Ang kalatas kong ito,
Ay talagang para sa'yo,
Wag nang isipin kung sino,
Dahil alam kong alam mo.
Gusto ko lang na malaman mo,
Kahit alam kong tunog gago,
Na ako'y may katanungan para sa'yo,
Kung mamarapatin mo.
Ginulo nito ang aking isipan,
Di ko nga rin alam, ewan,
Ngunit sagot mo'y hanap ko,
Kung sino ba ang kasalukuyang minamahal mo.
Alam kong walang kwenta,
Aaminin kong ako'y umaasa,
Inaasam ang yong pagsinta,
Sa isang tulad ko, isang dukha.
Dinadaan ko nalang sa pagiging negatibo,
Ngunit kalahati lang dun ang totoo,
Dahil ako'y tao rin naman,
Naghahangad, may mga kagustuhan.
Sinasabi kong "ganyan ang mundo",
Sinasabing iyan ang prinsipyo,
Ngunit yan ay di ko gustong paniwalaan,
Dahil dito sa nararamdaman.
Iniisip kung paano kaya,
Paano kung iyon nga?
Paano kung di lang ako?
Di lang ako ang nagkakaganito.
Ako sayo'y lubos na nagpapasalamat,
Kahit na ito'y alam kong di pa nga talaga sapat,
Ngunit ang kalatas na ito it'oy hindi ko lalagyan ng bantas,
*Dahil ang mga panahong ito'y, di ko pa gustong magwakas
Itinutula ang mga di ko kayang sabihin at gustong aminin, kaya sana kung iyong mamarapatin...