"lilipad" poems
Igapos mo ako
sa lilim na 'yong puso,
at doo'y liliwanag
ang damdaming nakatago.
Na sa gabing alitaptap lamang
ang masulyapan,
tutubuan ng pakpak
ang pag-ibig na natagpuan.
Lilipad kasabay ng mga ulap
at hindi na halos maabot,
sa kulog o kidlat ma'y
hindi natatakot.
Na handang suongin
kahit malakas na hangin,
upang pakpak nito'y nakalatag
pa rin sa papawirin.
Mapadpad man tayo
sa lawak ng dagat,
mga puso natin doo'y
maglalayag.
Na tayo'y sabay dadaong
sa ating mga pangarap,
na sa dako paroo'y
naghihintay at umaandap.
Jun 22, 2015
Jun 22, 2015 at 10:56 AM UTC
Sakdal-lungkot ang mga anak Mo, Inang Bayan;
Sinakop na, pinaslang pa'ng mumunti **** katarungan.
Humiyaw Ka! Hanggang sa rurok ng sukbo't hinanakit—
At sa pagbubukang-liwayway, pag-asa sana'y Iyong makamit:
Utak ang puhunan sa di-maarok na mga pag-alsa, kahapon;
Ni hindi nabatid ang mga luha't pawis ang sa mukha'y nangaipon,
Sa gunita na lamang ba mabubungkal natin ang mga nangagdaan?
Kung ang mga salitang sa pluma't papel nalikha'y hindi napangalagaan—
Sa paglalakbay Mo, Pilipinas, sa lansangang walang hanggan,
Sana maya't maya'y lilipad ka rin muli sa abang kalawakan;
Humiyaw Ka! Hanggang sa rurok ng sukbo't hinanakit—
At sa pagbubukang-liwayway, pag-asa sana'y Iyong makamit:
Pagkukunwari ma'y ni 'di Mo maitatago sa oras ng Iyong pagkabalisa,
Sagwil sa bawat pikit-matang kaligayahan ang s'yang Iyong natamasa.
Samakat'wid — habang buhay pa si Rizal ngayon ay 'wag nating itatakwil
'Pagkat tayo'y paunti-unting nakakahinga dahil sa kanyang pluma't papel.
Oct 19, 2011
Oct 19, 2011 at 5:48 AM UTC
#102516 #Manila
Ililiyad ko ang mga kamay
Pakanan at pakaliwa
At hindi ako mapapagod,
Hindi ako mangangalay.
Tangan ko ang sari't saring mga bagahe
Iba't iba ang sukat
Batay sa kapasidad ng bawat isa.
Pero sila rin ang pumili;
Kailanman, di ko sila diniktahan.
May ibang kaya nila, may ibang hindi
May ibang nang-iiwan,
Ikaw na raw ang bumitbit.
Lilipad ako, higit pa sa agila
Lilipad ako pero hindi ako kakampay.
May engkwentro sa ere,
May digmaan sa himpapawid.
At hindi ako paiihip
Kahit pa taliwas ang hangin.
Ako'y tutuloy lang --
Makalalapag din ako,
Kaya't hintayin mo sana.
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 8:02 AM UTC
'Wag kang mag-alala,
'Pag nilangaw na ang
bahagharing tuyot na
at wala nang sigla,
Lilipad ang mga paru-parong
matagal nang nagtago
sa aking sikmura,
Noong mga panahong
pinaghalong saya at kaba pa
ang nararamdaman ko
'pag kasama kita...
'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita...
'Wag kang mag-alala,
'Pag napagod na ang
dagat sa pag-alon
at pagsayaw ng mahinahon,
Patutulugin siya pansamantala
ng mga minahal at
pinagkatagu-tago kong mga ibon
Na nagkubli sa tinig mo
habang inakala kong
hindi lilipasin ng panahon...
'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita...
'Wag kang mag-alala,
'Pag tinamad nang umawit
ang hangin para sa
iningatang puso,
Bababa ang mga tala
na inipon nang
matagal at itinago,
Upang alisin ang lamig ng gabi
na noo'y nasa mga bisig mo
at inakalang 'di magbabago...
'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita...
'Wag kang mag-alala,
'Pag nakalimutan nang
ngumiti ng araw
dahil sa inis,
Yayakapin siya ng buwan
kahit pa ang kapalit
ay masunog siya nang labis,
Pipigain ang huling patak
na luha mula sa mga matang
tinirahan na ng hinagpis...
'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita
kahit sa huling dugong
dadaloy sa ugat ng puso
kong sirang-sirang na...
'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita
kahit sa huling hanging
aagpas sa aking bibig
na pagod nang sumigaw...
'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita, Mahal...
May 17, 2015
May 17, 2015 at 11:34 PM UTC
090716
Sa gunita na lamang ba mabubungkal ang mga nangagdaan?
Pagkat sakdal-lungkot at sisi ang mga anak Mo, Inang Bayan.
Inalipusta’t pinaslang pa, ang mumunti **** katarungan!
Maglakbay ka sa lansangang walang hanggan
Lilipad ka rin sa alapaaap at abang kalawakan.
Humiyak Ka hanggang sa rurok ng sukbo’t hinanakit
Siyang lunas na mabisa sa dusa’t himutok na pasakit.
Itaas Mo ang ang noong aliwalas,
Taglayin ang silahis ng dunong at sining;
Kumilos nang may pagbubuntong hininga’t Iyong lagutin
Ang gapos ng Iyong diwa’t kumukulog na damdamin.
Sagwil sa bawat pikit-matang kaligayahan
Ang natamasa **** pagkabalisa
Buhat sa kurtinang manlulupig ng Liwanag.
Buhay pa si Rizal at hindi Ka itatakwil
Tayo’y hihinga pa’t hahabi sa pluma’t papel.
Sep 21, 2016
Sep 21, 2016 at 6:14 AM UTC
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing maaamoy ang pabangong paborito ko
Sa tuwing hahalo ang amoy ng sigarilyo sa kamay
Sa tuwing sisimoy ang hangin papunta sa kanya,
Naaalala kaya niya ako?
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing maririnig ang dating awitin
Sa tuwing tatama ang mga lirikong dating para sa akin
Sa tuwing ang kanyang mundo ay napapaloob sa isang kanta,
Naaalala kaya niya ako?
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing dadapo ang inspirasyon
Sa tuwing hahanapin ng kamay niya ang isang lapis
Sa tuwing lilikha ng isang larawang iguguhit sa malinis na papel,
Naaalala kaya niya ako?
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing pipikit ang mga mata
Sa tuwing kadiliman na lamang ang nakikita
Sa tuwing lilipad ang isipan
Bago makatulog ng tuluyan,
Naaalala kaya niya ako?
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing mumulat ang kanyang mata sa bukang liwayway
Sa tuwing ang isipan ay pumupungas pa pagkatapos ng panaginip
Sa tuwing babangon siya sa panibagong araw
Sa panibago na namang umaga na ang kami ay wala na,
Naaalala kaya niya ako?
Kasi ako, oo.
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 10:51 PM UTC
Lilipad ako
Pero hindi dahil sa apoy
Hindi dahil sa kailangan kong lumisan
Hindi para magliwanag ang kalangitan
Hindi para abutin ang buwan
Hindi rin para abutin ang mga tala
Hindi dahil sa'yo
At lalong lalo na—
Hindi para sa'yo.
Lilipad ako kasi gusto ko.
Kasi matagal nang nakatanim ang mga ugat ko sa lupa
At hindi sapat ang lupa para sa mga paang mapaghanap.
Mar 21, 2021
Mar 21, 2021 at 9:29 AM UTC
You are the Marshmallow to my Lilipad (How I Met Your Mother’s cutest couple)
You are the Jim to my Pam (The Office’s cutest couple)
You are the Gilbert to my Anne (Anne of Green Gables cutest couple)
You are the Harry to my Ginny (Harry Potter’s cutest couple)
You are the Hans to my Leia (Star Wars’ cutest couple)
You are
mine.
Nov 11, 2019
Nov 11, 2019 at 3:15 AM UTC
You are the sunlight that shines through the window
and the stars that light up the night
You are the soft grass beneath our feet,
the baby bird that rests in the nest
You are the quiet mouse in the corner,
but then again you’re the happy frog on the lilipad
Did you know that you’re that diamond in the ring,
that wish upon a star
You are the sweet scent of fresh air
and the huge waves of the ocean
You are the lullaby that is sung to a child,
the leaves that fell from the tree during fall
Listen, You are not the newly blossomed flowers
or the moon that stays in the sky
There's just no way that you could be
that amazing horizon every morning
or the cool summer breeze
I am trying to tell you that i am that smile on your face
and You will always be the sunlight that shines
through the window
and stars that will light up the night,
well…..you light up my night, always
Oct 2, 2015
Oct 2, 2015 at 3:53 PM UTC
ang sabi ko noon lilipad na ako,
lilipad na ako na kasama Ka,
ang sabi ko noon magbabago na ako,
magbabago para sa Iyo.
ang hirap pala ang maglakad patungo sa Iyo,
nilinis mo ako ngunit heto't dinudungisan parin ang sarili ko,
sinubukan ko naman ngunit hindi ako maka tuon Sayo,
Nahuhulog parin ako sa kasalanang maka mundo..
Nov 24, 2017
Nov 24, 2017 at 2:21 AM UTC
Simula ngayon,
Pipilitin ko,
Gumising,
Sa mundong wala sa bukas mo
Simula ngayon,
Pipiliin kong,
Mamatay,
And damdaming niyakap ilang taon
Simula ngayon, ako’y magsisimula muli
At gaano man kabagal, ay bubuhaying muli
Ang pagkatao kong nawala sa ngalan ng dating pag-ibig
At alam mo balang araw, ako’y lilipad muli
Ng walang sakit, ng walang pait
Ng dating pag ibig
Simula ngayon, ako’y magsisisi...
Apr 1, 2023
Apr 1, 2023 at 4:14 AM UTC