Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"puspos" poems
NOBYEMBRE 20, 2018 hugis pusong inukit sa munting puno nagbunga ng matamis itong pagsuyo sa lilim ng mga sanga, saksi sa’ting pangako na tayo lang dalawa ang magkasundo ito ang ating tagpuan, na tayo lang ang may alam kaya nakalagay ang pangalan,pagkat dito ay atin lang ang payapang tahanan, ng ating pinagsamahan sa dahong kanlungan, na puspos ng pagmamahalan ang dibdib kong umaawit, habang pumipintig halina’t maging mainit ang dating lamig oh kay sarap palang kumapit, sa gitna ng ating bisig, (sa ilalim ng) hugis pusong inukit, simbolo ng dakilang pagibig may hangin na dumadampi wari’y halik sa’yong pisngi sa punong mumunti, rosas kang kasing pula ng ‘yong labi at meron pa bang tatatamis sa iyong mga ngiti kung tunay ngang ang ‘yong ganda’y nakakabighani sa punong may lilim, kasama kita aking sinta wala na kung hinihiling, kaylangan ko’y andito na sana dito nalang tayong dalawa’y mamalagi sayo ilalaan ang bawat sandali, at pangakong mananatili
0
Nov 20, 2018
Nov 20, 2018 at 12:05 AM UTC
Puso Sa Puno
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Sona-sonahan, madilim na naman. Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo Mapagod man kayo, tuloy pa rin ang laban ko Isa.. dalawa.. tatlo.. Game?" Pag si Juan ang nagsalita, Nag-aalitan ang madla. Pag tikom ang bibig, Siya'y bulag raw sa maralita. Pag nilatag ang naplantsa, Lalatiguhin ng administrasyon. Pag walang plataporma, Ihahagis sa bangin ng suhestisyon. Kalaban pala nati'y ang sariling atin, Demokrasya nga'y may sapin pa rin sa bibig Mga bolang itim, saang lupalop ang padpad Mapait ang kapayapaan, Dakila ma'y kanilang binabagsak din. Walang nakatitiis sa bayang nagpapapansin Masakit nga naman sa bulsa ang tunay na bayanihan Dugo'y dumanak makamtan lamang ang demokrasya Sobra-sobra nga lang ang danak ng iilang raleyista. Sadsad sa suliranin ang Inang tinakwil Mga anak sa lama'y namasyal pa sa ibang bayan Hindi na matapus-tapos ito'y pagdadamayan, Damay sa kurapsyon, damay sa pagtitwakal ng mga Inakay. Yuyuko na lang ang nasa langit Pagkat nagapi ang mga tunay na Anak -- Ang lipunang ginahasa ng iilang ganid, Paulit-ulit na, ang hapdi ng kamusmusan. May iilang nagtatanong, May iilang walang pagtataka, Musmos sa bayan, wala namang pag-usbong Kaya't iba na lang ang nakikinabang Puspos sa distansya Ng kamalian ng nakaraan. Hugas-kamay ang iilan, Simpleng hindi batian, Wika nga ba ng pagkakalimutan? Parang away-kalye, away-bata Aso't pusa, sa lipunang ang hepe'y sila-sila lang din. Batu-bato pik, naglalaro ang iilan Bukas tataya na naman sa lotto At pag natalo'y iiyak na lang, Bibigyan ng tsokolate, Pangako para sa matamis na pag-iibigan Ngunit balat lang pala, Mapagbalatkayong himagsikan Tapos, hahanap ng Darna Pagkalunok ng bato ng kamanhidan.
0
Jul 27, 2015
Jul 27, 2015 at 1:32 PM UTC
SONA-sonahan

Continue reading...
51
#112715 #4:25PM “Banaag ko ang Wikang tugon; O Giliw na siyang inaapuhap, Sayo ang bituing salin sa tatsulok Sayo ang kambal ng Langit at Dugo.” Mala-unos ang bungang may diin. Salawal ng kataga’t tugma’y banderitas na puti, Doon nabuo ang Kasaysayang hindi makasarili. May iilang Juang Hudas, Bumalasubas sa Bayang itinakwil Kaya’t suwail ang makabagong talinhagaMay lalim sa pag-unawa Bagkus ang isip ay libingan ng mga diktador Na siyang puspos sa paghihikahos. “Paumanhin, Giliw Pagkat ang puso’y may gitgit.”
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 3:46 AM UTC
Philippine Judas
sa tunog ng tambol, iyong hinawakan ang aking nanginginig na mga kamay at sa gayo'y mapawi ang damdaming puspos sa dalamhati ang bawat pagtibok aba'y mistulang pulso dala ng aking puso kasing lakas ng pagkulog ng mga ulap kasing tulin ng paruparong lumilibot sa hangin.
0
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 9:45 PM UTC
40
#112915 #12:28PM Naglisawan ang mga katauhang nakaputi At siya’y mistulang diwata Sa kanyang putong at pamato. *“May kuwit ang Langit * Siyang puspos sa pangako – Pangakong may habilin Sa naudlot na pagtatapat. At sa pagniningas ng simboryo’y Ako ang ‘yong katipang sabik, At may bantayog na pagsinta.” Paimpit ang tibok ng puso Habang sayad ang telang puti sa lupa, Mistulang palamuti ang mga rosas Sa pulang salawal ng papag. “Naging maselan ang puso Sa tagal ng paghihintay. Bagkus ito’y maiksing ihip ng hangin, Tanging hiram sa Tagapagbigay ng Buhay. Hindi mahinuha Ang bigkas ng bawat pintig, Ako’y Kanya bagamat inilaan sayo.” “Paumanhin, pagkat minsa’y naging duwag, Duwag akong sa bangin ng pagsuyo Pagkat baka ang huli’y maging pauna. At hindi sapat ang pagsinta Kung wala ang basbas ng Ama.” “O tamang panahon, salamat sa Kanya! Ito’y ipinagtirapa nang ilang ulit. Kung ang pagtugon ay plantsado, Ilang butil ang buhos ng Langit, Sagot sa nakaluhod na pagnilay. Siyang Barandila sa pusong tigang – Sumuyo sa’ki’t bulong iyong ngalan.” “Anumang dagok sa nakaraan, Ang ngayo’y walang katumbas. Minsan hinayaang magpatibuwal Ang pangakong laan sayo. Pagkat pag-ibig Sinta’y Hindi pa hitik sa bunga. Kaya kahit anong pagpalahaw ng damdamin, Tinakpan ito’t di nais na magkayabag.” “Dalpak man ang mga paa, Damdamin ko nama’y tiyak. Kanyang isinulat ang pag-iibigan natin, Siyang patotoo sa tunay na nakapaghihintay.” Yayariin ang detalye’t estilo Ang dunggot ng tuldok, Doon lamang sa ikalawang pagbabalik. Mula sa Langit na Siyang Tagapagkatha.
0
Dec 18, 2015
Dec 18, 2015 at 8:03 PM UTC
Telegrama sa Altar

50
Marahil walang isang salita ang makakapag-bigay linaw Sa kadilimang taglay ng tuwina, sa aking labi, tila nawawala ang ilaw Mga mata'y malayo ang tanaw ngunit hindi nito saklaw ang pagitan Higit na malawak at binabalot ng panglaw, sa paggising ay salat sa iyong galaw At oo, tila nagkakaiba ang wika na kilala ng ating mga dila, kaya't iaalay na lamang ang buwan at araw sa'yo, aking mahal, pati na rin aking diwa Mula sa sulok ng aking silid at sa isip na puspos ng suliranin, isinusulat itong munting tula sa buwan ng aking wikang kilala Mga kamay ko'y ipinagdiriwang na mayroong ikaw at ikaw ay akin, ipinagbubunyi ang buwan ng ikaw puso'y tatangis hangga't ika'y makapiling
0
Aug 15, 2022
Aug 15, 2022 at 8:38 AM UTC
Buwan Ng Ikaw
ano pa nga ba ang tangan     ng haraya kundi ang langitngit ng katahimikan, na sa isang sulok lamang ay mahahawakan hindi ang puso: sa isang iglap, pagsasatubig. puspos ng liwanag ang lupa. Muling pagtatangkilik sa sukal ng dilim. hindi alam ng hangin ang pangako ng paghilom. hindi banaag ng kahapon ang bukas. pipikit na lamang ba’t walang pagtangis, na sa dulo man ay marapatin, kung tayo’y papel,      ay mapupunit na lamang ba sa mga kuko ng marupok na sandali?
0
Mar 2, 2016
Mar 2, 2016 at 11:23 PM UTC
Haraya
kung ikaw lamang ay iba sa iyong    sarili at hindi itong anino na may hawak na balaraw,   mala-dagitab ang bilis ng iyong pagkabig sa akin, sana’y naririto   ka pa ngunit ikaw   at    ako ay hindi   ikaw   at  ako at tila   ikaw   at ikaw  lamang na sana’y dalawa; waring kumpisal   sa harap ng salamin, kung mayroon lamang kasiguraduhan at walang bahid ng alinlangan at itim na katahimikan, puspos ka ng pagdaramot kaya naman sa init ng paglisan at sa pagiimbot   ng distansya, ako’y tupok     na    tupok
0
Mar 22, 2016
Mar 22, 2016 at 1:29 AM UTC
Tupok
ang hangin ay merong hatid na amoy at pawang init naman ang nasa apoy sa tubig, mayroong ahon pag nalulunod sa lupa, may bangon yaong mga na-talisod Bilangin Nawa Tagong Bituin ,,,, upang hiling wagas makapiling !!! buhangin din tila pumag-ibig ,,, lutang ngunit saganang alamin !!! Tulak ng bibig kabig ng dibdib kung ayaw daw maraming dahilan Puspos o kapos, bawas o Tigib kapag gusto raw, merong Paraan para umigi kapupuntahan,,, lingonin lagi pinanggalingan sampuan man 'tong pagpapantigan, Takaw-dinggin sa naninindigan !!!
0
Apr 16, 2022
Apr 16, 2022 at 6:43 AM UTC
"Sabado de Gloria"
Sintas Man Ay Kalas Luma Na At Pigtas Sapatos At Medyas Dibaleng May Pintas Kamisetang Butas At Maong Na Kupas Pigtal Na Tsinelas Hindi Pa Parehas Tinotonong Kwerdas karakrus ang kwintas sa sugal ay utas pati pato hulas bahala na bukas tawagin mang takas hihiram ng lakas tatagay ng wagas nalango sa wakas kamay lang may hugas bahid, patak, tagas palay naging bigas kahapon ay bakas sing-linaw ng habas nahinog ang prutas ngunit di pinitas bagsak mula taas sabik na pumatas kahit pa lumabas tinatagong Katas Tinukso Ng Ahas Yinapos Ang Angas Kinapos Sa Alas Nilukso Yung Dahas Natisod, Nadulas Kasi Nga Nangahas Kung Dati Minalas Nadapang May Bangas Babangong Matikas Sa Mali iiwas panata kong tagos dalangin ay lubos payak man ang lapis yakap Di Pa labis sugat na may hapis ginamot ng kapis Tila Tala Lihis Kutitap Sa Bilis Araw May Silahis kidlat ang hagibis mukha na manipis nagpalit ng bihis hahakbang sa libis Layon Ay Malinis Patama Ay Daplis Ngunit May Hinagpis Pinawi Ng Haplos Animan na agos Timplang Nalamukos Animo Ay Musmos Siglang Dinaraos Biyaya Ay Puspos !!!
0
Jan 13, 2022
Jan 13, 2022 at 1:28 PM UTC
"payak na yakap"
Sa loob ng halos daang taon Mula nang naparito ang **** Ang mga Pilipinong deboto Taunang dumaragsa sa Quiapo Dala’y kanya-kanyang panalangin Tiwala na hiling ay diringgin Kaya nagmula man sa malayo Sa Quiapo parin ay dumarayo Lubos na pananampalataya Puspos pananalig sa biyaya Sa tuwing sasapit buwan ng Enero Nandyan Panata sa Nazareno. -01/10/2012 (Dumarao) *Feast Day of the Black Nazarene in Quiapo
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 10:00 PM UTC
Panata sa Nazareno
71 Nang mga pagsubok nalagpasan na Inanunsiyo ng diwata ang pagkasal sa dalawa 72 Sinang-ayunan naman iyon Ng magkabilang nayon 73 Mga ligaw na itik panghanda ng silangan Mga paniki naman sa kanluran 74 Isang kasalan na kakaiba Puspos ng biyaya, balot ng hiwaga 75 Sapagkat naroon din mga mahiwagang panauhin Si Amihan at iba pang diwatang kasamahan din 76 Malaking piging mula magkaibang sulok Idinaraos sabay sa tuktok ng bundok 77 Sa araw ding iyon, ipinagpaalam sila Na dadalhin ni Amihan sa Gintong Lupa. -07/12/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:54 PM UTC
Ihipna 11 -Ang Alamat ng Ikatlong Lahi sa Gintong Lupa-
8 Nang gabi ding iyon Sila’y napuno ng imahinasyon 9 Pawang tuliro’t nahirapan Sa pagtulog ang mga naturan 10 Ang prinsipe’y sobrang namangha Sa ganda’t alindog ng dalaga 11 Ang dalaga’y puspos kilig Sa prinsipeng kumabig 12 Animo’y lumulutang sa mga tala Ang pakiramdam ng binata’t dalaga 13 Ninais-nais ng prinsipe Na muling makita ang babae 14 Inasam-asam ng dalaga Na makatagpo muli ang binata. -06/15/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:48 PM UTC
Siboloria 2 -Gabing Maligalig-