Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kadaling" poems
Sana, bata na lang tayong lahat… Walang alam kundi ang gumising, maglaro, tumawa, matulog at kumain Yung tipong wala kang alam na problema kundi paano ka makakapaglaro bukas kasama ng mga matatalik **** kaibigan.  Paano ka tatakas sa nanay mo dahil gusto kang patulugin pero ang isinisigaw mo ay “maglalaro ako!!!” Sana , bukas ay bakasyon na… Late magigising tapos kakain lang, manonood ng paboritong palabas, liligo, gagala tapos pagkauwi ay manonood ulit mamaya ay matutulog na.  Habang nakahiga ay nagtetext sa importanteng tao sa buhay mo kaya naman ay kakwentuhan mo ang kapatid mo, magulang mo o ang  asawa mo. Sana, pasko na lang bukas… Lahat ‘tila ba walang problema kundi “paano ang mga inaanak ko?, paano ang mga regalo?  at sana mapasaya ko sila…”  Tiyak lahat ay Masaya dahil napakahirap magalit sa araw na ito.  Ito ang araw na napakadaming taong nagbabati o nagkakaayos mula sa pangit na nakaraan dahil sa bisa ng Pasko. Sana bukas ay may darating kang regalo- pera man o gamit o di kaya’y isang kasiyahan … Siguradong ngayon pa lang ay excited ka ng magbukas o tumanggap nun dahil wala namang taong di Masaya kapag nakatanggap ng regalo.  Itatago mo ito at pakakaingatan lalo na’t ang nagbigay ay napakahalagang tao sa buhay mo. Sana ikakasal na ako bukas… Lahat tayo ay may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi man lahat ay madami.  Siguradong kung naiisip mo ito, walang laman ang isip mo kundi masasayang sandali.   Kung ikaw man ay naikasal na, maaalala **** minsan ay naglakad ka papuntang altar habang inaantay ka ng mahal mo o ikaw yung naghihintay sa harap ng altar kasabay ng mga nagtatakbuhang daga sa dibdib mo. Napakaraming masasayang bagay ang naiisip natin ngunit di ito kadaling ibinibigay.  Dapat, paghirapan natin ito…
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 2:27 AM UTC
SANA

Continue reading...
12
Naging ganito ako dahil sayo Dahil nandyan ka para mahalin ang buo kong pagkatao Tanging kasiyahan ang naramdaman ko Ikaw na laging sinisigaw ng puso Laging nandiyan para iparamdam ang kahalagahan ko Naging ganito ako dahil sayo Dahil ang lahat sa akin ay iyong iyo Sa lahat ay lumaban ako Pagmamahalan natin ay pinaglaban ko Pag iibigan ay inalagaan ng husto Naging ganito ako dahil sayo Dahil sa mga mata mo Mga mata na iba na ang titig sa mga mata ko Mga kamay na lumuluwag ang hawak sa mga kamay ko Mga labi na hindi na ang binabanggit ang pangalan ko Naging ganito ako dahil sayo Dahil sa iyong pagsuko Ganoon ba kahirap na ipag laban ako? Ganoon ba kadaling saktan ang puso? Ganoon ba kahirap na pumasok sa iyong mundo? Naging ganito ako dahil sayo Winasak ko ang sarili ko Tulad ng pagwasak mo sa aking puso Bakit ba ikaw pa ang minahal ko? Bwisit na kupido, palapak na pana't palaso Naging ganito ako dahil sayo Oo, ikaw na walang ginawa kung hindi saktan ako Ikaw na madaling sumuko Ikaw na hindi kayang panindigan ang mga pangako Ikaw na may pag ibig na mabilis maglaho
0
Oct 12, 2016
Oct 12, 2016 at 6:31 AM UTC
Naging ganito ako
Gaano ba kadaling ipagwalang-bahala ang isang bagay? Iniisip mo parin ba ang kasiyahan, O hindi mo na namamalayan , ang iyong kapalaran? Marahil ngayo'y hindi mo pa naiisip ,na Kinabukasan ngingiti ka parin ba o, Palihim ka nalang sisilip. Tignan mo ang kapwa mo kayod-kalabaw buong buhay Habang ikaw nakaupo ka lang nakaharap sa modernong teknolohiya, Sinusubuan ng pera at habang buhay ka na yatang magiging buhay maharlika, Ano? Magmamasid ka nalang ba sa nangyayari? O iisipin mo nalang ang ginawa mo nung nakaraan, Malagim na nakaraan na dinadala mo sa kasalukuyan Hindi puro kasiyahan ang takbo ng buhay ng tao Kailangan din ng kahirapan,kalungkutan para makamit ang inaasam-asam, Huwag kang tumunganga kumilos ka , Ano? Hahanap ka ba ng paraan o ngingitian mo na lamang? O iaasa mo nalang sa ibang tao , o sa pagod **** mga magulang, Na nakaupo ka nalang hindi kumikilos naghihintay ng pera ni Juan?
0
Nov 16, 2017
Nov 16, 2017 at 11:56 AM UTC
T(Ano?)ng
Sana kung gaano kadali ang pag-hinga, Ganun lang din sana Kadali ang malimutan ka. Sana kung gaano kadali bitawan ang lobo, Ganun lang din sana Kadaling maglaho ang pag-ibig ko sa’yo. Sana kung gaano kadali tadyakan ang preno, Ganun lang din sana Kadali huminto ang nararamdaman ko sa’yo.
0
Jan 7, 2015
Jan 7, 2015 at 11:36 AM UTC
Sana
Wala na akong ibang gusto,
 Kundi ang muli kang kumatok sa pintuan ko,
 Kapag nakita ko ang maamong mukha mo,
 Pwede na akong mamatay dahil sa sayang nadarama ko. Noong inusal mo ang iyong huling paalam,
 Namatay ako, ang sakit ay hindi maparam,
 Sa tuwing ako'y humihiga,
 Unan ko'y laging basa dahil sa mga luha. Kung minahal mo ako,
 Bakit iniwan mo ako,
 Hindi ba sapat ang nadarama mo, 
Ganoon na lang ba kadaling itapon ang lahat ng ito? Dahil sa'yo nagawa ko ang mga bagay,
 Na hindi ko alam kaya’t ayaw kong sayo'y mawalay, 
Binago ako ng pagmamahal ko para sa'yo,
 Pero bakit ganon, pinili mo pa ring iwan ako? Minahal mo ako, ang kaso lang may pero,
 Pero hindi na ngayon, pero hindi na pwede,
 Pero ayoko na, pero hindi na ako masaya, Pero pagod na ako, pero suko na ako. Ang dami **** pero, ang dami ko namang sana,
 Sana ako pa rin, sana pwede pa,
 Sana gusto mo pa, sana masaya ka pa, 
Sana hindi ka napagod, sana hindi ka sumuko. Sana isang araw magkapalit tayo,
 Ikaw yung may sana, ako yung may pero,
 Iyong tipong gusto mo tapos ayaw ko,
 Katulad ng mga linyang ito, “Mahal kita, sana pwede pa,
 Sana ako pa rin, sana tayo na lang ulit.”
 Tapos sasagot ako nang,
 "Pwede pa sana, pero huli na, nawala na yung pag-asa ko na magiging tayo pa.”
0
Apr 16, 2016
Apr 16, 2016 at 9:56 PM UTC
Ika-1 ng Setyembre
Kaya palang palamigin ng salitang "nakakapagod na" ang samahang pinapainit ng araw - araw na pag kikita. Kaya palang palamigin ng salitang "nakakasawa na" ang samahang pinapainit ng maraming palitan ng salitang mahal kita. Kaya din palang palamigin ang samahang binalot ng mga yakap, kinandado ng mga halik, pinainit ng mga pag ikot sa kama at samahang matagal **** Pinaglaban, Pinaghirapan, at inalagaan ng isang salitang kahit kelan hindi sumagi sa iyong isip na bitawan. Kaya palang patamlayin ang relasyong wala kang ibang alam gawin kung hindi punuin ng mga tawanan, biruan at walang iyakan at sigawan. Kapag wala ng tamis, at puro na lang pait. madali na lang sabihin ang salitang, "Sandali lang, hindi pa pala ako handa". Ganon na lang ba kadaling masira, mawala, maglaho ng parang bula.                                            at isang gabi magigising ka                                                                     wala na sya.
0
May 22, 2018
May 22, 2018 at 5:29 AM UTC
12 years
nagkaro'n ng kahulugan ang pananatili para sa mga pinagkaitan ng liwanag hindi ba maaaring kanlungin mo ang lahat? o manganak nang manganak mula sa sugat? gano'n ba kadaling hukayin ang pangarap at kuning muli at alisan ng tatak? paano lilingon nang walang luhang papatak? hindi lamang pagtalikod ang pamamaalam o pagpahid ng mansanilya sa pusong nilamutak at sinasagasaan pasasaan ay lilisan, ngunit bakit hinayaan **** mangyari nang mabilisan? walang daan, walang paraan, kung paano ngingiti ang isang kaibigan.
0
Mar 17, 2018
Mar 17, 2018 at 11:32 PM UTC
Dating Isko