Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pakikitungo" poems
Mayro'ng patingin-tingin Sa mahabang usapin Sa lumipas na araw Sya ay nagbalik tanaw Ayan sya't walang malay Ngiti sa labi'y taglay Nauubos ang oras Kala mo walang bukas Tila ba nalilibang Habang sya'y nag-aabang Sa mensaheng padala Ng kanyang kakilala Kahit sa isang saglit Isang iglap, kapalit Habang sya'y nag-iisip Nahulog na't na-idlip Sa pagbalik ng diwa Tama nga bang ginawa? Tinignan kung may tugon Dinampot, kanyang selpon "Ako ba'y isang hibang? Bakit parang may kulang?" 'Pag di na naka-usap Tila ba naghahanap Isip ay wag lunurin Damdami'y wag pukawin Atensyo'y wag ibaling Sa tulad **** malambing Pigilan **** umasa Kung ayaw **** magdusa Sarili ay gisingin Puso ay wag susundin Babala sa sarili Ika'y wag papahuli Kung ayaw **** magbago Kanyang pakikitungo Maluwag **** tanggapin At lagi **** tiyakin Sarili'y sasabihang: "AKO AY KAIBIGAN LANG." © LMLB
0
Sep 15, 2018
Sep 15, 2018 at 10:15 AM UTC
Paalala
I. Naalala ko pa dati nung tayo'y musmos pa lamang Naglalaro tayo sa labasan ng habulan at tayaan. Hindi ka tumitigil hangga’t tayo'y mapagod, Pareho tayong hapong-hapo at basa ating likod. II. Hanggang sa eskwelahan tayo'y magkasama pa rin. Magkaklase, nagkokopyahan sa mga takdang-aralin. Nakikinig kunyari sa **** at nagsusulat na rin. Sabay kumakain sa tanghalian, hatian pa sa ulam. III. Hanggang sa tayo ay nangako sa isa’t-isa, Nangako tayo na walang iwanan, hindi ba? Tinupad mo ‘yun at ganun din ako sayo. Ako'y nagbigay ng singsing sabay sa pangako natin. IV. Tumagal ang panahon, tila pakikitungo mo'y nag-iba/ Ang kaibigan kong kilala, sa akin ay nanlamig na. Hindi ko alam kung anong problema kaya kinausap kita. Tinanong ko kung anong nangyari, tugon mo'y malamig na; “Wala.” V. At nalaman ko nalang na may ibang kaibigan ka na pala, Parati kong tinatanong sarili ko kung ako ba'y may nagawa May nagawa ba akong hindi tama? Bakit ganun? Paano? Paano na lamang ang pangako natin noon? VI. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako naliliwanagan, Sinubukan kitang kausapin, ngunit ako'y tinatalikuran. Ganito pala kasakit ang maiwan ng isang kaibigan. Ganito pala kasakit ang mawalan ng matalik na kaibigan.
0
Jun 28, 2015
Jun 28, 2015 at 9:59 AM UTC
Ang Nawalan ng Matalik na Kaibigan
#070616 #12:27PM #ElNido MAKATA ang lenggwahe ng pusong umiibig, MAKATA ang katauhang ikinubli ang malasakit, MAKATA ang kasarinlang may dalisay na panalangin. Patungo sa may lalang na may misteryong grasya, Kanyang isasakatuparan ang mistulang imposibleng eskima -- MAKA-DIYOS ang MAKATA. Para sa pahalang na pakikitungo Sa madlang baluti'y maskarang may bahid na kayumanggi -- MAKATAO, siyang daing ng MAKATA. Sa Perlas ng Silanganang winawagayway ang bandila, At sa udyok ng romantikong lupaing sinilangan -- MAKABAYAN ang pagpili ng MAKATA. Heto ako't kumakatok sayong pintuang walang susi, Pagkat kandado mo'y makasarili sa'king galak na pagbati. Ikaw ang simbolo ng kabuuan ng pag-ibig na hinaharana, Habang ako ang pariwarang napuno ng "baka sakali," o Sinta -- MAKA-TAYO ang MAKATAng may puso.
0
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 6:56 AM UTC
Maka-TAYO ang MAKATA
Nananahimik sa isang tabi Hindi mapakali Itinatanong sa sarili Anong nangyari sa atin nitong huli Bakit tila nagbago ang lahat? Matamis **** pakikitungo noon,bakit biglang umalat? Yung damdamin na dati'y nag-aalab, Nagliliyab, Biglang lumamig— Mas malamig pa sa yelo Na tila ibinuhos mo sa aking ulo Kaya nga nagising ako— Nagising ako sa katotohanang wala nga palang "TAYO" Ang mayroon lang ay ang "IKAW AT AKO" At ang pagkakaibigan na tanging maibibigay mo. Tanggap ko naman yun. Pero mahal,wag mo naman sana akong paglaruan, Okay lang naman sakin yung mga kulita't biruan Pero kung feelings na ang labanan, Bro, ibang usapan na yan! Alam Kong Hindi mo alam, Kase hindi ka nagtatanong Yung mga pakunwaring concern mo? Hindi nakakatulong! Nasasaktan lang ako. Nasasaktan lang ako sa tuwing pinaparamdam mo ng ilang sandali Pinaparamdam na mahalaga ako—kahit alam ko namang Hindi!l Nasasaktan lang ako sa tuwing naaalala kong pampalipas-oras mo lang ako Dahil wala kang magawa o offline na yung bagong ka-chat mo! Nasasaktan lang ako sa tuwing nagtatanong ka "pano kung gusto kita?" At susundan mo bigla ng mga katagang"oy,joke lang yun ah!" Nasasaktan lang ako sa tuwing pinaparamdam **** nagseselos ka sa iba Kahit alam ko sa sarili kong hindi naman talaga! Kase hindi naman talaga! Nasasaktan lang ako sa bawat pagpuna mo ng suot ko, ng ayos ko,ng itsura ko O Kung bakit hindi maganda ang isang tulad ko! Kase pinaparamdam mo saking Hindi ko siya kayang pantayan Hindi ko siya mahihigitan! Teka mahal—pinanganak ako para maging ako't Hindi para gayahin ang iba! Pinanganak ako para sumaya, Hindi para pakialaman ng tulad **** bida-bida! Nasasaktan ako— sa tuwing binabanggit **** totoo ang lahat— Na Hindi ka lang nagpapanggap, Na Hindi ka nagkukunwaring may pakialam Na Hindi ko lang batid,na Hindi ko lang alam,na hindi ko lang ramdam— Na Totoo yung lahat ng pinapakita mo— Na hindi ka nagbabalat kayo.. Pero naguguluhan ako,nalilito Isip ko'y nagtatalo Bakit ganito? Mahal! Ano nga ba tayo?? Sagutin mo ako! Ano bang meron sa mga biglaang pagpaparamdam mo? Pagkatapos ay mawawala't iiwan ang mga tanong sa isip ko Nakakatanga! Pinaglalaruan mo na naman ako diba? Mahal,please lang! Ayoko na! Pagod na akong masaktan! Please maaawa ka! Durog na durog na ang puso ko Ilang beses ko pa ba kailangang mahulog nang walang sumasalo? Ilang beses ka pa ba magbibigay ng motibo na baka gusto mo rin ako? Ilang beses mo pang paaasahin ang puso ko? Mahal, pagod na ako. Pagod na akong masabihan ng "MARTYR ",ng "TANGA", Kaya please lang,tama na! Palayain mo na ako sa bitag na kinahulugan ko Palayain mo na ako Sa bitag na nasa mga palad mo— Palayain mo na ako mula sa bitag ng mapagkunwaring pag-ibig mo!
0
Mar 23, 2018
Mar 23, 2018 at 11:17 PM UTC
"Bitag"

Continue reading...
68
Nagbilang ako mula isa hanggang sampu Sana sa pagdilat makalimot na ko… Isa, dalawa, tatlo Tatlong araw mula nang magkakilala tayo Hindi batid kung ano ba ang pakay mo Mga nakakakilig na salitang binibitawan mo Sabi ko, "Hindi ako magpapauto." Apat, lima, anim Naalala ko pa ang araw ng iyong pag-amin Kaba at hiya bumalot sa iyong damdamin Tuwa at saya nangibabaw nang ako'y napa-oo Sabi ko, "Susugal ako kasi alam kong tatayan mo ako." Pito, walo, siyam Sa palipas ng panahon tila ika'y nagbago Biglang lumamig ang iyong pakikitungo Dumating ang oras ng katotohannang kinakatakutan ko Sabi mo, "Pasensya kana, kailangan ko lang ng espasyo." Sampu Sa lahat ng mga pinangako at sinabi mo Isa lang ang tapat at naging totoo Ngunit nagbubulag-bulagan ako Dahil sabi mo, "Nagsisisi ka dahil ako'y nasaktan mo." Gaya ng sabi ko Pagbilang ko nang sampu Sana makalimot na ako Ngunit heto pa rin ako Naniniwala sa mga matamis **** pangako Kahit alam kong nagsisinungaling ang puso mo
0
Sep 1, 2022
Sep 1, 2022 at 10:49 AM UTC
Sampu
Kung mapapansin mo Sa bawat kanta Bawat himig Bawat talata ng liriko Sa bawat musika Na inaalay sayo Ikaw ang ibig sabihin, Ang tayo ang pinapahiwatig, Ang pagibig ko sayo ay pinapakita Ito'y simpleng pagpapakita Kung gano kita kagusto Kung gano kita kamahal Kung gano ka kaimportante Handa akong ibigay lahat Lahat ng listahan ng matatamis na kanta Sa kadahilanang hindi ako umaawit Napapa awit lamang kapag nakikitang kinikilig ka Okaya napapangiti ka Pwede naring napapasabay ka sa awit Sa awit na gusto kong ipahiwatig Bawat puso Bawat ibig sabihin Bawat gusto kong ipahiwatig Sana'y hindi magbago Ang pakikitungo Dahil marami pa Marami pa akong Nakahandang listahan. Salamat at tinanggap mo Lahat ng mga kantang inaalay sayo Huwag magalala ikaw lang Ang binigyan ko ng mga kantang Minsan lamang madinig Ng karamihan.
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 4:28 AM UTC
Kanta, musika at liriko
Ang dakilang pangako… napanindigan ko po Ang lubusang tukso… nalagpasan ko po Ang sukdulang sakripisyo… nagampanan ko po Ang nakatutulirong laro… natapos ko po Ang minimithing pagbabago… nasimulan ko po Ang makabuluhang pakikitungo… ipinagpapatuloy ko po Kaya ako po’y nagsusumamo… Ihandog Niyo po Tagumpay sa Philippine Lotto! -06/07/2015 (Dumarao) *My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 10:19 PM UTC
Tagumpay sa Philippine Lotto