Wag kang tumakbo, lakad lang at baka may makaligtaan. Ang hangin na tumatama sa mukha mo ang tutuyo sa mga luhang bumaybay sa pisngi mo. Kapag narating mo ang umpisa ng panibagong kabanata, subukan **** lumingon sa nauna, palagay ko nama'y may matututunan ka. Tingin mo ba sa sunod na pahina, mag-sisimula ka ulit sa mahina? Hindi na, 'wag na, hindi ka naman siguro tanga. Kalma lang, narating mo 'yan dahil naging malakas ka; bakit iisipin **** ika'y mahina?
0
Jun 5, 2020
Jun 5, 2020 at 3:32 AM UTC
Payo sa Nanghihinang Kaluluwa
Hihinto,  lalayo ngunit 'di magawang talikuran ang pinto... Araw ng kalayaa'y dumaan subalit nakatunghad pa rin sa nakaraan... Nakaraan na puno ng alaala, nakaraan na araw ng iyong paglisan.. ... Mahal ko, gusto ko umusad sa gitna ng karimlang ito... Sa mundo nating ako ay naiwang tumatakbo...
0
Feb 27, 2020
Feb 27, 2020 at 1:48 AM UTC
Pausad