Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"katapangan" poems
naglalaan pa rin ako ng panahon para pagmasdan ang mga lumang litrato sa mga status ko sa facebook, ikaw madalas ang nagiging inspirasyon ko, kung hindi man ikaw, mga karanasan ko mula sayo sa mga tanong ng mga kaibigan ko patungkol sa akin, ikaw ang pinagmumulan ng mga sagot ko lumilipas ang mga araw ng buwan at madalas kasama ng isip ko ang mga alalala mo sa mga lugar kung saan madalas ang kahapon sa bawat minsang nakakasama ka, nagiging abala ako sa paglimot sa mga salitang gaya ng katapangan at pagpapakatotoo minamasdan ko pa rin ang sakit na dulot ng pag-ibig, katapatan o katangahan sa lahat ng mga nakaraan, ikaw ang hindi lumipas nawala man ang pagtingin ko sayo, mananatili ang pag-ibig ko sayo, kasama.
0
May 6, 2015
May 6, 2015 at 12:09 AM UTC
ikaw. kasama...
Nilikha silang kaagapay ni Adan, Sa hirap at ginhawa, sila'y naririyan, Maging gabay sa hinaharap man o nakaraan, At punuin ang gabi ng walang pag-aalinlangan. Isa kang dakila at isang huwaran, Isang ina at ilaw ng tahanan, Mga anak mo'y iyong inaalagaan, Winawasto ang bawat nilang kamalian. Babae, ika'y kapita-pitagan. Babae, ika'y hinahangaan, Babae, ika'y karunungan, Babae, ika'y kayamanan. Katalinuhan mo'y lumalabas, Katapangan mo'y naipamalas, Kasikatan mo'y pumapaibabaw, Kagandahan mo'y umaapaw.
0
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 10:30 AM UTC
Babae
Nakaw-Tingin Nang masilayan ka, Buhay ko ay sumigla. Nang makilala ka, Ngiti ko'y kakaiba. Nang ika'y dumaan, Sa aking harapan, Ako'y nag-alinlangan, Kung ika'y ngingitian. Hindi ko maiwasan, Na ika'y hangaan. Sa iyong kagandahan, Nagkakagusto ang kalalakihan. Laman ka ng isipan, Mukha mo'y napapanaginipan, Sarili ko'y di maintindihan, Damdamin ko'y naguguluhan. Tinangka kitang lapitan, Upang iyong malaman, Na kita'y hinahangaan, Gustong maging kaibigan. Nang tayo'y magkaharap, Wala akong mahagilap, Hindi ko mahanap-hanap, Ang salitang pangarap. Nalimutan ko ang katapangan, Naduwag ang aking kalooban, Hindi ko na napanindigan, Ang mga salitang binitawan. Torpe na kung tawagin, Kahit na ito'y nakaw-tingin, Sa malayo ika'y napapansin, Ako'y nagpapasalamat pa rin.
0
Mar 12, 2016
Mar 12, 2016 at 10:58 AM UTC
Nakaw-Tingin
Pinanday ka ng panahon May tapang na hindi basta sumusuko, sa lahat ng laban wala kang inuurungan, Agimat mo ay katapangan na umagaw mula sa kalaban. Buo at tibay ng iyong loob ano man ang iyong sagupain walang di kakayanin. laban mo’y hindi biro Una kami sa iyong puso Bago ang iyong pagkatao Karamay ka, sa bawat along bumubugso. Ikaw ang bagong bayani ng ating lipi na nagbabalik ng kulay at sigla bitbit ang bandila na may kisig at buong katapangan.
0
Apr 27, 2020
Apr 27, 2020 at 3:17 AM UTC
BAGONG BAYANI
may isang natutulog sa kalye walang sala, walang detalye walang makain, walang tirahan ngunit ikinulong tila'y makasalanan "mahirap maging mahirap" said ng mga matang nagpapaki-usap nang gayo'y makahanap ng pagkain sa pamilya'y maiharap at ang isa'y pinaiimbestigahan dahil umano sa ilegal na pamamaraan ng pagtulong sa kanyang nasasakupan kailan ba ito naging kasalanan? o, Pilipinas, ika'y binabantaan patagong tinatangay ang iyong kayamanan mga anak mo'y pinahihirapan sa kalagitnaan ng krisis, ika'y pinagsasamantalahan o, Pilipinas, naliligaw ang iyong landas ika'y inaapi, inaabuso nang marahas waring pinaglalaruan ang batas ng isang nag-aanyong taong hudas halika't iyong ipaglaban ang bansang ating sinilangan basagin na ang iyong katahimikan at h'wag hayaang manaig ang kasakiman pakinggan, dam'hin, at tignan h'wag ka munang lumiban sapagkat kailangan ang iyong katapangan sa umuusbong na digmaan
0
Apr 9, 2020
Apr 9, 2020 at 9:10 AM UTC
Untitled
Marahil ikaw ang mabisang gamot Na laging naka ngiti at ang noo'y naka kunot Sana'y lagi kang ganyan at hindi malungkot At sa dibdib ay wag magtanim ng anumang poot Pagkat bakas sa iyong mata ang kalungkutan Na tila dulot ng nakaraang paglisan Ako'y nagagalak dahil sa iyong katapangan Na para bang kaya **** harapin ang kinabukasan "Galingan mo pang lalo" yan aking sambit Dahil alam kong pangarap mo'y malapit mo ng makamit Pag aaral ng ukol sa ngipin ay hindi madali Pero pag-papangiti mo sa ibang tao'y talagang wagi Para sa ilang araw na walang tulog Para sa isip **** determinado't may pagsisikap Kapit lang. Dahil balang araw ikaw'y makaka ahon Sa lula ng pasan **** panahon Nais kong malaman mo'y ako'y galak Sa ugali **** taglay at sa mga tawa **** walang humpay Asahan **** sa iyong paglalakbay na lagi akong naka gabay At unang ngingiti sa iyong tagumpay At para sa puso **** marupok na minsan ng nauntog Nawa'y mahanap na nya ang sariling tuldok Dahil ang nais ko lang naman ipabatid Ay kung gaano kasarap mahalin at magmahal ng solid
0
May 17, 2018
May 17, 2018 at 2:12 AM UTC
MEDISINA
Iboboto ko nang matuwid Para sa asensong walang patid Buong Team PNoy – sa senado ko ihahatid Sonny Angara – hatid niya ang solusyon Para sa atin, trabaho’t edukasyon Bam Aquino – nasa dugo ang katapangan Marangal, malinis na pangalan A.P. Cayetano – Presyo, Trabaho at Kita Ibabalanse niya Chiz Escudero – subok na sa senado Kabataan ay hindi mabibigo Risa Hontiveros – tayo’y ipaglalaban Ayaw niya sa korapsyon at katiwalian Loren Legarda – marami nang nagawa Bida sa kanya ang masa Jamby Madrigal – kakampi ang mahirap Galit sa korap Ramon Magsaysay, Jr. – isa ring kampeon ng masa Katulad ng kanyang ama Grace Poe – magalang at maaasahan Sagot siya sa kahirapan Koko Pimentel – ayaw sa madaya Katiwalian ay susugpuin niya A. Trillanes – produktibo sa senado Marami nang nagawang batas ito Cynthia Villar – ang Mrs. Hanepbuhay Siya ang ating kaagapay Dadalhin ko sa senado Mga pambato ng pangulo Dahil kailangan sila ng mga Pilipino. -05/12/2013 (Dumarao) *My Yellow Poems Collection…written on the day before the Elections
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 9:35 PM UTC
Team PNoy – Iboboto Ko Nang Matuwid!
“Real generosity towards the future lies in giving all to the present.” ― Albert Camus Kung gusto may paraan, kung ayaw laging may dahilan. Pero may mga taong sadyang mahina kaya’t nahihirapan makahabol. May mga naghahabol naman na hindi talaga umaabot. Kahit anong gawin walang nasasambot, parang bunga na laging bubot at mukhang hindi na mahihinog. Hindi mo kailangan na maging alipin ng sistema kung ito ay iyong isinusuka. Kumawala ka at maging palaboy kung kinakailangan. Ibinabaon ka ng mga sama ng loob at ng matinding awa sa sarili. Hindi dapat maging ganito ang buhay. Dalawang taon nang pagtitiis, dalawang taon na puro hinagpis at dalawang taon na panay tanggap ng mga galit at paninisi. Tama na, ito na ang panahon para wakasan ang lahat. Sapat na ang mga pagpapakumbaba at pagsasawalang kibo. Hindi ka aso, tao ka tandaan mo yan. ‘Hwag **** ipilit kung hindi naman talaga sukat dahil kahit anong pilit hindi ito babakat. Maging karapt-dapat ka sa paggalang na dapat ibigay mo sa’yong sarili. Tama lang yan magpahinga kana. Ang mundo ay de-kahon hindi kapa isinisilang ganito na ito, wala ka nang magagawa para baguhin ito. Pero ‘pwede kang kumawala, maging rebelde at lagalag. Oo, maghimagsik ka laban sa mapang-dusta na sistemang umiiral. Patunayan sa kanila na kaya **** mabuhay sa labas ng sapot na bumabalot. Hindi ka balut kundi tao kaya hindi ka dapat na matakot kahit naglipana pa ang mga salot. Hindi ka dapat na lumuhod at magmaka-awa sa mga taong umaastang panginoon. May mga nag-di-diyos-diyosan na mga kupal na nasa lipunan na ang paboritong tapakan ay ang mga mahihina at hampas-lupa na tulad mo; mga putang-ina sila na walang alam gawin kundi ang mang-api ng mga taong kapos sa dunong at pinag-aralan. Ganito ang sistema ng lipunan, ganito kabaho ang mundo na pinatatakbo nang mga walanghiyang tao na kung umasta ay aakalain **** mga kagalang-galang. Mga hindot sila na walang pakundangan sa damdamin ng iba maitanghal lamang nila ang huwad na kadakilaan ng kanilang nabubulok na mga sarili. Tama lang ang ginawa mo, tama lang na kumalas ka sa naaagnas na sistema na nagkukubli sa loob ng mga magagarang opisina. Tama yan, itakwil mo ang mga panlalait na pinakikinis nang mga salitang Inglis na inilalagay sa mga dokumento. Panahon na para maging totoo ka sa iyong sariling damdamin at pagkatao. Binabati kita dahil sa wakas nagpasya ka ng may katapangan – sana noon mo pa ito ginawa. Ako na ang sasalo sa natitira **** kalat, ako na ang haharap sa mga halimaw na iyong tinakasan.
0
Nov 14, 2017
Nov 14, 2017 at 11:30 PM UTC
MATRIX

Continue reading...
7
Laban para sa bayan Laban sa kalayaan, Laban sa katarungan Laban sa katapangan Naririnig mo rin ba? Ang mga alingawngaw Ng mga tao't bansa, Nais ng makalaya Hanggang kailan mo kaya Lumaban sa kanila? Kalayaan na nais Kailan ba makakamit? Patuloy na lalaban Para sa kalayaan, Huwag maging gahaman Upang walang alitan Minamahal kong bansa Ipaglalaban kita, Anuman ang mangyari Patuloy lang ang laban.
0
Mar 6, 2018
Mar 6, 2018 at 10:39 AM UTC
Laban.
Sa di inaasahang pangyayari Ang nagpabago sa bayan ng Marawi Pagbabagong susukat ng katatagan Makamit lang ang kapayapaan Mahirap man umalis sa tirihan Ngunit mahirap mawalan ng masisilungan Hindi bagyo at hindi rin baha Ang dahilan ng pagkasira Hindi makubli ang takot at pangamba Mga batang mulat sa ingay ng mga bala Mga tanong sa sarili bakit, ito nangyari? Nawa'y makapagsimula muli Mga bayaning sundalo Taas noong tatayo Hindi matitinag ang lahing Pilipino Handang mamatay para sa kapwa Pilipino Taimtim na dalangin Lahat ay kakayanin Tungo sa pag-asa Mamulat,magmulat at makiisa Aking ilalarawan Lugar ng puno ng kasiyahan Pagbubuklod at pagtutulungan Yan ang tunay na katapangan.
0
Nov 16, 2017
Nov 16, 2017 at 9:18 PM UTC
MARAWI
Lahat naman may katapusan Hindi lang sigurado kung kailan Lahat naman may hangganan Hindi lang sigurado kung hanggang saan Kay rami na namang tanong sa isipan Na nag-hahanap ng kasagutan Kaya mo ba bigkasin ang salitang paalam Na kahit ayaw mo na naman talagang mamaalam Sapat na ba aking katapangan Upang tuluyang ika'y iwanan Kahit hindi ko gusto Ito ang nararapat dito Ang tuluyan pag-lisan Walang bakas na iiwanan Hindi mag-paparamdam Ni hindi mararamdaman Ayoko dumating ang panahon Isipin mo na ang dahilan Kung bakit kita tinutulungan Ay sa gusto pa kita magpasahanggang ngayon Dahil ayaw lamang maramdaman Ang isang pakiramdam Nang taong minahal mo ng buong katapatan Na sa oras pinili ka n'ya s'ya lamang ay napilitan
0
Dec 26, 2020
Dec 26, 2020 at 7:23 AM UTC
"Ayaw ko"