Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagsintang" poems
Tangan ang mga halik mo Sa aking palad umaagos Ang damdamin minsan ay umalab Parang sigarilyong nauupos Dahan-dahang nauubos Kaya nga bang balikan ang kahapon Binaon na natin sa kahon Katulad ng mga dahon Nalanta at di na makaahon Kaya pa nga bang ibalik ang kahapon Sa saliw ng mga puso natin Ngayon ay uhaw sa pagsintang Naudlot ng pagkakataon -Tula III, Margaret Austin Go
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 5:24 AM UTC
Tula III
Kulang ang haba ng magdamag at lalim ng Himbing upang lubos nating maunawaan ang Imortal na sandaling ito. Dahil alam natin na Wala tayong anumang panlaban sa lumbay At pangungulila, nagkakasya na lamang tayo sa Isang pangako at pag-ako ng damdamin. Tahan na mahal ko... Umasa kang saan mang lupalop tayo tangayin ng Buhay at paghihintay, ng siklo at pagpapasya, Ako'y mananatiling nakapako sa hiwaga ng iyong Langit na pagsinta. Kapos man ang sandaling Ito upang maging sandalan natin sa saglit Na paglayo, alalahanin **** hindi lahat Ay humahantong sa wakas dahil Likas sa atin ang manalig sa pagsintang wagas.
0
Sep 14, 2013
Sep 14, 2013 at 4:58 AM UTC
Panata
Paano nga ba nagsimula ang lahat? Kahit ako ay naguguluhan Sa damdaming di ko lubos maintindihan Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo Bakit ikaw pa? Di ko matanggap na ako'y Nahulog na sayo ng tuluyan Nakakatawa mang pakinggan Pero sino ba sila, ikaw? Para damdamin koy husgahan? Di man tayo personal na magkakilala Pero bakit yung puso ko Parang matagal na kitang kilala? Lihim kitang nagugustuhan sa higit pa sa iyong nalalaman. Pag-ibig na kaya ito? Ito na ba ang kinatatakutan kung mangyari? Ang umibig sa taong ni minsan ay di Kayang suklian ang pagsintang aking nararamdaman? Sana dumating ang araw na kahit minsan lang Mawala ka naman sa isip ko Kasi kahit saan ako magpunta Ikaw lang ang laman ng isip ko Kung kamusta ka kaya? Kumain ka na ba? Anong ginagawa mo ng ganitong oras? Kung naiisip mo din ba ako? Tila kay daming laman ng isip ko Pero ikaw lang talaga ang nakarating sa puso ko Lagi naman ganyan eh. Puro na lang ikaw? Minsan natanong ko din sa sarili ko. Kelan kaya magiging ako? Yung tipong ako naman ang iisipin mo, maging laman ng puso at damdamin mo. Kahangalan mang maituturing Ngunit paano nga ba mapipigilan Ang bugso ng damdamin? Aasa ba ako? O tuluyan ko na lang Limutin itong aking nararamdaman?
0
Mar 23, 2016
Mar 23, 2016 at 9:33 PM UTC
Pag-ibig na kaya?
Bakit sinta ako’y / sawi, bigong-bigo Sa pagsintang lanta, / tuyo’t walang kibo? Ang ‘yong mga titig / ay titig ng bungong Patay at may dalang / sumpang mapagtampo … Bakit nga ba sa’yong / mga gawang mali At sa paglililong / hindi ko hiningi Ay dagling nawala / ang dati kong ngiti? Kaya’t sawing puso’y / hilam sa pighati … Bakit din binalot / ng lumbay at sama Ang pusong umibig / sa mula pa’t mula? Dahilan sa iyong / kasalanang gawa Naglaho ang tamis, / namatay, nawala …
0
Jul 18, 2016
Jul 18, 2016 at 9:01 AM UTC
Sugat
Aking Pangarap Dito sa aking tabi. Sinag Damahin Luntiang Dahon Sa hangin ay Liparin Dala ay Dasal Ang Pusong ito Kay tagal na naghintay Irog kong Mahal Pusong Taimtim Sa Bathala humiling Iyong pagdating Sa tabing dagat Kung s'an huling nagkita Ating Pagsinta Dito ay Saksi Ang Langit at ang Lupa Pati ang Tala Wagas at Tunay Pagsintang ating Alay Sadyang Dalisay Nasaan ka na? Ako'y lubos na sabik Sa'yong Pagbalik Huni ng Ibon Tila sumasayaw din Kanta'y Malambing Ilang araw pa Alam kong darating ka Irog kong Mahal Dito lang ako Maghihintay sa iyo Sa muling Sibol.
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 8:15 PM UTC
Aurora (5-7-5)
1. Ang pagyao nya'y tulad sa hangin di mawari'y tila isang banyuhay ng init na sumakbibi sa iyong pusong bato na sa kalauna'y lumamig at lumisang tuluyan. 2. Sa di kaginsa-ginsay na kaganapan ika'y nag-aral mabuhay batid ang dalamhating hatid ng halumigmig na dala ng luha at ng bagong umaga 3. Sa pag bukang liwayway ako'y sisigaw at tatanaw batid ang samyo ng ala-ala patuloy sa pagunita sa pagsintang tangan sa paglisan naninimdim ngunit magpapatuloy lamang.
0
Jun 10, 2011
Jun 10, 2011 at 3:25 AM UTC
Siya Ikaw Ako
Hindi ko mapigil / aywan ko kung bakit Na bumaling sa’yo / nang paulit-ulit Ilang beses ko mang / ipikit nang pilit Didilat ang mata’t / magkukusang-titig Sa bawat pagtitig / ay nanahimik Ang lihim ng isang / sumaging pag-ibig Sa bawat pagbaling / ay may pagnanais Na masilid ikaw / sa diwa ko’t isip Sa libong pagbaling / at libong pagpihit Ang katumbas nito’y / pagsintang malinis Nang dahil sa iyong / gandang nilalangit Ang pihikang puso’y / nahaling nang labis At ang larawan **** / sa aki’y umakit Namugad sa puso’t / naging panaginip Dahilan sa isang / ninakaw na titig Mga puso nati’y / dagling napaibig
0
Jul 18, 2016
Jul 18, 2016 at 9:19 AM UTC
Unang Titig
082021 Nabibilang lamang sa aking mga daliri Ang mga buwan na tiniklupan ng mga ulap Nang sa’king mga bisig, Ang yakap mo’y nagmistulang kumot Sa balat kong sumisigaw sa alat At anghang ng aking pakiramdam. Sa titig mo’y ako’y nakalilimot Na ang pangalan ko’y nagbagong bihis na rin. At kasabay ng paglilipat silid at bubongan, Ay ang paglisan ko sa unang tahanang Humagkan sa aking pagkakakilanlan At bumuhos sa akin nang di masukat na pagmamahal. Ang mga ngiti **** pumapawi sa’king paghihintay Sa maghapong masuklian naman Ang pansamantala kong pangungulila’y Nagsisilbing matatamis na tsokolateng Hindi naman pala nakamamatay. At sa ganitong pagpatak ng mga segundo Na parang mga barya sa alkansya mo, Ang tanging hangad ko na tunay na pag-aaruga’y Iyong pabaon na araw-araw kong sasalubungin at pagbubuksan. Nakalimutan ko na rin atang humanap pa ng iba Di gaya ng panata ko noon sa mga rehas Kung saan gusto kong kumawala. Pagkat sa’yo pa lamang ay abot-langit na Ang aking mga ngiti’t pagsintang Lulan ng iyong mga hagkan At walang pag-imbot na pag-aalaga’t pagkukusa. Kung kaya ko lamang pigilan ang sarili Buhat sa pagtikom ng aking bibig Ay nais ko sanang ipagsigawan Sa apat na sulok ng ating tahanan Ang pangalan **** ni minsa’y hindi ko naintindahan. Bagamat sa bawat pagkilos mo’y Hindi ko maipagkakailang Ako’y tunay mo ngang mahal at pinakaiingatan. Hindi na ako manlilimos pa, Ng pagmamahal o atensyon sa mga tauhang Lilisan sa kani-kanilang panahon at kagustuhan. At pipiliin kong masanay na makipagsayawan Sa mga mata **** tanging lilim ang laan sa akin. At kung ito man ang una’t huling sulat Na ikaw mismo ang pumataw ng mga kahulugan Ay hayaan mo ring masambit kong Sa araw-araw, ikaw ang nanaisin ko pang makapiling.
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 6:52 AM UTC
Amo

Continue reading...
46
Sa mga panahong naaalala Kita, muling nagpupunla ng Sarikulay ang panganorin Sa kaparangan ng lambong Ng gabi. Sanggol mo akong dinuduyan Sa piling ng gunita't pagsintang Mababakas sa balintataw Ng panahon. Bumabakas din sa buhanging Makailang ulit mang igupo Ng alon, ng pagkakataon Eternal ngang nakaguhit Ang iyong pag-iral sa hiwaga Ng puso, isang bagong pagsuyo; Sa mga panahong naalala kita...
0
Aug 12, 2014
Aug 12, 2014 at 5:06 AM UTC
J.
Dalawang bituing kumikislap-kislap sa gitna ng dilim Tambal ng aliw na sasayaw-sayaw sa tuwing ako’y naninimdim Bukang-liwayway ng isang pagsintang walang kupas Takipsilim ng isang pusong di magtataksil
0
Feb 26, 2020
Feb 26, 2020 at 9:11 PM UTC
Mga mata ni diane
022524 Kalakip ng bawat “oo” Ang mapapait na “hindi” ng Tadhana. Kung sa’yong palad ko ikakahon ang sarili’y Mauubos ako sa sarili kong lakas Habang sumusuntok ako sa buwan. Mananatili akong aliping Nakagapos sa sarılı kong mga pangarap At marahil ito ang maging mista Ng tuluyan kong pagkabulag Pagkat sarili ang aking naging Lupang Hinirang. Ni hindi masasaklawan ninuman Ang bawat sumisirit na imahe sa aking balintataw. At walang sinuman ang makapag-papahele Sa akin hanggang makaidlip Pagkat iba ang ritmo ng Pagsintang aking kinapapanabikan. Kung sarili ang magiging lason Ng aking pagkalimot sa aking unang sinumpaan… Ay mas nais ko nang tuldukan Ang bawat silakbo ng damdaming Hanggang lupa lamang ang kasarinlan.
0
Feb 25, 2024
Feb 25, 2024 at 10:23 AM UTC
Higit Ka sa Lupang Hinirang
Paano ko ba ilalathala ang aking nadarama Kung sa umpisa palang alam kong hindi na tama Ipagpapatuloy pa ba ang pagsintang nais isiwalat Gayong akin ng nababatid na ito'y walang kahihinatnan Tama pa bang mahalin ka Habang ikaw naman ay may minamahal ng iba
0
Oct 22, 2019
Oct 22, 2019 at 9:26 AM UTC
Nagugulumihanan