Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tindi" poems
Noong araw na sinabi mo saakin ang salitang “Gusto kita”, nayanig ako. Hindi ko alam pero nayanig ng sobrang tindi ang pagkatao ko. Hindi ko alam ang isasagot kasi nga diba natulala ako. Pakiramdam ko, lumutang ako sa langit. Yung tipong ayoko na umalis. Araw araw mo saakin pinaparamdam ang mga salitang binitawan mo. Gusto kita. Araw araw **** pinaparamdam ang kasiyahan saakin. Pero, bakit? bakit bigla ka nalang naglaho? Ewan ko ba kung may nagawa ako, pero feeling ko naman wala. Sinanay mo ako sa salitang “Gusto kita” pero bakit bigla ka nalang nawala? Hanggang isang araw, bumalik ka. Hindi ko alam pero bigla ko nalang ulit naramdaman ang pagyanig nang sa wakas, sinabi mo ulit. Naisip ko na panahon na siguro para umamin kaya sinabi ko ang mga salitang “mahal kita”. Sinabi mo ulit ang mga salitang “Gusto kita” pero hindi lang pala yun ang gusto mo sabihin. Sa ating pag uusap biglang umulan ng sobrang lakas. Aalis na sana ako ngunit bigla mo akong hinigit at sin among “Kakausapin muna kita”. Ngumiti ako dahil alam kong ang sasabihin nya lang naman saakin ay ang mga salitang “Gusto kita” pero mali. Sa pagbuhos ng ulan naramdaman ko ang lamig. Naramdaman ko ang lamig ngunit mas naramdaman ko ang muling pagyanig. Akala ko sasabihin nya ang salitang “gusto kita” o kaya sa wakas ay masasabi nya na ang “mahal din kita” pero hindi. Niyanig mo ako muli. Niyanig mo ako sa ilalim ng ulan dahil sa anim na salita na sinabi mo. “Ginusto lang kita pero hindi kita minahal”.
0
Mar 11, 2017
Mar 11, 2017 at 2:58 AM UTC
Gusto Kita

Continue reading...
6
‘Heto na naman tayo’t nagbabangayan Parating nagtatapat na magkabilang panig Sinusubukang amuhin ang galit na nadarama Pinipilit ayusin ang matagal nang nasira Nandiyan ka na naman sa iyong sulok Hindi mapigilang umiyak at magmukmok Ako nama’y nandito sa kabilang dako Pinupulot ang mga bubog na iyong binato Ang mga sugat na matagal nang naghilom Muli na namang binuksan ng mga sakit ng kahapon Bakit pa ba natin binabalikan ang nakaraan? Ang gusto ko lang naman ay ang ‘tayo’ ng kasalukuyan Ngunit sa bawat titig na iyong binibitawan Para bang ramdam mo pa rin ang sakit na ako ang pinagmulan? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Para tuluyan mo na akong patawarin? Isang patawad na paulit-ulit na lang sinasambit Isang patawad na matagal na dapat pumawi ng galit Ngunit sadyang ganon yata talaga ang tindi ng sakit Kung kaya’t ang pagsusumamo ay dadahan-dahanin at ‘di na ipipilit Mula sa nakalalasong relasyon ika’y aking pinalalaya Sige na’t humayo ka, bumangon at humanap ng ikasasaya Mahirap para sa akin na ika’y bitiwan na parang wala Ngunit ito’y ginawa dahil kahit ganon ay mahal pa rin kita Isang rason lang ang aking sasabihin Isang rason na sana’y di mo limutin Sa pagdating ng tamang oras sana ako’y maalala mo rin At ang pag-ibig na pinanghahawakan ang maging tulay para ika’y bumalik sa akin
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 9:08 AM UTC
Rason
kay dami nang salita letra pasadya na ang paksa ay tadhana kung paanong sinira binuo ulit at sinira ngunit binuo ulit nito ang aking buhay parang isang laro na walang nakakaintindi ng panuntunan o meron nga ba parang isang lugar na puro ulan o puro init walang katamtaman dahil hindi nito alam ang salitang katamtaman ang alam lang nito ay pagtagpuin ang mga taong hindi naman pala para sa isa't isa o pagtagpuin sa maling lugar maling oras maling pangyayari maling edad maling sitwasyon dahil hindi nito alam ang salitang katamtaman ang alam nito ay katindihan tindi sa nagmamahalang magkaiba ng relihiyon tindi sa nagmamahalang di mabigyan ng pagkakataon tindi sa nagmamahalang nasayang ang ilang taon tindi sa nagmamahalang bata pa noon tindi sa nagmamahalang di pa alam ang ganitong sitwasyon dahil ang tadhana ay hindi alam ang salitang katamtaman dahil kung alam nya edi sana walang nasayang na mga sana
0
Oct 27, 2019
Oct 27, 2019 at 6:42 AM UTC
tadhana
Why Are There Tears in My Eyes crying when I don't want to Every time we are apart I'm drowning in tears Because my heart is so heavy At the bottom I can't climb In my tears There is a secret plea There is a cry for you to help When you are stubborn In what you truly want to achieve The tears don't stop because you are leaving Is it right to leave but it's wrong in my heart Because I love you That's how I try to let you go and give you The pain in my chest is just as intense I just love you I don't claim you Because you have someone else with you and will love you You love me and us But not everything is mine Behind love, there is someone to share I don't share I love you What is your happiness I will let you go Be happy I will let you go her it hurts to drown With no one to rescue If I choose this too You cling more You drown more You cry more I'm drowning in all the memories If I always remember you I'm always drowning in the drops of tears I'm tired of the rain Forgive me There's a battle that needs to be fought If there's a war that can't be seen But there are tears that can be seen Inside, trying to get out The heart is drowning in sorrows The darkness has eaten the unfortunate heart The pain of separation is drowning in tears *************** “ℕ𝕒𝕝𝕦𝕝𝕦𝕟𝕠𝕕 𝕊𝕒 𝕃𝕦𝕙𝕒” Bakit May Luha Sa Aking Mga Mata umiyak ng hindi ko gusto Sa tuwing mag kakalayo tayo Nalulunod ako sa mga luha Na kay bigat ng puso Sa ilalim hindi maka ahon Sa aking mga luha May lihim na pag samo May sigaw na tulongan mo Sa pag mamatigas Sa tunay na ninanais makamtam Walang tigil ang luha dahil lumilisan ka Tama nga ba lumisan pero mali na sa puso Dahil inibig na kita Kung gano kita pilit na pinapakawalan at ibinibigay Ganon din ka tindi ang hirap sa dibdib Iniibig lang kita Hindi kita inaangkin Dahil may iba kang kapiling at mamahalin Mahal mo ako at tayo Pero hindi lahat akin Sa likod pag mamahal may kahati Hindi ako nakikihati Akoy umiibig Kung ano ang kaligayahan mo Hahayaan na kita Maging masaya Hahayaan na kita sa kanya masakit pala malunod Na walang sumasagip Kung pinipili rin ito Lalo kang kumakapit Lalo kang nalulunod Lalo kang lumuluha Nalulunod ako sa lahat ng alaala Kung palagi kita naalala Palagi akong nalulunod sa patak ng mga luha Napapagod na ako sa ulan Patawarin mo May labanan na kailangan labanan Kung may digmaan na hindi makita Pero may luha na nakikita Sa loob pilit kumakalawa Ang puso nalulunod Na sa mga lungkot Kinain na ng dilim ang pusong sawi Ang sakit ng maghiwalay nalulunod sa luha
0
Aug 23, 2025
Aug 23, 2025 at 5:59 PM UTC
"Drowning In Tears" (Tagalog Version)

100
78 Ang ina ng pangunahing salarin Mangkukulam na maramdamin 79 Sa tindi ng kalungkutan Paghihiganti’y kagustuhan 80 Mga mamamayan siya’y minura Tinagurian pa siyang kasumpa-sumpa 81 Galit at lungkot Pighati at poot 82 Isang gabing may sigwa Katakut-takot na delubyo tinawag niya 83 Tubig, hangin, buhangin magkasahog Dumaluyong sa bayang ilulubog 84 At paggising ng bayan kinabukasan Tumambad kalunus-lunos na kasiraan. -06/27/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:45 PM UTC
Daragus 12 -Paghihiganti ng Ina-
Hindi mo na maririnig, tugtog ng lumang gitara, awit ng batang kwerdas na kinulbit pag bagot na ang mga talata’t salita, hindi mo na mababasa sa tagtuyot na darating, tila mga dahong nalanta, malalaglag, maiiwan lamang ay kupas na ala-ala Di na matutupad, muling pagkikitang pinangarap, sa mundong ibabaw, panahong tangi’y sasang-iglap buhay na wari’y walang wakas, maglalahong ganap Ganunpaman, hayaang lumipad ang aking paghikbi 'ka'y naging bahagi, kaputol ng pusod sa aking wari Magpahinga ka na’t napagod kang anong tindi Aalalahanin ka tuwina, kapatid na alalay ang ngiti.
0
Aug 29, 2021
Aug 29, 2021 at 8:18 AM UTC
Kaputol (Para Kay Goras)
Kaninang umaga Habang hithit ko Ang nagbabagang yosi Ay naalala ko Ang lumipas na tag-araw. Kalagitnaan ng Abril 2017 Maalinsangan ang umaga Nang ako’y magising Matapos ang isang gabing walang pagkahimbing. Sa sala at maging sa lamesa Namagitan ang isang Mahabang katahimikan Walang usapan, Walang kibuan Isang nakakainis na pakiramdaman. Nung sumapit na ang tanghali Mas mainit pa sa nakasalang na kawali Ang init ng nakakapugnaw na putang-inang araw. Pero kakaiba ang tag-araw na ito Sa gitna ng matinding init Akoy giniginaw May Malaria? Wala s’yempre Pero ako’y giniginaw. Giniginaw ako sa tindi ng panlalamig mo sa akin. Kaninang umaga habang nagyoyosi Sa pagitan ng usok at buntong-hininga Naalala ko ang lumipas na tag-araw.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:56 AM UTC
Untitled
Ako’y biktima ng tadhanang malupit, Sa tindi ng hagupit di alam kung saan kakapit. Minsan lang nabigo itong puso ko sa pag-ibig Parang gumuho itong aking daigdig. Nang dumating ka at nakilala, Sugat sa puso’y unti-unting nawawala. Ano nga bang mayroon ka At puso ko’y napapatalon sa tuwa? Paglipas ng panahon, sa tagal ng ating pagsasama Puso ko’y nakadama ng kakaiba Pakiramdam ko’y ligtas ako sa tuwing kasama ka; Pag-ibig na naman ba itong aking nadarama?
0
Dec 19, 2019
Dec 19, 2019 at 7:59 AM UTC
“Pusong ‘di mapigilan”