Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"saluhin" poems
Natakot ako noong araw Na nagising ako At naramdaman ko ang kabog ng puso ko Parang iba na ata Ang sinasabi nito Hulyo noong nangyari ito Ngunit Oktubre na nang aminin sa sarili Ang matagal nang ikinubling damdamin Dahil nakakatakot Nakakatakot ang mahulog Para sa isang taong hindi naka-abang Upang ika'y saluhin Nakakatakot malunod Sa lalim ng iyong mga mata Na baka hindi na makabalik pa At maiwang nag-iisa Nakakatakot sabihin Ang damdaming itinanggi Dahil baka di pakinggan At tuluyan nang iwasan Natakot ako pero sumugal ako ‘Di na ata kakayanin pang itago ito Ngunit matapos ang lahat Tama nga ako Tama nga ang paulit-ulit na sinabi sa sarili Hindi na dapat Bakit nahulog pa Bakit nalunod pa Bakit sinabi pa Sana tinago ko nalang Mas nakakatakot pala Nang tuluyang mawala ka
0
Jan 19, 2016
Jan 19, 2016 at 6:41 AM UTC
Pagpapanggap
AKO’Y NAKA TINGIN SA LANGIT SA ITAAS NG BUBONG NAMING PAGKANIPIS NIPIS. TINATANAW KO ANG MGA PUTING HUGIS BULAK NA PAPALAPIT SA ISA’T ISA AT SAKA DUMIDIKIT. KAPAREHO NG MIGHTY BOND NA DINIKIT KO SA SIRA SIRA KONG SAPATOS, KAPAREHO NG KULANGOT NA PINAHID KO SA PADER NG ROOM NAMIN. KASING LAGKIT NG TINGIN MO SA TAONG WALA NAMAN GUSTO SAYO. PARA KA TALAGANG ULAP, KASING GANDA MO ANG ULAP. NAKAKA SILAW SA SOBRANG GANDA. MASAKIT PERO MASAYA. MARAMING TAO ANG DINADAAN KA LANG, YUNG IBA TUMITINGIN AT SABAY AALIS. PERO AKO ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG, KAHIT TIRIK NA TIRIK ANG ARAW. KAHIT MATUYUAN AKO NG PAWIS, KAHIT MABASA AKO NG ULAN, ANDITO PARIN AKO. TINITINGNAN KA SA MALAYO. KAYA KAPAG UMUULAN, MINSAN GUSTO KONG KUMANTA NG “PAIN, PAIN GO AWAY COME AGAIN ANOTHER DAY.” DAHIL AKO, AKO ANG UNANG MASASAKTAN KAPAG UMIIYAK KA. DAHIL SABI KO NGA KANINA UMARAW MAN O UMULAN ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG TINITINGNAN KA AT HANDANG SALUHIN LAHAT NG IYAK NA GUSTO **** IBUNTONG SA ISANG TAO. TANGA PAKINGGAN DIBA? SABI NILA SAKIN BAKIT KO DAW HAHAYAANG MAGKASAKIT AKO DAHIL SA ULAN, BAKIT KO DAW HAHAYAANG TUMAGAKTAK ANG PAWIS KO SA GITNA NG NAGTITIRIK NA ARAW KUNG PWEDE NAMAN DAW AKO PUMAYONG. OO NGA TAMA SILA. NAPAKA TANGA KO. DAHIL MAS GUGUSTUHIN KO PANG MABASA NG ULAN, AT MATUSTA DAHIL SA ARAW KESA HINDI KITA MAKITA. ULAP. KAHIT SAAN NAKIKITA KITA. IKAW? NAPAPANSIN MO KAYA AKO.
0
Feb 14, 2017
Feb 14, 2017 at 11:25 PM UTC
Ulap
Pinaiyak, hindi napaiyak Sinaktan, hindi nasaktan Pinaasa, hindi napaasa Naiwan? Baka iniwan Hindi maaring sabihing napaasa mo kung Ni minsan hindi mo ginustong saluhin Hindi tamang sabihin na naiwan mo siya Dahil hindi niya ginusto sumama sa landas na alam **** ayaw niya Hindi katanggap tanggap ang sabihin **** "pasensya at nasaktan kita" habang wala siya sa isip mo nung mga panahong nagsasaya ka sa mga bagay na ika-lulungkot niya Hindi tama Mali May pagkakaiba sa dalawa Hindi ito isang aksidente Sinadya mo, ginusto mo Ngayon Sinanay niya ang sarili na wala ka Pinili niyang maging masaya ng hindi ka kasama Ngunit wala kang magawa, hindi mo sinasadya, diba?
0
Dec 7, 2016
Dec 7, 2016 at 6:28 AM UTC
PINA
Palutang-lutang sa gitna ng dagat Gawa ng luha kong sinubukang saluhin sa tasa ngunit hindi nagkasya Sinong sasagip sa pusong takot malunod? Hahayaan na lamang bang magpaanod sa tulirong mga alon Wari'y sila ring nalilito Saan nga ba patutungo? Ngunit ang damdamin, Sa iyo pa rin gustong dumaong Umaasang sa dalampasigan, Sa mga bisig mo, ako sisilong Parola, Margaret Austin Go
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 6:31 AM UTC
Parola
010717 (Para sa mga may gustong simulan at gustong tapusin. Para sa mga may kahapon at naniniwalang sisirit ang bukas. Para sa mga may pangamba pagkat pakiramdam mo'y kapos ang oras at tila ika'y may gapos ng kagabi o noong isang araw, noong isang taon. Para sayo, nang mahimbing ka sa gabing may pagsuko. Pipikit ka rin, hihimbing ka rin. Didilat ka, may bukas pa.) Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga ibinubulong Ko sa iyo tuwing natutulog ka, habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing. Narinig na ng mga unan mo ang mga Salitang binitiwan Ko noong inamin kong hinding-hindi Kita bibitiwan habang sinusuyod mo ang gabi nang mag-isa, na tila ba ito na ang huling gabing ikaw na lamang ang bida sa istorya. Narinig nila ang mga bulong Kong narito Ako at Ako pa rin ang kilala Mo noong unang beses Akong humimlay sayong mga bisig para punasan at saluhin ang mga butil ng mala-perlas **** mga luha, kumikinang at mahalaga   pagkat tangan nito ang taimtim **** mga panalangin -- mga panalanging hindi mo binitiwan at lubos **** pinagsindi ng kandila sa bawat gabi't alay ang tinig **** balisa't uhaw sa kasagutan. Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo, na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka, tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw -- kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit, sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang. Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo, noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan mo ang lahat, noong una Kong sinabing mahal kita at kahapon, ngayon o bukas at magpakailanman -- ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan, na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin. At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat, ay sana manahimik ang kuwarto mo. Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko. Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig at susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig. At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako. Matulog ka na, Anak. #010717 #SpokenWordsNiTatay
0
Mar 15, 2017
Mar 15, 2017 at 11:28 AM UTC
Mahimbing na Pagsilang

Continue reading...
11
Ano nga ba ang layunin ng oras? Mas matimbang ba ito sa mga makikinang na alahas? O mas mapula pa sa pag usbong ng mga sariwang rosas Ito ba talaga ay nagbibigay lakas? Hindi sapat ang pagluha upang makabawas Para saluhin ang mga masasakit na hampas At sa mga sugat na walang lunas Na nag iiwan ng mga malulungkot na bakas Kung saan lumaban at nakipagsapalaran ka naman ng patas Ngunit pakiramdam mo sa bandang huli ay ikaw pa din ang olats Dahil ba biglang bumida ang mga mapalinlang na ahas? Na pumupulupot sa leeg na parang isang kwintas At pumipigil sa mga kasinungalingang pwedeng ibigkas At inaakalang wala ng pag-asa upang makaligtas Kulang pa ba ang kinaing bigas? Harapin ang mga ito ng walang kaba at di pag iwas O kaya naman gawing posas para masiguradong walang takas Sa mga bagay na iniingatan magkaroon ng maliliit na gasgas Hirap tuloy matukoy kung ito ba ay pagkakataong maging swerte o malas Pwedeng maghintay, wag ka nga lang masobrahan at baka di mamalayan na lumampas Ang bawat segundo ay hindi tulad ng pera na basta lang winawaldas Hinay-hinay lang dahil hindi na maibabalik ang bawat minuto na lumipas Ang maganda dito ay wala itong sinusunod na anumang batas Dahil ang oras ay isang pinakamumunting regalo na walang hinihinging katumbas Na pwedeng i-alay sayo ng isang taong nagmamahal ng wagas
0
Nov 10, 2016
Nov 10, 2016 at 6:52 AM UTC
Oras
Parang isang babasagin napakarupok ko sa iyong mga mata at sa iyong mga ngiti na bilang sa daliri. Marupok ako sa mga pasimpleng lambing na dumudurog sa malamig na puso. Sa balikat **** sinasandalan, sa yakap at amoy ng iyong anit kahit maghapong pawisan, napakahina ko. Natutuwa sa simpleng kwentuhan at kahit di mo pa subukan, dalang dala ako sa agos mo. Kahit wala ka pang gawin para ako'y suyuin nanlalambot ang Marupok na ako sa Marupok na ikaw Marupok pati ang isip ko na laging lumalakbay papunta sayo, lumilipad sa kalawakan mo, ramdam ang grabidad na lalong humihila sa pusong tila nalalaglag na. Kaya ba? Kaya bang saluhin ng marupok na ikaw ang marupok na ako?
0
Sep 12, 2019
Sep 12, 2019 at 10:14 PM UTC
Mahina ako sa isang Mahinang ikaw
baka ika'y madapa pero wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito mga kamay kong siguradong ibabangon ka sa aspaltong magaspang na iyong kababagsakan. Magingat ka baka kako ika'y madapa pero wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito mga kamay kong siguradong pupunasan mga luhang manggagaling sa'yong mga mata. Magingat ka baka kako ika'y madapa pero wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito mga kamay kong siguradong pagagalingin mga gasgas sa tuhod **** ngayo'y nanginginig. Magingat ka baka kako ika'y madapa pero wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito mga kamay kong siguradong handang buhatin ka kung sakaling di na kayang maglakad pa. Hindi ako magsasawang paalalahanang magingat ka na baka ika'y madapa pero wag na wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito ako hindi lang mga kamay ko handang saluhin ka sa tuwing ikaw ay madadapa.
0
Jul 12, 2015
Jul 12, 2015 at 1:54 PM UTC
Magingat ka
072921 Nag-uumapaw – Nag-uumapaw ang Iyong pag-ibig at pagkalinga Sa pagsilang ng araw. Ang Iyong mga yakap na hinahagis ng hangin At dumadampi sa aking balat, Ay maigting na pagtapik sa aking kaluluwa. Di ko masukat kung gaano kalawak ang karagatan At ako'y nabihag; ako'y nabighani Sa'yong kagandahan – Kagandahang mismong ang Iyong mga nilikha Sa kanila ko nasisilayan Sa kanila ko nararamdaman Ang pag-ibig na sinasabi **** walang katulad, Walang pamagat, walang sukat. At walang kung anumang lalim. Sa'yong pag-ibig, hayaan **** matuklasan ko Hayaan **** masilayan ko Ang nais sambitin Sa mga pahina na nakasulat – Iyong Isinulat noong nakalipas pa. Sa bawat paglagas ng mga dahon Para itong bumubuhos sa'king mga paa At sa tuwing ako'y titingala'y Gusto kong saluhin ang lahat nang paisa-isa Saluhin lahat ng mga biyaya Ng bawat pag-ibig Ang bawat pagkalinga Mo Na hindi ko malaman kung saan nanggagaling. At hindi ko matansya Kung bakit hindi nauubos ang Iyong pag-ibig. Pero salamat, salamat Panginoon Salamat sa walang hanggan – Sa walang hanggan dahil sa pag-ibig Mo, Inialay Mo ang Iyong anak na si Hesus. Hesus na syang lunas ng anuman – Anumang sakit, anumang delubyo, Anumang pagkukunwari, anumang pag-aalala Anumang walang pagtitiwala.. Anumang poot at sakit na nararamdaman, Nananatili man yan sa puso o sa isipan O yung mga taong nakasakit sa'yo Mga taong nasaktan mo. Dahil sa nag-iisang Pangalan, Kaya nitong tupukin ang lahat Kaya nitong bawiin ang lahat ng nawala sayo. At dahan-dahan, Dahan-dahan kang ngingiti Hindi lamang ang Iyong mga labi Kundi ang puso mo Na ang hantungan ay doon sa kalangitan – Sa kalingatan kung saan sa trono Ang trono ng Liwanag ay patuloy na kikinang Patuloy na mamumutawi ang kagandahan At sabay-sabay nating masisilayan Ang pagbabalik ng hinihintay ng lahat. Salamat at patuloy tayong maghihintay Patuloy na iibig Patuloy na mananampalataya.. Patuloy lang, patuloy lang..
0
Jul 30, 2021
Jul 30, 2021 at 2:45 AM UTC
Patuloy

59
*Hayaan **** saluhin kita na tila isa kang bulalakaw na babagsak pa lamang... Hindi na kita hahayaang lumagpak pa ng tuluyan At hindi na rin ako mahuhulog para sa iba*
0
Jan 15, 2016
Jan 15, 2016 at 11:19 AM UTC
Bulalakaw
Kung kaya lang nating saluhin ang bawat hinagpis, Ang bawat sentimong Tinutunaw ng humahagulgol na kalangitan. At kung kaya lang natin syang sabayan Sa mga gabing tinutukso na sya ng antok, Tinutuklaw papalayo sa nais nyang direksyon. Ngunit hindi sya magpapaubaya’t Mananatili syang gising Na parang naghihintay ng panibagong panimula — Ng bagong punlang ihahasik at ihahabilin sa kanya Ng tinuturing nyang “mahiwaga.” At balang araw ay darating ang kanyang gantimpala, Pagkat walang ibang naging saksi Sa bawat butil na isinisilang Na sya mismo ang nakikiramay. At sa bawat burol Ay nauubusan na rin sya ng dahilan Sa kanyang pagtatago at pakikipaghabulan. Pagkat sya na rin mismo ang nagiging libingan Ngunit sya’y tatahan at maghahanap ng tahanan. Patuloy ang kanyang panlilimos, Patuloy ang kanyang pagkauhaw, Ngunit patuloy din syang umaahon — Yayakapin ang sarili’t tatahan.
0
Nov 19, 2021
Nov 19, 2021 at 10:40 AM UTC
Mga Luha’t Libingan
hindi ka pain para saluhin ang lahat ng balang binabaril. hindi lahat ng bala ay iyong dapat sasaluhin. umilag ka dahil hindi lahat ay tinututok sayo. matagal nang hindi kumakasa ang baril dahil nauna mo na itong patamain sa pagibig kong matagal ng namatay.
0
Mar 11, 2020
Mar 11, 2020 at 8:33 AM UTC
baril
Ang saya ay di ko maitago At tumatalon ang aking puso Ikaw na nga siguro Ang sa akin ay ipinangako Lungkot mo'y nais ko'ng saluhin Hirap mo'y aking papasanin Luha mo'y aking papawiin Sapagkat mahal ka sa akin Ako'y hindi nagbibiro Sapagkat ako'y takot din na mabigo Pakinggang ang aking puso Na tapat at ganap ka'ng sinusuyo Tumingin sa aking mga mata At ipagtapat ang nadarama Alisin ang ating mga kaba At hayaang ang puso ang magdikta Alam ko'ng hindi sapat ang mga salita Sapagkat ang iba'y nauuwi sa dalita Ngunit ako'y tapat na magsasalita At ang aking puso ang siyang magwiwika - JGA
0
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 2:41 PM UTC
Sa Iyong Pagdating
Tigilan na ang pagluha, Wag sirain ang bagay na binuo mo, Sa tagal mo nang humahara sa pagsubok, Ni isa walang nakapagpabuwal sayo. Madami ka ng naidilig sa lupa, Ilang bulaklak na ang iyong napatubo? Gamit ang iyong mga kamay, Ang mga bubot ay nagmistulang mga rosas. Hindi mapagkakailang mahapdi at masakit, Ang ang bulaklak sa iyong hardin, Hindi ka na makalapit, Pero tandaan maari pa siyang pagmasdan Kahit malayo, iyong alalayan. Ngunit darating ang panahon, Puso’y maghihilom, Tatagan lamang ang dibdib, Saluhin ang sarili gamit ang sariling bisig. Kakayanin mo ito, Wag ka pagagapi, Kaya tahan na, Wag hayaang, Ang mga multong ginawa sa para sarili, Makapasok sa tahanan pa.
0
Sep 4, 2019
Sep 4, 2019 at 7:20 PM UTC
Tahan na
Sakim ako ee, Ayoko masyadong mag isip, Ngayong malapit na ako, Sa tuktok ng aking mga panaginip. Mas malakas ka pa kasi sa nescafe Magpa-gising. . . Mas matindi ka pa sa kopiko, Magpakabog ng dibdib. . . Delikado. . . . . Baka kung kelan malapit na ko sa tuktok Tsaka pa madulas pabulusok At ang masakit? Hindi yung pagbagsak e, Yung katotohanan na Hindi ka man lang mag iintay Kahit k a u n t i , Para ako'y saluhin. Ang masaklap? Hindi yung mawala yung mga taong pinaghirapan ko, Pero, yung malaman ko na: Kahit ano pa man Ang mapabayaan ko, Walang magiging tayo. Kaya eto ako, masaya.. . Masaya pala, na mag isa, Pero mas masaya kung may, Makakasama ako sa twina, Yung kahit hindi ikaw, Basta handa siyang maging ikaw, Sa pwesto ng puso kong, Dati, ikaw ang sigaw.
0
Jul 18, 2017
Jul 18, 2017 at 8:19 AM UTC
I k a w