Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kinakaya" poems
Mahal, tanda mo pa ba yung araw ng ating pagkikita? Kung saan lahat ay ating ginawa upang kilalanin ang isa't isa. Mahal, tanda mo pa ba kung paano mo ako kantahan sa mga gabing tumatawag ka? Kung saan bawat salita natin ay nakakapagpakilig sa buong sistema. Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na tayo ay magkasama? Kung saan ang presensya ng bawat isa ang sa atin nakapagpapasaya. Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na punong-puno tayo ng problema? Kung saan pilit natin itong kinakaya kahit ang bigat bigat na. Kay sarap isipin, kay sarap balikan. Ngunit paano ko ito babalikan kung ako'y iniwan mo ng nag-iisa at luhaan. Naniwala ako sayo. Nagtiwala ako sa mga pangako mo. Hindi ako tumigil kahit nasasaktan na ako. Nanatili ako kahit alam kong lokohan nalang ito. Ginawa ko lahat para sa relasyon na ating binuo Pero mahal, bakit ka sumuko? Nasan ka na? Nasan na ang mga binibitawan na mga pangako? Yung pangakong ako lang ang nasa puso mo. Yung pangakong ikaw lang at ako. Yung pangakong hindi ka maglokoko. Yung pangakong kakayanin natin ito. Yung pangakong tayo lang dalawa hanggang dulo. Wala na. Naglaho ng parang bula. Wala na. Dahil may iba ka ng sinisinta. Sabi mo mahal na mahal mo ako. Ngunit anong nangyari at nagkaganito? Akoy iyong ginago at paulit-ulit na niloko. Ika'y biglang nagbago at unti-unting naglaho. Bakit mo hinayaang magkaganito? Pero mahal, alam mo ba? Mahal na mahal parin kita kahit mukha na akong tanga. Mahal na mahal parin kita kahit may iba ka na. Mahal na mahal parin kita kahit alam kong wala ng pag-asa. Mahal na mahal parin kita kahit tinalikuran mo ako at pinili mo siya. Pero mahal, pasensya kana dahil ito ay sobra na. Pagod na pagod na ako kaya pinapalaya na kita. Ito na ang panahon para piliin ko ang sarili ko. Ako na nagpakatanga sayo. Ako na kinalimutan ang sarili ko. Sarili ko na napabayaan ko dahil sa labis na pagmamahal sayo. Sana sa araw na ika'y pinalaya. Hinahangad ko na seryosohin ka niya. Sana pasayahin mo siya sa araw na kayo'y magkasama. Sana mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sayo Pagmamahal na hindi mo naibigay sa isang tulad ko. Kaya naman mahal hanggang dito nalang tayo. Kahit mahirap kakayanin ko. Kahit masakit titiisin ko. Paalam mahal, dahil ito na ang huling araw ng pagpapakatanga ko sayo.
0
Oct 16, 2017
Oct 16, 2017 at 2:27 AM UTC
Huling Araw na Ito

Continue reading...
49
Wednesday, February 28, 2018 5:43 PM Sa panahon ngayon uminom ka ng maraming salitang "mag ingat ka". Dahil sa mundong ginagalawan mo hindi ka sigurado. Hindi ka tiyak sa mga makakasalubong mo at lalong hindi ka tiyak sa seguridad mo. Tao ka lang at di imortal na may kapangyaring i time machine ang nakaraan, kung sakaling bawiin na ito. Hindi ka mutant na kayang patigilan ang mga taong may masamang balak sayo. At lalong hindi ka super hero para di tamaan ng mga balang hatid sayo ng mundo. Hindi ka si superman na may kakayahang hindi makaramdam ng sakit. Na kung sa panong paraan, hindi ko 'yon alam. Tama na ang pagpapanggap. Hindi kana tulad ng dating matibay. Kasi matibay ka lang. Hindi kana tulad ng dating malakas para sabihing kaya mo ang lahat. Kasi kinakaya mo lang. Para kang si joker na kahit nakasimangot may malaking ngiti parin sa labi. Pinapaalala ko lang sayo, hindi lahat ng tumatawa ay masaya. Hindi kana bata para sa tuwing iiyak ka ay may handang sumaklolo para pawiin ang lungkot mo. Hindi din mapa ang makakapagsabi ng lugar kung saan ka dapat magtungo, bagkos hanapin mo ito. Tulad ng isang batang nawawala, Sabik at handang tanawin ang bukas. Hindi para tumakas kung hindi para hanapin ang lugar na magpapasaya sayo. Hindi lahat ng tao ay totoo, iba ay balatkayo. Hindi ako sigurado sa paghakbang mo kasama ako ay hindi ko masusugatan ang mga paa mo. Kung ako ba ang makakapag pahilom ng sugatan **** pagkatao. Kasi tulad mo duguan din ako. Hindi ko 'yon masisigurado. Kaya uulitin ko sayo, Sa mundong ito, Inumin mo ang salitang "mag ingat ka".
0
May 9, 2018
May 9, 2018 at 8:26 AM UTC
Sana BIOGESIC lang ang katapat

32
Ang hirap simulan Hindi ko alam paano uumpisahan, Sisimulan ko sa hindi pag pansin, Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari Kaya ko Kaya kong mawala ka sa isip ko Kaya kong mabura ka sa buhay ko na parang walang nangyari Kunwari kaya ko Masaya ako na kaibigan kita Na kaibigan lang kita Masaya ako na kasama kita Kahit alam kong may mahal ka ng iba Sisimulan ko sa hindi pag pansin Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari Kunwari di ko napapansin ang pangungulila mo sakanya Kunwari hindi ako nasasaktan Kunwari hindi ko nalang nakita, Kunwari wala tayong pagkaka intindihan, Kunwari hindi mo sinabing gusto mo ako, At kunwari, hindi ako nasasaktan Eto na ako at kinakaya ko Lahat ng sakit at pait na natatamasan Mawawala rin sa aking damdamin at isipan Wag mo akong kaawaan Dahil hindi ka naawa sa akin nung ipinakita mo sa lahat kung gaano kayo kasaya Hindi mo inisip ang mararamdaman ko sa katarantaduhan **** ginawa Wala kang pakielam nung nalasing ako at ikaw ang hinanap ko at kulang nalang isuka ko ang pagmamahal mo noong gabing iyon Hindi mo ako minahal Paulit ulit ko yang sinasabi sa sarili At tila paulit ulit din akong sinasaksak Ngunit kada bigkas ko ng mga katagang iyon, ay unti unting namanhid ang puso Sisimulan ko sa pag kukunwari Kunwari hindi ko nalang nakita Kunwari hindi ako nasasaktan Pero tangina hindi ko alam hanggang kailan
0
Dec 27, 2016
Dec 27, 2016 at 7:23 AM UTC
Kunwari
palaging bilin sa akin ni itay kahit pa bata ako, "huwag kang pupunta sa lamay na may sugat." ngunit, hanggang ngayon pa naman, makulit pa rin ako. bawat lamay, ako ang taga-aruga sa umiiyak, taga-bigay ng biskit at dyus sa mga bisita, taga-lampaso ng sahig sa tabi ng kabaong. sa gitna ng lahat, yakap pa rin ako ng aking itay. kahit sa gitna ng pagod, kinakaya ko pa rin ang gumaya sa mga yapak niya. subalit, araw-araw ko na lang nilalampaso sarili kong paa; paa na puno ng laslas, pasa, at mga iba't-ibang mga butas na hindi ko na rin matandaan. sa kahit anong mangyari, dala-dala ko ang mga sugat na ito. ito ang aking sumpa; na araw-araw kong paglalamayan ang bawat pagkakaibigang nawala, mga irog na sinaktan at nasaktan, mga bawat away sa pamilya, at tuluyang hindi ako aalis sa kapilya kahit mawala pa ang aking dugo. alam ko sa sarili ko na makulit ako. hangga't may ihihinga pa ako, dadalhin ko ang mga sugat ko sa bawat lamay na hindi pa nililibing hanggang ngayon. pinili ko ang mag-lingkod at maging mabuti. kahit akin itong ikamamatay pa
0
Oct 30, 2022
Oct 30, 2022 at 6:37 AM UTC
fleabag
Apat na buwan palang tayo ngunit ramdam ko na ang pagbabago sa'yo. Unti unti kong nararamdaman ang panlalamig mo sa relasyon natin. Ang bigat sa pakiramdam. Kaya ko. Kinakaya. Kakayanin..kaya paba? Sa pangalawang pagkakataon, ipinaglaban kita. Ipinaglaban ko ang relasyon natin. Subalit kaunti nalang, ako'y bibitaw na.
0
Aug 1, 2016
Aug 1, 2016 at 7:09 AM UTC
...Kapit Pa...
Minsan naiisip ko kung bakit madalas akong nag-aalala sayo. Madalas din kung maramdaman ko na sa bawat minsan nasasaktan ako. Minsan wala akong maramdaman. Madalas nagiging manhid nalang. Minsan ginugusto ko nalang na biglang mawala. Madalas sinasabi ng isip ko na 'wag magpapabigla. Minsan naman nakakasanayan ko na tiisin ang pagkalungkot. Madalas hindi ko kinakaya, mahirap, matindi, makirot. Minsan napapatanong ako kung, "Minsan lang, pero ba't napapadalas?". Madalas na kase akong matulala kakatingin sa larawan nating kupas. Minsan nasasagi sa isip ko, "Kuntento ka pa ba? O sawa ka na?". Madalas akong natatakot, nababalisa, 'di mapakali, oo, sobra na. Minsan ko nang nagawa ang ibalewala ang iba, walang nakikita, kahit nandyan na. Madalas ko ding sinasabi sa sarili na wala akong alam noon, kahit 'di na tama. Minsan naisip ko na baka bumalik sa'kin, at karmahin ako. Madalas namang kinokontra ng isip ko, ang damdamin ko. Oo nga pala, minsan na din akong nagloko. At ngayon nararanasan ko, ang madalas na pinaggagagawa ko. Kahit sabihin pa na minsan lang, kahit minsan lang na nangyari. Madalas ko ng maranasan, minsan, madalas, bumabalik sa akin ang ginawa ko dati.
0
May 29, 2018
May 29, 2018 at 9:54 AM UTC
"Minsan lang naman, pero madalas hindi na minsan."
pilit **** iginuhit ang mga ngiti sa aking labi kirot at hapdi sa puso ko'y pilit **** ikinubli saksi ang kwerdas ng iyong gitara kung pa'no **** ako'y napasaya sa mga musikang liriko'y animo'y asin sa sugat--masakit ngunit ito'y aking kinakaya. saksi ang langit kung paano mo akong inayos at binuo sa isang iglap basag mo din akong iniwan--ika'y lumayo hindi ko man magawa nais kong tumakbo 'pagkat puso ko'y umasa sa pagibig **** yun pala'y balat-kayo. ginoo, kung ako'y iyong sasaluhin at pagkatapos ay bibitawan lang rin mabuti pang ako'y 'wag mo ng gambalain 'wag mo na ring tuksuhin at sarili kong sugat ay magisa kong paghihilumin ng sa gayon sarili ko muna ang sisikapin kong mahalin. —thana evreux
0
Dec 6, 2020
Dec 6, 2020 at 11:36 PM UTC
sarili muna.
Panigurado'y walang makakaintindi nito, Ngunit ito lahat ang laman ng puso ko- Iniyak, sinigaw ko na'ng lahat, Hanggang masiyahan nang sapat At mawala ang sakit ng pusong tapat. Luha't boses ay ubos na, Marahil sa pait ng pag-ibig ay bumigay na- Itong puso't pagkataong sana'y nararapat Sa pagmamahal **** sa akin ay dapat. Masaya ako sa piling mo, Nagsasaya ka sa piling niya- Mahirap ngunit kinakaya, Basta't makasama lang kita.
0
Mar 5, 2018
Mar 5, 2018 at 11:36 PM UTC
Ako, Ikaw
Aaminin kong may kasalanan ako Subalit ako ba ay masisisi mo? Kung s'yang puro pagdududa ang puso Sa isang gaya **** parang ‘di seryoso Totoo ba ang pagmamalasakit mo Dahil sa t'wing pagpatak ng alas otso 'Yong tatanungin kung nakauwi ba 'ko At kukumustahin din ang s'yang araw ko Totoo ba ang iyong mga pangako Na 'kaw ay ang taong maaasahan ko Sa oras na nahihirapan na ako At 'di ko na kinakaya pang tumayo Ngayong sa panahong ika'y kailangan Bakit abutin ka ay tila kay hirap? Wala na ang mga pangakong binitaw At akong nasa ere ay 'yong iniwan Bakit ba ako laging namamalimos Kahit iyong lang katiting na atensyon Masyado yatang nakampante ang puso Na 'di ko namalayang ika'y naglaho
0
Apr 7, 2019
Apr 7, 2019 at 12:17 PM UTC
Totoo Ba?
Pilit sinusubukan ngunit hindi kinakaya Bakit nga ba kay sakit, subalit ito ang tinadhana Sakit ang nadama ng makita ko kayong dalawa Magkahawak ang kamay at sobrang saya Sobra ang katangahan na ikay minamahal pa Lahat ay gagawin hanggang ang puso ay sumugo ng kusa At masabi sa sarili na, "hoy tanga! umayaw ka na, sila talaga ang para sa isat isa"
0
Nov 15, 2017
Nov 15, 2017 at 8:41 AM UTC
Ang tanga!
Sana buhay pa rin ‘yung konsepto ng pagiging superhero nu’ng mga bata pa tayo. ‘Yung mga panahong masaya nating ginagaya si Superman o si Wonder Woman. Kunwari may kapangyarihan tayo at hangad nating makapagligtas ng mga tao. ‘Yung kaya nating buhatin ang mabibigat na bagay o ‘di kaya’y lumipad lagpas sa mga ulap. Sana hindi ‘yun nawala. Sana naniniwala pa rin tayo sa mahika, o sa himala, o sa mga pantasya na bumuo sa’ting pagkabata. Na kahit nadaragdagan ang mga taon sa buhay natin, hindi natin malimutan na tayo’y mga bayani sa’ting mga sarili — Na nakakapagligtas pa rin tayo ng ibang tao sa pagiging mabuti, na kinakaya nating buhatin ang mabibigat na pagsubok at pighati, na kaya nating liparin ang mga pangarap nating mas mataas pa sa mga ulap. Sana kahit kabisado na natin ang totoong mukha ng mundo, may bahagi pa rin ng pagiging bata sa’ting puso — mamangha pa rin tayo sa mga bagay, at kasabikan pa rin natin itong buhay.
0
Mar 10, 2021
Mar 10, 2021 at 1:47 PM UTC
SUPERMAN/WONDER WOMAN