"inanod" poems
“Tabing Dagat”
Naalala mo pa ba? Ang huling sandali na kasama kita?
Nong panahong sinabi **** susuko ka na
Nong panahong ako ay binitawan mo na
At ika’y umalis at iniwan ako sa tabing dagat mag isa
Saksi ang mga hampas ng alon noon sa mga pangako mo
Pangako na noo’y pinanghawakan ko at ngayon ito’y nag laho
Pangako mo na parang kastillo ng buhangin na iyong binoo
At sa isang iglap lang ito’y hinampas ng alon hanggang sa ito’y gumoho
Inukit mo pa noon ang pagalan naten sa basang buhangin
At sinabayan mopa sa pag kanta na puno ng mga dalangin
Dama yong pagmamahal noon at sa init ng mga yakap mo
Pero dama ko rin yong sakit nong araw na ako’y iniwan mo
Hawakan mo mga kamay ko at walang isa sa atin ang bibitaw
Ngunit nong pag bitaw mo mundo ko’y tuloyan naring nagunaw
Saan na ba yong mga pangako mo noon na pinaniniwalaan ko
Mga pangako na ngayo’y diko alam kung yon ba ay totoo
Nilakbay ko ule ang dagat dahil baka sakaling nan’doon ka
Kaso ultimo animo mo’y di ko na masilayan at di ko Makita
Nag laho ka na nga gaya nong mga pangako mo noon
Babalikan pa ba ako kahit alam kung may mahal ka na ngayon?
Kay sakit mahal na pag-ibig naten noon ay inanod narin ng alon
Tanging alaala naten nong kahapon ay siyang lage kung baon
Kung sakali mang babalik ka pa alam mo na kung saan ako makikita
Sa tabi ng dagat kung saan mo rin ako iniwan at binitawan sinta
Dec 20, 2016
Dec 20, 2016 at 9:46 PM UTC
Diniligan ng luha
Ang tuyo kong pagsuyo
Bitakan at tikag
Itong aking puso.
Sinilo mo ako’t
Ginawaran ng rehas
Ipinahalik sa araw
Binasa pa ng ulan
Ako’y kinidlatan
Kulog ay nakapapanting
Tainga’y duguan
Halimaw ang tingin.
Aking pag-ibig,
Pagsinta’t pag-irog
Pawang kuro
At puso’y nilatay
Inilibing
Inihatid sa hantungan
Hindi pa man nito oras
At ang binhing kinalinga
Siya ring inanod ng rimarim.
(12/2/13 @xirlleelang)
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:21 PM UTC
Nagtagpo ang ating mga salita
Higit sa isang sandali
Yung isang sandaling hindi panandalian
At kalakip ng ating tila kaytagal na hintayan
Ang sinasabi nilang heto na
Heto na pala ang pangmatagalan.
Nagtagpo ang ating mga ulirang mga puso
Kasama ang bawat sakit na hanggang ngayo'y pasan-pasan pa rin natin.
Kasama ang bawat agam-agam,
Kasabay ng kanyang pagluwas buhat sa mga makakapal na ulap
Ang pagtanghod ko sa muli nating pag-uusap.
Nagtagpo ang ating mga damdaming
Marupok pa sa kahoy na hinayaang anayin.
Kung saan ang bawat pako'y nag-iwan ng mantsya at kalawang.
Nagtagpo ang ating mga basag na pangarap
Ang mga pangakong hinayaan nating
Matunaw sa likido ng galit at pait.
Nagtagpo ang ating mga paningin
Sa hindi inaasahang tambayan
Sa tambayan ng damdaming
Akala nati'y wala nang lusot para sa kinabukasan
At kasabay ng minsan nating pag-aaksaya ng panahon
Sa pagpapaligaw sa mga mabubulaklak na salita,
Tayo ay nagtagpo na may iisang luha sa iisang garapon.
Nagtagpo tayo sa basag na nakaraan
At hinapo sa bawat piyesta ng masasakit na mga salita
Bagkus sa likod ng bawat "ayoko na" at "bahala ka na"
Ay sabay tayong nagtagpo at nagtago ng ating mga dala-dala.
Doon ka sa kaliwa at ako naman sa kanan
Doon tayo sa magkasalungat na landas
Kung saan ang oras ay posibleng di na magsipaglihis pa
Na ang aking umaga ay di mo na gabi
At ang aking gabi ay di mo na umaga.
Kung saan ni isa'y di na aalis
At kung saan ang lahat ay posibleng di na magmintis.
Baka doon --
Baka sakaling matagpuan nating muli ang isa't isa.
---
Minsan, napadpad ako sa karagatan
Kung saan ang bawat hampas ng alon
Ay tila kumpas na lamang ng nakaraan
Na ang dating puting buhangin
Ay unti-unti nang nanumbalik
Akala ko'y isang panaginip
Pero doon ay may subalit --
Subalit na napakaganda.
Ako'y saksi sa pagluha ng langit nang pabaliktad
Na parang ang lahat ng maganda sa dalampasigan
Ay unti-unting inanod
At akala ko'y di na makababalik.
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 8:06 AM UTC
071316
Di tayo nagkamaling ipaglaban ang sa atin,
Pag-ibig sa Baya'y ipinag-igting,
Sa bawat kislap ng kandilang nanlilisik.
Minsa'y ang kampana ng puso'y nabibitin,
Ilang beses inanod sa nauudlot na pag-irog,
Bagkus ang lamat ay natapos
Ng kagimbal-gimbal na ulat ng ngayon --
Tayo'y nagwagi, nanalo ang pag-ibig!
Jul 13, 2016
Jul 13, 2016 at 8:34 AM UTC
#011816
Kinausap ko ang Langit
Na buksan ang malaking pintuan
Nang pumagitna Siya sa'ting dal'wa.
Sinalo Niya ang bawat butil ng luha
At ako'y nagkusang mamahinga sa Kanyang piling.
Hinarap ko ang pagkakamali noon,
Nang minsang sadyain kong bitiwan ka rin
Pagkat biglaan din ang pagbitaw mo.
Inanod ako sa Kanyang bisig,
Doon nahilom ang puso't
Ngayong may panibagong katha.
Hindi ko inasahang
Iihipan ito ng Hangin at mapapadpad sayo.
Pero hindi ko magawang magwelga't magrebelde pa,
Pagkat hindi naman ako ganoon.
Siya na rin ang nagkusang tulakin ako
Pagkat kaya Niya sa buhay ko --
Nang tunay ngang lumaya ako.
Sa amin na lamang ng Langit
Ang huling pag-uusap;
Maging ang panggagamay ko
Sa karayom na sobrang sakit.
Panalangin ko pa ri'y ikaw,
Ikaw at ikaw, siyang anurin din ng Langit
Nang bulong Niya'y mapagnilay-nilayan mo.
Ganoon ang pag-ibig Niya..
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 9:23 PM UTC
mukha mo’y paulit-ulit na inaalala,
kasabay ng paulit-ulit kong pagluha,
mata ko’y pasulyap-sulyap,
ikaw ang palaging hinahanap-hanap.
tuluyan na akong nalunod,
at tuluyan na akong inanod,
sa aking bawat pagtingin,
bumubugso ang aking damdamin.
sa oras ng iyong paglingon,
tila naguluhan ako sa sitwasyon,
ang lahat ba ng akala ko ay umaayon?
mahal mo na ba ako ngayon?
sa iyong paglakad, ako’y napatagilid,
sa aking mata’y may luhang nangingilid,
sapagkat sa iba ka lumapit,
at heto ako, tiniis na lamang ang nadaramang sakit.
Oct 1, 2017
Oct 1, 2017 at 2:34 PM UTC
Huminga
Huminga
Huminga
Marinong napadpad sa kawalan
Na ang layag sana'y tungo sa kalayaan
Ngunit napagod
Kaya inanod
Sumikad ng mabilis at baka ika'y masilo
Huwag kang papahuli dahil ika'y solo
Sa gitna ng kawalan ika'y sumulong
Sapagkat marino,walang tutulong
Sarili ay paalpasin sa pagtangis
Kumawala sa nangangambang wangis
Iwaksi ang lumbay
Sa indayog ay sumabay
Marino,huwag kalimutang ika'y buhay
Hagupit lamang ito ng pagsasanay
Maglayag at umalis sa kulungan
Pumaroon kang muli sa KANYANG kanlungan
Huminga ka at Magpahinga
Aug 19, 2021
Aug 19, 2021 at 10:54 PM UTC
siguro lilipas din 'to
parang paglipas ng damdamin natin
tila tinanggay
inanod
nawala
at ngayong may posibilidad muling makita
ay natatakot sa kung anong pwedeng magawa
sa damdaming lumipas, tinanggay, nawala
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 4:08 AM UTC