Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jeremiah Ramos Jun 2016
Pwede bang pakisabi mo sa akin kung ano ang pag-ibig?
Pakiramdam ko kasi ako na lang ang hindi makahanap nito.
Pakiramdam ko kasi hindi sapat yung mga salitang nakalimbag sa diksyunaryo para maintindihan ko,
Hindi din siguro sapat yung mga gabing 'di ako makatulog dahil sa'yo,
'Di din sapat na kasama ka sa mga salitang lumalangoy sa isipan ko tuwing susulat ako ng tula
Hindi pa rin ba sapat,
na nakilala kita?
Para maintindihan ang pag-ibig?

Para akong isang musmos na batang hinahanap ang kahulugan ng isang matalinghagang salitang nabasa niya sa isang tula.
Nahihiyang itanong sa mga magulang at kaibigan,
Kailangan ang sarili lang ang maka-intindi at makaramdam.

Hindi ako makahinga,
Sinasakal ako ng mga walang katapusang tanong,
Kung ano nga ba talaga ang pag-ibig?
Kung hinahanap nga ba 'to, o kung kusa nga ba 'tong dadating.

Kung ang pag-ibig ba ay...
Yung sandaling tumigil ang oras nang nakita mo siya sa unang pagkakataon?
Yung nalaman ninyo ang pangalan ng isa't-isa at inukit mo na agad 'to sa isipan mo, at lumipas ang ilang araw may rebulto na siya sa puso mo.
Ang pag-ibig ba ay...
Ang mga saktong puwang ng inyong mga kamay?
Ang bilis ng tibok ng puso mo nang una mo siyang nayakap?
Nang nagsalubong ang inyong mga labi at nalaman niyo ang bawat sikretong tinatago sa katahimikan.
Nang makita mo ang mga mata niya at naalala mo noong una kang nakakita ng mga kuliglig.
Natakot ka at nabighani.
Ang pag-ibig ba ay...
Ang pagpapakatanga sa isang taong niloko ka na ng tatlong beses?
Ang mga guhit sa braso mo?
Ang mga natuyong luha mo?

Ang pag-ibig ba ay ang pagmahal sa isang taong may mahal din na iba?

Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi nangyari ang lahat ng napanood mo sa pelikula at nabasa sa libro?
Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi ka nasaktan?

Natatakot ako,
Na baka sa sobrang tagal ko sa paghanap ng mga kasagutan,
Mapapagod ako at susuko.
Nabuklat ko na ata lahat ng mga talahuluganan at tesauro,
Tila bang kaya ko nang gumawa ng tula para sa bawat salitang nakilala ko,
Pero pinili kong mag-sulat sa isang salitang hindi ko nahanapan ng kahulugan.

Limang beses ako nag-akala na nakilala ko ang pag-ibig,
Limang beses akong nagkamali.
Hindi ko alam kung tama pa bang kuwestiyonin ang pag-ibig,
Ang ano, bakit, kailan, at paano.
Siguro mananatili na lang 'tong matalinghagang salitang walang kahulugan at kailangan maramdaman para maintindihan.

Pangako,
Sa sandaling maramdaman natin 'to.
Magmamahalan tayo ng higit pa sa pag-ibig.
Probably my last love poem, I'm gonna take a break writing about love for a while.
Sy Lilang Jun 2014
Tumibok ang puso ko
Hindi dahil sa may hinihinga pa
Ngunit bunsod sa kaba.

Tumayo ako't humakbang
Narating ko ang entablado;
Hindi ko lubos maisip
Na ito na ang pangalawang beses
Na tutuntong ako't haharap sa madla.

Isang pribilehiyo
Salamat sa grasya ng Panginoon.

Panimula ko'y winaksi na sa isipan
Bagkus ang bibig ay kusang niluluwalhati Siya
Maging ang pangwakas ay nakatuon lamang sa Kanya.

Ang buhay ko'y minsang naging sakal
Akala ko noon, kaya kong walang sinasandalan
Ngunit ako'y minsang naupo sa silya-elektrika
At tinawag na nasasakdal.

Isarado natin sa siyam na taon
Ako'y nasa rehas pa ng kadiliman
Na tanging sariling latay ang nasasaksihan
Kilala ko Siya na may lalang sa akin
Ang tingin nga lang ay ambulansya Siya:
Na 'pag kailanga'y, panay hikbi't nanlilimos ng grasya
Ngunit 'pag ayos ang lahat,
Iniiwan ang sarili't umiindayog sa dilim.

Sa siyam na taon
Ako'y binahiran ng itim na blusa
Akala ko'y hindi ko na matatakasan ang rehas;
Ang sekswal na kasalanang bumalot sa pagkatao
At naging mitsa nang paghinto ng nararapat na pagpapala.

Ngunit ang lahat pala'y kayang limutin ng Ama
At ang maling relasyo'y kinitil sa tamang panahon
Na ang pag-ibig ay magkaroon ng katuturan
At doon nalaman na 'pag para sa kapwa'y
Sunod lamang sa mas rurok
Ng saktong timpla ng pagmamahal.

Umaagos ang luha ko nang walang nakakakita
Ang puso'y hinihele ng Kanyang mga anghel
At ang Kanyang sakripisyo'y tagos sa kamoogan.

Hindi ko lubos na maintindihan noon ang pag-ibig Niya
Na kayang akayin ang buo kong pagkatao
At buburahin ang kamalian ng nakaraan
At maging ng ngayon at ng bukas.

Hindi ko alam kung saan paparoon
Kaya't pilit kong sinuot ang maling maskara noon
Ang puso'y mali rin ang naging direksyon
Maling galaw at mali ang naging layon.

Ibinaling ko ang lahat sa sariling persona
Nag-aral nang mabuti't hindi nalulong sa anumang droga
Maraming organisasyon ang kinabilangan
Sa pag-aakalang matatakpan ang bawat butas
At masisilayan lamang ang magandang antas ng sarili.

Sa madaling salita, binuo ko ang sarili kong pagkatao
At nalimot at nakaligtaan na may nag-iisa lamang na Manghuhulma
Ngunit salamat at naarok ko ang tamang landas
Na ang minsang batong sinantabi't itinapon
Ang siyang tutuwid sa baku-bako kong daan.

Hindi pala ako magiging masaya
Kung ang sentro ko'y ang aking sarili
At nang ako'y palayain Niya,
Masasabi kong ganap na ang aking pagkatao
Na nakilala ko ang sarili --
Kung sino ako't kung para kanino.

Wala na akong mahihiling pa
Mahirap man sa sansinukob na ito'y
Patuloy pa ring maghihitay sa Kanyang pagbabalik.

Hindi ko kinalilimutan ang mundo
Ang labindalawang disipolo na Kanyang regalo sa akin
Ang kanilang mga buhay na tangan ko hanggang sa huli
At hindi sapat na sumuko lamang
Hindi ko kaya, ngunit kaya Niya.

Ang pag-ibig ko sa pamilya ko'y hindi maaawat
May mga tanong sa isipan ngunit hindi ko ito ginising
Hindi ko abot ang Kanyang kaalaman
Kaya't inilapag at inihain na lamang sa Kanyang paanan.

Muli, hindi ko kayang mag-isa --
Mag-isang nag-aarok ng pansamantalang tagumpay
Ngunit ang paniniwalang may pag-asa pa
Ay patuloy ang pag-usbong gaya ng mga malalagong dahon;
Ang bawat kaluskos ay maririnig ng Ama
At ang pugad na kinatitirikan ko ngayo'y
Haplos ng Kanyang banal na mga kamay.

(6/28/14 @xirlleelang)
wizmorrison Jul 2019
Sauna bata pako
Wa pa koy kahibalo,
Bisag lamok di patugpahan
Kay lagi pinangga man.

Nagdako kong hapsay
Malipayon kanunay
Kay aduna may
Naghigugmang tinud-anay.

Nagsubay mis saktong dalan
Kay kami saktong gitun-an,
Bisag si Mama dako nag baba
Kay kami badlungon man.

O pobre tood mi
Wa ko man na mahayi,
Dos ray balon nga ni human
Ko's hayskul ug elementary.

Pero bisan pa niana
Saludo ko nimo Pa,
Magtarong kog skwela
Para malipay **** mama.

Butang-butangan man ko
Di lagi ko paapekto
Magpakahilom sa ko
Kay wala pa ko sa pwesto.

Kay imo kong gipa skwela
Nipalayo ka sa amoa,
Naningpalad sa laing dapit
Sa desyerto na sangit.

Bisag layo ka kanamo
Murag duol ra ka kaayo,
Mura kag bituon
Nga gustong abuton.

Pa, kay layo man ka
Wa koy laing magasa
Basaha lang unya ni,
Happy father's day!
Bisaya Poems for a Father's Day.
Bryant Dec 2018
Sa kanya pa salamat ang aking laging sambit...
Dahil sa’yo, ay may na ramdaman ng hindi pinipilit...
Nang makita ka, oh ano aking tuwa...
Titigan ang Magandang **** mukha, hindi naka ka sawa...

Di ma hanap ang saktong mga salita...
Para ma ilarawan ang tunay nararamdaman para sa’yo aking sinta...
Pag ibig mo mahal ko ang aking tanging hangad....
Ginagawa ko para sa’yo, Ako’y hindi nag papa bayad...

Pag mamahal mo lang ang tanging ibig aking sinta...
Ngunit mas lubos pa roon ang sa akin ay iyong pinag ka loob,
Ngite’y Di ma ipinta...
Lubos na pag mamahal ko sa’yo ay nais kong ihingi ng tawad...
Dahil para sa’yo lahat ng ito’y masyadong maaga at sagad...

Sagad? Malamang ang iyong tanong?
Ulit sasabihin ko‘y walang tamang sagot sa aking bugtong...
Pala isipan nga kung iyong iwika...
Sagot ko ay malamang Ito ang naka takda...

Na tayong dalawa’y ay mag kita at mag ka kilala...
At dahil duon, sa akin ay naging inspirasyon ka...
Sobrang mahal na mahal po kita...
Kung Sabihin sa’yo ito’y
pa ulit ulit at sadyang hindi na kaka sawa...
At sanay nakikita mo Ito sa aking mga gawa...
Jo Organiza Jan 27
Ang kainit sa kape nga mugakos sa imong tiyan,
nahibalik sa panundumang siya pa ang imong gikaibgan
pero sa mga niaging mga adlaw ug bulan
sa paghunahuna ka pirme maglutaw ug mawad-an
mawad-an ug saktong paghunahuna, kay ikaw nga busog,
busog sa iyang mga atik nga kusog mulanog.
Bisayang mga Balak nga mihitungod sa gugma :((
Balak - A Bisaya Poem.
Ali ra gud paminawa, ang kagabiehon anaay gisulti sa atoa.
Matulog na daw ta, kay ang paglaum moabot ugma inig hayag na.
Bitbit ang saktong kalipay na mohulip sa pait ug walay lasa na kalaay.
Katawa na dili mahopay, ug ang kasadya sa atong kinabuhi maoy atong lintunganay.

Akong mga mata mopiyong, apan ang dughan nako nagapadayon na ikaw ang gihonghong
Matulog ko karong gabieha na dili masulob on, nagahandom na ikaw mao ako damguhon.
Tulog na ta, apan ang akong paglantaw sa imoha dili pa.
Dili mohopas ug dili mawala, bisan pa ug mahinanok natang duha.
#bisaya
Tungkol saan kaya ang isusulat ko?
Dito sa papel at lapis na hawak ko?
Tungkol kaya ‘to sa kapaligiran ko?
O sa nararamdama’t karanasan ko?
Ngayon, nananatiling blangko si papel
Nakasulat palang itong si letrang “L”
Hayy ‘di pa naman tumutunog ‘tong si “bell”
Kaya gagamitin nalang muna si “cel”
At lumipas ang mahigit isang oras
Napansin ko, ako’y nagsayang ng oras!
Hayy nakoo! Bakit  dito  bilis mo oras?!
‘lam mo nang ayokong tumayo sa labas.
Nakoo ‘yan na si teacher [insert pangalan]!
Ay! Itago! Itago si “cel” bilisan!
Ibalik si papel! ‘tong lapis tasahan!
Para ‘di guilty mukha, boses lakasan!
Ay teka’ ba’t si teacher’  dito ang *****?
Parang umaapoy kanyang mga mata
Biglang kinabahan na parang ‘sang bata,
Hayy nakoo! Ako ata’y lagot nanaman!
Nahugot agad si “cel” sa pagalapit niya
At inilagay niya sa drawer ng mesa niya
Itong aking nararamdaman, ‘di kaya
Pawang nan’liliit’ sa labis na hiya.
Kaya kasama ulit si blangkong papel
Kasama narin ‘tong si tanging letra “L”
Ngunit ngayo’y ang lungkot’ wala na si “cel”
At saktong tumunog itong si lokong “bell”.
dedicated to all my fellow noypis here in Hellopoetry! :)
My first and only poem written in my native language.
From 3 years ago tho...

(07 – 25 – 2013)

— The End —