Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kinagisnan" poems
Nasaan ka? nasaan ka aking kabataan? tila hangin na naglalaho sa bilis ng ikot ng panahon at paglipas ng bawat minuto masasabi ko bang ako ay natuto? Nasaan ka, aking kabataan? lumulubog at lumilitaw malimit ako ay nalilito, malimit ako ay naliligaw habang ako ay unti unting nilalamon ng mga pahina ng kalendaryo Nabuhay sa panahon ng mga kritiko at relihiyoso naglalakad sa gitna ng manipis na espasyo ng kamalayan nagmamasid at nanahimik nagbibilang ng mga sandaling malabong maulit huwag masyadong matulin at baka matinik ng malalim Nasaan ka aking kabataan? mga kinagisnan ay iyo nang iniwan niyapos ng modernong mundo binuksan ang pinto sa pagbabago sa huli, kilala mo pa ba ako? Nasaan ka aking kabataan? ang iyong katahimikan ay nakakabingi sabi nila ang pagsisisi ay laging nasa huli Nasaan na, nasaan na? kabataan ko, gising ka pa ba?
0
Feb 6, 2014
Feb 6, 2014 at 3:24 AM UTC
Nasaan Ka, aking Kabataan?
Hindi naman ganid ang administrasyon Nagkataon lamang na may mga punto Na walang humpay na nag-iiwan Ng tandang pananong. May mga eksenang hindi literal Pero kapag bayan ang bumasa’y Ni isang letra’y hindi man lamang nasimulan. Hindi masisisi ang mga modernong bayani Kung patuloy pa rin sila sa pakikibaka Kahit nakamit na kamo ang kasarinlan; Ang hustisya raw ay napagtagumpayan na Bagkus, nilalatigo ng kapwa nasa ekonomiya. Marahil hindi pa lubusang nararadyo Hindi magkanda-ugaga ang leksyon sa Senado Eh kung uso pa ba ang tele-radyo, Kaya bang tapakan ng saksi ang demokrasyang makasarili? Doon nag-rally ang iilang katauhan Wala naman silang napala Pagkat binagsakan ng pintuan Ni hindi nakakilos kahit sila’y nasa kilusan Saklob ng gobyerno’y sila’y bisi sa nasasakupan. Hindi mabilang ang dugong dumanak Ang boses na sumigaw Ang tonong paulit-ulit pero hindi naririnig O baka naman ang may pandinig Ay mas nais magwaglit. May mga platapormang tila langit Bagkus dilim naman ang hain Sa maliwanag dapat na paligid. Ibabato nila ang kinamkam sa madla Pero dahil ang binato’y mukhang tinapay, Walang pakuwari ang iba Manhid nga ba ang tao O talagang kurot-sabay-pikit lang? Heto na naman tayo sa estante ng kaguluhan Sana nga matapos na ang pahinang ito Pero nasa simula pa lamang Pagkat ang propesiya’y Nararapat na mamalakad Ihahain ng Higit na Hari Nang maitaas Kanyang Ngalan. Kung may mga bumabatikos Sa gobyernong kinagisnan Marami pa rin ang tatayo Pagkat kaytayog ng kanilang dangal. Hindi naman dapat Tumingin lamang sa kawalan Pagkat may pag-asa pa Itong ginintuan nating bayan.
0
May 2, 2015
May 2, 2015 at 7:18 PM UTC
Repleksyon ni Juan

Continue reading...
52
(1:30 AM/ Brownout) Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan. Ako’y nakakapaso Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan, Sa apat na sulok ng silid-aralan, Sa lipunang may mabigat na ginagampanan Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao. Nilisan ko ang liwanag Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan. Ako’y Iyong tinubos Sa mapanghusgang lipunan May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo Nang ako’y pagharian Mo. Gamitin Mo ako, Pagkat ang liwanag, ang katuturan Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita Nang sinuman.. Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro At kung ang lakas ay hindi mula Sayo. Sukat ang buhay ko Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito Minsan pala’y nakapapaso rin ito Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao. Sayang.. Kung ang ilaw ay nakakahon Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin Kung ang sarili’y hindi kikitilin Nang magkaroon ng pangalawang buhay. May ilang gagambala Mga insektong hindi alam kung saan nagmula Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag At kung di lalakas ang alab, Ako pala’y matutupok. At sa hanging iihip, Kung wala ang mainit na mga kamay Na siyang yayakap at hahagkan sa akin Ako’y maagang mahihimlay, Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin. Ngunit ang alab na ito’y Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon Sisindihang muli, Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon. Binibilang na ang oras Bawat minuto’t segundo Maaring mapagal at maagang tamlayin, Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay. Ngunit bago maupos, Ako’y may aabutin Bawat sulok ay dadampian ng buhay At magmamarka sa bawat haligi Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa. (5/13/14 @xirlleelang)
0
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:02 AM UTC
Ang Paghihimagsik ng Paupos nang Kandila

58
Ang maikling kasaysayan ay pilit kinakalimutan Nang nahulog sa bangin ng nakaraan itinali sa leeg ng walang pag-aalinlangan ang maiksi na lubid na pinanghahawakan Kumikinang na perlas ng silangan namumukod-tanging mutya sa dalampasigan Nang makatakas sa karagatan Di na bumalik sa kinagisnan Papalubog na ang araw nang hindi namamalayan Ang liham nito'y kanyang huling alab Yugto ng masamang pangitain kung kailan dadapo ang mga paniki Nagsilbi na piring sa pagsapit ng Biyernes ang takipsilim Sa walang pakundangan pugon Nagliyab ang lunggati ng pangangalit Marahas na pagbati nito ay pasakit Ang simpatiya ay kumukupas Sa trahedyang sumira Nang wala na makakapitan sa pag-aagaw buhay Walang paghikbi sa kapaligiran Labis na kasawian
0
Dec 16, 2018
Dec 16, 2018 at 6:24 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #11
Dumating ka sa araw na di ko inaasahan Waring bagyong malakas na dumaraan Ang lahat sa akin ay dinadaanan At walang bakas na hindi mo iniwanan Sayo lamang ako nag bukas ng aklat At pinakita ang aking mga sinulat Ikaw na yata ang maglalagay ng pamagat At mag tutuldok pagkatapos ng lahat Sana'y hindi kana umalis Sawa na akong mag walis Nang kalat sa tuwing naiinis Kapag ako'y naghihinagpis Kaya sa aking bagyong natagpuan Buhumos ka ng walang katapusan Lunurin mo ako ng tuluyan Sa desyertong mundong kinagisnan
0
Mar 24, 2023
Mar 24, 2023 at 11:43 PM UTC
Bagyo
Nalalayuan kaya ang mga ibon tuwing tinatanaw ang malawak na hinagap ng kaparangan? Nasisilaw pa rin kaya sila sa bukang liwayway kahit mula pagkamulat ay iyon ang kinagisnan? Nasasaktan pa rin kaya sila sa ganda ng paglubog ng araw at ang angking kawalang pagkakatulad ng bawat isa? Natatakot pa rin kaya sila sa halik ng dilim kahit ang gabi ay nangangakong magdala ng lamikmik? Kay rami ko pang nais itanong sa mga ibon, kay bigat ng patong sa munti nilang mga pakpak. Paano magtatanong ang isang hamak na bulaklak sa kagitingan ng mataas at malayang agila? Kay rami ko pang balak ibulong sa mga maya, kung may pangarap man sila, ihahalik ko sa hiraya. Ngunit anong magagawa ng isang payak na talulot sa ilalim ng langit at sa ibabaw ng gumuguhong mundo?
0
Apr 30, 2025
Apr 30, 2025 at 12:16 AM UTC
Ang Pugad
Tuliro't nakatingala tinatanaw ang mga tala sa langit, iniisip na kung bakit 'di pinilit. Napagod sa'yong mga palaisipan, kahit bali-baliktarin ang mga pangangatwiran. Lumisan... sa kinagisnan na tahanan, sa pag-luwas at pag-uwi nahihirapan. Nangangambang ika'y muling masilayan, hindi alam kung pighati, o galit ang mararamdaman. Sinabi mo na sa mga bagong mukhang kinilala mo, ako parin ang hinahanap mo. Ngunit sa tuwing gusto kong sulatan ang saradong libro, ayaw mo. Ayaw mo.... Pero ang gulo mo, at magulo rin ako. Sa mga sandaling gusto kong sumugal uli, pangit ang baraha mo. At sa mga oras na ika'y nag babalasa muli. kulang ang barya ko. Oo, magulo. Parehas tayong tuliro.
0
Jun 5, 2024
Jun 5, 2024 at 8:52 AM UTC
Tuliro
Noong araw ng aking pag alis Hindi maipaliwanag ang pagtibok na kay bilis Kasabay nang bawat hakbang ng aking mga paa Ang naguumapaw na takot at kaba Ngayo’y nakalipas na ang ilang buwan maraming araw na ang dumaan Subalit, tila hanggang ngayon Masyadong mabilis ang pagdaan ng panahon Pilit na hinahabol ang takbo Upang makasabay sa mga kasalukuyang tagpo Ngunit, masyadong mabilis Hagupit ng pagbabago’y nagmamalabis Buong akala’y natanggap na Pero damdami’y nagpapanggap lang pala Sapagkat sa tuwing sasapit ang gabi Mananatiling tikom ang mga labi Habang ang mga luha’y isa-isang pumapatak At ang mapag panggap na mukha ay dahan dahan nawawasak Ang mga alaala’y unti unting bumabalik Na tinatapik ang puso ng isang batang nananabik Na bumalik sa mga bagay na nakasanyan sa nakaraan Kahit na ang susunod na pagkikita’y walang kasiguraduhan Hanggang kailan mangungulila sa buhay na kinagisnan? Hanggang kailan hahanap hanapin ang dating tahanan? Matatanggap pa ba ang reyalidad na hinaharap? O makakasanayan nalang hanggang sa makalimutan ang hindi matanggap?
0
Apr 29, 2020
Apr 29, 2020 at 1:55 PM UTC
Pagtanggap
patak ng ulan sumasabay sa ihip ng hangin panahon na hindi mo inaasahan mga pangyayaring bigla na lang dumarating sa ulap na nangingiusap ang tanging alam ay kung ano ang laman ng nararamdaman puso ba ang paiiralin o ang utak na nangingibabaw mga pinagdaanan **** karanasan ito ba ay magsisilbing liwanag sa kalagitnaan ng dilim? o hanggang dito na lang ba sa paghahanap ng kapalaran sa buhay, na parang kay tagal mo man itong inaasam-asam na makamit muli tagumpay ang matitikman sa mga labing nag uuumapaw sa kasiyahan at sa busilak **** puso na kay lambot pa ng isang monay na hindi mapapantayan ng kung ano mang yaman na hindi matutumbasan ng kung ano-anong bagay ikaw ay bukid tanging yaman tapat at totoo sa sariling bayan huwag **** kalilimutan ang iyong kinagisnan
0
Oct 8, 2018
Oct 8, 2018 at 7:02 PM UTC
ang iyong kinagisnan
How many days and nights will I wait to see you again, to be with you again. How many more nights and days will I endure to be with you again? Every hour and day that you are not by my side, my tears fall As if I die every day How long will I wait to be with you again? How long will I yearn to be with you again? When will I see your smiles again? When will I see your eyes? And kiss your lips? How long will I wait to hear your voices again? How long will I see the light of day again when I am with you? If that day is you and I want to be with you? When will I kiss your lips again? I can hold your hands and hug you for a long time? My daily wish and prayer is to be with your love. Every night, I hope you are the one I am with. You are the one I see, if someone else is with me, You are the only one I want to be with, no one else. Every hour and day is different. being with you is the time and day of tears in my eyes and the passing of my wounded heart along with the sorrows and sadness that have no rest from the pain I feel. You are what I grew up with and have gotten used to I can't wait to be with you anymore I love you that's why I'm able to wait for you How long will I wait How long will I fight to be with you As long as you are there for me I will still be here waiting for you. **************************************************** “𝕄𝕒𝕘𝕙𝕚𝕙𝕚𝕟𝕥𝕒𝕪 ℙ𝕒𝕣𝕒 𝕊𝕒𝕪𝕠” Ilang araw at gabi ang aking hihintayin para makita ka muli, upang makasama kang muli. ilang gabi at mga araw pa ako mag titiis para makasama kang muli Bawat oras at araw na wala ka sa tabi ko ay patak ng mga luha ko Na para bang araw araw namamatay ako Hanggang kailan ako maghihintay na makasama ka ulit Hanggang kailan ako mananabik na makasama ka ulit Kailan ko masisilayan ulit ang iyong mga ngiti Kailan ko masisilayan ang iyong mga mata At mahagkan ang iyong mga labi Hanggang kailan ako mag hihintay na marinig ulit ang iyong mga boses Hanggang kailan ko makikita ulit ang liwanag ng araw na makasama ka Kung Ang araw na yon ay ikaw at nais kang makasama Kailan ko ulit mahahagkan ang iyong mga labi Mahahawakan ang iyong mga kamay at mayayakap ka ng matagal Ang hiling sa araw araw at dasal na makapiling ang pagibig mo Araw gabi sana ikaw ang nakakasama Ikaw ang nakikita, kung iba ang nakakasama Ikaw lang ang nais kong makasama wala ng iba Sa bawat oras at araw na iba ang iyong kapiling iyon ang oras at araw ng pagluha ng mga mata at pagpanaw ng puso kong nasusugatan kasama ng mga hinagpis at kalungkutan na walang pahinga sa sakit na nadarama. Ikaw ang kinagisnan ko at nasanay na sayo Hindi na ako makapag hintay na makasama ka Mahal kita kaya nagagawa kong hintayin ka Hanggang kailan ako mag hihintay Hanggang saan ako lalaban para makasama ka Hanggat nanjan ka para sakin Narito parin ako parating mag hihintay para sayo.
0
Mar 23, 2025
Mar 23, 2025 at 3:52 PM UTC
"Waiting For You” (Tagalog Version)

54